Biyernes, Hunyo 1, 2012 sa ganap na 4:43 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Gusto ko pong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Natutuwa ako sa tuwing hinahaplos niyo po ang ulo ko. Yung mga tawanan niyo ni papa, nakikitawa na din po ako noon. minsan po kapag naglilikot ako, sana po ‘wag kayong magalit. Nagpapapansin lang ako sa’yo. Ang busy niyo kasi ni papa. Alam ko pong mahirap ang buhay natin ngayon. Walang matinong trabaho si papa. Hindi pa po kasi kayo naka graduate ng hayskul. Naaalala ko pa po noong dinala niyo ako ni papa sa may eskwela niyo, pinakilala niyo pa ‘ko sa principal. Very proud kayo sakin. Maging sa ibang mga titsers niyo. Tapos nag iiyakan pa kayo ng mga kaklase niyo sa may room. Tears of joy daw tawag doon.

Ma, sobrang saya ko po talaga. Isang linggo ng umaga nga po nagpunta tayo sa quiapo, pinagdasal mo pa ko. Mahal mo talaga ako mama. Kaso hindi tayo buo noon, wala si papa. Nagmamadali ka kasi, ang alam ko paparating na si papa eh.

Mama, hindi ko lang po maintindihan kung bakit ka umiinom ng alak kasama mga kaibigan mong dalaga. Ang lakas mo pa pong mag yosi. Pinpigilan ka na nga ni lola pero ang tigas ng ulo mo. Ewan ko rin sa mga kaibigan mo kung bakit sila pa ang nagbibigay ng pera sayo para magawa ang bisyo mo. Ma, layuan mo sila, hindi sila tunay na kaibigan.

Mama, nasasaktan ako sa tuwing pinapalo mo ko. Lagi mo kong iniipit. Hindi na nga ko minsan gumagalaw para hind mo na ko hampasin pero ginagawa mo pa rin po. Kung sinu sino na din ang umaapak sa akin. Lagi niyo pa po akong pinapa check up sa kabilang bayan. Hinihilot ako ng matandang babae doon. Ayos lang po ba yon?

Ma, malapit na ko bumitaw dito. Mukhang hindi ko na kaya ang mga natatanggap ko. Ma, madilim po dito sa pwesto ko. Ilang buwan na lang lalabas na po ako. Wag ka pong magmadali na palabasin ako.

Ma, gusto kong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Saglit na lang po. Maglalaro na tayo tulad ng masayang pamilya.
nakikiusap po ako ma, wag niyo po akong ipalaglag.


0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile