Biyernes, Hunyo 1, 2012 sa ganap na 4:40 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Maraming parangal na ang naigawad sa iba’t ibang palabas ng mga istasyon. Tila kabuteng nagsulputan ang mga kagawad ng medya o kung anu pa man sila tulad ng anak tv seal, USTv, idol award, at napakarami pa at lalo pang dumarami. Asteg!

mga parangal na nagbibigay ng inspirasyon sa mga nasa likod ng telebisyon na gumawa pa ng mas dekalidad na mapapanuod. Minsan pa nga ay dapat na matatapos na ang airing nito ngunit dahil nakakuha ng medalya, hayon at napahaba pa ang mitsa. Ito rin ang nagiging pamulat ng mga manunuod upang maengganyong tangkilikin ang mga pinarangalan. Bukod sa napansin  na ang kanilang effort, dagdag ratings pa. bonus! Combo!

Sa tv patrol, buong pagmamalaki nilang inilatag ang mga pamosong palabas na ginawaran at kahanay nila sa kanilang istasyon. Ang dami! Halos hinakot na nila ang lahat. Kayo na! ang galing nga naman ng management ng abs cbn. Sana’y patuloy silang maghatid ng magagandang palabas. Alam mo ang hindi magaling? Yung nagparangal. Hehe.

Sa dinami dami ng ginawaran, hindi man lang nahagip ng aking mata at pandinig ang knowledge channel. Kaawa awang istasyon. Hindi pinapansin ng kahit sino. Marahil nasa channel 42 na ito at hindi na madaling mapanuoran ng mga chikiting? Karamihan kasi ngayon walang cable, pero may internet. Baka ganun nga.

Kung ako magiging magulang na, kung patuloy pa ang pagpapalabas ng naturang channel, kung hindi pa nagsasawa at napapagod ang may ari nito, hindi ko hahayaang lumipas ang isang araw nang hindi makakapanuod ang anak ko kahit isang episode man lang. sayang din kasi ang libreng aral dito. May math, science, araling panlipunan, mga tamang ugali, mga dapat na ugali, at sobrang dami pa.bukod pa dito, may pang elemntarya pa at pang hayskul. buong paaralan sa isang istasyon.

Nalulungkot lang ako dahil hindi na masyadong kilala ang knowledge channel. Dati rati may oras pang inilalaan sa mga eskwela para pagsaluhang panuorin ng mga mag aaral ang napiling episode ng kanilang guro. Kung magkataon man na hindi mapanuod sa silid aralan, gagawin itong takdang aralin.

Ngayon halos hindi ko na marinig ang mga batang nagdidiskusyon sa kanilang napanuod na episode ng hiraya manawari o siniskwela. Tanging chismisan na lang ang kanilang pinagkakaabalahan. Mga crush ditto, doon. Kung anu anong mga kiligan moments.

Hindi na pinapansin ang knowledge channel. Dinadaan daanan na lamang. Ano na kaya ang nangyari sa atin ngayon? Ay oo nga pala, matatalino na mga bata ngayon. Magagaling na tayong lahat eh.
Oo nga pala.

PS. Gusto ko lang sanang parangalan ang knowledge channel kahit hindi ako kilala. Sasaludo lang sana talaga ako. Kaso naiba ang tabas ng daliri ko. Pasyensya na.

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile