Biyernes, Hunyo 1, 2012 sa ganap na 4:46 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Alas otso na ng gabi, kailangan ko nang bumalik sa bahay. Mananakawan nanaman ako ng gamit ng mga malilikot na batang miyembro ng salisi gang. Nagugutom na rin ako, malamang pagkain ang unang unang mawawala sa bahay. Buti na lang dala ko tong nag iisa kong pares ng kutsara’t tinidor kung hindi naku nasama na to sa napakilo nila. hihi.

Yupi yupi na nga ‘to, madami dami din kasi ang napangarolingan ko kanina. Natatawa nga ko eh, ang lalaki ng gate dito sa lugar namin, sa halip na WELCOME ang nakapaskil, pagkalaki laking PATAWAD ang nakabungad. Pero hindi ako sumuko, kahit mag isa lang ako, kahit ilang oras nang hindi nadampian ng tubig ‘tong lalamunan ko, kahit may patawad, hala sige bira lang ako.

Pero ayos lang, puro we wish you a Merry Christmas lang ang kinakanta ko sa mga may patawad na nakadikit. Hihi. gamit ko tong nag iisa kong instrumento, palo pa rin ako ng palo, kaso ganoon pa rin, tanging aso lang ang sumasagot. Sinabihan ko na din ang kubyertos ko na makakaranas sila ng matinding pagtatalik. Kinundisyon ko na sila sa torture na magaganap. Nangako naman din ako sa kanila eh. Sa loob ng siyam na araw, malalapatan sila ng tunay na pagkain.

Nung nakita ko ang naipon kong pera, mukha ngang nabigo ako, naka 42 pesos lang  ako. hihi. Buti na lang solo lang ako sa pangangaroling. Bali hahatiin ko to sa tatlong kainan sa maghapon. Ang sarap! Mukhang hindi ko muna magagamit ang lata ko ah. Kailangan sipagan ko pa bukas, mag aaral pa ‘ko ng mga kanta. May mga bago akong naririnig na kanta sa tv kaso baka matagal pa bago ko makabisa. Pero susubukan ko na din.

Pauwi na ‘ko ng bahay. Buti na lang at tumigil na ang ulan kaninang mga alas singko. Butas butas na kasi yung trapal sa may bahay. Tinutuluan ako lagi. May mga bituin na, ang sarap kayang pagmasdan ng mga nagkikislapang bagay sa langit habang unti unti akong napapapikit. Lagi akong naghihintay ng bulalakaw, hihiling lang sana,… ano nga pala yon? Basta gusto ko pasko lagi para may karoling. 

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile