Gusto kong magpapansin
Hindi sa mga banlag na iba ang tingin
Hindi sa taong may nakatabong pandinig
Lalo na sa mga kunwaring nakatindig
.
Hindi mo ako napapansin,
Iba kasi ang ‘yong ginagalawan
Kalye mo’y maraming dumaraan
Diretso ka’t ayaw mo akong lingunin.
.
Maraming ayaw pumansin
Itsura ko’y hindi gustuhin
Sino nga ba ang matitigilan
Tatambay kasama ang gusgusin?
.
Pinili mo ang hindi pagpansin
Nais kasi ng mapusong babasahin
“wala namang kwenta iyong sulatin!”
Hindi na natin dapat pang pilitin
.
Gusto kong mapansin
Hindi lang ngayon,
Maging kinabukasan,
Sa magpakailan man.
.
Ngayon ko lang ito gagawin.
Pwede bang ako’y mapagbigyan?
Gusto ko ang ‘yong pagtingin!
‘yan ang sigaw ng aking damdamin.
Mag-post ng isang Komento