Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalikasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalikasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Hulyo 20, 2012 sa ganap na 7:49 PM sinalpak ni tadong daniel 2 Comments

Muli tayong nagapi ng mga zombies sa nakaraan nilang atake. Hindi nanaman natin napaghandaan ang pagdating ni Dr. Zomboss. Pangalawa na ito. sana ay hindi na maulit pa ang ganitong mga pangyayari.

Aking biinalikan ang paglalaro ng Plants vs. Zombies. Inunawa ang larong mabuti, matagal tagal na rin itong natengga sa computer naming, nagkasawaan na lamang. Paulit ulit na lang kasi ang mga nangyayari sa tuwing nilalaro ko ang PVZ, magtatanim, magiiipon ng suns, magtatanim, magtatanim.

Habang tumatagal, napansin ko na hindi na ko basta na lang nakakainan ng utak ng mga halimaw di tulad ng dati. Iba’t ibang tekniks na kasi ang naimbento ko makalagpas lang mga sunod sunod na waves. Nakakadami na rin ako ng flags sa survival endless, siguro mga naka beinte kwatro. Ang iba naman marahil mas adik pa sa akin dito.

Ilang buwang naging pampalipas oras din ito ng mga pinoy. Kadalasan pa nga ay ito ang naging dahilan ng pagkalimot natin sa mga mas mahahalaga pang bagay. Lubos tayong nahumaling. Na master na nga ata natin ang pagtatanim, pagtatanim sa loob ng kompyuter. Magtanim ay di biro, maghapong nakaupo. Sa harap ng kompyuter, ilang oras ang binuno. Sa totoong buhay wala man lang naitanim ni monggo.

Ang Pilipinas, mga Pilipino, parati na lang tayong kumikilos kapag huli na, kapag may buhay nang nakuha, kapag huli na ang lahat. Ang tigas ng ulo natin.Mali kasi ang strategy natin eh. Mas marami pa ang pagbungkal natin ng mga lupain kaysa pagtatanim. Sa tunay na buhay pa naman, hindi natin malalaman ang pagdating ni Dr. Zomboss. Halos 28 na waves ang darating sa bansa natin taon taon. December na, kung kailan last wave na, doon pa tayo natalo.

Hindi ayos yan. Sa susunod na taon, back to level one tayo. Galingan na natin ang laban. Kakasa ka ba sa survival endless?

PS. Biniyaan tayo ng napakaraming bundok, ngunit atin itong kinalbo. Para lang tayong nagdala ng pananggang papel, madaling anurin, madaling magapi.

-----

sobrang luma na 'to. repost lang from tumblr account. hehe. salamat!

Martes, Mayo 8, 2012 sa ganap na 2:18 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

ang dami nang nasabi.

ang dami nang pinakalat.

chismis lang ba o totoo?

sino nga ba ang dapat paniwalaan?

alam ba ng manghuhula mo na mababasa mo to?

papaniwalaan mo kaya na maganda ka? o pogi ka? kung ang nagsasalita ay bulag? (hindi to kasama sa topic)

sino nga ba ang nagsasabing magugunaw ka na? sino nga ba ang nangungulit ng isip na matatapos na ang lahat? sino nga ba ang may matalinong isip na nag imbento na kumain ng isip ng mga taong mahina naman ang kapit sa Itaas?

sa history laging kumukurot sa isip ko ang mga detalye na halos hindi din naman maipaliwanag kung kailan ang totoong pangyayari. bagamat may mga pahayag tungkol sa pangyayaring tinutukoy, para sa batang tulad ko ay hindi pwede lamang ang salitang after death and after birth.

kailan ang tunay? kailan ang exactong pangayyari? hindi ba’t sa story telling ay kailangan ang kwento ay my edad? at araw? at kung ano mang dapat na magpatunay na tama ang mga kwento mo.

kung hindi mo maikwento. pwes BARBERO KA. paano mo mapapaniwalaan ang isang bagay kung hindi naman maikwento ang wh questions? e paano kung may 2012? DECEMBER 12 2012 TO BE EXACT. oha, para talagang matakot tayo ay may date na ng kung anuman. ang cute.

siguro may nagbulong sa kanya ng date na yon tapos TH siya? siguro nga bagabag na bagabag siya sa kanyang sarili at dinamay niya pa ang buong mundo.

sa movies, hindi naman tayo gustong takutin ng mga nito. pinapakita satin na kailangan tayong maging handa sa trahedyang tayo rin ang gumawa.

sabi nga ni kuya kim atienza, panahon ngayon ng pagbabayad sa mga nagawa natin, wala na tayong magagawa para mapigilan ‘to. ang tanging pinakamagandang gawin ay magbawas ng kasalanan:

sa kalikasan

sa sarili

sa kapwa

sa pinaniniwalaan nating Diyos.

SMILES!

Linggo, Mayo 6, 2012 sa ganap na 3:17 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments




Habang pinagmamasdan ko ang mga litrato sa itaas, hindi mapigilang gumuhit sa aking labi ang ngiting dulot ng aming karanasan sa pag akyat sa bundok. Nanunumbalik sa aking alaala ang lahat ng masasayang pangyayari sa loob lamang ng walong oras na pakikipagbuno sa likas na kagandahan ng mundo.

Sinubukan kong kuhanan ng video ang aking paglalakad paakyat, kasama ng aking mga kaibigan at ang buong kapaligiran, ngunit hindi naging sapat itong gamit kong cellphone upang maging ebidensya ng pagiging masining ng may gawa nito.  Sa halip, babaunin ng aking tainga ang musikang dulot ng mga humuhuning ibon, ang ingay ng mga naglalarong hangin, maging ang pagtatalik ng tubig at mga bato sa talon.

Hindi ko man maidetalye ang mga nasasaisip bawat hakbang paakyat, pababa at minsang padulas. Hindi ko man maisalita ang mga alay na romansang pakiramdam ng bundok romelo. Wala man sa hitsura ang kasabikan sa pagkukwento. Kulang na kulang man ang mga larawan upang tumbasan ang galak sa aking puso. Heto ako, nagpupumilit magpahayag ng aking karanasan. 



 Saksi ang bughaw na langit sa bawat likidong inilabas ng aming uhaw na katawan. Dinadala ng ihip ng hangin papalayo ang mga hinagpis sa aming buhay. Pansamantalang idinuyan ng kanlungan ang aming mga katawang lupa. Tanging iniwanan na lang sa aming sarili ay ang pakiramdam muli ng pagkabata.

Bago sa paningin ang lahat ng dinaraanan. Hindi nakasasawa at kahit buong magdamag akong makipagtitigan ay marahil walang magbabago sa aking nararamdaman. Nakamamangha ang natural na kagandahan ng paligid. 




Huwag lang sana itong makita ng mga mamumuhunan o negosyante para pagkakitaan. Sana sa pagdaan ng panahon, taon at henerasyon, mapanatili ng mga tao, bakasyonista at naninirahan doon ang pagiging malayo nito sa komersyalismo. Sana and pag unlad ng komunidad ay hindi magbunsod ng pagkasira ng ating yaman. 


Sana sa susunod na pagdalaw ko sa magagandang tanawin ng ating bansa, kasama na kitang maghahabi ng mga alaalang ating pagsasaluhan magpakailanman.

see more photos here.

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile