Ano pa kayang mukha ang inihaharap ng kalye sa tuwing inihahalintulad sa kanya ang mga taong balasubas? Hiyang hiya na siguro siya sa mga kaibigan niya sa bawat oras na kinakaladkaran ang kaniyang taguri. Natatalisod kaya siya sa tuwing may nag aaway at naaalala ang kaniyang hindi mapaliwanag na katangian?
Isa sa pinakaayaw kong paakiramdam ay yung madiskrimineyt, ang maihanay sa mga binabaliwang tao sa mundo. Masakit kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako karapat dapat na makatanggap ng ganung uri ng pakikitungo. Normal akong nakikisama sa mga tao. pantay na trato sa mga kaibigan, maging sa mga hindi kakilala. Hindi nangmamaliit.
Hangga’t maaari hindi ko hinahayaang may masaktan ako. O di kaya’y hindi na lamang ako nagsasalita. Sa tingin ko’y hindi din naman malulutas ang problema sa tinig ko. Marami na kong nalait na tao noong hayskul at natuto na ‘ko.
isa pa sa ayaw kong matanggap ng kapwa sa akin ay ang malait. Kahit sa hindi direktang paraan, hindi ko magawa. Natatakot ako. noong nakaraang araw may komprontasyong naganap sa loob ng klase namin.
Kapag tao kaming humarap, ineekspek namin na tao rin kaming pakikitunguhan. Kapag nakauniporme ka, aasahan ng mga nakakakita sa’yo na estudyante kang ganap.
Yan ang buod ng mga nangyari. Marahil nahinuha niyo na ang mga eksena. Nais ko sanang isingit ang katagang, kapag pumasok ka sa gate ng eskwelahan, iwanan mo na din sa labas ang ugaling kalye na mayroon ka. Kaso hinila ako ng hiya. Pinitik ako ng aking konsensya.
Kapag hinayaan kong dumulas sa aking dila ang pawang mga salita, maaaring masaktan ang mga taong sa kalye nakatira. Hindi natin kasi pwedeng ilahat ang mga tao roon. Marami sa kanila ay nadamay lamang sa negatibong ideyang isinalin lahi na natin. Lugi sila.
Mag-post ng isang Komento