Alam mo ba na ang swerte mo? Ka-birthday mo kasi ako eh! De joke lang. ako pala ang maswerte, kasi kapag naghahanda ka noong high school natin, nakikisawsaw lang ako. Kunyari kasalo ako sa nagpahanda. Dahil din sa’yo nalaman ko na pwede rin palang magkaroon ng magkaparehong kaarawan. Ang galing lang ng buhay.
First year pa lang tayo, hindi na talaga kita kasundo. Naalala mo ‘yung sinabihan kita ng ‘WALA KANG MAGAWA? PAKAMATAY KA!’? tangina kasi sobrang asar ko sa inyo, ang dami niyong trip sa loob ng classroom. Tas ako nakaupo lang guguluhin niyo pa? pero okay na ko. Naalala ko lang.
Minsan pa noong klase natin sa labas ng corridor, wala kasi tayong mapag-room-an para sa Values Education Subject natin. Matapos noon, nagtatayuan na tayo para mag lunch na. nagsipaan muna tayo. One is to one ang paa natin. Sisipa ka, ako naman. Ikaw ulit, ako ulit. Hindi ko na alam ang dahilan ng sipaan natin, basta diba galit tayo sa isa’t isa noon? Ngayon hindi na. forgive but never forget ang mantra ko sa pakikipag-away.
Jamin, naging masaya ka ba sa pagiging emo mo? Diba noong usong uso pa ang Emo Society, ikaw ang pinakanagpapakita ng devotion sa pagiging kaisa ng sa grupong ‘yon? Kahit nga noong inaasar ka ni Janine na ‘emo is gay,’ tuloy ka pa rin. At pinagtatanggol mo pa ang mga kapwa mo. Naglaslas ka pa. ang tapang niyo nga non nila Sherwin eh. Napagalitan pa tuloy si Sherwin ng mama mo noong nakita ‘yung braso niyang may pulang pangalang naka-emboss. minsan sa buhay mo, may pinanindigan ka. astig kang kaibigan!
Diba ikaw si Aladdin noong nagsayaw tayo ng a whole new world? Gusto ko nga ako ‘yon eh. Pero kasi request ata ng mama mo na ikaw ang maka-experience ng pagiging bida sa isang produksyon. Dahil din sa’yo, nanalo tayo ng best in costume at third place. Siguro dahil ‘yon sa mama mo? Hihi.
Speaking of mama mo, si ma’amIsrael. Isa siya sa dahilan kung bakit ko gustong balikan ang Filipino Subject sa hayskul. Binaliwa ko kasi ‘yon. Tuloy ngayon, hindi ko na matandaan ang mga kwento sa libro natin. Pero marami rin akong natutunan sa mama mo. Hindi pala porke’t nakasambulat na sa atin ang sinasabi ng teksto, kailangan pa rin nating maghukay ng mas makahulugang pahayag na makakatulong sa buhay natin. Kailangan nating mag isip.
Alam mo bang ang mama mo ang isa sa pinaka-unang nagtiwala sa akin? Ginawa niya akong leader para makapag sulat ng isang Radio Drama. Kahit wala akong alam, kahit alam niyang tanga ako, binigay niya pa rin ako ng magagawa para ma-conquer ko ‘yung pagiging mahiyain ko. Kahit ang fail ng nagawa kong drama, binigyan pa rin niya ako ng 96 na grade.
Diba invited ka sa outing ng section natin? Porwan ka eh. Bakit hindi ka pumunta? Ang dami kaya nating classmate doon! Once a year na nga lang magkaroon ng pagkikita, hindi ka pa present LAGI! Ngayon, paano mo mapapangako na makakapunta ka next get-together ng klase natin?
Siguro masaya ka na ngayon? Wala ka nang problema, eh. Petiks ka na.
ang dugas mo naman , dapat sabay sabay tayo tayong haharapin ang pagtanda natin eh. Tapos babalik tayo sa Maceda, babalikan natin kung saan tayo nagkakilala. Pati mga pinagdaanan ng buong klase natin. Magbabalitaan ng mga sariling karanasan.
Hindi kita kayang pakawalan. Paano kapag birthday na natin? Ako na lang sasalo ng lahat ng handa? tsk.
Nauna ka na. Bantayan mo kami ah?
Dadalaw kami diyan sa inyo, kung hindi man, siguro mauunawaan mo naman.
Kita kits na lang Benjamin! Reunion tayo sa takdang panahon.
Siguro nga una unahan lang sa kaligayahan.
I will miss you!
Mag-post ng isang Komento