Biyernes, Hunyo 22, 2012 sa ganap na 6:48 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Gusto ko lang libangin ang sarili ko ngayon. Dalawang araw na kasi akong binuburyo ng napakalupit na traffic. Kung kalian sobrang aga ko umalis ng bahay saka naman tinotopak ang kalsada ng Kamaynilaan.
Kahapon, Tuesday, 6:10 ako lumakad. Pabandying bandying pa ako sa paglalakad. Dinadama ang sikat ng araw at ang freshness ng hangin sa pag-aakalang hindi pa oras ng pagkandirit pababa ng building na tinitirhan naming.
Sakay ako ng jeep. Bayad. Headset. Radio station 93.1. nangingiti pa ako mag-isa. Tuwang tuwa sa topic ng The Morning Rush. Bumaba at sumakay ng bus pa-Ortigas ng bandang 6:40. an gaga!
Ngunit pagtuntong ng sasakyan sa Santolan…. Biglang naging 7:30 ang oras! Anyare? Hindi gumagalaw ang mga sasakyan! Okay langsanakung dito lang ang traffic, dahil kapag nakalagpas kami dito, dire-diretso na ang andar. Pero hindi! Dadaan pa kami ng napakaraming stop light! Dadaan pa kami ng inevitable na La Salle Greenhills! (infairness naman saLa Salle, nag-improve ang parking space nila sa harap ng school nila. Hindi na nila sinakop ang dalawang lane ‘di tulad noong first day.)
8:05 ako dumating sa office. Sabit pa sa grace period.
Kanina, Wednesday, umalis ako sa bahay ng 6:30 expecting na hindi ako tatamaan ng kamalasan ngayon. Tama ang kasabihan, lightning don’t strike twice sa parehong lugar.
Hello traffic kaagad ako sa Don Bosco Sta. Mesa! Sobrang dami ng sasakyan! Nagsisiksikan sa tabi ng jeep na sinasakyan ko. Tila mga escort vehicle ko at sa sobrang dami kong hagad, ako ang hindi makausad!
Daloy pagong na ang traffic. Kaya nung tumuntong kami bago mag-hotels daan pa-stop and shop na may bumper to bumper na sitwasyon, hindi ko na pinalampas pa’t tumakbo agad ako pa-V. Mapa para doon mag-abang ng bus.
Check time. 7:10.
Sinipat ko ang LRT, kaya mo ba akong dalhin sa Ortigas before 8? Tangina, mapapamahal pala ako, samantalang may posibilidad din na ma-late ako.
Ang mahirap kasi sa mga companies, kapag on time ang empleyado at may kaunting over time, wala silang pakialam. Pero kapag late pero nag over time, bawas agad sa sahod! Mga Chinese talaga. Yumayaman sa paggamit sa maliliit na hindi makapalag.ScarboroughShaul lang?!
Sa V. Mapa, para akong tangang kaway ng kaway sa mga dumadaan na G liner. Kaya takbo naman ako sa SM Sta.Mesa. Takbo ako ng takbo, wala akong pakialam kahit naka-long sleeves ako. Mukha na akong hindi naligo.
Nakita ko rin doon ang mga sinamang palad na malapit nang ma-late. Ang dami. Lahat sila nakakunot ang noo. Lahat sila desididong makasakay sa susunod na pagdaan ng bus. Balyahan ‘to malamang. Kailangan ng matinding pwersa para makasakay agad.
Short cut. 8:10 ako nakarating sa office. Laaate!!!
Pag-uwi.
First time kong makakita ng live na dukutan. Kwento ko na rin para lalong masayang ang oras natin.
V. Mapa! Maraming bababa! tip ng kundoktor sa driver at sa magnanakaw. Ihihinto ng driver ang bus, kikilos naman ang magnanakaw. Lahat sila nasa isle. kahit hindi pa bababa ang magnanakaw, nakikipaggitgitan na siya sa mga tao, charo.
Kitang kita ko ang mga pangyayari. Matapos siyang makakuha ng anuman, kinalabit niya ang una niyang biktima para ituro ang isang lalaking kakababa lang. concern ba siya o gusto lang niyang lituhin ang kikay na babae.
Hindi pa siya nakuntento, ate charo. Pumwesto siya sa bukana ng bus. Ang likot ng mga mata niya. Bawat umbok tinitignan niya. Ewan ko lang kung may interest siya sa iba pang umbok. Kapag nakakita siya ng kakaibang bulge sa ibabang parte ng katawan, pilit na niyang iipitin ang tao.
Nakakatakot ang itsura niya.Parasiyang napakaruming version ni will smith.
Maging ako aligaga na. bababa na kasi ako. Lahat ng valuables ko (nokia C1-01 at wallet na puro ticket ng bus) nilagay ko na sa sulok ng bag ko para mawala ang bulge ng bulsa ko. Isa na lang ang kailangan kong itago. Buti tulog. Hindi masyadong takaw nakaw. ayon safe ako! Haha.
sanahindi na masundan ‘tong kwento ko. Ayaw kong maging traffice account ang tumblr ko. Lalong ayaw kong mapuno ng tardiness ang pay slip ko!
Bye!

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile