Sabado, Hunyo 30, 2012 sa ganap na 3:23 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Pangalawang magulang ang turing natin sa mga guro natin sa eskwela. Sila ang kasama natin sa mga oras na nawawala tayo sa dapat na landas na tahakin. Ginabayan nila tayo sa tuwing nalilito. Mga guro natin ang naging sulo upang bigyang liwanag ang daang nadiliman ng ating pagkatao. Hawak nila ang ating kamay habang hinahanap natin ang sarili. Minahal natin sila tulad ng pagmamahal natin sa ating mga magulang.

College na ’ko. Halos magtatapos na, ang bilis talaga ng panahon. Kahapon lamang pinapangarap ko ang makapag aral sa PUP, ngayon papaalis na ‘ko. Hindi tulad ng panahon, mas mabilis kumilos teknolohiya. Takbo ito ng takbo, kahit si Lydia de Vega pa ang humabol dito ay paniduradong lalawit ang dila.

Nitong mga nakaraang taon lamang nauso ang N6300, MP3 at MP4, isang iglap lamang narito na ang Blackberry, iphone, ipad. May laptop na ring pwede nang gawing notebook, kung saan may sensor ang iyong pinagsusulatan na direktang nakakonekta sa laptop. Matapos magsulat, makikita sa laptop ang notes na awtomatikong naka MS Word na. hindi na natin kailangan ng papel, puro memory card na lang. nakakahiya na rin gumamit ng diskette, may flash drive na kasi.

Hindi na naglalaro sa labas ng tahanan ang mga bata. Abala sila sa tetris, dota, Farmville, plants vs zombies, angry birds at marami pang iba. Hindi nila naranasan ang mapawisan sa likod na halos maaari nang mapigaan ang damit sa pagkabasa. Patintero, tumbang preso, block 123, ilan lang yan sa mga larong hindi na nakikita ngayon. Daliri na lang ang tanging pinapagalaw sa panahong ito.   

Nakaraan may nakita ako sa telebisyon, bagong imbensyon ng isang mayamang bansa. Isang robot na nakapagsasalita. Naka data base ang mga sinasabi nito sa harap ng maraming tao. nilalahad lamang nito ang pawang mga nakatakdang sabihin sa kaniyang tagapakinig. Akto nito ay tila isang guro. Nangamba ako bigla sa aking nasaksihan. Kapag ito’y nagpatuloy, may mga guro pa kayang madatnan ang mga susunod na henerasyon?

Tinanong ko ang guro ko sa hayskul sa Physics ukol dito. Tutal naman ay kaugnay ang kanyang tinuturo sa teknolohiya, pabor kaya siya sa mga nangyayari?

alam mo maganda sa mga guro? Yung magkaroon ng attachment sa mga taong nakakasalamuha nito. Ikaw, ako, hindi ba’t kapag nagkakasalubong tayo nagngingitian tayo? May pakiramdam tayo sa isa’t isa. Maganda rin naman yang robot teacher, pero limitado lang ang alam nila, nakadepende din sila sa mga tao.”

Nagulat na lang ako sa tinuran ni ma’am Lofamia. Bakit nga pala natin kailangan pagkagastusan ang mga robot teacher kung kaya rin ito o mas higit pa ang kayang maibahagi ng ating mga kasalukuyang guro? Malamang ay milyon ang nakalaan para makagawa ng ganyang imbensyon, ngunit silang mga minamahal nating guro ay nakapagtitiis sa kakarampot na sahod na natatanggap.

Napakabilis lumakad ng panahon, tumatakbo naman ang teknolohiya. hindi maglalaon, magkakaroon na tayo ng mga kasambahay, aso, pusa, girlfriend/boyfriend, anak na robot. Pawang mga walang pakiramdam. Pakiramdam na pinakamahalagang biyaya ng may likha. 

Martes, Hunyo 26, 2012 sa ganap na 5:42 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Alam mo ba na ang swerte mo? Ka-birthday mo kasi ako eh! De joke lang.  ako pala ang maswerte, kasi kapag naghahanda ka noong high school natin, nakikisawsaw lang ako. Kunyari kasalo ako sa nagpahanda. Dahil din sa’yo nalaman ko na pwede rin palang magkaroon ng magkaparehong kaarawan. Ang galing lang ng buhay.
First year pa lang tayo, hindi na talaga kita kasundo. Naalala mo ‘yung sinabihan kita ng ‘WALA KANG MAGAWA? PAKAMATAY KA!’? tangina kasi sobrang asar ko sa inyo, ang dami niyong trip sa loob ng classroom. Tas ako nakaupo lang guguluhin niyo pa? pero okay na ko. Naalala ko lang.
Minsan pa noong klase natin sa labas ng corridor, wala kasi tayong mapag-room-an para sa Values Education Subject natin. Matapos noon, nagtatayuan na tayo para mag lunch na. nagsipaan muna tayo. One is to one ang paa natin. Sisipa ka, ako naman. Ikaw ulit, ako ulit. Hindi ko na alam ang dahilan ng sipaan natin, basta diba galit tayo sa isa’t isa noon? Ngayon hindi na. forgive but never forget ang mantra ko sa pakikipag-away.
Jamin, naging masaya ka ba sa pagiging emo mo? Diba noong usong uso pa ang Emo Society, ikaw ang pinakanagpapakita ng devotion sa pagiging kaisa ng sa grupong ‘yon? Kahit nga noong inaasar ka ni Janine na ‘emo is gay,’ tuloy ka pa rin. At pinagtatanggol  mo pa ang mga kapwa mo. Naglaslas ka pa. ang tapang niyo nga non nila Sherwin eh. Napagalitan pa tuloy si Sherwin ng mama mo noong nakita ‘yung braso niyang may pulang pangalang naka-emboss. minsan sa buhay mo, may pinanindigan ka. astig kang kaibigan!
Diba ikaw si Aladdin noong nagsayaw tayo ng a whole new world? Gusto ko nga ako ‘yon eh. Pero kasi request ata ng mama mo na ikaw ang maka-experience ng pagiging bida sa isang produksyon. Dahil din sa’yo, nanalo tayo ng best in costume at third place. Siguro dahil ‘yon sa mama mo? Hihi.
Speaking of mama mo, si ma’amIsrael. Isa siya sa dahilan kung bakit ko gustong balikan ang Filipino Subject sa hayskul. Binaliwa ko kasi ‘yon. Tuloy ngayon, hindi ko na matandaan ang mga kwento sa libro natin. Pero marami rin akong natutunan sa mama mo. Hindi pala porke’t nakasambulat na sa atin ang sinasabi ng teksto, kailangan pa rin nating maghukay ng mas makahulugang pahayag na makakatulong sa buhay natin. Kailangan nating mag isip.
Alam mo bang ang mama mo ang isa sa pinaka-unang nagtiwala sa akin? Ginawa niya akong leader para makapag sulat ng isang Radio Drama. Kahit wala akong alam, kahit alam niyang tanga ako, binigay niya pa rin ako ng magagawa para ma-conquer ko ‘yung pagiging mahiyain ko. Kahit ang fail ng nagawa kong drama, binigyan pa rin niya ako ng 96 na grade.
Diba invited ka sa outing ng section natin? Porwan ka eh. Bakit hindi ka pumunta? Ang dami kaya nating classmate doon!  Once a year na nga lang magkaroon ng pagkikita, hindi ka pa present LAGI!  Ngayon, paano mo mapapangako na makakapunta ka next get-together ng klase natin?
Siguro masaya ka na ngayon? Wala ka nang problema, eh. Petiks ka na.
ang dugas mo naman , dapat sabay sabay tayo tayong haharapin ang pagtanda natin eh. Tapos babalik tayo sa Maceda, babalikan natin kung saan tayo nagkakilala. Pati mga pinagdaanan ng buong klase natin. Magbabalitaan ng mga sariling karanasan.
Hindi kita kayang pakawalan. Paano kapag birthday na natin? Ako na lang sasalo ng lahat ng handa? tsk. 
Nauna ka na. Bantayan mo kami ah?
Dadalaw kami diyan sa inyo, kung hindi man, siguro mauunawaan mo naman.
Kita kits na lang Benjamin! Reunion tayo sa takdang panahon.
Siguro nga una unahan lang sa kaligayahan.
I will miss you! 

Biyernes, Hunyo 22, 2012 sa ganap na 6:48 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Gusto ko lang libangin ang sarili ko ngayon. Dalawang araw na kasi akong binuburyo ng napakalupit na traffic. Kung kalian sobrang aga ko umalis ng bahay saka naman tinotopak ang kalsada ng Kamaynilaan.
Kahapon, Tuesday, 6:10 ako lumakad. Pabandying bandying pa ako sa paglalakad. Dinadama ang sikat ng araw at ang freshness ng hangin sa pag-aakalang hindi pa oras ng pagkandirit pababa ng building na tinitirhan naming.
Sakay ako ng jeep. Bayad. Headset. Radio station 93.1. nangingiti pa ako mag-isa. Tuwang tuwa sa topic ng The Morning Rush. Bumaba at sumakay ng bus pa-Ortigas ng bandang 6:40. an gaga!
Ngunit pagtuntong ng sasakyan sa Santolan…. Biglang naging 7:30 ang oras! Anyare? Hindi gumagalaw ang mga sasakyan! Okay langsanakung dito lang ang traffic, dahil kapag nakalagpas kami dito, dire-diretso na ang andar. Pero hindi! Dadaan pa kami ng napakaraming stop light! Dadaan pa kami ng inevitable na La Salle Greenhills! (infairness naman saLa Salle, nag-improve ang parking space nila sa harap ng school nila. Hindi na nila sinakop ang dalawang lane ‘di tulad noong first day.)
8:05 ako dumating sa office. Sabit pa sa grace period.
Kanina, Wednesday, umalis ako sa bahay ng 6:30 expecting na hindi ako tatamaan ng kamalasan ngayon. Tama ang kasabihan, lightning don’t strike twice sa parehong lugar.
Hello traffic kaagad ako sa Don Bosco Sta. Mesa! Sobrang dami ng sasakyan! Nagsisiksikan sa tabi ng jeep na sinasakyan ko. Tila mga escort vehicle ko at sa sobrang dami kong hagad, ako ang hindi makausad!
Daloy pagong na ang traffic. Kaya nung tumuntong kami bago mag-hotels daan pa-stop and shop na may bumper to bumper na sitwasyon, hindi ko na pinalampas pa’t tumakbo agad ako pa-V. Mapa para doon mag-abang ng bus.
Check time. 7:10.
Sinipat ko ang LRT, kaya mo ba akong dalhin sa Ortigas before 8? Tangina, mapapamahal pala ako, samantalang may posibilidad din na ma-late ako.
Ang mahirap kasi sa mga companies, kapag on time ang empleyado at may kaunting over time, wala silang pakialam. Pero kapag late pero nag over time, bawas agad sa sahod! Mga Chinese talaga. Yumayaman sa paggamit sa maliliit na hindi makapalag.ScarboroughShaul lang?!
Sa V. Mapa, para akong tangang kaway ng kaway sa mga dumadaan na G liner. Kaya takbo naman ako sa SM Sta.Mesa. Takbo ako ng takbo, wala akong pakialam kahit naka-long sleeves ako. Mukha na akong hindi naligo.
Nakita ko rin doon ang mga sinamang palad na malapit nang ma-late. Ang dami. Lahat sila nakakunot ang noo. Lahat sila desididong makasakay sa susunod na pagdaan ng bus. Balyahan ‘to malamang. Kailangan ng matinding pwersa para makasakay agad.
Short cut. 8:10 ako nakarating sa office. Laaate!!!
Pag-uwi.
First time kong makakita ng live na dukutan. Kwento ko na rin para lalong masayang ang oras natin.
V. Mapa! Maraming bababa! tip ng kundoktor sa driver at sa magnanakaw. Ihihinto ng driver ang bus, kikilos naman ang magnanakaw. Lahat sila nasa isle. kahit hindi pa bababa ang magnanakaw, nakikipaggitgitan na siya sa mga tao, charo.
Kitang kita ko ang mga pangyayari. Matapos siyang makakuha ng anuman, kinalabit niya ang una niyang biktima para ituro ang isang lalaking kakababa lang. concern ba siya o gusto lang niyang lituhin ang kikay na babae.
Hindi pa siya nakuntento, ate charo. Pumwesto siya sa bukana ng bus. Ang likot ng mga mata niya. Bawat umbok tinitignan niya. Ewan ko lang kung may interest siya sa iba pang umbok. Kapag nakakita siya ng kakaibang bulge sa ibabang parte ng katawan, pilit na niyang iipitin ang tao.
Nakakatakot ang itsura niya.Parasiyang napakaruming version ni will smith.
Maging ako aligaga na. bababa na kasi ako. Lahat ng valuables ko (nokia C1-01 at wallet na puro ticket ng bus) nilagay ko na sa sulok ng bag ko para mawala ang bulge ng bulsa ko. Isa na lang ang kailangan kong itago. Buti tulog. Hindi masyadong takaw nakaw. ayon safe ako! Haha.
sanahindi na masundan ‘tong kwento ko. Ayaw kong maging traffice account ang tumblr ko. Lalong ayaw kong mapuno ng tardiness ang pay slip ko!
Bye!

sa ganap na 6:44 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Hindi ko alam paano ‘to sisimula. Kakapanuod ko pa lang kasi ng Gawad Urian, natatakot akong maging katulad ‘to ng mga speech ng nagsipagwagi.
Headphone plug in. radio station 98.7. ulan. 
Noong hayskul ako, hindi ko matanggap sa sarili ko na mahirap lang tayo. Hindi ko gusto ang mang-imbita ng mga kaklase sa bahay dahil masisilip nila ang kundisyon ng buhay natin. Minsan may nagpupumilit na pumunta sa atin, pinagtulakan ko sila. Sobrang dami kong dahilan, sinabi ko pa na kasalukuyang pinapaayos ang bahay para hindi sila matuloy.
Hindi ko gusto ang pangunahing pinagkukunan natin ng pangkaen araw araw, ang pagtitinda ng almusal at pananghalian. Hindi ko gusto kapag sa simula ng klase, magpapakilala isa isa, sasabihin ang trabaho ng magulang. Nahihiya ako.
Marami akong hinihiling sa inyo na hindi akma sa estado ng buhay natin. Christmas party namin, 2nd year high school. Lubos ang pagtanggi ko noon sa mga kaklase ko na mapasaakin ang isa sa mga putaheng panghanda kaya natoka sa akin ang spoon and fork. Kahit ‘yon, sapilitan pa ang pagbibigay niyo ng pera. Madarama ko pang nasabi na, 7th honor po kasi ako kaya may toka sa akin, sabay hagulgol at pagpayag niyo. Ang higpit natin sa pera.
Bawat paskong dumadaan, bawat batang sobrang gagara ng kasuotan, bawat mga pagkaing nakahain sa noche buena at medya noche, inggit na inggit ako dahil laging halos wala tayo.
bakit ba hindi natin makuha ang ganoong buhay? Bakit ba kasi hindi ka makahanap ng trabaho? ‘Yung stable na buwan buwang may natatanggap tayo?
4th year hayskul ko, kasama ko si Ann sa jeep pauwi, magpapasko nanaman. Nagkukuwento siya ng mga nabili na niyang mga damit pamasko. Samantalang ako, iniisip ko pa kung kalian tayo bibili at kung bibili nga ba. Noong nakaraang taon nga wala akong pamasko eh. Hindi na lang ako nagsalita. Lahat ng lakad, mapakamag-anak o kaibigan, hindi ako dumadalo dahil alam kong punung puno ang mga ‘yon ng pasikatan ng mga bagong damit.
Dati pa man, gabi gabi akong humihiling na sana makaalis ka na paibambansa para makahinga na tayo sa araw araw na alalahanin. Ito muna ang ulam ngayon o mamaya dahil wala tayong pera. May natirang paninda kanina, initin na lang natin. Huwag muna ngayon, bukas na lang ‘yan, ubusin muna natin ito.
Hindi ko pinapakialam ang lahat ng bigat ng pamilya natin, ang mahalaga lang sa akin, nabubuhay niyo kami. Kahit saan pa kayo maghagilap ng mauutangan, pambaon ko, pangtustos sa amin, bahala kayo.
Pero iba na ngayon, pa. graduate na ako. Matalino na ako. Nahihiya ako sa tuwing ginugunita ko lahat ng mga pinaggagawa ko noong bata pa ako. Kulang pa nga yang mga nasa itaas. Lahat ‘yon nagturo sa akin ng napakaraming leksyon. Dinala ako kung saan man ako ngayon.
Pa, may trabaho na ako. Hindi muna ako maghahanap ng asawa. Tutulong muna ako sa panggastos hanggang kaya na natin. Para hindi ka na rin magtrabaho sa malayong lugar.
Pa, sorry sa lahat.
Nagpapakabuti akong tao para maging proud kayo sa akin. Gusto kong dalhin apelyido mo sa taas, nirerespeto at hinahangaan. Habang buhay mo po akong anak kahit mamatay at mabuhay may ako sa ibang katauhan.
At kapag nagkaanak na ako, ipararanas ko rin sa kanila ang pagiging tatay mo sa amin.
Happy father’s day po!

Linggo, Hunyo 10, 2012 sa ganap na 5:15 PM sinalpak ni tadong daniel 3 Comments

6:37pm, Sunday 10-06-2012
dalawang oras na halos noong huli kong makita si mama. bago ako maligo, nakita ko pa siya sa may sala. ganoon na ba ako katagal maligo? kapag labas ko sa banyo ay nawala siyang bigla. hindi ko maamoy ang presensya niya. ni hindi ko siya makita sa kapitbahayan namin. karaniwan kasi kapag wala ang mama sa loob ay makikita siya kabilang mga bahay. nag-a-update sa mga latest happenings sa pamayanan at sa buhay ng mga tao rito. lalo na ngayon, may bago moment ang mama kasi nauna siya sa balitang talo si manny pacquiao. straight from the Bombo radio! 

inisip ko na nga lang na upset siya kasi nga may pumalit ng champion of the world. umakyat na rin ako sa roof top, baka sakaling nandoon siya at gustong mapag-isa. wala. yung headset niya ay nasa lalagyan pa maging ang kanyang cellphone. so hindi pwedeng nag-sound trip siya sa ibang lugar. naglakad mag isa, nag-walkathon papunta kung saan dalhin ng paa. 

babalik yon. kahit ano man ang pinagdadaanan niya ngayon, sa tahanan niya pa rin nanaisin matulog. naghintay ako ng limang minuto. naiinip na ako. gusto ko nang magkape. kailangan ko ng magic sarap kapag ako ang nagtitimpla ng kape ko eh. pero ‘pag si mama na, iba ang lasa. kuhang kuha ang kombinasyon ng kopiko cream. napilitan tuloy akong ubusin ang mapaklang kape. wala akong ginawang remedyo, baka lalong mapasama ang mukha ko. 

may lakad ako ngayon, unang kaarawan ng inaanak ko. umalis akong walang paalam sa pag-aakalang sasalubungin ako ni mama ng tanong kung saan ako nanggaling. sa sala, kwarto, kusina at banyo. wala akong naaninagang magandang nilalang. makahanap ako parang ang laki ng bahay namin.

yung kaninang mga tulog kong kapatid, tinanong ko rin kung dumating na si mama at kung saan galing. natakot  ako sa sagot nila. akala umano nila umalis ako para hanapin si mama. wala pa rin pala siya. 

tumingin muli ako sa bahay ng kamag anak namin. this time, tinatanong ko na sila kung nakita nilang may dalang bag si mama paalis. o kung dumaan man lang dito para magbilin. wala. sa computer shop. wala. sa basketball court. wala. sa tindahan ng siomai, sa tabing ilog. wala. 

sinipat ko rin ang cellphone niya baka nagtext na ang ex-boyfriend niya from Abu Dhabi o pumunta ng kalentong o kumuha ng sustento namin. wala. hindi ko alam.

nalilito na ako. anong oras na. hindi ko alam paano magsaing, maglaba, magluto. tagahugas lang ako ng plato. tagawalis. tagalatag ng hinihigaan at tagaligpit. basta taga lang ako. 

tumingin ako sa lalagyan ng pera, o diyos ko!, walang iniwan! may pasok ako bukas! wala akong pangload! paano ko matetext ang iba na nawawala ang mama at kailangan namin ng tulong? pinansiyal at mental!

tinignan ko ang kapatid ko na busy at kinikilig kina kathryn bernardo at daniel padilla. katorse pa lang siya, kailangan niya ng gabay ng ina. yung isa naman, nakatitig sa pagmumukha ni jessica sanchez. kaya niyang hindi kumain basta mapakinggan ang idolo niya.

ang problema lang, puro itlog lang na may kung anu anong halo ang alam naming lutuin. paano na ang protina? ang go, glow at grow?

kinuha ko ang earphone. salpak sa C1-01 ko. frequency 98.7. tipong puro instrumental ang tugtugan. hindi ako pwede magmukhang stressed. may audition pa sa broadway sa eat bulaga. Mr. Pogi ba yon? charot! lalo pa akong nabaliw dahil hindi ko mahanap ang tamang pwesto para mapalinaw ang tunog sa radyo! garalgal lnag. pero ayos na ‘to. ayaw ko lang talaga ng lyrics ngayon. 

nasaan na nga ba si mama?

balak kong lagyan ito ng twist. gusto kong subukang magpatawa. kaso hindi ko alam paano ko makikiliti ang nagbabasa nito. hindi naman kasi nakakatuwa ang nangyari. 

nakita ko na si mama! naglalakad padireksyon sa bahay. nakataas ang sleeves sa balikat na tila napaaway sa kanto. mabilis na humahakbang. 

saan ka galing? salubong ko. 

buwisit na networking yan! nahila pa ako! sabay bukas ng pinto. napansin kong gabutil ang pawis niya. wala siyang alinlangang nag-lock ng pinto ng banyo. 

muling nawala si mama!

Martes, Hunyo 5, 2012 sa ganap na 4:50 PM sinalpak ni tadong daniel 18 Comments

dumi ng ilog oh! sabi ng isang babaeng lumba-lumba sa laki. nakapagtatakang malinis siya sa katawan dahil hindi talaga maaarok ng isipan ninuman kung papaano siya nagkukuskos sa bandang binti. kausap niya ang kaniyang anak na marahil ay wala ring pakialam sa tinuturo ng ina. nakadukwang sila sa may bintana ng jeepney. minamasdan ang manong na nasa bangka at naghahalungkat ng pwedeng mapagkakitaan mula sa kakapalan ng mga kalat sa ilog. 

ma, siya yung janitor diyan? ngumunguyang tanong ng bata.

ay anak, wala kasi siyang pambili ng makakaen kaya diyan siya naghahanap.

yuck! ang dumi dumi niyan, kakainin niya? bahagyang napatigil sa pagsagot si Dabiana dahil nakasuksok sa bunganga niya ang kaniyang hintuturo. inaabot ang maning naipit sa dulo ng ngipin. sakto naman sa red light, inihagis ng bata ang sitsirya niya sa ilog. 

bakit ka nagtapon doon? kita mong nasa harapan mo lang ang basurahan o.

ma, may laman pa yun. kapag nakita ng manong yung tinapon ko, edi may pagkain na siya! 

ambaet talaga ng anak ko! sabay kurot sa pisngi na parang nanggigigil. maging ang ibang pasahero sa sasakyan ay napabungisngis sa pagkabibong nasaksihan sa paslit. may ibang umiiling sa dismaya, tulog, pero karamihan ay natuwa. 

makalagpas ng jeep sa jollibee Kalentong, isang lalake ang sumakay. nakasumbrero, shades, long sleeves, chuck taylor, rockstar ang datingan pati na rin ang kanyang amoy. anlakas makabuhay ng concert at natutulog na diwa ng pasaherong pagod sa trabaho pauwi. iba ang sipa niya sa ilong.

napanganga sa kaniya ang mga nasa loob lalo na sa dala niyang tila bibliya, may nakasuksok pang mga sobre sa pagitan ng ma pahina ng libro. akma nang magsasalita si Pepe Smith ay napansin niyang bigla na ang lahat ng pasahero sa naturang jeep ay nakapikit, naghihilik pa. si Dabiana nakahawak sa mata ng kanyang anak, bumubulong. anak pikit ka lang. manghihingi ng limos yan. 

nangiti ang manong sa kaniyang nasaksihan. mga Pilipino talaga, akala nila matatapos ang problema kapag isinawalang bahala lang nila ito. napadilat na lamang ang mga tao sa narinig, maging ang driver ay napapreno. lalo silang nabigla nang makita nilang hindi sobre ang iniaabot ng rockstar. 

isang bag. paikutin niyo yan, lagay niyo mga cellphones at wallet niyo. sabay buklat ng bibliyang may compartment ng baril. bilis! 

walang natuwa sa rebelasyon ng holdaper mula sa kanyang old testament. lahat nagmadaling inilabas ang kani kanilang mga gamit. oras na mapatapat sa kanila ang bag na iyon ay otomatik na inilalaglag nila ang mga gamit, kasabay ng paghalik ng pagpapaalam, nanginginig pa. 

masyado niyo namang mahal 'yang teknolohiya niyo. marami nang nasirang buhay at pamilya yan. sabay turo ng baril sa isang binatilyong kanina pa hindi umiimik. kalmado itong nakapikit. kahit cellphone o wallet ay walang inilagay sa donation bag. pasensya na. wala ako ng mga hinihingi mo. 

weh? sabat ng anak ng lumba-lumba.

ang dami dami na niyan, hindi ka pa makuntento. para kang gobyerno, kahit hindi sa kanila, kinukuha pa rin nila. sobra pa! kurap! sabi pa muli ng emong bata.

wala akong pakialam sa opinyon mo! gusto mong pasabugin ko bunganga mo ng matahimik ka? 

sus ganyan tayo eh. pinapakinggan lang natin ang gusto nating pakinggan. at kapag ayaw natin, gigilitan o di kaya ay kikidnapin ng militar at sasabihin kasapi ng NPA?!

ang dami pang sinasabi! imposibleng wala kang cellphone o wallet! galit na si manong. pikon. hindi niya inaasahan na may ganito katapang na nilalang na masasaktuhan niya. karaniwan kasing mga biktima niya oo lang ng oo. bigay lang ng bigay.

requirement ba ‘yun sa buhay? kapag wala ni isa kukutyain ng taumbayan? nakatingin siya ngayon sa batang kagaya niya ay madaldal. mahirap lang din kaming mga nakasakay sa jeep. kung gusto mong tiba tiba sa ginagawa mo, nakawan mo mga kapwa mo magnanakaw. doon abangan mo sa mga opisina nila sa batasan, malacaƱan, sa senado. wala sila sa jeep! iba ang sasakyan nila! kapag pumalag, kalabitin mo agad ang gatilyo. bayani ka pang ituturing ng nakararami. mali ka kasi ng lugar manong eh. alam ko namang kaya ginagawa mo yan para makaraos sa hirap. pero mahihirap lang din kami. para mo na ring inalipusta ang kagaya mong uri ng tao. 

wala na kay manong ang atensyon ng mga takot na pasahero. nasa bata nang nagmamagaling sa lipunan. nakakunot ang noo ng iba, nagtataka kung anong nakain ng estranghero at nakapagsasalita ng kaepalan. si Dabiana, inip na inip na. nais nang matapos ang palabas sa loob ng sasakyan. nais na niyang tuldukan na ang speech ng bata upang makausad na rin ang jeep. nakapagtatakang hindi sila sinusuway ng mga MMDA. si manong driver din, hinihintay ang mga susunod na aksyon. walang kumukuha ng video ngayon, sayang instant hit sana sa youtube ang kabaliwang sinasabi niya sa eksena. 

hindi naman kasi tayo magkakalaban dito eh. hindi rin dapat magkakatunggali ang mga kapwa mahihirap. ang tunay na kalaban ay ang mga nasa itaas. silang mga nagpapayaman sa pwesto. silang mga kunwaring may malasakit sa bayan pero sa kaban nakatanghod. hindi natin kailangang magsakitan. dapat nga tayo ay nagdadamayan pa at nagtutulungan sa pag angat ng bayan. sa pag-angat ng isa't isa! hindi itong naghihilahan.  

natigil bigla ang bata sa pagsasalita. nakita niya kasing nakataas na ang mga kamao ng mga pasahero sa ere. pati si driver, nag U turn na papuntang Mediola. kumakanta pa sila ng magkaisa, yung kanta ng mga nakadilaw?

tangina, EDSA revolution na walang pagbabago? magtigil kayo! uwi na lang tayo! sa pagtigil ng jeep agad nang bumaba ang holdaper. hindi na nakapagsalita ang mga tao. mangiyak ngiyak ang lahat. pero hindi kasama doon ang batang madaldal. 

dinukot niya ang cellphone sa bulsa, tinignan kung may nagtext. kinuha ang wallet, sabay bayad ng pamasahe. nautakan niya ang rockstar na holdaper.


Biyernes, Hunyo 1, 2012 sa ganap na 4:46 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Alas otso na ng gabi, kailangan ko nang bumalik sa bahay. Mananakawan nanaman ako ng gamit ng mga malilikot na batang miyembro ng salisi gang. Nagugutom na rin ako, malamang pagkain ang unang unang mawawala sa bahay. Buti na lang dala ko tong nag iisa kong pares ng kutsara’t tinidor kung hindi naku nasama na to sa napakilo nila. hihi.

Yupi yupi na nga ‘to, madami dami din kasi ang napangarolingan ko kanina. Natatawa nga ko eh, ang lalaki ng gate dito sa lugar namin, sa halip na WELCOME ang nakapaskil, pagkalaki laking PATAWAD ang nakabungad. Pero hindi ako sumuko, kahit mag isa lang ako, kahit ilang oras nang hindi nadampian ng tubig ‘tong lalamunan ko, kahit may patawad, hala sige bira lang ako.

Pero ayos lang, puro we wish you a Merry Christmas lang ang kinakanta ko sa mga may patawad na nakadikit. Hihi. gamit ko tong nag iisa kong instrumento, palo pa rin ako ng palo, kaso ganoon pa rin, tanging aso lang ang sumasagot. Sinabihan ko na din ang kubyertos ko na makakaranas sila ng matinding pagtatalik. Kinundisyon ko na sila sa torture na magaganap. Nangako naman din ako sa kanila eh. Sa loob ng siyam na araw, malalapatan sila ng tunay na pagkain.

Nung nakita ko ang naipon kong pera, mukha ngang nabigo ako, naka 42 pesos lang  ako. hihi. Buti na lang solo lang ako sa pangangaroling. Bali hahatiin ko to sa tatlong kainan sa maghapon. Ang sarap! Mukhang hindi ko muna magagamit ang lata ko ah. Kailangan sipagan ko pa bukas, mag aaral pa ‘ko ng mga kanta. May mga bago akong naririnig na kanta sa tv kaso baka matagal pa bago ko makabisa. Pero susubukan ko na din.

Pauwi na ‘ko ng bahay. Buti na lang at tumigil na ang ulan kaninang mga alas singko. Butas butas na kasi yung trapal sa may bahay. Tinutuluan ako lagi. May mga bituin na, ang sarap kayang pagmasdan ng mga nagkikislapang bagay sa langit habang unti unti akong napapapikit. Lagi akong naghihintay ng bulalakaw, hihiling lang sana,… ano nga pala yon? Basta gusto ko pasko lagi para may karoling. 

sa ganap na 4:46 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


(uy!: pinalitan ko ang mga pangalan at mga lugar dito sa kwento dahil lubhang pang pribadong buhay ang mga masasaksihan dito. Pinili ko ito bilang respeto sa kaniyang pagkatao. Hindi ko rin kasi sinangguni sa may-ari ng kwento ang pagposte ko nito. Natuwa lang talaga ako sa kaniyang kwento. Kaya’t heto ako tumitipa.)

Pumasok si mama sa trabaho, si john naroroon na sa eskwela samantalang si jenny naman ay mahimbing na natutulog. Mabuti na lamang at hindi pa siya nagigising. Nakakapagod din kayang maglinis ng bahay. Tapos kailangan pang magluto ng pananghalian dahil maya maya ay nandito na si john, kinder pa lang kasi kaya half day lang. Siguro alas kwatro na lang ako maglalaba.

Mas naging madali ang trabaho ko dito sa bahay, kasama ko kasi ang boyfriend ko. Pumunta siya dito sa bahay alam niyang ngayon ang off ko sa chowking pati sa TUP. Ilang araw na rin kaming puro text, mwah mwah tsup tsup lang lagi ang laman ng inbox ko.

Heto kami nanunuod ng showtime. Adik lang si vice ganda eh, kakaiba ang trip manlait. Todo ako sa halakhak samantalang itong si bf nakabukas na ang bibig naghihilik. Napagod siguro. Pinagmamasdan ko siya. hindi naman siya masyadong nakakaakit, pero kakaiba siya magmahal. Hindi naman kasi ako sa hitsura tumitingin, bagkus ay sa haba ng pasensya at sa taba ng puso. Bigla siyang namulat, nangiti dahil nahuli niya ‘kong nakatitig sa kaniya.

“ang gwapo ko no?” “yuck!” bigla niya kong hinalikan. Hindi na ‘ko umilag dahil matagal ko na ding hinahanap ang kaniyang malasigarilyong labi. hindi nakakaadik pero lasa talagang yosi. Lumaban na din ako ng laplapan sa kaniya. Una ay labi lamang ang gumagalaw sa amin, sumunod ay ang kaniyang pagyakap na naging dahilan nang lubos na pagkakadikit ng aming katawan. Lumapat na ang boobs ko sa kaniya. Ramdam ko na pilit niyang dinadama ang aking malambot na suso.

Kinakabahan na ‘ko. Eto na ba ‘yon? Limang taon na kaming mag boyfriend pero ngayon lang kami naging ganito ka-intimate. Ang init ng pakiramdam ko noon, gamunggong pawis na ang inilalabas ng aking katawan. Iba na rin ang halik niya sa akin. Tigang na tigang. Isusuko ko na ba ang bataan? Gumagapang na ang kaniyang kamay mula sa aking likuran. Bumababa na sa aking leeg ang kaniyang mamasa-masang halik. Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman. Ang bilis ng tibok ng aking puso. Nagugulat. Naghihintay ng mga susunod na mangyayari.

Dinikit niya ang kaniyang ari sa akin. Matigas na. handa na siya. kiniskis niya ito, lalo kong naramdaman ang nangangalit niyang sandata. Nakatingin na lang ako sa kaniya. Nagsasalita ang kaniyang mga mata. Tinanong ako kung handa na ba ‘ko. Hindi ko ‘yon sinagot subalit ang mga mata ko ang nagpatibay ng aking pagkabahala. “Kailangan ba talaga ‘to?” tanong ko sa aking sarili. Tumigil na lamang siya, marahil nabatid niya ang aking konsensya.  

Pumunta na lamang siya sa banyo. Hindi ko alam ang kaniyang ginawa. Ilang minuto din akong nakatingin sa kisame. Maraming pumapasok sa kukote ko-punong puno ng bangungot na kamuntikan nang kumitil sa aking bukas.

“pinasakit mo lang puson ko. Tumayo ka na diyan. Susunduin pa natin si john sa eskwela.” Patukso niyang sinabi sa akin pagkalabas niya ng banyo. 

sa ganap na 4:43 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Gusto ko pong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Natutuwa ako sa tuwing hinahaplos niyo po ang ulo ko. Yung mga tawanan niyo ni papa, nakikitawa na din po ako noon. minsan po kapag naglilikot ako, sana po ‘wag kayong magalit. Nagpapapansin lang ako sa’yo. Ang busy niyo kasi ni papa. Alam ko pong mahirap ang buhay natin ngayon. Walang matinong trabaho si papa. Hindi pa po kasi kayo naka graduate ng hayskul. Naaalala ko pa po noong dinala niyo ako ni papa sa may eskwela niyo, pinakilala niyo pa ‘ko sa principal. Very proud kayo sakin. Maging sa ibang mga titsers niyo. Tapos nag iiyakan pa kayo ng mga kaklase niyo sa may room. Tears of joy daw tawag doon.

Ma, sobrang saya ko po talaga. Isang linggo ng umaga nga po nagpunta tayo sa quiapo, pinagdasal mo pa ko. Mahal mo talaga ako mama. Kaso hindi tayo buo noon, wala si papa. Nagmamadali ka kasi, ang alam ko paparating na si papa eh.

Mama, hindi ko lang po maintindihan kung bakit ka umiinom ng alak kasama mga kaibigan mong dalaga. Ang lakas mo pa pong mag yosi. Pinpigilan ka na nga ni lola pero ang tigas ng ulo mo. Ewan ko rin sa mga kaibigan mo kung bakit sila pa ang nagbibigay ng pera sayo para magawa ang bisyo mo. Ma, layuan mo sila, hindi sila tunay na kaibigan.

Mama, nasasaktan ako sa tuwing pinapalo mo ko. Lagi mo kong iniipit. Hindi na nga ko minsan gumagalaw para hind mo na ko hampasin pero ginagawa mo pa rin po. Kung sinu sino na din ang umaapak sa akin. Lagi niyo pa po akong pinapa check up sa kabilang bayan. Hinihilot ako ng matandang babae doon. Ayos lang po ba yon?

Ma, malapit na ko bumitaw dito. Mukhang hindi ko na kaya ang mga natatanggap ko. Ma, madilim po dito sa pwesto ko. Ilang buwan na lang lalabas na po ako. Wag ka pong magmadali na palabasin ako.

Ma, gusto kong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Saglit na lang po. Maglalaro na tayo tulad ng masayang pamilya.
nakikiusap po ako ma, wag niyo po akong ipalaglag.


sa ganap na 4:43 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Kamay sa dibdib
Sa utong, di batid
Kung sinong sumibasib
Gagong pag ibig
Literal na sinisid
Hinanap gamit ang bibig

sa ganap na 4:42 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Muli kang kumatok sa aming tahanan. Alas otso ng gabi, kasulukuyan akong naglalakbay sa kabilang mundo ng mga oras na iyon. Ginising ako ng mama, naroroon ka umano sa labas, nais mo akong makausap.

May dalaw ako? sigaw ng isip kong namimighati dahil napurnada ang tulog. Sige na nga, minsan lang naman. Tumayo ako hindi na nagawang mag sipilyo, kasalanan mu yan. Tinanong kita sa pamamagitan ng mata.May problema ako. sagot mo sa akin. Tinungo muna natin ang lugar kung saan tayo dati rati magkasama, noong nasa elementarya pa lamang tayo. Doon tahimik, walang tao, malayang nakakapagkwentuhan, halakhakan. Ngunit ngayon, babalik tayo sa ating tagpuan, malaki na ang pinagbago hindi lamang pisikal na anyo, maging utak na rin. Muli tayong mag uusap, hindi sa ating kasiyahan, may problem ka.

bakit ganyan kaibigan mo? Nakipag break sa akin, hindi ko naman alam kung bakit. Sabi lang niya nagsasawa na siya, nasasakal. Ang labo niya! Hindi yun totoo eh!” namumuo na ang luha mo. “mahal ko lang siya kaya ko nagagawa ang mga inaakala niya ang mali.” hindi ako sumagot dahil hindi mo pa naman ako tinatanong muli. Baka kailangan mo lang ng tainga, hindi ang aking bibig. “anong dapat kong gawin.” Oras na para bumanat.

wala.” Napatingin ka sa akin. Nagulat ako. first time kong nakita kang umiyak. “kilala ko ang girl friend mo, bunso siya. halos lahat sa mga kapatid niya may kaniya kaniya nang pamilya. Hiwalay ang magulang niya. Bunso pa siya. at sila ay nasa iisang bahay lamang. So siya, pressured sa magulang niya. Hinihigpitan siya nito, ayaw nilang matulad si ann sa mga kuya at ate niya. Ikaw, dumating ka bilang boy friend niya hindi pangalawang magulang. Baka parang tatay ka na sa kaniya? Iparamdam mo sa kaniya ang kaligayahan na hinahanap niya sa labas ng kanilang bahay. Tas ikaw anong ginawa mo?” tahimik ka pa rin. Seryoso, una kitang nakitang ganyan. In love ka nga.

“ Alam mo ba ang isang ideal na relationship? Parang lumulutang sa ulap, walang pakialam kung mahulog man. payo ko sayo, hanggang ang kalingkingan mo ay nakakapit pa sa dulo ng ulap, wag kang susuko. Ayusin mo ang mali. Wag mong sabihing wala kang mali? Respetuhn mo rin desisyon niya. Wag mo rin siyang pilitin, kung magkaganoon man, para mo na ring inilapat muli ang kamay mo sa kaniyang leeg. Gusto mo pa bang magpatuloy ako?” tumango ka na parang bata. Nangungusap.

“pinakahuli, ang pag ibig na madaling makuha, madali ring mawawala”

Nagpasalamat ka sa akin. Tinapos ko na ang aking talumpati na iyong hiniling. Hindi ko na gusto pa itong pahabain dahil inaantok na ako. nais ko nang balikan ang naudlot na pagtatalik namin ni kumareng unan. Halos tatlong oras din pala tayong nagsalitaan. Salamat. Napili mo ‘kong iyakan kahit napakatagal na tayong hindi nagkita. napakarami na nating nakilalang tao, naging kaibigan, salamat muli. Hindi mo pa rin pala tinatalikuran ang ating pagkakaibigan. Gayon din ako, sana malapitan kita sa oras na susuko na ko at balak nang tapusin ang lahat.

sa ganap na 4:41 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Gusto kong magpapansin
Hindi sa mga banlag na iba ang tingin
Hindi sa taong may nakatabong pandinig
Lalo na sa mga kunwaring nakatindig
 .
Hindi mo ako napapansin,
Iba kasi ang ‘yong ginagalawan
Kalye mo’y maraming dumaraan
Diretso ka’t ayaw mo akong lingunin.
 .
Maraming ayaw pumansin
Itsura ko’y hindi gustuhin
Sino nga ba ang matitigilan
Tatambay kasama ang gusgusin?
 .
Pinili mo ang hindi pagpansin
Nais kasi ng mapusong babasahin
“wala namang kwenta iyong sulatin!”
Hindi na natin dapat pang pilitin
 .
Gusto kong mapansin
Hindi lang ngayon,
Maging kinabukasan,
Sa magpakailan man.
 .
Ngayon ko lang ito gagawin.
Pwede bang ako’y mapagbigyan?
Gusto ko ang ‘yong pagtingin!
‘yan ang sigaw ng  aking  damdamin.

sa ganap na 4:40 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Maraming parangal na ang naigawad sa iba’t ibang palabas ng mga istasyon. Tila kabuteng nagsulputan ang mga kagawad ng medya o kung anu pa man sila tulad ng anak tv seal, USTv, idol award, at napakarami pa at lalo pang dumarami. Asteg!

mga parangal na nagbibigay ng inspirasyon sa mga nasa likod ng telebisyon na gumawa pa ng mas dekalidad na mapapanuod. Minsan pa nga ay dapat na matatapos na ang airing nito ngunit dahil nakakuha ng medalya, hayon at napahaba pa ang mitsa. Ito rin ang nagiging pamulat ng mga manunuod upang maengganyong tangkilikin ang mga pinarangalan. Bukod sa napansin  na ang kanilang effort, dagdag ratings pa. bonus! Combo!

Sa tv patrol, buong pagmamalaki nilang inilatag ang mga pamosong palabas na ginawaran at kahanay nila sa kanilang istasyon. Ang dami! Halos hinakot na nila ang lahat. Kayo na! ang galing nga naman ng management ng abs cbn. Sana’y patuloy silang maghatid ng magagandang palabas. Alam mo ang hindi magaling? Yung nagparangal. Hehe.

Sa dinami dami ng ginawaran, hindi man lang nahagip ng aking mata at pandinig ang knowledge channel. Kaawa awang istasyon. Hindi pinapansin ng kahit sino. Marahil nasa channel 42 na ito at hindi na madaling mapanuoran ng mga chikiting? Karamihan kasi ngayon walang cable, pero may internet. Baka ganun nga.

Kung ako magiging magulang na, kung patuloy pa ang pagpapalabas ng naturang channel, kung hindi pa nagsasawa at napapagod ang may ari nito, hindi ko hahayaang lumipas ang isang araw nang hindi makakapanuod ang anak ko kahit isang episode man lang. sayang din kasi ang libreng aral dito. May math, science, araling panlipunan, mga tamang ugali, mga dapat na ugali, at sobrang dami pa.bukod pa dito, may pang elemntarya pa at pang hayskul. buong paaralan sa isang istasyon.

Nalulungkot lang ako dahil hindi na masyadong kilala ang knowledge channel. Dati rati may oras pang inilalaan sa mga eskwela para pagsaluhang panuorin ng mga mag aaral ang napiling episode ng kanilang guro. Kung magkataon man na hindi mapanuod sa silid aralan, gagawin itong takdang aralin.

Ngayon halos hindi ko na marinig ang mga batang nagdidiskusyon sa kanilang napanuod na episode ng hiraya manawari o siniskwela. Tanging chismisan na lang ang kanilang pinagkakaabalahan. Mga crush ditto, doon. Kung anu anong mga kiligan moments.

Hindi na pinapansin ang knowledge channel. Dinadaan daanan na lamang. Ano na kaya ang nangyari sa atin ngayon? Ay oo nga pala, matatalino na mga bata ngayon. Magagaling na tayong lahat eh.
Oo nga pala.

PS. Gusto ko lang sanang parangalan ang knowledge channel kahit hindi ako kilala. Sasaludo lang sana talaga ako. Kaso naiba ang tabas ng daliri ko. Pasyensya na.

sa ganap na 4:38 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Ano pa kayang mukha ang inihaharap ng kalye sa tuwing inihahalintulad sa kanya ang mga taong balasubas? Hiyang hiya na siguro siya sa mga kaibigan niya sa bawat oras na kinakaladkaran ang kaniyang taguri. Natatalisod kaya siya sa tuwing may nag aaway at naaalala ang kaniyang hindi mapaliwanag na katangian?
Isa sa pinakaayaw kong paakiramdam ay yung madiskrimineyt, ang maihanay sa mga binabaliwang tao sa mundo. Masakit kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako karapat dapat na makatanggap ng ganung uri ng pakikitungo. Normal akong nakikisama sa mga tao. pantay na trato sa mga kaibigan, maging sa mga hindi kakilala. Hindi nangmamaliit.

Hangga’t maaari hindi ko hinahayaang may masaktan ako. O di kaya’y hindi na lamang ako nagsasalita. Sa tingin ko’y hindi din naman malulutas ang problema sa tinig ko. Marami na kong nalait na tao noong hayskul at natuto na ‘ko.

isa pa sa ayaw kong matanggap ng kapwa sa akin ay ang malait. Kahit sa hindi direktang paraan, hindi ko magawa. Natatakot ako. noong nakaraang araw may komprontasyong naganap sa loob ng klase namin.
Kapag tao kaming humarap, ineekspek namin na tao rin kaming pakikitunguhan. Kapag nakauniporme ka, aasahan ng mga nakakakita sa’yo na estudyante kang ganap.

Yan ang buod ng mga nangyari. Marahil nahinuha niyo na ang mga eksena. Nais ko sanang isingit ang katagang, kapag pumasok ka sa gate ng eskwelahan, iwanan mo na din sa labas ang ugaling kalye na mayroon ka. Kaso hinila ako ng hiya. Pinitik ako ng aking konsensya.

Kapag hinayaan kong dumulas sa aking dila ang pawang mga salita, maaaring masaktan ang mga taong sa kalye nakatira. Hindi natin kasi pwedeng ilahat ang mga tao roon. Marami sa kanila ay nadamay lamang sa negatibong ideyang isinalin lahi na natin. Lugi sila. 

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile