Muli kang kumatok sa aming tahanan. Alas otso ng gabi, kasulukuyan akong naglalakbay sa kabilang mundo ng mga oras na iyon. Ginising ako ng mama, naroroon ka umano sa labas, nais mo akong makausap.
May dalaw ako? sigaw ng isip kong namimighati dahil napurnada ang tulog. Sige na nga, minsan lang naman. Tumayo ako hindi na nagawang mag sipilyo, kasalanan mu yan. Tinanong kita sa pamamagitan ng mata.May problema ako. sagot mo sa akin. Tinungo muna natin ang lugar kung saan tayo dati rati magkasama, noong nasa elementarya pa lamang tayo. Doon tahimik, walang tao, malayang nakakapagkwentuhan, halakhakan. Ngunit ngayon, babalik tayo sa ating tagpuan, malaki na ang pinagbago hindi lamang pisikal na anyo, maging utak na rin. Muli tayong mag uusap, hindi sa ating kasiyahan, may problem ka.
“bakit ganyan kaibigan mo? Nakipag break sa akin, hindi ko naman alam kung bakit. Sabi lang niya nagsasawa na siya, nasasakal. Ang labo niya! Hindi yun totoo eh!” namumuo na ang luha mo. “mahal ko lang siya kaya ko nagagawa ang mga inaakala niya ang mali.” hindi ako sumagot dahil hindi mo pa naman ako tinatanong muli. Baka kailangan mo lang ng tainga, hindi ang aking bibig. “anong dapat kong gawin.” Oras na para bumanat.
“wala.” Napatingin ka sa akin. Nagulat ako. first time kong nakita kang umiyak. “kilala ko ang girl friend mo, bunso siya. halos lahat sa mga kapatid niya may kaniya kaniya nang pamilya. Hiwalay ang magulang niya. Bunso pa siya. at sila ay nasa iisang bahay lamang. So siya, pressured sa magulang niya. Hinihigpitan siya nito, ayaw nilang matulad si ann sa mga kuya at ate niya. Ikaw, dumating ka bilang boy friend niya hindi pangalawang magulang. Baka parang tatay ka na sa kaniya? Iparamdam mo sa kaniya ang kaligayahan na hinahanap niya sa labas ng kanilang bahay. Tas ikaw anong ginawa mo?” tahimik ka pa rin. Seryoso, una kitang nakitang ganyan. In love ka nga.
“ Alam mo ba ang isang ideal na relationship? Parang lumulutang sa ulap, walang pakialam kung mahulog man. payo ko sayo, hanggang ang kalingkingan mo ay nakakapit pa sa dulo ng ulap, wag kang susuko. Ayusin mo ang mali. Wag mong sabihing wala kang mali? Respetuhn mo rin desisyon niya. Wag mo rin siyang pilitin, kung magkaganoon man, para mo na ring inilapat muli ang kamay mo sa kaniyang leeg. Gusto mo pa bang magpatuloy ako?” tumango ka na parang bata. Nangungusap.
“pinakahuli, ang pag ibig na madaling makuha, madali ring mawawala”
Nagpasalamat ka sa akin. Tinapos ko na ang aking talumpati na iyong hiniling. Hindi ko na gusto pa itong pahabain dahil inaantok na ako. nais ko nang balikan ang naudlot na pagtatalik namin ni kumareng unan. Halos tatlong oras din pala tayong nagsalitaan. Salamat. Napili mo ‘kong iyakan kahit napakatagal na tayong hindi nagkita. napakarami na nating nakilalang tao, naging kaibigan, salamat muli. Hindi mo pa rin pala tinatalikuran ang ating pagkakaibigan. Gayon din ako, sana malapitan kita sa oras na susuko na ko at balak nang tapusin ang lahat.
Mag-post ng isang Komento