Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maikling kwento. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maikling kwento. Ipakita ang lahat ng mga post
Sabado, Disyembre 27, 2025 sa ganap na 5:06 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

 Kasama ni Lolang tumanda ang nag-iisang babaeng anak niya. May asawa at anak naman si tita. Pero nandoon nakatira si Lola sa kanila dahil ang bahay nila ang tahanan ng buong pamilya dati. Nagsialisan na lang noong nakabuo ng sariling pamilya ang magkakapatid. 


Si Tita na ang nag-alaga kay Lola. May special bond sila. Kay Tita lang sumusunod si Lola. Kapag galit na si tita, alam na ni lola, tatahimik na sa pagpipilit. Hindi nga naman kasi sipilyo ang suklay, lola. Wag mo kasing gawing salamin ang kutsara, nay. Hindi ka po naglakad papuntang Laguna de Bay galing La Union. Hindi ka inawardan for being the best person sa Tenement, lola. Senior Citizen ID ang binigay sayo. Tumagal at hindi na rin nakikipagtalo si tita sa kanya. 


May dementia na kasi si lola. Wala laban ang argumento ni tita.  Pero kahit mahirap, tyinaga ni titang siya ay alagaan. Nanay niya eh. At nag-iisang babaeng anak sa limang magkakapatid. Sila na lang ang naiwan sa bahay. Magkasama. 


Hanggang sa namatay si tita sa laban niya sa liver cancer. 


Naunang mamatay si Tita kay Lola. 


Mahigit otsenta na rin si Lola. Pero dahil sa sakit niya, hindi niya alam na wala na si Tita. Hinahanap araw-araw. Sanay kasi siyang pinagsisilbihan ng unica ija niya. Almusal, merienda, tanghalian, merienda, hapunan, hanggang sa pagtulog. 


Umalis po. Patay na po. Nakaburol doon sa kabilang bahay. Nag-abroad. Hindi na babalik, nay. 


Hanggang sa may nakapansin na kumaway si lola sa malayo. Nakangiti. Tumatangu-tango. Sige. Oo. Ingat ka. 


Malinaw kay lola ang nagpakitang babaeng nakaputing bestida. May hawak na maleta at nagpaalam sa kanyang pupunta lamang ibang bansa. Nakangiti si tita. Ayaw niyang mag-alala si lola.


Ayun ang huling memorya nya kay tita. Kaya tuwing sumasagi sa alaala niya, kailan balik ni Norma? Nagpaalam pa yun sa akin bago mag-abroad. 


Hindi rin namin masagot. Kasi sana nga, nag-abroad na lang si tita. Para may pag-asa pang bumalik. 


Ilang buwan lang din ay sumama na sa abroad si lola. Naghihintay panigurado si tita sa arrival area. Dala-dala ang male-maletang paboritong merienda ni lola. Kumakaway-kaway. Masigla ang katawan. Malakas at handang sumalubong. 


Natatandaan siya ni lola. 


Huwebes, Setyembre 8, 2022 sa ganap na 3:28 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

 Isang araw sa panahong panalo na ang mundo laban sa COVID-19, malugod akong nagtungo sa paaralang pinapasukan. Kagubatan ng malulusog na pagbati at ngiti mula sa mga bata ang bumungad. Maganda ang araw. Bago na ang gawi ng daigdig.


Sa loob ng opisina, habang hinahanda ang mga gamit na dadalhin sa silid-aralan, napahiyaw sa sakit ng dibdib ang isa sa kapwa guro. Kumapit sa mga bagay na malapit. Mahigpit. Tumingala. Namimilipit. Namuti ang mata. Nagkakagulo. Hindi malaman ang gagawin ng mga guro sa paligid.


Nawalan ng malay si Ginang Salamares. Isang guro ang kumapa, wala nang pulso, hindi na humihinga. Samantala, may isang naglakas-loob, kumuha ng ammonia, pinaamoy. Napakatagal. Banayad na tumulo ang pawis sa mga nakapaligid.


Namulat. Nagulat ang buong populasyon. Ngunit may iba sa gawi ng ginang. Wala sa ulirat. Natataranta. Hindi mapakali. Mayroong nais gawin na hindi mahanap, hindi makuha.


Kumapit muli sa dibdib, sa ulo. Sinabing, ayaw ko nang maging guro. Lilibot muna ako sa Pilipinas, pagkatapos, babalik ako.


Sigurado ang ginang sa sinambit. May galak. Punung puno ng pag-asa. Mula sa pagkamatay, nagising na may determinasyong tuparin ang matagal nang sinasambit na pangarap.


Zombie na nga bang maituturing si Ginang Salamares? Namatay at nabuhay muli. Ngunit sa halip na tao ang nais kainin, bigla siya naging gutom na makamit ang kanyang pangarap.


Kaya pala sa mga pelikula, pinakikitang utak ang gustong kuhain at kainin ng mga zombie, naroroon kasi lahat ng ating pangarap.


  • Panaginip noong ika-14 ng Mayo, 2020

Linggo, Pebrero 7, 2021 sa ganap na 6:19 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Mars, keri ba tayes sa salubong? Puslit na lang ako after putukan ah. Picture muna kami nila mudang tapos ng lapuk, gora na akes dyan. Saan ba tayes ngayon? Kaninong balur? Sa amin na lang waley akong kasama sa dorm. Umuwi sa probinsya silang lahat. Ilan pwede? Sama ko bowa ko ah? Okay. Basta ambagan ‘to ah? Dala na rin kayo ng mga mangangata at nomo para gora agad. 


Boom! 


Happy Nuyir Baks! Buti naman nagpakita ka na. Hoy pasensya magulo pa ang kwarto. Okay lang. Sanay na kami. Tangina ka Tinay amoy alak ka na agad. Baks, sa baler kasi napatagay na agad me. Papunta na raw sila ah. Bakit kasi hindi pa kayo nag-antayan. Apat pa lang tayes. Umpisahan na ba? Anong chika mga baks? 


Boom!


Bakla ang init sa bahay mo! Magkano upa mo rito? 2K. Baks wag ka na magtiis dito. Napakaliit at napakainit! Alam mo naman madaming bayarin sa buhay. Hindi nga ako makachupa, makaawra dahil sa punyetang kahirapan. Char. Picture tayes mga baks. Pak! Tinay sa gitna ka. Lasing ka na agad? Baks sino na awra mo? Tigilan mo na mga constru! Wampipti! Puta. Haha. May open ba sa parlor niyo? Pa-side line naman baks. Kingina naman ubos na agad ang spag! Bakit kasi hindi kayo nagdala? Baks labas mo na ‘yung mga chichirya dyan. Bili ka ng yelo sa kanto dyan. Para malamig itong red horse. 


Boom! 


Baks pa-charge! Wala kang boardmate na gwapo? Daks ba siya? Tangina niyo ah. Hoy. Wag kang sumuka dyan. Tinay! Napakaharot! Matulog ka na. Pahigain nga ‘yan. Baks, bakit umiiyak? Hindi ka pa rin nakakamove-on sa straight na yon? Haha. Mahal ko pa eh. Tatlong taon na kayong break? Haha. Sampalin niyo nga ako. Gaga. Every year sinasampal ka namin. Pero pagkatapos kang palunukin ulit ng tamod mahal mo na ulit. Sherep eh. 


Boom! 


Umaga na! Uwi na ba kayo? Oo teh. Ambaho na namin. Unang araw ng taon amoy putok kayo. Sana naputukan na lang. Libog baks! Kaya ka laging walang pera. Libre lang chupa ko. Haha. Gago lasing ka nga. Wala akong kape rito. Bili kayo sa kabilang bahay. Uuwi ba ‘yang si Tinay? O rito muna sa bahay? Tinay! Gising hoy! Tangina ano bang ininom nito? Bakit lantang gulay? 


Boom!


Tulong! Dalhin natin sa ospital! Tangina ni Tinay! Bakla gumising ka! Bakit ganito? Hoy! Ano nangyari? Tumawag ka ng side car! May clinic dyan sa kanto! 


Bang! 


Isasarado na po natin ang kasong ito. Hinalay ang biktima. Nakuha na po natin ang hustisya. Opo. Nanlaban ‘yung mga humalay sa babae. Dumepensa lang po ang ating kapulisan. Sumalangit nawa si Kristina. 

Linggo, Disyembre 27, 2020 sa ganap na 12:38 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

 Muli na namang tumunog ang himpapawid.  Hudyat na may kinuhang buhay ang mga halimaw.  Sa tuwing aalingawngaw ang pagsabog,  kanya-kanyang takbuhan ang mga magulang para hanapin ang mga anak.  O di kaya'y tatawagan para masiguardong ligtas ba ang isang kapamilya sa naganap.  Parang mga inahing manok na bibilangin ang inakay at mag-iiyakan kapag nagkulang. 



Nakasanayan na sa bayan ng Quezon ang pagsasabi ng "Tao po" bago buksan ang pinto sa tuwing kakatok. Pagpatak ng alas sais ng gabi, lahat ng kakatok sa pintuan ay kailangang siguradong tao at hindi nagkatawang-tao lamang. 



Nagbago na ang panahon.  Kahit maliwanag ang sikat ng araw, kailangan nang malaman kung tao nga ba ang nasa labas ng pinto.  May mga halimaw kahit mulat ang mata ng mga nasa paligid.  Wala rin namang magagawa ang testigo.  Kung saasabihing nakita ang pangyayari, kinabukasan tuluyan nang mabubulag.  Kung gagamitin ang boses,  hindi pakikinggan,  mamamalat na lang, kung suswertehin, mawawala ang dilang matulis.  



Lahat ng nagaganap ay bulgar.  Hindi na sila nagtatago.  Taas-noong pinagmamalaki. May yabang sa bawat yabag.  Habang lumalakas ang paglagatok ng sapatos sa sahig, papalapit nang papalapit sa tahanan, may mga gamunggong pawis ang tumutulo sa ulo ng maaaring maging susunod na maisasama sa bilang ng mga kaaway.  Sa paglagpas ng rumorondang halimaw, susundan ng mga mata ang mga asong ulol at huhulaan sino sa kapit-bahay ang tunay na pakay.  



Naglalaway.  Nais makalasap ng sariwang dugo.  Mas masarap silang mga matatapang.  Walang lasa ang mga nagmamakaawa.  Higit na tataas ang apoy at mas magiging makapangyarihan kapag dumanak ang dugo ng mga lumalaban.  



Isa.  Tatlo.  Sampu.  Tatlumpu.  Isang-daan.  Hanggang sa mapagod na lang ang mga tao sa bayan sa pagbibilang.  Kasabay ng pagtigil sa pagtatantos, nasanay na rin ang kabahayan sa mga nawawalang buhay.  Sa tuwing may anunsyo ng kamatayan, wala na rin ang kaba sa kanila na maaaring sila na sa susunod.  Minsan na lang sila makaramdam, kapag ang kamag-anak nila'y wala pa ring balita ilang minuto matapos ang wang-wang ng mga halimaw. 



Nagbago na ang sinumpaang tungkulin.  Nagbago na ang pinaglilingkuran.  Sila na ang diyos.  Sila na ang batas.  Sila na ang nasa itaas.  Sanayan lang sa bayan na ito.  Normal na lang ang patayan.  Mas brutal,  mas pinagpapala. 


-ika-27 ng Disyembre taong 2020 sa gitna ng pandemya. Tarantado si Duterte at si Duque. 


Biyernes, Nobyembre 27, 2020 sa ganap na 8:52 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Lagi kong nakikita ang sariling nagsasalita sa harap ng madaming estudyante. Nagkukwento ng mga karanasan sa buhay. Mga bagay na pwedeng maging inspirasyon sa pagtanda. 


Naiisip na isang araw tatapikin ng dating guro para magbigay ng mensahe sa mga magtatapos. Tatayo sa harapan, lahat makikinig. Hihinto ang oras ng mga bata at tututok lang sa mga salitang lalabas sa bibig. 


Kaso malabo. Hindi naman ako huwarang estudyante. Lalong hindi matagumpay ang buhay ngayon. Lagi lang akong nasa gitna. Hindi magaling. Wala sa itaas. Hindi hinahangaan ng mga kaklase. Hindi unang pinipili. 


Kaya malabo pa sa putik ang pagkakataong maging panauhing pandangal. Mamumuti na ang mata mo kahihintay. Dito kasi sa Pilipinas, kailangan maging mataas na tao ka muna bago ka kilalaning marangal. Kailangan ng titulo para makita nila ang iyong halaga. 


Kaya para sa isang tulad ko, hindi na aasa para hindi masaktan. Malayo ang agwat ko sa mga naimbitahan. Kumbaga, 100mbps ang gamit nila, ako mag-inquire pa lang para makabitan ng 50mbps na wifi. 


Hindi ko rin maintindihan kung bakit laging ang nagsasalita sa harapan ay mga matataas na tao na. Mga matatalino. Mga magagaling sa simula pa lang ng pag-aaral. Mga pinagpala ng kadalian ng buhay. O di kaya’s sinwerte sa pagkakataon. Mga matatapang na sumugal. 


Ngunit lahat nang iyon ay inspirasyon para lang sa mga nasa harapang upuan. Palayo nang palayo sa entablado, palabo nang palabo dahil hindi na tatagos sa puso ng mga nakikinig. Animo’y ang kinakausap na lang ay mga katulad niyang magagaling, masisipag, mga nasa priority lane ng eskwelahan. 


Kaya sinong haharap para sa mga hindi gaanong kagalingan? Sinong tatayo at tagapagsalita ng mga estudyanteng nasa row 3 at 4? Mga estudyanteng tinatabi sa mga matatalino kapag may exam para mahatak ang score ng eskwela? 


Wala. Dahil mahina ang ningning sa kanila. Bago pa man mapili, mahaba pa ang listahan sa harapan. At kung malapit na ang iyong oras, hahakbang na sa harapan ng umaasang mga estudyante, mayroong muling taong mas magaling sayo ang pipiliin. 


Kasi sa Pilipinas, kailangan munang maging matagumpay, kailangang may narating na, kailangang may napatunayan, bago tayo mapakinggan. 


Ako si Dan. Wala pa akong nararating. Wala pang maipagmamalaki. Nasa harapan para sa mga taong nasa likod ng pila. Taas-kamao para sa mga hindi magagaling at laging kulelat. Daratimg din ang oras na kakampi sa atin ang tadhana. Huwag sukuan ang sarili. Tayo-tayo na lang ang magkakakampi. 

Sabado, Agosto 27, 2016 sa ganap na 8:32 PM sinalpak ni tadong daniel 5 Comments

Iskwater bang maituturing kapag ang pambungad sa bahay ay isang dipang manipis na telebisyon? Masusukat ba sa lugar ang kahirapan kung nakabalandra sa magkabilang gilid ng tirahan ang mga amplifier na tila pinahihiram ng barangay tuwing fiesta sa nayon? Pakiramdam ni Aling Elsa, katumbas ng mga naipundar ang pagiging maningning. Nagbabaka-sakaling masundan ni Ampleng ang liwanag na kanyang dulot. Kinakain ang buong araw sa pagbabantay sa maliligaw na aninong matagal nang tinupok ng dilim. Nakasandal sa pintong sinadyang maluwang upang akapin ang maliit na pagkakataon. Bumubulong na sana may magbalik.
“Nasaan ka na ba?”
Nagreklamo na ang buong barangay sa ingay ng pagyayabang ng bakaw na negosyante ngunit may isang pader pa rin na hindi niya matibag. Malayo ang nilalakbay ng tingin ni Renald. Nilalagpasan ang pagpapapansin ng mga nagtitingkarang bituin. Tumatalikod sa ilaw ng buwan. Hindi kailangan ng binata ang pahiram na kaliwanagan. Dekada na nang huling kumislap ang mata ni Renald ngunit magpasahanggang ngayon ay nagbubutas pa rin siya ng bangko. Sa harap ng pintuan. Nakatingala. Sumasahimpapawid ang isip tungo sa kanyang nilipad na pangarap. Doon sa itaas kasabay ng paghiling na ibalik ang ipinahawak niyang kaligayahan - ang pinakamagandang bituing nahuli ni Renald. Siya ang iniwan. Siya rin ang nawala.
Hindi siya nasiraan ng bait. Magkaiba lang kayo.
Naroroon din si Kaloy. Sinisipat ang palagiang nilalakbay ng tinaguriang baliw sa lugar. Binibilang ang mga kumikislap sa malawak na kapatagan. Apat na nga lang, hati pa para sa trabaho at eskwela ang kanyang mga uniporme. Kaya hindi nakapagtatakang maaliwalas na magdamag ang laging sambit ng katorse anyos na bata. Humihinga pa ang mga magulang ni Kaloy ngunit sa kabutihang taglay ng mag-asawa, higit pa sila sa pumanaw. Walang pagpaparamdam. Si Kaloy, natutong tumayo upang diligan ang natutuyong lalamunan. Napilitang sumandal sa de-karton na haligi. Humakbang at ‘di kalauna'y bumabagtas na sa sarili niyang daan. Hinasa siya ng kadamutan ng buhay. Magtago man ang bituin sa pananaw, gagawa siya ng sarili niyang liwanag. Hindi ulan ang makapipigil sa inaasam niyang paglaya.
Nais niyang maging sing kislap ni Venus tuwing lumalabas sa gabi.
Himalang hindi napapaso si Osang sa nginangatang tabako. Nasa loob ng bibig ang nagbabagang upos. Walang sindi kung pagmamasdan. Naitago ang naghihimutok na init. Tangan ni Osang ang unti-unting nauubos na trese pirasong kwadradong plastik. Bawat bagsak, may bigat na kumakawala. Sumasabay sa pagkaubos ng sensasyon ng yosi. Gaya ng alindog, nauubos din ito. Wala na ang mga singkislap na bituing dati nakaakbay sa t'wing may rampa. Nasa kabilang kalsada lang ang abot ng paningin. Hindi maka-diga. Duwag nang lumaban dahil noong huling tumaya si Osang, nahipan ang sulo na sana'y sabay na pag-aalabin kasama ng magiging kabiyak.
Naupos ang pangakong bukas ng dalawa.
Gusto mo bang maglaro? Madre-madrehan. Pare-parehan. Nangagsikalat ang mga kandilang may sindi. Nakapwesto sa sulok ang mga santong nanunuod sa kanilang bawat galaw. Pagbabasahin ni Grace ng mga bersikulo si Enzo sa tangan niyang banal na aklat. Magkakasunod na papaikot sa paligid ang himig ng koral - Halleluja, Ama Namin at Kordero ng Diyos. Habang tumutugtog ang Alay, luluhod si Grace sa harap ni Enzo upang tanggapin ang nakahaing biyaya. Paglalaruan ito sa kanyang bibig. Magkadikit ang palad sa harapan ng dibdib. Nakapikit. Sa pagnginig na ang katawan ng pari - hudyat na sinasapian na siya ng espiritu, agad na tatayo ang madre’t pwersadong pagpupunitin ang albang nagtatakip sa baboy niyang katauhan. “Hindi bagay sa'yo ang puti” at pumatong sa lalaki. Umindayog. Kumakalansing ang kampana sabay ng malalalim na ulos ng dalaga. Ilang segundo bago matapos na ang seremonya, huhugutin ang ibinaon. Magbibihis.
“Tang ina!”
Kaunting tulak na lang ng gravity babagsak na ang luha ni Janice sa kanyang kaliwang mata. Dahan-dahang naglalakad, kumaliwa sa kanto ng Masbate sa Balic-Balic. Hawak sa kanang kamay ang bugkos ng rosas. Sa kabila naman'y nakapulupot ang lalaking kung pumorma'y pang-binyagan. Taas-noo. Suot ang ngiting nanalo sa isang paligsahan. Masigla silang naglalakad patungo sa naghihintay na magulang ng dalaga upang ipakilala si Albert - nobyo niya kani-kanina lang sa Wechat. Sa tindig ni Janice sinasabi niyang iba siya sa mga kapit-bahay. Na ang matagal nilang dinadaing ay hindi mararanasan ng dalaga. Mahirap kasi ang tumulala. Walang ginawa kundi ibulong sa hangin ang nais mangyari. Para kay Janice, parusa ang maghintay. Kaya kumilos siya upang mahanap si Albert. Nangako naman ang binata na tatanggapin siya. Lahat umano ng tao may baho, iba-iba lang ng pagtatakip. Kung umalingasaw man sa katagalan, bawas na ang bigat.
Doon sa poste ng ilaw bago lumiko sa kanilang kabahayan, bubulaga ang nakapaskil na kataga. “Lahat ay may rason.”
“Putangina.” sagot nila Aling Elsa at iba pang nakatanggap. Ikinandado ang pinto. Ibinagsak ang baraha. Niligpit ang sampayan. Kumuyakoy. Nainip na sila sa sinasabing katumbas na kapalaran. Bukod sa plano ng tinuturong may gawa ng lahat, wala na bang iba pang makakapitan?

Sabado, Pebrero 22, 2014 sa ganap na 5:32 PM sinalpak ni tadong daniel 2 Comments


    Panahon ng pagpaparamdam ng bagsik ni haring araw, pahinga ng mga estudyante sa eskwela, sa lugar na malayo sa usok at matataas na gusali, matatagpuan ang dalawang paslit na walang alam sa plano ng tadhana. Malaya nilang dinadama ang pagkabata. Mabagal ang takbo ng oras. Walang pakialam sa mga lupang nagsusumiksik sa kuko sa paa. Mapuno man ng gasgas ang tuhod, tuloy pa rin sa pagtakbo manalo lang sa laban. Paos na paos na pero upang manalo’y ipagtatanggol ang kanilang tama.
Sa La Union namunga ang binhing si Albert walong taon na ang nakararaan. Ipinunla ng mag-asawang magsasaka. Wala silang lupain ngunit may mayamang taga-Maynila na pinagkatiwala ang malawak na sakahan upang pagtamnan. Trabahador. Nagpapakakuba upang matustusan ang pag-aaral ni Albert. Pinapasan ang bigat ng sako-sakong ani mapagaan lang ang kinabukasan ng kanilang anak. 
“Anyamot ni Albert! Haang ka na tumulong! Aramidim mun ti assignment mo!”
Simple lang ang buhay nila sa probinsya. Nakangiti silang bumabaluktot sa araw na maigsi ang kanilang kumot. Batid nilang sandali lang ang tagtuyot. Maaambunan din ang kanilang hapag kahit pa-unti-unti. Makararaos din. Sa paligid nila’y puno naman ng gulay. Maaaring kantahin ang bahay kubo isama pa ang talbos ng kamote sa rami ng pagpipilian. Hindi kailanman mababagot ang mga langaw sa pagdapo sa kanilang mga plato.
Si Albert, bukod sa kanyang pagkabibo, maaasahan ng magulang na magiging tagapagtaguyod ng pamilya. Gusto ni Albert magkaroon ang pamilya ng sariling lupang pagtatamnan. Sabado at Linggo lang niya pinapayagan ang sariling makipaglaro sa mga kababata. Wantusawa. Umaga hanggang alas sais ng gabi. Pagkain at pag-inom lang ang pahinga.
"Walang pagkakapantay-pantay sa mundo. Malabo. Paano kung lahat mayaman? Sino na ang magtyatyagang magsaka ng ating makakaing bigas?" Sabi ng guro. Sa bandang gitna ng nakasalansang upuan, nakaupo kasama ang mahigit beinteng kababaihan si Janice. Nakikinig sa nagtatalakay na guro ng Values Education. Oo nga naman. Hindi kailanman magkakaparehas ang estado ng lahat ng nilalang.
Sa edad ni Janice, tanging pag-aaral at paglalaro pa lamang ang nagpapaikot ng kanyang mundo. Agad na tinatapos ang takdang aralin upang maitayo ang Doll house niyang hanggang baywang ang taas. Siya ang pinuno. Damang dama ang pagpapagalaw ng mga maliliit na tao. Iwinawasiwas ng mga daliri ang naisin. Ikinukumpas ang ikot ng buhay sa munting palasyo.
Ngunit nag-iisa lamang si Janice. Walang kasama sa paghalakhak. Iisa ang emosyong ibinibigay ng kanyang mga laruan. “Ma,” tawag niya sa babeng dinaig pa ng pagpapalit ng laruan ang presensya sa kanilang bahay. Kapatid ang tanging hiling. Kalaro. Katabi sa pagtulog. Kasama sa paggising, pagkain, paglalakad at paglaki. Sabik siyang maranasan ang kwento ng kanyang mga kaklase. “pwedeng pumunta sa labas?” Paanong makabubuo kung almusal lamang ang mainit na napagsasaluhan ng kanyang magulang?
"Uuwi tayo kina Nanay Teresa."
Kakarampot lamang ang umaaligid na bulak sa himpapawid. Nangagsayaw ang mga ibon sa paligid sa saliw ng sarili nilang musika. Tanging ang kadalasan ng pagpihit ni Albert sa kanyang mumunting radyo ang maririnig sa bahay ng pamilya Matuya. Walang magawa. Tulog ang kanyang mga kaibigan. Naniniwalang ang kataasan ay makakaapekto sa kanilang kaligayahan.
Kaunti na lang. Papaangat na si Albert tungo sa lugar na walang problema nang may biglang tumigil na makina sa tapat. Nambulabog sa katahimikan ng mundo. Nagitla ang mga ibon. Sumimangot ang mga aso’t pusang nakatungo. Naki-usyuso ang mga manok sa mga bagong salta.
"Mabuti’t napadalaw kayo?"
Karga ng katulong si Janice. Bahagyang gising.
Napabalikwas si Albert. Pumutok ang bulang sinasakyan.
Ngunit hindi sila nagkita. Walang pagpapakilalang nangyari. Hindi interesado. Binuksan ang mata. Ipinikit. Mas masarap matulog. Hanggang sa muling umandar ang makina papalayo. Doon sa lugar na ang potensyal ng pagkakaroon ng bagong kaibigan ay malaki datapwa’t panandalian. Doon sa lugar kung saan itinadhanang hindi magkita ang dalawang batang pupwedeng magkapalagayan ng loob.
Magandang hindi na ipilit pa ang pagtatagpo. Minabuti ng panahon upang wala nang masaktan. Hindi sila bagay. Gusto lamang ng isa ng kalaro. Mapaglilibangan. Samantalang gusto naman ng isa ay ang magiging kabalikat sa hirap at saya.
Ngunit bata pa sila. Huwag pangunahan ang tadhana.

Martes, Nobyembre 26, 2013 sa ganap na 4:54 PM sinalpak ni tadong daniel 4 Comments

Disyembre taong 2012

Nitong nakaraang linggo napagkasunduan ng buong department namin sa office na magkaroon ng Christmas Party. Unang pasko ko ito na buhay may trabaho ako. Halos anim na buwan na ako pero hanggang ngayon nag-a-adjust pa rin ako. Napapansin ko rin na araw araw pare-parehas lang ang mga ginagawa ko.

Gising ng alas singko. Pasok. Uwi. Tulog ng alas diyes.

Hindi nakakatuwa. Parang hindi ako makagawa ng oras para sumulat. Paisa-isang talata lang. May pagkakataon pang hindi ko matapos ang nasimulan. Nobela, maikling kwento, sanaysay at marami pang mga kabalbalan. Lahat nasa notes ko sa cellphone naghihintay lang na mapansin ko.

Balik tayo sa party namin. Hindi syempre mawawala ang Kris Kringle sa okasyon. Bumunot kami ng screen name para gamitin at hindi makilala ng aming "baby." Bilang napakatagal pa ng tinakdang araw (December 19), linggo-linggo kaming magpapalitan ng regalo depende sa tema ng dapat ibigay.

something reminiscing

mga bagay na magbabalik umano sa alaala ng pagkabata ang unang pagpapalitan ng regalo. kinilig ako ng bahagya dahil alam kong bukod sa matatanggap kong regalo, makakabisita muli ako sa mga tindahan ng mga laruan. may kakaiba kasing saya ang dulot ng awra sa loob.

Nilibot ko ang buong Robinsons Galleria para hanapin ang gusto kong iregalo. Toys r Us.

May headband kayo na may abubot sa tuktok? May ideya na kayo sa kasarian ng pagbibigyan ko.

Wala, sir. 

May pakpak kayo ng fairy? 

Tapos na po ang Halloween, sir. Loko loko.

Hanggang mapadpad ako sa parte ng mga librong pambata. De joke lang. Naisip ko lang na libro na lang ang ibigay ko. Naalala ko kasi noong elementary, hindi kami magkamayaw sa paghahanap ng mga alamat ng kung anu anong bagay. Bawat baitang may ipagagawa ang guro ng Filipino o English na summary report / book report / review.

Mga kwentong punung puno ng aral ngunit may tinatagong pakahulugan. Sa isang banda naging panakot ito sa aming mga kabataan. Halos lahat kasi ay tila naparusahan gaya ni Pinya na laging dinadahilan ang matang tinatamad tumingin at magmasid at ni Saging na laging paa ang ginagamit sa pag-abot sa bagay sa paligid. Kung hindi man ay naging Mangga dahil sa kabusilakan ng puso at Sampaguita dahil sa pagmamahal ni Guita? Hmmm.

Sampa Guita! Sampa! Sabi ng kanyang irog habang inaangat siya sa bangin.

Hindi ko tinuloy ang balak na pagbili ng libro. Puro kasinungalingan. Binibigyan nito ang mga kabataan na maging mabait sa maling paraan. Parang ang konsepto ng langit at impyerno. Itinatatak sa isipan natin na magpakabuti dahil may langit na naghihintay sa halip na gumawa ng kabutihan dahil masarap sa pakiramdam.

Pero bakit kaya hindi pa nayayari ang alamat ng tao? Na si Langgam ay naging tao kasi hindi siya sumusunod sa pila, lagi pang sumisingit. Na si Buwaya naging tao dahil sa pagkain niya ng hindi sa kanya at kalauna'y naging Kongresista. Na si Manok nagnais magpapansin, putak ng putak kaya ginawang social networking site user. Hindi kaya parusa ang maging tao?

Sige, balik na lang tayo sa party namin. Binili ko ang napaka-cute na stuffed toy. Hindi sa sinasabi kong kadikit ng laruang 'yon ang pagiging bata pero ang mga bata, hindi ba, likas na mapaglaro? Makikita natin silang dinuduyan ang mumunting laruan na tila kanilang anak; kinakausap gaya ng mga kaibigan; at sumbungan kapag pinagalitan ng magulang.

Hayyy. Kay sarap maging bata. 'yung panahong ang katumbas ng pagtahan ay makukuha sa tigpipisong Hani o Flat Tops. Wala nang mas mahalaga pa sa star na nilagay ni Ms. Atienza dahil nasagot ang tanong sa klase. Hindi tulad ngayon. Habang dumadagdag ang edad ng tao, gayon din ang paghahanap natin ng tunay na kaligayahan. Hindi na natin makuhang ngumiti. Mahirap na sa ating maging maligaya sa simpleng bagay. Karaniwan pa nga'y pinipilit na lamang nating maging masaya.

Ang lungkot na tuloy. Pwede bang balikan na lang natin ang kabataan na puno ng saya? Kakabit kasi ng paggunita sa nakaraan ang paghahanap natin ng katulad na karanasan ngayon.

May nakita akong isang karatula galing kay pareng Google. Ito:



Kung pwede lang... 

Huwebes, Oktubre 3, 2013 sa ganap na 10:21 PM sinalpak ni tadong daniel 4 Comments

     Lulunurin ng mga malalalim na salita. Bubugahan ng mga mababangong paglalarawan. Palalasapin ng hardin sa kabila ng maruming kapaligiran. Palalamigin ang sikat ng araw. Magtitiis hanggang ang buwan ang pumaimbabaw. Sa langit sila ay nakatulala. 
Umaasang masasagip pa ng kakarampot na pag-asa ang kanilang pinagsamahan. Nakatali ang mga daliri. Hinahaplos ng kadiliman ang matang naghahanap ng kalinawan. Kakaiba ang ihip ng hangin - nakikisama sa kuryenteng nag-uugnay sa dalawa - hindi na halos maramdaman. Unti-unting lumalayo ang mga ulap dahilan upang mapuno ng bituin ang kalawakan. 
Sinungaling. Ano bang ikinaganda ng lugar na ito? Punung puno ng taong nagsikalat na walang ginawa kundi matahin ang nakakasalubong. Pare-parehas lang naman ng hanap. Pag-ibig. Hindi nagkakalayo ang mga mata nilang uhaw sa tunay na kaligayahan. Animo’y kadikit ng pag-ibig ang ngiti sa labi. Na ang kapareha ang magsasalba sa kanilang lunod na kaluluwa. Na ang luha’y mapapatid sa tulong ng isa pang problema. 
Kagaya nila. Sa kaingayan ng gabi, tahimik na pinakiramdaman ni Elsa at Mark ang daloy ng hangin. Pag-uusap nila ay maingat. Nasa bangin sila kung maglakad. Isang maling hakbang ay tuluyan nang mamamatay ang apat na taon nilang relasyon. 
Anong ginagawa natin dito? Sinigurado ng dalaga ang hindi pagtulo ng luha. Kahinaan ang batid ng likido sa lalakeng tulad ni Mark. Hindi pa ba malinaw ang lahat? 
Gumapang sa gilid ng mata ng binata ang kanyang luha. Kilala niya si Elsa, malambot ang loob niya sa mga umiiyak. Marami pa. Kaya pa natin. 
Anong magulo sa tapos na? Tanging bibig na lang ang kanilang iginagalaw. Ni ang pagsulyap sa isa’t isa ay tila pinagbabawalan ng batas na sila lang din ang gumawa. Walang naririnig kundi ang katabi. Mga tuod. Maging ang mga bituin ay napagod na sa pagkislap. Baliwala ang buong paligid. Bitawan mo kamay ko. 
Dito lalong hinigpitan ni Mark ang kapit kay Elsa. Ayaw niyang pakawalan ang dalaga dahil alam niyang siya na ang itinadhana sa kanya. Binulong ng isip sa kanyang puso. Sinang-ayunan naman ng puso. Kaya hanggang ngayon ay lumalaban si Mark kahit alam niyang siya na lang ang nakakapit. Kahit maluwag na’t handa nang kumawala ang dalaga. Bitawan mo na’ko. 
Naalala mo mga pangarap natin?
Hindi lahat ng pangarap maaabot natin… matigas na ang tinig na lumalabas sa bibig ni Elsa. Damdamin niya marahil’y ga bato na rin. …na magkasama. 
Darating ang panahon na makakakilala tayo ng bagong mamahalin. Marahil sa kaniya masasambit natin ang napakakulay nating kagustuhan. At sana sa pagkakataong iyon, magtugma na ang ating kapalaran, ng magkahiwalay, pero masaya. 
Kanina pa pinatatakas ni Elsa ang binata. Lahat ng pagpapalaya naibigay na niya. Pinagtabuyan. Wala nang pag-asa ang relasyon nila. Ngunit para kay Mark, kahit na isang daliri na lang ang nag-uugnay sa kanila, patuloy pa siyang manunuyo hanggang lumambot si Elsa. Bumalik ang dati. 
Mark, tama na. Utos ‘yan na hindi na kailangan ng sagot. Hindi siya nanghihingi pa ng kahit ano kay Mark. Siya na ang humiwalay - daliri niya’y tinanggal sa pagkakatali. Kumalas. Tumayo’t naglakad papalayo. Samantalang si Mark ay sa langit nakatulala. Wala nang mailabas. 
Ang ganda pala ng mga bituin. 

Martes, Setyembre 25, 2012 sa ganap na 1:02 AM sinalpak ni tadong daniel 12 Comments

Ito ang mga panahong gustong gusto kong magsulat. Kasama ng maiingay na tao sa paligid, lilikha ako ng tauhang magsisilbing tagapagmasid sa lahat ng nangyayari. Umiikot ang mga mata. Humahanap ng mapapasukang isipan. Pipiliting mapahaba ang nakukuhang tunog ng tainga. Pansamtalang ititigil ang mundo. Saka ako babanat ng mga letrang binuo sa nahagilap na pinagsama-samang imahe.

O ‘di kaya ay habang pumapasada ang aking bus na sinasakyan, ikukuwento ko sa mga mambabasa ang mga tanawing nakapukaw ng aking pansin. Bagama’t ang biyaheng pa-Cubao ay pamilyar na sa mga tao, may mga bagay tayong napapansin na nakakaligtas sa mata ng iba.

Halimbawa: Tatlong tao ang nasa iisang lugar. Nangyari ang isang krimen ngunit isa lang ang nakapagsabi ng tunay na naganap. Isa lang ang nakasaksi.

Masarap ikwento ang isang hindi pa naririnig ng karamihan. Isangkutya ang maliliit ngunit malasang mga tagpo. Gawing malaman ang sabaw na dinulot ng pagkahapo mula sa hitsura ng trabahador. Bigyang kahulugan ang kasiyahan ng dalawang binatang magkakapit bisig. Tutulungang magdahilan ang babaeng nagalit sa pagtapak ng kapwa pasahero sa kanyang sapatos. Kakausapin ang luhang kanina pa umaagos sa mata ng babaeng tulala.  

Minsan pa ay pinipilit habulin ang binibigkas ng mga kuliglig sa paligid. Baka sakaling maintindihan ko ang pagngawa nila sa sulok. Baka mas may saysay pa ang dinadaldal nila kaysa sa mga taong nakaharap sa kamera’t pustura pa sa suot.

Pero hindi ko magawa ngayon. Mas nanaig ang kagustuhan kong ubusin ang laman ng utak ko sa’yo. Gustong gusto kitang kausapin. Pag-usapan natin ang mga gumugulo sa isipan mo. Punuan ang lumalapad na espasyo ng ating ugnayan. At kapag umayon sa atin ang hangin, gagaan ang biyaheng ito. Madadampian ng ngiti ang suot mong mukha.

Ngunit iba ang ikinikilos mo. Pinili mong pakinggan ang sinasabi ng mang-aawit sa cellphone mo. Hinarap kita pero kamay mo lang ang sumagot sa aking pakiusap.

Alam ko naman na ang paroroonan ng istorya natin, eh. Ako lang din ang nagpilit na ihatid ka papunta sa inyo. Baka kasi sa kalagitnaan ng paglalakbay natin, magbago ang ihip ng hangin. Baka mag-iba ang katapusan.

Dito na ang babaan.”

“Sa wakas nagsalita ka rin. Hindi mo alam kung gaano…

“Paalam”

“….ko hinangad na makausap ka.”

--------------------
Maikling kwento
ang teksto sa itaas ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon)

www.saranggolablogawards.com.



 


 


Sabado, Agosto 25, 2012 sa ganap na 6:32 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

‘to talaga ang gusto ko kung bakit pinananatili ko ang shuffle on at repeat all sa mp3 player ko. nagkakaroon ng pagtutugma ng natatapat na kanta at ng nararamdaman ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.

Isinasatitik at binibigyan ng magandang melodiya ang gusto kong isigaw sa kalawakan. Alam kong walang sasagot. Pero tulad ng mga kanta, sinulat ito kahit hindi alam ng kompositor kung may kakanta ba kapag nailabas na sa merkado. Kung may magtatyagang pakinggan ang bawat letrang inilabas ng kanyang puso. Kung may sasabay bang puso sa bawat kumpas ng gitara at hampas ng tambol. Kung ituturing ba ‘tong buod ng buhay ng isang tao. Kung magiging palamuti na lang ba ang plaka niya sa piyesta sa nayon. O maitatago sa isang kahon, maaalala lang na naging parte ang kanta ng kanyang bihay isang araw habang naglilinis ng baul. Napakaraming maaring kahinatnan ng isang kanta. Hanggang sa huling sulyap ng mga nagmamahal sa atin ay pupwede itong patugtugin.

Kanlungan ni Noel Cabangon

Una kong nasayaw noong nasa mababang paaralan pa lang ako. Paksa kasi  ng asignatura naming ang locomotive at di-locomotive. Para maipakita naming sa guro at mapatunayan na naintindihan namin ang dalawang uri ng galaw, kailangan naming maggrupo-grupo at bumuo ng presentasyon gamit ang mga galaw. Sayaw ang ginawa namin sa saliw ng kantang Kanlungan. Dito kami sa bahay nag-ensayo. Maganda ang kinalabasan.

Dumaan ang hayskul at kolehiyo, hindi ko na alam sayawin ang Kanlunga. Ang pinaghirapan namin ng ilang araw ay ganoon na lang lumisan. Hindi ko na kilala ang ilan sa mga nakasama ko noong sinayaw namin ito sa eskwela.

Isang araw nakita ko sa Youtube ang video nito. Agad kong dinawnlowd ang kanta. Nilagay sa memory card. Ilang araw ang lumipas, muli ko itong nakaligtaan. Hindi narinig. Noon ay lumakas ang kagustuhan kong hanapin ang mga kasama ko sa nasabing sayaw. Silang mga lumang tao. Makipagkwentuhan. Alamin ang mga bago sa kanilang buhay. Ang kabuluhan ng kanta ay naglaho kasabay ng pagkawala nito sa aking pandinig.

Ngayon, habang hinaharana ng Kanlungan ang aking gabi, nagaganap ang isang maliit na pagpupulong ng aming Brgy. Patuloy pa rin kasi kaming tumututol ang mga opisyal ng lugar naming sa kagustuhan ng NHA na paalisin kami at itambak sa Gaya Gaya, Bulacan. Iginigiit pa rin na hindi pa lubusang sira ang aming kinagisnang lugar. Lumalaban at umaasang mapakinggan ang bawat panig.

Ba, mahirap iwan ang lugar na pinagmulan mo, a. para ka na ring binigyan ng selective amnesia. ‘yung tipong may sumisingit na kahapon sa’yong isipan ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi mo mabuo? Ang mga sulat sa pader, baho ng lugar, ingay ng mga bata, kwentuhan kasama ang mga kapitbahay, parte yan ng memorya. Bahaging hindi mapupunuan ng mansion o bagong bahay.

Beinte uno anyos pa lang akong nabubuhay dito. Nagkaisip. Ngunit nabigyang halaga lang ang lugar namin kung kailan alam ko na kaunti na lang ang pamamalagi dito. Kung kailan kukunin na sa amin at mukha wala nang balak ibalik.

Kung para sa akin masakit ang malayo rito, paano pa kaya silang mga nauna ditong manirahan? Silang buong buhay ay naririto? Lahat ng kanilang nakasanayan, hininga, hinugot sa baul na karanasan, at ang kanilang mga naubong prinsipyo’t paniniwala ay tila mananakaw sa kanila.

Gusto ko rin sanang maibahagi sa mga magiging anak ko ang mga aral na naidulot ng lugar namin. Ipapakilala ko sa kanila ang mga kaibigang naghubog ng pagkatao ko. ang mga kapitbahay. Ang mga lugar na lagi kong pinupuntahan kapag malungkot ako.

Pero ganoon yata talaga. Ituturing ko na lang bula ang mga ito. Sa isang sundot, mawawala. Makakalimutan.

May mga bagay na hindi natin kayang pigilan. Bagama’t kaya nating patagalin ang kaganapan, darating at darating sa puntong tatanggapin na lang natin ang kapalaran.

Lahat kami gunita na lang ang matitira. Na kung mabigyan kami ng pagkakataon na makabalik dito, sa naging tahanan namin, bagong alaala na ang aming mahahabi. Wala nang mga nakasanayang gawi.

Gaya ng sinasabi ng kanta, pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?,

PS: hindi kmi iskwater pero kung ituring kami ng NHA ay para bang nakadudumi kami sa imahe ng Maynila. 

Lunes, Mayo 21, 2012 sa ganap na 5:05 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Matagal ko na ding hawak ang cellphone kong  to. 2630. Simple lang kasi. Bagamat walang masyadong kagagandang features gaya ng mga bagong labas na brands ngayon, naroroon pa rin ang pinakahahanap ko sa isang cellphone. Makatanggap at makapagpasa ng mga text messages. May radio rin to, nakapakikinig pa ko ng morning rush. May camera rin to, kahit VGA lang ayos na, hindi din naman ako mahilig kumuha ng picture ng mukha ko eh. Nakakapag internet din ako ng libre. Google, for assignments. Nagbabasa ng blogs sa tumblr, wordpress and blogspot. Nakakapag status sa facebook. Masaya na ko sa cellphone ko pramis.

Kinukumbinsi natin ang sarili natin na ayos na tayo sa ganitong set up. Na sapat na. kahit may mga sabit na. pilit pa rin nagsusumiksik.

First year college ito nang mapasa akin. First cellphone ko rin to kaya mahirap pakawalan. Kahit sobrang napakarami nang alok ng tatay ko akin na mas maganda pa dito. Una sasabihin ko na gusto ko ang alok niya sa akin, pero maya maya ay babawiin ko din. Iniisip ko ang napakaraming mga events na pinagsamahan namin ng 2630 na to.

Ang past ay nandiyan bilang inspiration, lakas na pwedeng hugutan kung may dagok na kinakaharap. Wag matakot na iwan ito pero hindi dapat na ito’y kalimutan.

Corby, Samsung star, nokia x2, at may dalawa pang hindi ko na matandaan. Minsan sinabi na din ng tatay ko na ako na lang daw bumili dito sa Pinas ng gusto kong cp, bibigyan na lang niya ako ng pera. Canvass muna ako ng mga presyo sa sm sta. mesa. nakahelera ang mga sobrang gagandang mga cellphones doon na bagong labas. Tinignan kong muli ang hawak ko, papalitan na ba kita?

Kahit napakaraming magagandang nakalatag sa harap kung hindi interesado ay hindi mangyayari ang nais maganap.

Kung susumahin, four years na kaming nagsasama nito. Halos kasama ko ito sa journey ko sa buong college. Kung iisipin din sa pagkupkop ko dito, eh napag iwanan na ko ng teknolohiya. Naiwan ako sa radio, samantalang ang iba nag e enjoy na sa mga memory card at may radio din. Naiwan ako sa VGA at ang iba nasa mega pixels. Yung iba ginagamit itong 2630 para sa panglabas na gamit, pero may blackblerry bilang private usage. Kailangan ko na bang iwanan ito? o dapat pa rin akong kumapit sa mga alaala ng cellphone na ito? kahit ito na mismo ang umaayaw? Sumusuko?

Ang pagbitaw ay hindi nangangahulugan ng pag iwan. Ang pagtanggap ng bago sa buhay ay hindi pagsasawalang bahala sa nakaraan. Minsan ang pagyakap sa hinaharap ay pagbubukas sa bagong oportunidad sa pag unlad.

Hanggang nayon, tangan ko pa rin itong lumang cellphone. nag lilimang isip, kung meron man na ganoong tawag, na bumili ng bago.

Hindi na natuto.

Tulad kapag umiibig. 

Linggo, Mayo 20, 2012 sa ganap na 3:36 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

nakatext ko ‘yung kaibigan ko sa college. tinatanong niya kung ano na ang plano ko ngayong tapos na sa pag aaral. mag a apply. sabay singit ko na may hinihintay akong tawag mula sa pinagpasahan ko ng resume at letter of interest. 
bali dalawa ang inaasahan kong tawag na galing sa mga Non Government Organization. ‘yung isa namang private, nagre requirements na ako. isang linggo na lang kapag natapos ko na lahat ng kailangan ng company na ‘yon, tuloy na talaga ako.
isang linggo na lang din ang palugit ko sa dalawang NGO na tawagan ako for interview. siguro kapag isang araw sa linggong ito eh tumawag sila, bibitawan ko ‘tong sa private, kung papasa rin ako sa kanila. haha. 
ininterview ako ng president ng private company noong nakaraang monday, tanong niya sa akin kung saan ako magaling. 3 seconds bago ko naisagot ang MATH kahit hindi naman talaga ako magaling doon. kahit bano naman talaga ako. kung dumulas pa ng kaunti ang dila ko, malamang naisambulat ko ‘yung pag intindi sa mga tao at pakikipagkapwa tao. ewan ko rin kung magiging totoo ako sa sarili ko sa sagot na ‘yan. hindi naman ako magaling sa kahit anong bagay.
gusto ko lang talagang makapagtrabaho sa isang organization na totoong may tinutulungan. gusto ko lang magtrabaho kasama ang mga taong makatao. gusto ko lang maging parte ng lipunan. gusto ko masaya at fulfilling. 
alam ko sa sarili ko kung saan ako mas liligaya. kaya noong nabalitaan ko na requirements na ako sa private company, kaunti lang ang excitement na naramdaman ko. hindi katulad sa pakiramdam noong papunta kami sa Mandaluyong Elementary School para magturo at tumulong sa mga estudyante ng tungkol sa pagtitipid at pagse-save ng pera. kakaiba. 
siguro hindi pa talaga para sa’kin ang pagtatrabaho para sa bayan. ang drama! pero totoo, naghihintay pa rin. siguro kung hindi ngayon ang oras para sa NGO, bukas mas maganda na ang oportunidad na ibibigay sa akin. alam ko ‘yon.
lahat naman kasi may nakalaang panahon. huwag lang nating pilitin ang hindi pa talaga dapat mangyari. para lang akong nagsuot ng damit na hindi pa nabubuhol sa pagkakatahi, sa katagalan ay tastas agad. para ko na ring binalatan ang manggang bukas pa mahihinog, hindi maipinta sa kaasiman ang mukha kapag kinain. para akong bumili ng XL na damit sa pag aakalang tataba sa susunod na buwan. (pilit na paghahalintulad hahaha)
sa susunod na lunes, kapag natapos ko na ang requirements ko at hindi pa dumarating ang tawag ng dalawang NGO, kakainin ko na ang nakahain sa aking harapan. mainit pa, bagong luto.

Sabado, Mayo 19, 2012 sa ganap na 3:57 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

ang liit lang pala ng Robinsons Otis. wala masyadong tao hindi katulad ng kahit saang Robinsons sa Metro Manila. kakaunti lang din ang mga stores dito. hindi mabibilang sa kamay pero hindi naman nakakapagod kapag inikot. mata mo lang ang mananawa sa paulit ulit na tindahang nakabalandra. 

puro pagkaen pa ang tinda. hindi ko na matandaan kung anu anong mga pangalan. hehe. nasa isang daan lang halos mga bumibisita ngayong oras na nandito pa ako.

tumungo nga pala ako sa Robinsons Otis para kumuha ng NBI clearance. sa katangahang palad, sarado ang agency kapag weekends. hindi ko naitanong kay google, kausap ko pa naman siya kahapon.
dalawang baitang lang ang taas ng buong gusali. walang sinehan. balak ko pa namang tignan ang mga bagong indipendent film ngayon. sa Robinsons mall daw kasi madalas pinapalabas ang mga pelikulang ganoon.

pagkababa ko ay naalala ko ang nabasa ko sa Discover Magazine ng Robinsons, magkaibigan pala ang National Book Store at ang Robinsons. kaya dali dali kong hinanap ang pwesto ng NBS sa mall na ito. mapalad ako at bungad lang ito. 

pumasok ako. kaunti lang din ang mga libro, pero siksik. hinanap ko kaagad ang Filipino Section, wala. pero nakita ko naman ang it only hurts when i pee, macarthur , pati ang ligo na u, lapit na me. alam ko kasi na magkakasama lang ang mga librong natin sa isang shelf kaya tumambay na rin ako.

ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na mapadapo ako sa kahit saang book store, haharbatin ko na agad ang libro ni eros atalia. syempre babayaran ko naman. pero iba ang pinunta ko dito, sayang nga eh. bawal kasi gumastos ng hindi nakaplano ngayon. marami pa namang pagkakataon, hayaan na muna natin itong makalagpas. 

dahil ayaw ko pang umuwi, naghanap hanap muna ako ng mga librong pupuwedeng ipila sa pagkakagastusan. gapo, bata bata paano ka ginawa, young blood, at napakarami pang iba.
sa bandang ibaba ng shelf, nagpumiglas bigla ang wallet ko nang makita ko ang its a mens world! 180 lang ata? kikislot kislot na ang mga pera para lumabas ngunit napigilan ko pa naman. muli, hindi nararapat ang mga side trip ngayon. higpit muna ng bulsa. 

dahil bukas ang librong nakita ko, (patawarin ako ni bebang siy), binasa ko ang chapter 1. wala akong masabi sa sobrang ganda ng pagkakalahad ng kwento. nakakakilig, nakakatawa, at nakakatuwa. batang bata ang nakukwento. para akong nakikipag usap sa isang batang bago pa lang sa pagdadalaga. balak ko pa sanang i-extend ang pagbabasa hanggang susunod na chapter, kaso nakakahiya na talaga sa mga tao doon.
in conclusion, i will definitely buy that book. quesera sera. haha

nangangalay na ako dito sa pagkakaupo sa tapat ng citibank savings. nakikita ko pa ang reflection ko sa salamin. nababanas pa ako kasi ang gwapo ko sa salamin. wag ka nang kumontra! haha

uwi na nga ako. ingat ako!

Lunes, Mayo 14, 2012 sa ganap na 4:48 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

isa sa unang unang pinangangalandakan ng mga Pinoy na katangiang natatangi (haha) ay ang pagiging hospitable. smile! kahit hindi kakilala, siguro ngingitian basta makitang namumukaan nila ang isa’t isa. kahit sa mga bahay, pwedeng makiinom o makitulog kung wala na talagang matutuluyan (very movie style). jan nabuo ang budol budol o salisi gang. well, hindi naman yan ang patutunguhan ko. welcome all! enjoy!

youporn, youjizz, xtube, bangbus, etc, alam mo din yan, magkunwari ka pa eh. minsan mo na din yang nabisita o natambayan. kung hindi man, wag mong subukan. hehe. itanggi man natin, ‘pag nakarinig tayo ng sex, halos mahiya tayong pag usapan ito. pero curious. ayaw nating madamay ang sarili natin sa usapang ganito dahil may tinatago din tayong kalibugan. baka kasi layuan tayo ng mga tao at pandirian.

napasali ka na din ba sa mag aliberated clans? bastusan ang labanan doon. yayaan ng SEB kung saan. secret agenda kung kaninong gustong kumabet. lalaki sa lalaki. babae sa babae. at sa magkaibang kasarian. wag ka ding sasabak sa ganyang text clans.

sobra na tayong kaiba kay maria clara at kay ibarra. (kung sila man ang pamantayan ng pagiging isa matinong Pinoy.) mahinhin pero matalino. makisig ngunit may pagtitimpi. bahid na bahid na sa atin ang kilos ng mga dayuhan. dulot marahil ito ng pagpsok ng mga palabas na hindi kailanman naging angkop sa mga kabataan o kahit sa kaugalian ng mga Pinoy. may mga babala pang bawal kapag hindi aprubado at walang gabay ng magulang ngunit ganun din naman. hehe wa masabi eh.


itong hayskul musical, market nito ang mga kabataan. alam nating hindi tayo allowed na makipagrelasyon kapag tayo ay hayskul pa lamang. (ang luma ko no) pero dahil masaya naman ang makipagrelasyon with matching kanta kanta pa sa panliligaw eh, pwede na as long as tayo ay masaya at ang puso ay napapakanta na din. (non sense)



itong juno din, (nang aaway nako nito haha) nagkabuntisan ang dalawang teens. Una’y nagkaproblema sila dahil hindi pa sila handa at hayskul pa lamang sila pero sa huli ay pinandigan din siyaa ng lalake. against all odds ang labanan nila dito kaya ang sweet ng dating para sa atin. ayon, pumatok dito sa Pinas. latest na bilang nila ng mga Pilipino ay higit sa 100 million na ata? ok lang ang magkabuntisan, basta papanagutin ng lalaki, sweet kaya.

itong glee ang pinakamalupit. hayskul theme ang kanilang front. walastik sa istorya. agawan ng boy friends at girlfriends. seducing each other, halikan at agawan ng atensyon, lahat halos upstager. doon sa palabas, pwede ang mga siraan sa faculty, away ng mga teachers at estudyante, landian ng faculty. pag addict ka dito gleek ka, muntik ka nang maging geek. sayang! patok na patok nga eh. pero i heard na mejo flop ang glee the movie nila. natutuwa tayo pag in tayo eh. lalo sa mga palabas sa ibang bansa. ang totyal kasi pakinggan at sa pakiramdam at higit sa lahat kapag napanuiod mo ang fresh from the us episodes (FUSE).


pati nga mga words at expressions nila ginagaya at mas malala ay sinasabuhay pa natin. dati ang salitang HOT eh para sa may mga lagnat lamang. ngayon pati sa tao pagde describe sa katangian at panlabas na anyo ay pwede na rin. “ang hot mo naman!” “thanks” sabay kindat at kagat sa labi. 

YUMMY ka! pagkain lang talga ang tinitikman hindi ba?  anyare? at doon nabuo ang salitang kainan. haha.

ngunit sa isang press conference na ginanap kung saan man, sinampal sa Pilipinas ang isang balitang sex lamang ang hanap ng mga dayuhan sa tuwing bumibisita sila dito sa atin. Hindi ko nakuha ung exact words pero ang pagkaintindi ko dito ay “bayang parausan?” o well masakit naman talaga sa mata kapag ang ingles ay trinanslate sa salitang Filiino. (gagamit nalamang tayo ng salitang hiram minsan no? pero dahil gusto kong mas harsh, tinagalog ko haha)

may pagkatotoo naman ng bahagya ang pahayag ni mang Thomas. sa pananaw kasi natin mas hot at yummy ang mga taga ibang bansa. (hindi ko sinasabing dapat sa kapwa pinoy tayo makipag sex dahil mali din ang gawin iyon sa hindi mo kakilala at asawa) imported ika nga nila. blue eyes, blonde hair, big boobs, and exaggerated na penis at maraming pang mga makikita sa mga porn movies.

gutom tayo sa ganitong idea ng sex partner. halimuyak at lasa ng katawan ng ibang bansa ang lagi nating gustong tikman. bakit nga pala tayo nging addict sa kanila? kay megan fox, kay brad pitt, kay angelina, kay nicole na pinay, kay kung sino man silang pantasya ng mga kung sino lang din. diba dahil un sa kanilang msyadong pag e exhibit ng kanilang mga katawan sa telebisyon at sasabihig ‘hey this is what you like right? you like it like it?’ tayo naman.. ‘yesssss’ 

si mang thomas, kunyari paparusahan ang kanyang mga kababayan kapag may nahuling sex lang ang habol dito sa Pinas. matanong ko lang, nasaan na nga ba si Daniel na nang rape at na convict matagal na ang nakalipas? halos wala na tayong balita sa kanya simula noong nailipat sya sa puder ng mga amerikano. baka nga nakabalik na yon sa kaniyang serbisyong military eh.

nakakahiya ang mga binitiwang pahayag ni mang thomas. nakakahiya naman sa kaniya na ang mga kapwa niya amerikano ang mga parokyano. sila itong mga tagapagpalabas ng libido sa ating katawan, hindi ba? sila itong nagbigay sa atin ng mga idea ng kung anong dapat standard sex partner hindi ba? ngunit anyare nanaman?

bulag na nga tayo. binulag nila tayo. banlag na tayo. diretso ang mukha ngunit iba ang tinitignan. alam na natin na tayo ang ginigisa sa mainit nilang pakulo sa mga palabas. bulok na yan. magbabago pa tayo. take control government. maaari namang ipagbawal ang mga porn sites hindi ba? ang MTRCB, ipag bawal ang mga palabas na lubos na hindi akma sa kulturang pinoy. 

sabi nga ni maria ressa “si Pnoy may magandang adhikain sa bansa, ngunit kulang sa lakas ng loob sa mga desisyong gagawin”

Biyernes, Mayo 11, 2012 sa ganap na 5:49 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

isang dangkal na lang ang araw bago palitan ng buwan. sa kabilang dako naman ang buwan ay hindi ko alam kung susulpot kaagad o maghihintay ng mga kasamahang bituin upang maghatid ng pagtatanghal sa kadiliman ng langit.

wala akong ideya kung mayroong moon watching, paglubog man o pag angat. kumpara sa aktibidad ng haring araw na ang pagsikat ay hindi tinutulugan at ang pamamahinga ay sinasabayan.

ngayong araw, isang tulog bago ang aming pagtatapos, hindi ako pinagbigyan makipagtalik kay araw. binigo niya kaming mga nasa tapat ng Manila Bay na makasama siya hanggang sa huling silip ng liwanag. tanging kahel lang ang naaaninagan.

hinanap ko ang buwan. gusto ko sanang makita ang entrada ng palabas niya. kumbaga sa araw, sumisilip muna sa likod ng bundok, papaangat, hanggang sa maabot ng liwanag nito ang buong kapaligiran. sa buwan naman, mapapansin lamang natin ito kapag napakaganda ng porma nito sa langit. kapag kakaiba ang liwanag na dulot nito sa gabing ‘yon. kapag may nagsabi sa atin na sulyapin ang hangin. kapag malungkot tayo at naghahanap ng makakasama.

wala akong makitang buwan. wala akong makitang araw. hindi ko na rin masukat ang araw dahil tuluyan na itong nagtago. mga ulap na lang ang nagsasabing nasa tapat pa siya ng kaunting bahagi ng Pilipinas.

at hindi maglalaon, kapag nagmatigas ang China, hindi na rin natin malalaman kung hanggang saan ba talaga ang tunay na sa atin. patuloy ba tayong sasandal na lamang sa higanteng USA? o magkakaroon tayo bigla ng bayag? matikas kayang maninindigan ang mga Pilipino kahit buwan na lang ang tanglaw ng pag asa?

sa oras na tumiklop ang mga kano sa mga intsik, tiyak na manlalaki ang mga mata nila sa nakabulatlat na oportunidad. hindi magandang mangyari muli ang napakakulay na kasaysayan ng ating bansa. hindi na rin kasi katulad dati ang pananakop ng mga malalakas na bansa. napakarami nang mga makabagong armas, at aminin natin na kulang tayo nito.

sana hindi tayo matulad sa araw at buwan. salitang magsasakupan ng lupain. lulubog at lilitaw depende sa itinakda ng panahon at ng oras. maging malakas nawa tayong hilain ang araw kung kailangan ng matinding init ng nasyonalismo. hindi napag aaralan iyon. wala sa edad. nasa puso ‘yan at pag unawa sa bayang kinagisnan.

Sabado, Mayo 5, 2012 sa ganap na 3:50 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

kapag hindi sa atin ang isang bagay, maging responsable tayo sa paggamit nito.

‘pag dinala natin ito sa ibang lugar ay siguraduhin naman natin na babalik ito nang buong buo at hindi iiwan sa mga dahilang walang katuturan.

hindi iyo tapos iiwan mo sa ibang bahay?

hindi iyo tapos dadalhin mo kung saan saan?

‘pag kinuha sa’yo sasabihin mong wala sa’yo at nandoon sa ibang tao? POOR EXCUSE!!

‘pag alam mong mali ka, ‘wag kang umepal at sumagot sagot para patunayan mo lang na ikaw ay hindi paaaapi.

‘pag hindi mo alam na mali ka at kung makasagot ka na feeling mo karapat dapat ang mga sagot mo, siguro hindi mo alam ang term na analysis of the situation?

mag-isip isip. hindi puro puso ang pairalin. wag gawing tanga ang sarili.

‘pag hindi matanggap ang pagkakamali, normal lang yan sa isang BATANG hindi pa alam ang tunay na salitang PAGKAPANALO AT PAGPAPAKUMBABA.

‘pag hindi na maganda ang sitwasyon, maaring wag na lang sumagot dahil baka magdulot pa ito ng isang napakagulong sitwasyon. na alam nating hindi makatutulong sa pagkakaayos at pagkakaintindihan o pagkakaintindi sa sitwasyon.

there is always a thin line between HAVING SOMETHING TO SAY and HAVE TO SAY SOMETHING.

touch moved. isang palatandaan ng pagiging tunay na tao ay ang kakanyahang makapag-isip muna bago gumawa ng aksyon HINDI ang paggawa ng aksyon at saka tayo mag-iisip.

karl marx’s HUMAN POTENTIALpinapaliwanag dito na ang tao, kaiba sa hayop, ay pinagkalooban bukod sa kapangyarihang makapagsalita ay may kakanyahang makapag-isip, makapagplano, makapag-analisa, makapag-konklud bago gawin ang isang aksyon.

ang sa akin lamang ay wag tayong maging padalos dalos sa ginagawa nating kilos.

ang sa akin lang ay pag nakagawa tayo ng mali mula sa kilos kahapon, wag na nating ulitin pa. walang enjoyment na nararamdaman, meron ba?

ang sa akin lang, ang word na sorry ay dalawang syllables lamang, kahit hindi mtanggap ay ATLEAST you tried.

ang sakin lang wala na po.

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile