Disyembre taong 2012
Nitong nakaraang linggo napagkasunduan ng buong department namin sa office na magkaroon ng Christmas Party. Unang pasko ko ito na buhay may trabaho ako. Halos anim na buwan na ako pero hanggang ngayon nag-a-adjust pa rin ako. Napapansin ko rin na araw araw pare-parehas lang ang mga ginagawa ko.
Gising ng alas singko. Pasok. Uwi. Tulog ng alas diyes.
Hindi nakakatuwa. Parang hindi ako makagawa ng oras para sumulat. Paisa-isang talata lang. May pagkakataon pang hindi ko matapos ang nasimulan. Nobela, maikling kwento, sanaysay at marami pang mga kabalbalan. Lahat nasa notes ko sa cellphone naghihintay lang na mapansin ko.
Balik tayo sa party namin. Hindi syempre mawawala ang Kris Kringle sa okasyon. Bumunot kami ng screen name para gamitin at hindi makilala ng aming "baby." Bilang napakatagal pa ng tinakdang araw (December 19), linggo-linggo kaming magpapalitan ng regalo depende sa tema ng dapat ibigay.
something reminiscing
mga bagay na magbabalik umano sa alaala ng pagkabata ang unang pagpapalitan ng regalo. kinilig ako ng bahagya dahil alam kong bukod sa matatanggap kong regalo, makakabisita muli ako sa mga tindahan ng mga laruan. may kakaiba kasing saya ang dulot ng awra sa loob.
Nilibot ko ang buong Robinsons Galleria para hanapin ang gusto kong iregalo. Toys r Us.
May headband kayo na may abubot sa tuktok? May ideya na kayo sa kasarian ng pagbibigyan ko.
Wala, sir.
May pakpak kayo ng fairy?
Tapos na po ang Halloween, sir. Loko loko.
Hanggang mapadpad ako sa parte ng mga librong pambata. De joke lang. Naisip ko lang na libro na lang ang ibigay ko. Naalala ko kasi noong elementary, hindi kami magkamayaw sa paghahanap ng mga alamat ng kung anu anong bagay. Bawat baitang may ipagagawa ang guro ng Filipino o English na summary report / book report / review.
Mga kwentong punung puno ng aral ngunit may tinatagong pakahulugan. Sa isang banda naging panakot ito sa aming mga kabataan. Halos lahat kasi ay tila naparusahan gaya ni Pinya na laging dinadahilan ang matang tinatamad tumingin at magmasid at ni Saging na laging paa ang ginagamit sa pag-abot sa bagay sa paligid. Kung hindi man ay naging Mangga dahil sa kabusilakan ng puso at Sampaguita dahil sa pagmamahal ni Guita? Hmmm.
Sampa Guita! Sampa! Sabi ng kanyang irog habang inaangat siya sa bangin.
Hindi ko tinuloy ang balak na pagbili ng libro. Puro kasinungalingan. Binibigyan nito ang mga kabataan na maging mabait sa maling paraan. Parang ang konsepto ng langit at impyerno. Itinatatak sa isipan natin na magpakabuti dahil may langit na naghihintay sa halip na gumawa ng kabutihan dahil masarap sa pakiramdam.
Pero bakit kaya hindi pa nayayari ang alamat ng tao? Na si Langgam ay naging tao kasi hindi siya sumusunod sa pila, lagi pang sumisingit. Na si Buwaya naging tao dahil sa pagkain niya ng hindi sa kanya at kalauna'y naging Kongresista. Na si Manok nagnais magpapansin, putak ng putak kaya ginawang social networking site user. Hindi kaya parusa ang maging tao?
Sige, balik na lang tayo sa party namin. Binili ko ang napaka-cute na stuffed toy. Hindi sa sinasabi kong kadikit ng laruang 'yon ang pagiging bata pero ang mga bata, hindi ba, likas na mapaglaro? Makikita natin silang dinuduyan ang mumunting laruan na tila kanilang anak; kinakausap gaya ng mga kaibigan; at sumbungan kapag pinagalitan ng magulang.
Hayyy. Kay sarap maging bata. 'yung panahong ang katumbas ng pagtahan ay makukuha sa tigpipisong Hani o Flat Tops. Wala nang mas mahalaga pa sa star na nilagay ni Ms. Atienza dahil nasagot ang tanong sa klase. Hindi tulad ngayon. Habang dumadagdag ang edad ng tao, gayon din ang paghahanap natin ng tunay na kaligayahan. Hindi na natin makuhang ngumiti. Mahirap na sa ating maging maligaya sa simpleng bagay. Karaniwan pa nga'y pinipilit na lamang nating maging masaya.
Ang lungkot na tuloy. Pwede bang balikan na lang natin ang kabataan na puno ng saya? Kakabit kasi ng paggunita sa nakaraan ang paghahanap natin ng katulad na karanasan ngayon.
May nakita akong isang karatula galing kay pareng Google. Ito:
Kung pwede lang...
tag tag
alamat
,
growing up
,
hayop
,
kwento
,
lipunan
,
maikling kwento
,
pasko
,
pilipinas
,
pinoy
,
tao
Lulunurin ng mga malalalim na salita. Bubugahan ng mga mababangong paglalarawan. Palalasapin ng hardin sa kabila ng maruming kapaligiran. Palalamigin ang sikat ng araw. Magtitiis hanggang ang buwan ang pumaimbabaw. Sa langit sila ay nakatulala.
Umaasang masasagip pa ng kakarampot na pag-asa ang kanilang pinagsamahan. Nakatali ang mga daliri. Hinahaplos ng kadiliman ang matang naghahanap ng kalinawan. Kakaiba ang ihip ng hangin - nakikisama sa kuryenteng nag-uugnay sa dalawa - hindi na halos maramdaman. Unti-unting lumalayo ang mga ulap dahilan upang mapuno ng bituin ang kalawakan.
Sinungaling. Ano bang ikinaganda ng lugar na ito? Punung puno ng taong nagsikalat na walang ginawa kundi matahin ang nakakasalubong. Pare-parehas lang naman ng hanap. Pag-ibig. Hindi nagkakalayo ang mga mata nilang uhaw sa tunay na kaligayahan. Animo’y kadikit ng pag-ibig ang ngiti sa labi. Na ang kapareha ang magsasalba sa kanilang lunod na kaluluwa. Na ang luha’y mapapatid sa tulong ng isa pang problema.
Kagaya nila. Sa kaingayan ng gabi, tahimik na pinakiramdaman ni Elsa at Mark ang daloy ng hangin. Pag-uusap nila ay maingat. Nasa bangin sila kung maglakad. Isang maling hakbang ay tuluyan nang mamamatay ang apat na taon nilang relasyon.
Anong ginagawa natin dito? Sinigurado ng dalaga ang hindi pagtulo ng luha. Kahinaan ang batid ng likido sa lalakeng tulad ni Mark. Hindi pa ba malinaw ang lahat?
Gumapang sa gilid ng mata ng binata ang kanyang luha. Kilala niya si Elsa, malambot ang loob niya sa mga umiiyak. Marami pa. Kaya pa natin.
Anong magulo sa tapos na? Tanging bibig na lang ang kanilang iginagalaw. Ni ang pagsulyap sa isa’t isa ay tila pinagbabawalan ng batas na sila lang din ang gumawa. Walang naririnig kundi ang katabi. Mga tuod. Maging ang mga bituin ay napagod na sa pagkislap. Baliwala ang buong paligid. Bitawan mo kamay ko.
Dito lalong hinigpitan ni Mark ang kapit kay Elsa. Ayaw niyang pakawalan ang dalaga dahil alam niyang siya na ang itinadhana sa kanya. Binulong ng isip sa kanyang puso. Sinang-ayunan naman ng puso. Kaya hanggang ngayon ay lumalaban si Mark kahit alam niyang siya na lang ang nakakapit. Kahit maluwag na’t handa nang kumawala ang dalaga. Bitawan mo na’ko.
Naalala mo mga pangarap natin?
Hindi lahat ng pangarap maaabot natin… matigas na ang tinig na lumalabas sa bibig ni Elsa. Damdamin niya marahil’y ga bato na rin. …na magkasama.
Darating ang panahon na makakakilala tayo ng bagong mamahalin. Marahil sa kaniya masasambit natin ang napakakulay nating kagustuhan. At sana sa pagkakataong iyon, magtugma na ang ating kapalaran, ng magkahiwalay, pero masaya.
Kanina pa pinatatakas ni Elsa ang binata. Lahat ng pagpapalaya naibigay na niya. Pinagtabuyan. Wala nang pag-asa ang relasyon nila. Ngunit para kay Mark, kahit na isang daliri na lang ang nag-uugnay sa kanila, patuloy pa siyang manunuyo hanggang lumambot si Elsa. Bumalik ang dati.
Mark, tama na. Utos ‘yan na hindi na kailangan ng sagot. Hindi siya nanghihingi pa ng kahit ano kay Mark. Siya na ang humiwalay - daliri niya’y tinanggal sa pagkakatali. Kumalas. Tumayo’t naglakad papalayo. Samantalang si Mark ay sa langit nakatulala. Wala nang mailabas.
Ang ganda pala ng mga bituin.
Alam mo ba ang pangyayari sa ating buhay na mahirap hulaan? Sigurado itong magaganap sa kahit kanino ngunit wala namang nakaaalam kung kailan sasapit. Marami ang nag-aantay. Marami rin ang umiiwas. Ang ilan pa nga ay naghahanda pero wala ni isa ang nakapagpaalam ng sapat.
Lumabas tayo ng bahay, sa paligid naglilipana ang napakaraming disgrasya. Iniwasan ang papasalubong na bisikleta, nakaligtaan namang sa kalsada’y punung puno ng nagmamadaling motorsiklo. Huling pag-uusap ng mahal sa buhay umaga sa hapagkainan. Aalis na ako, ang huling sabi.
Kahit sa loob mismo ng tahanan, kung mapagpasyahang magkulong maghapon upang takasa ang kinatatakutang huling hantungan. Sa balita naman ilang buwan na ang nakalilipas ay bumulagta na lang ang isang batang babae dahil sa ligaw na bala. Dumaplis sa utak ng inosenteng bata kaya hindi na nakayanang lumaban. Walang kaway ng pagpapaalam. Walang halik sa mga minamahal.
Maging ang katawan natin ay hindi na mapagkakatiwalaan. May isang binatang naligo hapon pagkauwi ng bahay upang maibsan ang nararamdamang init at pagkahapo. Maya maya ay nakita na lang siyang humandusay sa sahig. Balita ay may pumutok na ugat sa kanyang utak.
Iba’t iba ng dahilan. Pare-parehas ng kahihinatnan.
Mahirap tantyahin kung kailan ang oras. Hindi kailanman mapaghahandaan ang pagkawala. Kahit ang maiiwang mga mahal sa buhay ay hindi magiging buo ang loob sa pagpapaalam. Mahirap ipaliwanag ang kamatayan. Walang itong sinasantong edad. Binabalot ito ng mahika. Hindi mailabas ang lungkot. Hindi kayang suklian ng salita ang napakaraming emosyon na napapaloob sa isang taong nawalan.
Siyang wala nang malay ay mananatiling nakahiga. Wala nang pakiramdam. Wala nang problema. Hindi na makita ang bakas ng kahapon at napagdaanang hirap. Walang pagsisisi sa guhit ng mukha. Iniwan na niya ang mundo.
Silang mga nakasilip sa ataul ay hindi matiyak saan pa huhugutin ang lakas upang magpatuloy. May pighati. May kirot. Maraming hindi nasabi noong may kakayahan pa ang mahal na makarinig at makaramdam.
Sa dalawang panig ng nagmamahalan, sino sa kanila ang may panghihinayang? Napakahaba ng isang oras upang sabihin sa mahal natin ang ating tunay na nararamdaman. Ngunit napakaikli ng maraming taong pamamalagi niya sa ating mundo upang hindi natin masabi iyon.
Pebrero 21 hanggang Pebrero 24, 2013
Kasagsagan ng kainitan sa Mindanao nang makita ko ang tinatago nitong ganda. Tila isang lumang lugar, kabahayan na kahit sino ay maaaring pumasok. Mali ang haka hakang magulo rito. Katotohana’y kapayapaan ang sumalubong sa akin pagkababa ko pa lang ng eroplano.

Isang napakalinis na lugar kung mailalarawan ang lungsod ng Davao. Mahigpit kasing pinatutupad ang kalinisan sa kapaligiran. Takot ang kahit na sinogn manigarilyo sa pampublikong lugar. Hindi tao ang sinusunod ng mga DavaeƱo kundi ang batas. Wala namang mas nakaaangat doon. Mababakas din sa Davao ang unti-unti nitong pag-unlad. Nag-aanyong Maynila na ang lugar. Nagsusulputan na ang mga mataas na gusali. Malaki nga lang ang pinagkaiba ng dalawa sa aspetong kalinisan. Isipin natin ang Maynila-ng walang plastik na lilipad-lipad kasabay ng rumaragasang sasakyan, balat ng candy sa estero at mga bundok ng basura sa kanto. Maganda ang Davao.
Ramdam sa buong Mindanao ang hagupit na iniwan ng nagdaang bagyong si Pablo. Malapit nang matapos ang Pebrero, dalawang buwan matapos bugbugin ng bagyo ang ilang parte ng Mindanao, ngunit naroroon pa rin ang ating mga kababayan nating nagsisimula pa lang bumangon.
Pero nang dahil kay Pablo, napakita ng mga taga-Tagum ang kanilang pagmamahal sa mga naapektuhan sa Compostella Valley. Sa katunayan ay nagkaroon sila ng benefit concert na naglalayong makalikom ng pera para sa pagbangon ng Compostella. Ilang gabi na punung puno ng kasiyahan at pag-asa.
Tagum Stadium.
Isinama ako ng kaibigan (idol) ko sa napakayamang lupain ng Compostella Valley. Mula sa Tagum, halos dalawang oras na biyahe ang ginugol namin para makarating doon. Tinakot pa ako ng kaibigan ko na kailangan kong sumakay ng Skylab para makaakyat sa Valley. Ano yun. Lokal na uri ng transportasyon doon. Kinakailangan ng balanse ni manong driver at tiwala kay manong driver upang mapagtagumpayan iyon. Ako ay walang ginawa kundi tumahimik, manlaki ang mata sa tuwing mapapadaplis kami sa bangin at usiging pabulong ang motor para ganahang lumaban sa tuwing lulubog ang gulong sa abot tuhod na putikan.
Skylab.
Mabuti’t nagpunta ako doon noong pabangon na ang lugar. May mga punong hindi malaman kung buhay ba o patay na dahil wala na itong dahon, nakatindig na lang, pinatutunayang kahit anong unos ang dumaan, hindi siya patitibag. Marami silang mga punong tila poste na lang. Nakikisabay sa mga taong hindi pa nawawalan ng pag-asa. Sa daan ay ang napakaraming bato na aakalaing sinadyang ilagay ngunit sa katotohana’y patuloy pa rin ang pagguho ng malalambot na lupa sa paligid. Pinagsamang hangin at tubig kasi ang dala ni Pablo. Bumigay na ang kapit ng lupa.
Ilan sa mga punong nananatiling nabubuhay.
Nakakalungkot pero alam kong hindi awa ang kailangan nila. Nakangingiti pa rin sila sa kabila ng nakalulugmok na pangyayari. Ito ang kagandahan sa mga Pinoy. Hindi natin pinapakita sa iba ang ating buong nararamdaman kahit lubha na tayong nahihirapan. Alam kasi nating higit pa sa awa ang kayang ibigay ng mga nais tumulong. Dahil alam nating hindi makadaragdag ang patuloy na pighati sa ating problema. Sapat na ang isang beses na pag-iyak, babangon tayo agad, haharapin ang problema, sosolusyonan.
Nakita ko rin ang eskwelahan ng bata roon. Malayo. Malayo sa kanilang tahanan. Nasa itaas pa ng lambak. Maliit at nag-iisa lang ito. Sayang dahil hindi rin ito pinaligtas ng bagyo. Tinangay ng hangin ang buong na yero kaya direktang pumapasok ang init ng araw sa silid-aralan. Napilitan na tuloy silang lumipat sa nag-iisang “pwede na" silid. Ni hindi ito maituturing na paaralan ng mga taga-Maynila dahil sa kaliitan nito. Maputik pa sa loob. Iba sa atin ay hindi na gaganahang mag-aral. Maswerte pa tayo dahil maganda ang pasilidad at madaling marating na paaralan. Hindi bundok ang aakyatin. Hindi butas ang dingding. Kaya sino tayo para sayangin ang oportunidad na ibinigay sa atin? Sino tayo para tamaring pumasok?

Sa likod ay ang kanilang paaralan. Hindi ko nakuhanan. :)
Sa Surigao Del Sur naman makikita, kung masugid na hahalungkatin, ang mga walang katulad na handog ng kalikasan. Bago pa lang akong lumipad pa-Mindanao ay pinigilan ko nang maghanap sa google ng mga maaaring puntahan doon. Gusto ko kasing masorpresa. Bahala na kung saan ako dalhin ng idol ko. Kulang ang salitang sorpresa sa naabutan ko.
Tinuy-an Falls. Sabi ay ang pinakamalapad na talon sa ating bansa. Para itong makapal na kurtinang galit na galit sa paghampas. Sa itaas pa nito ay isa pang talon at isa pang talon at hindi ko na makita pa. Sayang nga at hindi ako nakalangoy sa tatlumpung talampakan nitong lalim. Katatapos lang kasi ng ulan nang dumalaw kami kaya nag-aalburuto pa ang agos ng tubig. Nakakatakot, baka hindi na ako makaahon.
Sumunod na araw ay sinalubong kami ng nakangiting umaga. Masigla ang lahat. Pupunta kasi kami sa Enchanted River. Nakita ko na ito sa facebook, isang perpektong bahagi ng tubig na kitang kita kasama ang mga itinatago nito sa ilalim. Nagitla ako dahil ni sa hinagap ay hindi ko aakalaing mapupuntahan ko ang Enchanted River sa laong madaling panahon. Hindi ko mahagilap sa bokabularyo ng mga salita kung paano ito ilalarawan. Kulang ang enchanted. Mula sa itaas, hindi ko mabatid kung hanggang saan ang lalim ng ilog. Ayon sa balita ay pang nakararating sa pinakailalim nito. Nakakatuwa rin ang mga isdang abot kamay na sa kalapitan. Napakalinis ng tubig. Sana ay hindi maabuso ang lugar ng mga taong bumibisita doon.
Kulang ang apat na araw para libutin ang Mindanao. Kung pwede lang na doon ako tumira. Ang Mindanao kasi ang lugar na hindi nauubusan ng surpresa. Napakaraming bago ang inihandog sa akin ng kaunting panahong pagbisita ko roon. Panibagong dahilan muli para mabuhay. Ito ang lugar kung saan gugustuhin mong ulit uliting masilayan ang napuntahan na. Silip silipin ang kagandahan ng lugar. Kahil sa alaala ay hindi tayo patatahimikin.
PS: Salamat sa mga Non-Government Organizations dahil sila ang nakapitan ng mga mamamayang kinapos ng tulong mula sa ating gobyerno. Sa pagbabakasyon ko roon ay nakita ko ang hirap na ginagawa ng mga NGOs. Maaga silang kumikilos para makarating sa lugar na madalas ay mahirap mapuntahan. Kailangan ng maraming lakas ng loob para malagpasan ito. Masaya ako at naranasan ko ang hirap na ito. Nasa inyo, sa iyo, ang aking taas noong pagsaludo.
tag tag
davao
,
enchanted river
,
mindanao
,
philippines
,
surigao del sur
,
tagum city
,
tinuy-an falls
,
travel
Ika-26 hanggang 27 ng Abril, taong 2013

Napagpasyahan naming hindi na dumaan pa sa Anawangin para magpalipas ng isang gabi. Mula kasi sa nakita namin, sobrang dami na ng tent na nakatayo roon. Kumpara dito sa Nagsasa, pagdaong ng aming sinasakyang bangka, bumungad sa amin ang katahimikan ng lugar. Tila pinahiram sa amin ang buong Sitio Nagsasa.

Malayo sa siksikang Maynila. Lahat kami ay nagpunta rito upang humanap ng kapayapaan mula sa magulong kinalakhan. Kahit ilang araw lang ng pagtakas sa mga usok at trapiko. Para bang great escape ng grupo. Lagi kaming nagnanakaw ng panahon mula sa masikip na mundong pinupunan ng kanya kanya naming trabaho. Gahamang lumayo sa nakasanayang buhay sa syudad. Kahit katumbas nito’y malaking halaga ng aming napag-ipunan; kahit buhay ang nakataya, makapunta lang sa napiling destinasyon.
Alipin kami ng misteryo at kagandahan ng Pilipinas.

Isa na siguro ang Nagsasa sa pinakatahimik naming napuntahan. Mula sa byaheng mahigit anim na oras,
nadatnan namin ang isang bahagi ng Zambales na malayo sa kabihasnan. Kailangan lang ng maraming lakas ng loob upang matagpuan ang nakatagong ganda sa likod ng bulubunduking lalawigan sa Gitnang Luzon. Mapalad tayo, dahil bukod sa nakasasalag ng malalakas ng bagyo ang mga bundok, handog pa nito’y hindi mapapantayang likas na yaman.

Kaya kong mabuhay dito, ganito. Si Grace habang nakatingin sa karagatan, nilalasap ang hangin. Alam niyang hindi ito madadala sa Maynila.
Walang kuryente para manuod ng sinusubaybayang teleserye. Hindi alintana kung maganda ba ang hawak na telepono dahil walang signal ang lugar.
Namulat kami na ang teknolohiya ay papausbong at patuloy na umuunlad. Naglalabasan ang iba’t ibang gadget, malaki-papaliit. Ngunit ngayong araw, mamumuhay kaming simple, gaya ng mga lokal ay susubukan naming makibagay sa paligid. Maglalaro sa buhanginan, tulad ng mga batang tumatakbo, kahalubilo ng kaibigang aso. Taguan sa puno.
Gusto naming tumulad sa kanila. Mababanaag sa kanila ang pagiging kuntento sa kung anong mayroon sa paligid. Naisip ko nga, may ideya ba sila sa buhay sa syudad? Kapag isang araw, inilapat sa kanila ang oportunidad na umalis, tanggapin kaya nila?
Saan ang iskul niyo? Tanong ko sa isang lokal na nasa harapan ng kanilang tahanan, isang kubo. Tantya ko’y may edad siyang dose.
Sa kabilang bundok pa. Habang ngumunguya ng butong pakwan. Tila normal na sa kanila ang magpanik-panaog.
Nilalakad niyo lang? Ilang oras?
Apat.
Anong oras kayo gumigising? Tapos madaling araw pa lang aalis na kayo? Nasa tono ko ang pinaghalong pagkamangha at gulat sa nalaman. #dedication. :) Hindi biro ang apat na oras na paglalakad sa hindi patag na daan, dala pa ang mga gamit pang eskwela.
Linggo pa lang lumalakad na kami. Lumantad mula sa usapan namin ang pagkakaiba ng Manilenyo sa mga lokal ng Nagsasa.

Bago pa kumagat ang dilim, inihanda na ng grupo ang kakainin. May alam na kami sa pagpapabaga sa tulong ng isa ring lokal. Naging tulong na lang namin ay kung paano mapapanatili ang baga at ang paghahanap ng mga kahoy sa paligid. Naubusan na kasi kami ng uling, wala kaming perang pambili kaya sinuyod namin ang paligid para makatipid.

Pinakita rin niya sa amin kung paano gumawa ng bonfire. Parang sa pelikula, kasama ng liwanag ng buwan, kaluskos ng mga puno, huni ng mga insekto’t ibon, marahang pagtama ng alon sa dalampasigan at sa init na dulot ng apoy, masaya naming nilalantakan ang marshmallow. Lasang merengge.
Hindi kami tinantanan ng ihip ng hangin, alas otso pa lang ay nakapikit na kami. Para kaming dinuduyan hanggang sa lumipad ang isipan namin sa mundo ng mga panaginip. Hindi namin ginamit ang tent sa halip ay sa kawayang lamesa kami nagpalipas ng gabi.

Ito na siguro ang pinakamahabang tulog na naranasan ko. Nagising akong nagliliwanag pa rin ang buwan. Gusto kong makita ang pagsikat ng araw. Doon sa dalampasigan, Daniel.
Nagsulat. Ito ang perpektong lugar para sa mga naghahanap ng inspirasyon. Parang alak na pangpainit ng damdamin at musikang panggising ng natutulog na saloobin.
Malungkot ang liwanag ng buwan. Dinadala ang sana’y napakasayang umaga. Pinaghihintay ang batang tulala sa kawalan. Tahimik. Mapayapa. Ito ang pakay niya sa pagpunta rito. Ngunit may kulang.
Alas dos pa lang ng madaling araw kaya minabuti kong matulog ulit. Matagal pa bago mag-umaga. Akala ko’y sobrang tagal na ng tinulog ko.
Tatlong oras matapos ang muling paglalakbay sa panaginip, nagpasya akong tumakbo sa kahabaan ng dalampasigan. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong tulog pa ang lahat maging ang aking mga kaibigan. Isa pa’y hindi ko pa nalilibot ang buong sitio. Alam kong marami pang itinatago ang lugar na ito.
Dala ang tubigan, sinubukan kong labanan ang paglubog ng aking paa sa pinong buhanginan. Mahirap at masakit sa paa. Lubhang nakapapagod kumpara sa pagtakbo sa patag na daan. Dalawang ikot at ako’y sumuko na. Ngunit hindi muna ako bumalik.

Tulad nating mga tao, ang mga lugar ay maraming tinatago. Kailangan lang nating lubos siyang kilalanin dahil, marahil, sa likod ng kanyang pabalat na anyo, may ginto pa itong maihahain.

Bukod sa yaman ng kapaligiran, mapapansin din sa lugar ang iniwang dumi ng mga dayuhan.

Tayo na itong nakikigamit ng paligid, tayo pa ang may lakas ng loob na manira. Kapabayaan. Sadyang ang mga tao ay hindi marunong magpahalaga sa kanilang minamahal. Sinisira matapos ang kanilang pinagsamahang kaligayahan. Nakakalungkot dahil ang mga Pinoy ngayon ay tila nagdadala ng lisensya upang garapalang makapagkalat, makapambaboy ng paligid.
Bumalik ako sa mga kaibigan kong bitbit ang malaking plastik na aking nakuha sa mababaw na bahagi ng
dagat.

Pag-uwi ang isa sa pinakamasakit na bahagi ng paglilibot. Kailangang iwan ang napakagandang lugar. Hindi natin pwedeng iuwi o mamalagi dahil mayroon tayong buhay na iniwan sa ibang lugar. Iyon ang nagtatangi, ang kawalan natin ng kakayahang makuha ang ating pinapangarap. Pagpapaguran at paggugugulan ng maraming panahon. Sa kabila noon, ng pagod at sakit ng katawan, may ngiti sa ating mukhang nagpapahiwatig ng tagumpay.

Salamat kina kuya na naghatid at sundo sa amin!

Gaya ng kaganapang pagtabing ng buwan sa araw, nagkita ang magkaibigang pinagsama ng pelikulang Himala. Nakahiga sa sariling burol, tinititigan ang kagandahan ng pag-aagawan ng pwesto ng dalawang naghaharing liwanag. Magkaibang oras ng kasikatan, ngayo’y nag-isa ngunit kabaligtaran ang kinalabasan.
Ang galing ni Nora,
Binuhay ng teknolohiya ang pelikulang Himala. Dekada na itong ibinaon ng kahapon at tanging alaala na lang ng kagandahan nito ang nababanggit ng mga manunuri. Inagiw na sa baul ang kopya. Maging ang ilang dalubhasa sa larangan, kwento, tatak at parangal na lang ang kayang ibalik. Ngunit ngayon, higit pa sa orihinal nang ipinalabas itong muli sa sinehan. Pinatingkad ang kulay. Tinanggal ang mga tinig na hindi kailangan.
Nag-alab muli ang mga umasang masasagip sila ng Himala, ni Elsa.
Salamat kay Ricky Lee dahil hindi siya sumuko. Hindi magiging kakaiba ang bawat eclipse natin kung walang Elsang napulot habang nagdidilim sa umaga.
Sakto pa ngayon ang tema,
Pero pwede ring lalong lumayo ang puso ng mga tao sa relihiyon. May dalawang maaaring interpretasyon sa nilalaman ng pelikula. Una ay ang pagtitiwala sa iisang diyos, at wala nang iba pa. Huwag kilalanin ang mga sugo umano na maghahatid daw ng himala. Pangalawa, ang mensahe nitong hindi natin kailangan ng diyos. Kaya nating gumalaw nang hindi nanghihingi ng tulong. Sa bandang huli ng pelikula, iniwan sa atin ang desisyon.
Tumihaya, nangiti nang makitang lumilihis na ang buwan. Liliwanag na sa dapit-hapon. Kaunti na lang, maghaharing muli ang nakagisnang araw. Nilingon ang kaibigan upang humingi ng sagot sa hindi naman patanong na pangungusap. Tila gusto niyang malaman kung saan sa dalawa nabibilang si Ailen. Kaiba kasi sa kanya, hindi lamang sa pelikula napaibig si Ailen, binulag siya ng kagalingan ni Nora Aunor. Binabaliwala niya ang mga nababasang negatibong balita ukol kay Nora. Para kanya, si Elsa ay si Nora at si Nora ay si Elsa. Kinulong niya sa loob ng pelikula ang tunay na Nora kasabay ng pagpapagalaw niya sa Elsa sa katauhan ni Nora. Inamin man ng Super Star na isa lamang si Elsa sa mga karakter na kanyang napagtagumpayan, nasa harapan pa rin si Ailen ng pila habang sinisigaw ang,
Hindi ka ba natutuwa? Bumalik na siya!
Oo, tayo naman ang mga bulag na tagasunod. Patuloy na niloloko.
Tapos…
Alam kong hindi magandang diktahan ang mga Pilipino kung sino ang dapat na iboto sa darating na eleksyon. Kung magbibigay pa ako ng listahan, magiging para akong nagmamarunong at nagmamatalino.
Beinte uno anyos pa lang ako. Kulang na kulang pa ang kaaalaman ko sa kalakaran ng pulitika ng ating bansa, alam ko. Sa katunayan, magiging ikalawang pagsabak ko pa lang sa pagboto sa pambansang eleksyon sa Mayo. Hindi maganda ang nangyari noong una. Mahirap pala. Dahil bagito ako, madali akong natukso sa mga bumubulong sa akin kung sino ang isusulat sa balota. Nariyan ang tita ko na nagsabing isingit sa mga iboboto si Jingoy Estrada dahil idolo niya ang ama nitong si Erap; tinuro ng magulang dahil maganda ang dala nitong diplomal; mga kandidatong mabulaklak ang tabas ng dila na mayroong magaling na empleyadong gumagawa ng talumpati para sa kanila.
Tulad mo, may mga ibinoto akong hindi ko nagustuhan ang trabaho. Para nilang binasura ang tiwala ko sa kanila, ang tiwala mo. Na ang sana’y tumutulong maiangat ang ating bansa, sila pang nagiging pabigat, pasakit sa ulo, palamunin at paswelduhan. Sila ang umuubos ng ating pinaghirapan.
Tulad mo, pinagsisihan kong nailuklok ko ang isang hindi karapatdapat maglingkod sa atin.
Kahit isa lang ang boto ko, hindi pa rin dahilan iyon para hindi ako masaktan sa ginagawa ng isang nasa posisyon. Isa kasi ako sa nagpahintulot sa buwayang iyon upang ipagpatuloy ang pagkamal sa ating yaman.
Naisip ko na ang karapatan nating bumoto ay hindi natatapos sa paglalagay ng blue ink sa daliri. Dahil sa oras na manalo ang isa sa mga inilagay kong pangalan, responsibilidad kong bantayan ang kanyang ginagawa sa ating bayan. Hindi dapat tayo maging kumpyansa.
Ikaw na nagbabasa nito, ituring mong sugal ang darating na eleksyon. Kung piso na lang ang natitira mong pera, tataya ka ba sa walang kasiguraduhang manok? sa hindi marunong manindigan? Sa anak, asawa o pinsan ng isa pang nabubulok na sa gobyerno? Sa parang kabuteng bigla na lang magpapakilalang maraming nagawa dahil kailangan niyang manalo? Sa mga kapit posisyon? Sa mga hitsura lang ang panlaban? Ituring nating huling laban ng Pilipinas ang eleksyon para sa kaunlaran. Tumaya tayo sa may pag-asa.
Palubog ng palubog ang Pilipinas. At ang masakit na katotohanan, mga anak pa nito ang siyang dahilan ng kanyang patuloy na pagbagsak.
May 286 na kongresista, 24 na senador at mga lokal na opisya. Kaunti lang sila kumpara sa milyong botanteng Pilipino. Ngunit ang mangilan-ngilang tao sa gobyerno ang tinuturong humihila sa atin paibaba.
Pero sino ba ang nagluklok sa kanilang pwesto? Sino ang nagbigay ng susi sa ating kaban? Tama. Parte tayo ng problema ng Pilipinas.
Nag-uumpisa na campaign period, nagsisilabasan na ang napakaraming naghahangad ng isa nating boto. Susuyuin na tayo ng sangketerbang pangako. Iingay na ang kalsada sa pasikatan ng jingle. Dudumi nang muli ang paligid ng mga mukhang nakapaskil kahit ipinagbabawal.
Matatanda na tayo. Ang karapatan sa pagboto ay ibinigay sa mga mamamayang may kakayanang mag-isip ng tama at nararapat. Ipinutong at ipinagkakatiwala sa atin ang kinabukasan ng bansa. Magampanan kaya natin ang bigat ng tungkuling ibinigay sa atin.
Sa panahon ngayon, hindi na mahirap maghanap ng impormasyon tungkol sa isang kandidato. Kung kaya nating magtagal sa harap ng computer ng mahigit tatlong oras, bakit hindi natin isingit at silipin ang mga nakaraang trabaho ng napupusuan? Hayaan natin ang sariling mabusog sa impormasyon at kaalaman. Kumbinsihin natin ang sarili na tama ang ating iboboto. Huwag tayong tumigil bigyang edukasyon ang sarili hanggang sa masigurado natin na ang kanilang pamamalagi sa gobyerno ay hindi magiging punung puno ng pagsisisi.
Sawang sawa na ang mga Pinoy sa mga bumabastos sa ating bansa; sa mga ginagawang business ang dapat sana ay paglilingkod sa bayan.
Kumilos tayo! Para sa bayan. Para sa susunod na henerasyon. Para sa tunay na matagumpay na eleksyon. At para sa sarili natin.
Bukas, paggising natin, nakangiti tayong manunuod ng balita ng pag-angat ng ating lupang hinirang.
Bangon!
naalala ko bigla ‘yung sinabi ng guro ko sa Journalism noong hayskul na si Gng. Panadero. May tatlong bagay umano sa mundo ang napakahirap pagdisyunan. ayon kasi sa isang pag-aaral, madalas pagmulan ng kaguluhan sa umpukan, pagdaan ng anghel sa maingay na magbabarkada, pagsisigawan dahil sa magkaibang paniniwala ang mga mababanggit na salita:
RELIHIYON, PULITIKA AT PAGNINIIG.
bago pa lang sa Pilipinas ang maging komportable sa usaping pakikipagtalik. karamihan nga hanggang ngayon ay iwas na iwas kapag napadapo roon ang usapan. para sa mga konserbatibo, o mga taong patagong nilalasap ang makamundong bagay, hindi dapat ito pinag-uusapan kundi ginagawa.
napakasensitibo kasi kung ibubulalas pa ang mga posisyong napagtagumpayan ng magkapareha. pribado umano ito. pwera na lang kung niyayabang mo ang nangyari dahil gusto mong matikman ang kakwentuhan mo?
isa pa sa dahilan kung bakit mahirap itong ipulutan ay ang pagkakaiba-iba ng estado sa bagay na ‘yon. papaano natin masasabing masarap ang maturukan kung ni yapos sa batok ay hindi pa nadama ng nakikinig? kaya minamabuti na lang natin na ngumiti sa tuwing mararamdaman ang kiliti ng kagabing pagdampi ng tinatagong mga balat.
—-
sa susunod na taon na ang eleksyon sa ating bansa. nagsisilabasan na ang mga nais umupo. hindi man direktang sinasabi ang’boto niyo ako’,pinaparamdam naman sa atin na ang pangalan nila ang karapat dapat sa isa nating boto. napakakritikal ng panahon ng Mayo. tayo ang magtatakda ng kinabukasan natin. magkamali tayo ng sinulat na kandidato, asahan ang pagkaubos ng kaban ng bayan.
malalaman naman natin kung hindi nararapat maging tagapaglingkod ng bayan ang isang nagsusumiksik na pwesto eh. KAPAG NAGLABAS SIYA NG MALAKING PERA. abot ng pera dito; patarpolin doon; pakain dito; palabas ng mukha sa telebisyon at marami pang mga paraan upang matandaan sila ng kanilang mga botante.
sa rami ng kanyang ginastos, malamang ang nasa isip niya sa oras na makaupo ay ang bawiin ang nasayang na pera. ikaw naman na nakatanggap, alam mo nang mali, binoto mo pa.
nasaktan ka ba? sige. itigil na lang natin ang ganitong usapan.
—-
marami nang nagkasiraang relasyon ang tunggalian ng magkaibang paniniwala. may naputol na pag-iibigan dahil sa pagmamatigas ng bawat panig ng pamilya; may kaibigan na nabahala dahil sa pagtaliwas ng kanyang kaibigan sa nakasanayan; may mga nagpupumilit na sila nag tama at wala nang iba.
isang gabi ng Oktubre, nakipagkita ako sa mga kaibigan ko upang kumain sa isang bagong bukas na kainan bandang Pasig. bago namin simulang husgahan ang gagintong nakahain, inanyayahan muna ang bawat isang magdasal. hindi ako gumalaw. tumingin lang ako sa kanila. pinatapos ang kanilang ginagawa. nang makita ko silang dumilat, agad kong sinunggaban ang barbeque ko, hamburger nila, sisig nila at inumin nilang nasa lamesa.
bakit hindi ka sumabay magdasal?ngiti ako. anong nangyari sa’yo?
hindi na ako naniniwala.sagot ko sa kanyang walang bahid ng pagyayabang sa aking mukha. sa tono ko rin ay sinigurado kong magiging kalmado sa rehistro ng tainga.
hindi ka ba natatakot? hindi ko na gusto ang paroroonan ng diskusyong ito kaya minabuti ko na lang sumagot ng wala naman akong natatapakan.
pero hindi mo ba naiisip kung sino ang gumawa sa’yo?
mama at papa ko?
bakit tayo nandito in the first place? nakita ko sa kanya ang pagkadismaya sa mga narinig na sagot. malalim na buntong hininga ang sumunod na kanyang pinakawalan. hinawi ang buhok upang umayos. may buhay ka kasi ginawa ka niya. worship. that’s the least he wants us to do.
sumubo ako ng kanin. then selfish siya. gumawa siya ng pamayanan para magkaroon ng tagasunod. para sambahin siya? wala akong galit, hindi lang talaga ako naniniwala. at kung sinumang tumaliwas sa kanya ay hindi nararapat mabuhay? tumungo na lang ako. alam kong hindi ito matatapos. hindi ko na rin alam ang mga susunod na sasabihin ko. hindi ako handa.
so para saan ka at nabubuhay pa?
para sa pamilya ko at magiging pamilya ko. kusa nang lumalabas ang depensa sa aking bibig. gusto ko nang umalis.
atheist ka na?
hindi. wala. as long as wala akong nasasaktan, magpapatuloy ako.
‘wag na nga nating pag-usapan ‘yan. may kanya-kanya tayong paniniwala. okay? sabad ng isa upang putulin ang tensyon sa lamesa.
teka. wala namang pagtatalo, ah. basta ang akin, hindi ko pinipilit na pumanig sa akin. tapos.
pinagpatuloy na namin ang naunsyaming pagkain. lumamig na ang kanin; kumunat na ang baka; naghiwalay na ang buko at yelo sa shake. habang ako. kunwaring seryoso sa pagkain, nakatunghod. tinatanong ang sarili, para kanino ba ako nabubuhay? pwede bang para sa sarili ko? pwede ba silang maging masaya na lang kasi nabubuhay akong masaya?
—-
masasabi kong tama ang mga dalubhasa sa kanilang natuklasan. ang animo’y matibay na pader na pagsasama ng magkakaibigan ay nauwi sa ilangan. doon sa usaping pakikipagtalik at pulitika, kayo na lang ang humusga, baka magkasakitan pa tayo.

Edad, pangalan, tahanan,
pamilya, kasarian, tatak ng damit, pananalita, kulay ng balat, mga kinakain,
paaralan, perang hinahawakan, sasakyan, pinapanuod, ranking at posisyon. Ilan
lamang iyan sa mga lantarang nagbibigay ng dibisyon sa pagitan ng mga tao.
hindi natin ito batid ngunit ipinaparamdam sa atin ng mga nakahelera sa itaas
na tayo ay hindi pantay pantay. Na kailangan nating tanggapin na tayo ay ganito
lamang at sila ay ganyan na talaga. Ipanapamukha sa ating mga mulat ang
katotohanang tayo ay dapat lumagay sa ating lebel. Masakit.
Isa pa sa nagpapahiwalay
sa atin ay ang pagkakaroon natin ng talento. Sa paaralan, malaki ang
ginagampanan ng mga talentadong bata sa tuwing may program. Hanap agad sila ng
mga organizers upang maging bida o di kaya ay maging pampagising sa gitna ng
kanilang programa. Ito namang mga hindi binayayaan, isinisilid na lamang sa
sulok at hindi na muling papakialaman pa. karaniwan nandoon na lamang sila sa
pag aayos ng props o hanggang back stage na lang.
Kasama rin sa tunggalian
ng mga estudyante ang panahon ng paghahanap ng kaligayan sa kanilang buhay.
Nasaksihan ko ang isang eksena kung saan ang isang estudyanteng hindi masyadong
nabigyan ng matinding pagmamalaki ay naghangad din na humarap sa maraming tao.
yung bang kahit na hindi niya magawa ang magsayaw at kumanta gaya ng isang tunay na performer, masaya na
siya. kahit papaano sa huling pagkakataon ay mapalakpakan siya ng mga manunuod.
Masarap din kasi sa pakiramdam na kahit hindi ganoong kaperpekto ang nagawa,
may nakatanggap. Ngiti at palakpakan, sapat na.
Gayon pa man, may mga
talentado pa rin na nabahala sa pagsingit sa eksena ng mga nagpupumilit maging
talented. Papaano nga naman ang mga nais mag perform ng tunay at hindi
nakakatawa? edi masasapawan ng mga nagpapatawa lang ang mga
seryosong mang aawit?
Ngayon, nagdadalawang
isip na ‘ko kung magsasayaw pa ako sa harap ng maraming tao. nakakatakot ang
mga mata ng maraming tao. hindi ko alam kung dapat pang ituloy ang nahusgahan
nang talento bago pa man ilatag sa madla. Dahil alam ko na pagkatapos ng
pagtatanghal, sa likod namin may nakadikit, naroroon ang mga katagang hindi
ikatutuwa ng lahat. Mahahati muli ang tingin ng mga tao. mabubuksan ang
panibagong dibisyon na tanging pinakaiingat ingatang mahalata.
tawa ka ng tawa, mamaya iiyak ka diyan. huwag kang gagala kapag
malapit ka nang magtapos sa pag-aaral, lapitin ka ng disgrasya. huwag kang mag
iipon, para mo na ring pinaghandaan ang pang ospital mo. huwag kang magpupula
kapag umuulan, tatamaan ka ng kidlat. ang dami mo nang absent, lagot ka kay
ma’am. hindi ka man lang tumulong sa mga gawain natin, huwag kang umasa na
mataas ang grado mo. bawal tumawid, tangina ka!
dito sa pilipinas, bawat kibot natin laging may kaakibat na
pananakot. karaniwan sa mga ito ay pumipigil na gawin natin kung anong
nagbibigay o magbibigay ng kaligayahan sa atin. marami sa atin marahil ay
nalaman ang mga ganitong pamahiin mula sa ating mga lola o di kaya ay sa
magulang.
higit pa sa mga nasa itaas, may isang paniniwala ang mga pinoy na
lubhang mahalaga ngunit sinasantabi natin. isinasawalang bahala dahil wala
naman sinabi si lola na maaari tayong mabulag, maputulan ng kamay, katihin,
magutom, tamaan ng kidlat, o mamatay kapag ginawa natin ito. ni si nanay,
walang pakialam. sa katunayan, sila pa mismo ang nagturo sa atin na
suwayin ito.
naaalala mo pa ba noong kabataan mo? habang abala ka sa paglalaro
ng teks, tinawag ka ng tatay mo para bumili ng redhorse sa kabilang kanto.
dahil sa takot na mapagalitan, iniwanan mo ang mga kalaro mo, tumakbo sa suking
tindahan at bumili. sinuklian ka ng tindera. doon din sa tindahan, nakakita ka
ng isang plastic ng teks, limang piso kada balot. sakto sa sukling hawak mo.
alam mong lasing na si tatay, naisip mong hindi niya mapapansin na kinuha mo
ang sukli. binili mo ang teks. tama ka, hindi niya alam na may sukli dahil sa
kalasingan.
isang gabing madilim, bilog na bilog ang buwan, pinalaki ka ng
magulang mong may takot sa multo. sinasama ka ng nanay mo na pumunta sa nayon
upang makipyesta sa mga kamag anak doon. pilit kang tumatanggi, nagpupumiglas,
naglulumpasay, sinasapian ata. sige na anak, pag sumama ka bibilan kita
ng maraming laruan at may bente pa. tumahan ka sa pagwawala na parang
tinurukan ng pampakalma.
minsan pa nga kapag tinatamad kang gumawa ng assignment diba to
the rescue kaagad si nanay para sa pampagana? pag natapos mo yang
pinapagawa sayo ng titser mo, bibili tayo ng ice cream, yung magnum? naku anak,
waley ang you and me sitting on a tree doon. pang mayaman! abot tainga
ang ngiti, naglalaway mo pang tinatapos ang takdang aralin mo.
sumama ka sa nanay mo mamalengke para sa pagkain niyo kinagabihan.
sa pag iikot, nagutom kayo sa pamimili ng mauulam. ginamit niyo yung natirang
pera pang meryenda. sinabihan ka ng nanay mo na huwag sabihin sa tatay mo na
may sukli pa dahil baka hingin pa ito at walang maibigay.
nakakita ka ng cake sa refrigirator. tinikman mo saka ka
nagpaalam, sinabi ng mama mo na bawal kasi para yun sa mga kaklase ng kuya mo.
pero dahil nakakuha ka na, abswelto ka.
apat kayong magkakapatid pero walang gustong magwalis at
maglampaso ng sahig. may kunwaring tulog, may kunwaring nahihirapan sa
assignment, may kunwaring masakit ang paa, at may kunwaring nagre review para
sa exam bukas. nakita mo ang tatay mong iba ang tingin sayo. nakangisi ng
kaunti may kasama pang kindat. alam mo na ibig sabihin non. kapag sumunod ka sa
utos, may premyo kang matatanggap. biglang gumaling ang sakit ng tuhod mo at
kumilos ayon sa iniutos.
ngayong malaki ka na, nagtatrabaho ka na sa gobyerno. malaki ang
ginagampanan mo ngayon sa pag unlad ng bayan. isa ka sa mga inaasahan ng
mamamayan na mag aangat ng ekonomiya ng bayan. pinagmamalaki ka ng magulang mo,
maging ng buong bayan kung saan ka hinubog ng panahon. naialis mo ang
pamilya mo sa kahirapan. may kotse, condo, bahay at lupa. masipag ka kaya
tinatamasa mo ngayon ang ganyang karangyaan.
dumating ang mga balita isang araw. punong puno ka umano ng ilegal
na aktibidades. nagulat, natulala, tumanggi at umiwas. anak
bakit? hindi ka ngayon makasagot dahil alam mo ay wala kang
inaargabyadong tao.
nasanay ka kasing sa tuwing kumikilos ka ay may pampadulas para
mas mapabilis ang proseso. hindi alintana sayo ang sobrang presyo ng mga
pinamiling materyales tutal naman ay pinangkakain niyo ang mga natirang pera.
alam na alam mo ang mga ibig sabihin ng kindat at senyas para manalo sa
bidding, may komisyon ka kasi. higit pa roon alam mong hindi ka makukulong sa
ginagawa mo dahil kaibigan mo ang batas.
ngayon, babalikan ka ng nanay at tatay mo. tatanungin kung bakit
ka nagkaganyan samantalang pinalaki ka nila ng maayos at matino.
ngayon, maraming magulang ang nagpapayo sa kanilang mga anak na
huwag tularan ang babaeng may nunal na kinasusuklaman ng lahat.
ngayon, sasabihin nilang wag kang kukurap. e ano ngayon? wala
namang masama sa pag kurap. hindi ba nay, tay?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)