6:37pm, Sunday 10-06-2012
dalawang oras na halos noong huli kong makita si mama. bago ako maligo, nakita ko pa siya sa may sala. ganoon na ba ako katagal maligo? kapag labas ko sa banyo ay nawala siyang bigla. hindi ko maamoy ang presensya niya. ni hindi ko siya makita sa kapitbahayan namin. karaniwan kasi kapag wala ang mama sa loob ay makikita siya kabilang mga bahay. nag-a-update sa mga latest happenings sa pamayanan at sa buhay ng mga tao rito. lalo na ngayon, may bago moment ang mama kasi nauna siya sa balitang talo si manny pacquiao. straight from the Bombo radio!
inisip ko na nga lang na upset siya kasi nga may pumalit ng champion of the world. umakyat na rin ako sa roof top, baka sakaling nandoon siya at gustong mapag-isa. wala. yung headset niya ay nasa lalagyan pa maging ang kanyang cellphone. so hindi pwedeng nag-sound trip siya sa ibang lugar. naglakad mag isa, nag-walkathon papunta kung saan dalhin ng paa.
babalik yon. kahit ano man ang pinagdadaanan niya ngayon, sa tahanan niya pa rin nanaisin matulog. naghintay ako ng limang minuto. naiinip na ako. gusto ko nang magkape. kailangan ko ng magic sarap kapag ako ang nagtitimpla ng kape ko eh. pero ‘pag si mama na, iba ang lasa. kuhang kuha ang kombinasyon ng kopiko cream. napilitan tuloy akong ubusin ang mapaklang kape. wala akong ginawang remedyo, baka lalong mapasama ang mukha ko.
may lakad ako ngayon, unang kaarawan ng inaanak ko. umalis akong walang paalam sa pag-aakalang sasalubungin ako ni mama ng tanong kung saan ako nanggaling. sa sala, kwarto, kusina at banyo. wala akong naaninagang magandang nilalang. makahanap ako parang ang laki ng bahay namin.
yung kaninang mga tulog kong kapatid, tinanong ko rin kung dumating na si mama at kung saan galing. natakot ako sa sagot nila. akala umano nila umalis ako para hanapin si mama. wala pa rin pala siya.
tumingin muli ako sa bahay ng kamag anak namin. this time, tinatanong ko na sila kung nakita nilang may dalang bag si mama paalis. o kung dumaan man lang dito para magbilin. wala. sa computer shop. wala. sa basketball court. wala. sa tindahan ng siomai, sa tabing ilog. wala.
sinipat ko rin ang cellphone niya baka nagtext na ang ex-boyfriend niya from Abu Dhabi o pumunta ng kalentong o kumuha ng sustento namin. wala. hindi ko alam.
nalilito na ako. anong oras na. hindi ko alam paano magsaing, maglaba, magluto. tagahugas lang ako ng plato. tagawalis. tagalatag ng hinihigaan at tagaligpit. basta taga lang ako.
tumingin ako sa lalagyan ng pera, o diyos ko!, walang iniwan! may pasok ako bukas! wala akong pangload! paano ko matetext ang iba na nawawala ang mama at kailangan namin ng tulong? pinansiyal at mental!
tinignan ko ang kapatid ko na busy at kinikilig kina kathryn bernardo at daniel padilla. katorse pa lang siya, kailangan niya ng gabay ng ina. yung isa naman, nakatitig sa pagmumukha ni jessica sanchez. kaya niyang hindi kumain basta mapakinggan ang idolo niya.
ang problema lang, puro itlog lang na may kung anu anong halo ang alam naming lutuin. paano na ang protina? ang go, glow at grow?
kinuha ko ang earphone. salpak sa C1-01 ko. frequency 98.7. tipong puro instrumental ang tugtugan. hindi ako pwede magmukhang stressed. may audition pa sa broadway sa eat bulaga. Mr. Pogi ba yon? charot! lalo pa akong nabaliw dahil hindi ko mahanap ang tamang pwesto para mapalinaw ang tunog sa radyo! garalgal lnag. pero ayos na ‘to. ayaw ko lang talaga ng lyrics ngayon.
nasaan na nga ba si mama?
balak kong lagyan ito ng twist. gusto kong subukang magpatawa. kaso hindi ko alam paano ko makikiliti ang nagbabasa nito. hindi naman kasi nakakatuwa ang nangyari.
nakita ko na si mama! naglalakad padireksyon sa bahay. nakataas ang sleeves sa balikat na tila napaaway sa kanto. mabilis na humahakbang.
saan ka galing? salubong ko.
buwisit na networking yan! nahila pa ako! sabay bukas ng pinto. napansin kong gabutil ang pawis niya. wala siyang alinlangang nag-lock ng pinto ng banyo.
muling nawala si mama!
Totoo ba yun o yun yung twist mo hehehe... kung totoo, maawa ka sa Mama mo mahirap yung pinagdaanan nya hehe
napurnada pa kasi ang pag tae niya dahil sa networking na yan. ayan tuloy hindi na kami nakapag usap ng maayos. haha