Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ako. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ako. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Nobyembre 7, 2012 sa ganap na 11:51 PM sinalpak ni tadong daniel 6 Comments

naalala ko bigla ‘yung sinabi ng guro ko sa Journalism noong hayskul na si Gng. Panadero. May tatlong bagay umano sa mundo ang napakahirap pagdisyunan. ayon kasi sa isang pag-aaral, madalas pagmulan ng kaguluhan sa umpukan, pagdaan ng anghel sa maingay na magbabarkada, pagsisigawan dahil sa magkaibang paniniwala ang mga mababanggit na salita:

RELIHIYON, PULITIKA AT PAGNINIIG.

bago pa lang sa Pilipinas ang maging komportable sa usaping pakikipagtalik. karamihan nga hanggang ngayon ay iwas na iwas kapag napadapo roon ang usapan. para sa mga konserbatibo, o mga taong patagong nilalasap ang makamundong bagay, hindi dapat ito pinag-uusapan kundi ginagawa.

napakasensitibo kasi kung ibubulalas pa ang mga posisyong napagtagumpayan ng magkapareha. pribado umano ito. pwera na lang kung niyayabang mo ang nangyari dahil gusto mong matikman ang kakwentuhan mo?

isa pa sa dahilan kung bakit mahirap itong ipulutan ay ang pagkakaiba-iba ng estado sa bagay na ‘yon. papaano natin masasabing masarap ang maturukan kung ni yapos sa batok ay hindi pa nadama ng nakikinig? kaya minamabuti na lang natin na ngumiti sa tuwing mararamdaman ang kiliti ng kagabing pagdampi ng tinatagong mga balat.

—-
sa susunod na taon na ang eleksyon sa ating bansa. nagsisilabasan na ang mga nais umupo. hindi man direktang sinasabi ang’boto niyo ako’,pinaparamdam naman sa atin na ang pangalan nila ang karapat dapat sa isa nating boto. napakakritikal ng panahon ng Mayo. tayo ang magtatakda ng kinabukasan natin. magkamali tayo ng sinulat na kandidato, asahan ang pagkaubos ng kaban ng bayan.

malalaman naman natin kung hindi nararapat maging tagapaglingkod ng bayan ang isang nagsusumiksik na pwesto eh. KAPAG NAGLABAS SIYA NG MALAKING PERA. abot ng pera dito; patarpolin doon; pakain dito; palabas ng mukha sa telebisyon at marami pang mga paraan upang matandaan sila ng kanilang mga botante.

sa rami ng kanyang ginastos, malamang ang nasa isip niya sa oras na makaupo ay ang bawiin ang nasayang na pera. ikaw naman na nakatanggap, alam mo nang mali, binoto mo pa.

nasaktan ka ba? sige. itigil na lang natin ang ganitong usapan.

—-
marami nang nagkasiraang relasyon ang tunggalian ng magkaibang paniniwala. may naputol na pag-iibigan dahil sa pagmamatigas ng bawat panig ng pamilya; may kaibigan na nabahala dahil sa pagtaliwas ng kanyang kaibigan sa nakasanayan; may mga nagpupumilit na sila nag tama at wala nang iba.

isang gabi ng Oktubre, nakipagkita ako sa mga kaibigan ko upang kumain sa isang bagong bukas na kainan bandang Pasig. bago namin simulang husgahan ang gagintong nakahain, inanyayahan muna ang bawat isang magdasal. hindi ako gumalaw. tumingin lang ako sa kanila. pinatapos ang kanilang ginagawa. nang makita ko silang dumilat, agad kong sinunggaban ang barbeque ko, hamburger nila, sisig nila at inumin nilang nasa lamesa.

bakit hindi ka sumabay magdasal?ngiti ako. anong nangyari sa’yo?

hindi na ako naniniwala.sagot ko sa kanyang walang bahid ng pagyayabang sa aking mukha. sa tono ko rin ay sinigurado kong magiging kalmado sa rehistro ng tainga.

hindi ka ba natatakot? hindi ko na gusto ang paroroonan ng diskusyong ito kaya minabuti ko na lang sumagot ng wala naman akong natatapakan.

pero hindi mo ba naiisip kung sino ang gumawa sa’yo?

mama at papa ko?

bakit tayo nandito in the first place? nakita ko sa kanya ang pagkadismaya sa mga narinig na sagot. malalim na buntong hininga ang sumunod na kanyang pinakawalan. hinawi ang buhok upang umayos. may buhay ka kasi ginawa ka niya. worship. that’s the least he wants us to do.

sumubo ako ng kanin. then selfish siya. gumawa siya ng pamayanan para magkaroon ng tagasunod. para sambahin siya? wala akong galit, hindi lang talaga ako naniniwala. at kung sinumang tumaliwas sa kanya ay hindi nararapat mabuhay? tumungo na lang ako. alam kong hindi ito matatapos. hindi ko na rin alam ang mga susunod na sasabihin ko. hindi ako handa.

so para saan ka at nabubuhay pa?

para sa pamilya ko at magiging pamilya ko. kusa nang lumalabas ang depensa sa aking bibig. gusto ko nang umalis.

atheist ka na?

hindi. wala. as long as wala akong nasasaktan, magpapatuloy ako.

‘wag na nga nating pag-usapan ‘yan. may kanya-kanya tayong paniniwala. okay? sabad ng isa upang putulin ang tensyon sa lamesa.

teka. wala namang pagtatalo, ah. basta ang akin, hindi ko pinipilit na pumanig sa akin. tapos.

pinagpatuloy na namin ang naunsyaming pagkain. lumamig na ang kanin; kumunat na ang baka; naghiwalay na ang buko at yelo sa shake. habang ako. kunwaring seryoso sa pagkain, nakatunghod. tinatanong ang sarili, para kanino ba ako nabubuhay? pwede bang para sa sarili ko? pwede ba silang maging masaya na lang kasi nabubuhay akong masaya?

—-

masasabi kong tama ang mga dalubhasa sa kanilang natuklasan. ang animo’y matibay na pader na pagsasama ng magkakaibigan ay nauwi sa ilangan. doon sa usaping pakikipagtalik at pulitika, kayo na lang ang humusga, baka magkasakitan pa tayo.

Biyernes, Oktubre 5, 2012 sa ganap na 3:02 AM sinalpak ni tadong daniel 4 Comments


Magpapasko na pala. Magiging masaya muli ang buong bansa. Bukod sa pagbaha ng ngiti at pabati sa isa’t isa, panahon na ng pagbibigayan ng regalo.
Kalakip din ng ispiritu ng kapaskuhan ay ang katahimikan sa ating mga sarili. Dahil gusto nating magdiwang na maligaya, hahanapin natin ang mga nakasamaan natin ng loob upang makipag-ayos. Kakalimutan natin ang pait ng kahapon para tikman ang tamis ng pagbabalik-ugnayan.
Kahit napahirap ng Pilipinas, kaya pa rin nating ipagdiwang ang tradisyonal na kapaskuhan. Ang sana’y isang espesyal na araw lang ay nagawa nating humigit kumulang apat na buwan.
Sa pagsapit ng kalendaryo sa Setyembre, mag-uumpisa nang sumulpot ang mga palamuti sa daanan, tindahan at mga gusali. Dadaan ang ika-25 ng Disyembre ngunit hindi pa magtatapos ang kakaibang simoy ng paligid. Darating pa kasi ang tatlong hari ayon sa matatandang kwento.
Kaya paborito ng mga negosyante ang Paskong Pinas, eh. gustong gusto nila ang napakaraming paniniwala ng mga Pinoy. Naririnig na nila ang kalansing ng pera mula sa pagtangkilik natin sa kanilang mga produkto.
Nakasanayan na kasi natin ang pagbili ng bagong damit. Hindi kasi kumpleto ang pasko kapag nawala sa listahan ng mga bago ang sapatos, damit o pantaloon. Mahirap kayang mapag-iwanan, makita ang ibang mga batang taas noong naglalakad suot ang kani-kanilang mga ‘pamas’ na damit (pamasko). Hindi pa natatapos dahil magtatanungan pa tayo kung anong pangalan ng tindahan ang napagbilhan, magkano at kung orihinal.
Malulungkot naman ang bahay natin kung kahit parol lang hindi pa natin maisabit. Panahon din kasi ngayon ng pataasan ng Christmas tree at pagandahan ng disenyo ng mga palamuti. Sikat sa kapit-bahayan natin kung mayroon tayong halos magsing-abot na kisame at puno. Dagdagan pa ng napakaraming bola sa paligid, bituin sa tuktok at ng mga naglalakihang kahon ng regalo sa ibaba. Hindi ba naman tayo dumugin ng comments sa facebook. Idagdag pa natin sa ‘merry christmas’ na album ang mga pagkain sa noche buena. Mas masikip na lamesa, mas masayang pagsalubong sa ‘kapanganakan ni Hesus.’
Magsusulputan ang mga mababait na tao sa paligid. Dahil ang pasko ay panahon ng pagbibigayan, kaliwa’t kanan din ang sumusubok na katukin ang natutulog na kabusilakang puso ng mga Pinoy. Sino ba naman ang makakatanggi kung langit na ang tinapat sa’yo? Ang pangakong walang hanggang buhay ang iyong sandalan.
Normal ba ako kung sasabihin kong hindi na ako naniniwala sa pasko? Hindi ako sumapi sa Iglesia. Lalong hindi rin ako nagdadahilan lang para makatakas sa mga inaanak ko.
Wala na kasi akong kinikilalang diyos. Hindi na ako naniniwala. Isang araw nagising na lang akong hindi na nagdarasal. Umaasa na lang sa aking potensyal, lakas at talino para magawa ang bagay na gusto ko. kumikilos hindi para pasiyahin ang ‘nasa itaas’ na dati kong laging pakay. Bagkus, gumagalaw ako dahil gusto ko. masarap sa pakiramdam.
Sa paglaho ng kaisipan ng langit, nagbigay ito sa akin ng tunay na kalayaan. Hindi ko na iniisip ang konsekwensya ng mga kinikilos ko. may nagmamasid man o wala. May nagbibilang man ng kabutihan o wala. May tumitimbang man sa bigat ng naitulong ko o wala. May langit man o wala. Mas tunay kasi ang pagtulong, para sa akin, kung gagawin mo ‘yun para sa tinutulungan mo at hindi para matuwa ang kung sinumang sinasamba natin.
Walang relihiyon. Walang kaitaastaasan. Walang batas at utos na sinusunod galing sa hindi mabatid na persona.
Simula nung lumihis ako sa landas na tinatahak ng nakararami, natagpuan ko ang sarili kong mas masaya. Mas malayang nakapagdedesisyon dahil walang lubid na nagpupumilit igapos ang kamalayan kesyo labag sa batas. Masasaktan umano ang tagapagligtas.
Ngayong darating na pasko, sigurado akong magiging iba.
Hindi na ako magpipilit gumising para makapagmisa ng madaling araw o gagawa ng napakaraming seremonyas manatili lang gising sa panggabing simba. Hindi ko kasi nakikita ang sakripisyong tinatawag nila sa pagbuo ng siyam na araw. Kung tutuusin, ginagawa iyon ng mga mananampalataya para matupad ang kanilang hiling. Ang sakripisyo, para sa akin, ay ang paggawa ng bagay na walang hinihingi at hinihintay na kapalit. Bukal sa loob.
Uso sa simbahan namin, noong nagsisimba pa ako ang pagpapaikot muli ng parokya ng kanilang basket para sa pangalawang donasyon. Ito umano ay mapupunta sa mga kapos, hindi ‘nabibiyayaan’ at sa mga ‘nakalimutan nang magdasal.’ Idagdag ko pa sa bubuhos na ambon sa kanilang buhay ang kinolektang iba’t ibang goods mula sa araw araw na ‘assignment’ para sa mga nagsisimba.
Hindi ko tinutuligsa ang ginagawang pagtulong ng simbahan. Lalo pa at nakikita ko na masaya ang mga tao na naglalakad papunta sa donation box. Pero bakit tuwing pasko lang natin naiisip tumulong? Tuwing pasko lang nakakaalala ang simbahan na mayroon palang mahihirap na kailangang lingunin?
Kasi kailangan nating patunayan bago sumapit ang bagong taon na mayroon tayong nagawang maganda, nakatulong tayo sa ating kapwa. Para may ebidensya tayo. Kasabay ng ‘pagsasakripisyo’ natin ng siyam na araw, mayroon tayong dala dalang pampadulas na regalo para mapabilis ang ating pakay.
Maganda sana ang pagbibigayan kung hindi tayo obligado. Tunay na masarap sa pakiramdam ang pagtulong kung hindi tayo umaasa ng kapalit.
Naalala ko tuloy ang isang eksena noong nasa kolehiyo pa ako. Binigyan kami ng kapangyarihan ng propesor namin na bigyan ng puntos ang hawak naming test paper. Nilagyan ko ng perfect 10 ang aking kaklase. Sa pagtanggap ko ng aking test paper, nakita ko na 7 lang ang ibinigay sa akin.
“Ten pa naman ang binigay ko sa tsinekan ko,” sabi ko sa bestfriend ko habang nakatangan sa papel sa harapan.
“Kasalanan mo ‘yan, naging mabait ka eh.”

Martes, Setyembre 18, 2012 sa ganap na 3:11 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Something inside
pushed me to write,
this I want
from my heart
not my brain
that is dictating
inside me.
it is my heart.
that’s full of space
friends, I thought
my friends,
will fill this emptiness
I’m alone.
Worst,
I’m lonely.
I’m crying inside.
who are loved,
who are brave
shouting i love you
I envy you
I chose this
I’m afraid
the yesterday.
I can’t forget
Falling in love
again
this I want
from my heart
in time
I wish for love
not that I need it
but I want it.
I saw paper
blank, full of space
I found marker
Asleep on a case
filing this sheet
using the ink
smiling
I found love.

Biyernes, Hunyo 22, 2012 sa ganap na 6:48 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Gusto ko lang libangin ang sarili ko ngayon. Dalawang araw na kasi akong binuburyo ng napakalupit na traffic. Kung kalian sobrang aga ko umalis ng bahay saka naman tinotopak ang kalsada ng Kamaynilaan.
Kahapon, Tuesday, 6:10 ako lumakad. Pabandying bandying pa ako sa paglalakad. Dinadama ang sikat ng araw at ang freshness ng hangin sa pag-aakalang hindi pa oras ng pagkandirit pababa ng building na tinitirhan naming.
Sakay ako ng jeep. Bayad. Headset. Radio station 93.1. nangingiti pa ako mag-isa. Tuwang tuwa sa topic ng The Morning Rush. Bumaba at sumakay ng bus pa-Ortigas ng bandang 6:40. an gaga!
Ngunit pagtuntong ng sasakyan sa Santolan…. Biglang naging 7:30 ang oras! Anyare? Hindi gumagalaw ang mga sasakyan! Okay langsanakung dito lang ang traffic, dahil kapag nakalagpas kami dito, dire-diretso na ang andar. Pero hindi! Dadaan pa kami ng napakaraming stop light! Dadaan pa kami ng inevitable na La Salle Greenhills! (infairness naman saLa Salle, nag-improve ang parking space nila sa harap ng school nila. Hindi na nila sinakop ang dalawang lane ‘di tulad noong first day.)
8:05 ako dumating sa office. Sabit pa sa grace period.
Kanina, Wednesday, umalis ako sa bahay ng 6:30 expecting na hindi ako tatamaan ng kamalasan ngayon. Tama ang kasabihan, lightning don’t strike twice sa parehong lugar.
Hello traffic kaagad ako sa Don Bosco Sta. Mesa! Sobrang dami ng sasakyan! Nagsisiksikan sa tabi ng jeep na sinasakyan ko. Tila mga escort vehicle ko at sa sobrang dami kong hagad, ako ang hindi makausad!
Daloy pagong na ang traffic. Kaya nung tumuntong kami bago mag-hotels daan pa-stop and shop na may bumper to bumper na sitwasyon, hindi ko na pinalampas pa’t tumakbo agad ako pa-V. Mapa para doon mag-abang ng bus.
Check time. 7:10.
Sinipat ko ang LRT, kaya mo ba akong dalhin sa Ortigas before 8? Tangina, mapapamahal pala ako, samantalang may posibilidad din na ma-late ako.
Ang mahirap kasi sa mga companies, kapag on time ang empleyado at may kaunting over time, wala silang pakialam. Pero kapag late pero nag over time, bawas agad sa sahod! Mga Chinese talaga. Yumayaman sa paggamit sa maliliit na hindi makapalag.ScarboroughShaul lang?!
Sa V. Mapa, para akong tangang kaway ng kaway sa mga dumadaan na G liner. Kaya takbo naman ako sa SM Sta.Mesa. Takbo ako ng takbo, wala akong pakialam kahit naka-long sleeves ako. Mukha na akong hindi naligo.
Nakita ko rin doon ang mga sinamang palad na malapit nang ma-late. Ang dami. Lahat sila nakakunot ang noo. Lahat sila desididong makasakay sa susunod na pagdaan ng bus. Balyahan ‘to malamang. Kailangan ng matinding pwersa para makasakay agad.
Short cut. 8:10 ako nakarating sa office. Laaate!!!
Pag-uwi.
First time kong makakita ng live na dukutan. Kwento ko na rin para lalong masayang ang oras natin.
V. Mapa! Maraming bababa! tip ng kundoktor sa driver at sa magnanakaw. Ihihinto ng driver ang bus, kikilos naman ang magnanakaw. Lahat sila nasa isle. kahit hindi pa bababa ang magnanakaw, nakikipaggitgitan na siya sa mga tao, charo.
Kitang kita ko ang mga pangyayari. Matapos siyang makakuha ng anuman, kinalabit niya ang una niyang biktima para ituro ang isang lalaking kakababa lang. concern ba siya o gusto lang niyang lituhin ang kikay na babae.
Hindi pa siya nakuntento, ate charo. Pumwesto siya sa bukana ng bus. Ang likot ng mga mata niya. Bawat umbok tinitignan niya. Ewan ko lang kung may interest siya sa iba pang umbok. Kapag nakakita siya ng kakaibang bulge sa ibabang parte ng katawan, pilit na niyang iipitin ang tao.
Nakakatakot ang itsura niya.Parasiyang napakaruming version ni will smith.
Maging ako aligaga na. bababa na kasi ako. Lahat ng valuables ko (nokia C1-01 at wallet na puro ticket ng bus) nilagay ko na sa sulok ng bag ko para mawala ang bulge ng bulsa ko. Isa na lang ang kailangan kong itago. Buti tulog. Hindi masyadong takaw nakaw. ayon safe ako! Haha.
sanahindi na masundan ‘tong kwento ko. Ayaw kong maging traffice account ang tumblr ko. Lalong ayaw kong mapuno ng tardiness ang pay slip ko!
Bye!

Linggo, Mayo 20, 2012 sa ganap na 3:36 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

nakatext ko ‘yung kaibigan ko sa college. tinatanong niya kung ano na ang plano ko ngayong tapos na sa pag aaral. mag a apply. sabay singit ko na may hinihintay akong tawag mula sa pinagpasahan ko ng resume at letter of interest. 
bali dalawa ang inaasahan kong tawag na galing sa mga Non Government Organization. ‘yung isa namang private, nagre requirements na ako. isang linggo na lang kapag natapos ko na lahat ng kailangan ng company na ‘yon, tuloy na talaga ako.
isang linggo na lang din ang palugit ko sa dalawang NGO na tawagan ako for interview. siguro kapag isang araw sa linggong ito eh tumawag sila, bibitawan ko ‘tong sa private, kung papasa rin ako sa kanila. haha. 
ininterview ako ng president ng private company noong nakaraang monday, tanong niya sa akin kung saan ako magaling. 3 seconds bago ko naisagot ang MATH kahit hindi naman talaga ako magaling doon. kahit bano naman talaga ako. kung dumulas pa ng kaunti ang dila ko, malamang naisambulat ko ‘yung pag intindi sa mga tao at pakikipagkapwa tao. ewan ko rin kung magiging totoo ako sa sarili ko sa sagot na ‘yan. hindi naman ako magaling sa kahit anong bagay.
gusto ko lang talagang makapagtrabaho sa isang organization na totoong may tinutulungan. gusto ko lang magtrabaho kasama ang mga taong makatao. gusto ko lang maging parte ng lipunan. gusto ko masaya at fulfilling. 
alam ko sa sarili ko kung saan ako mas liligaya. kaya noong nabalitaan ko na requirements na ako sa private company, kaunti lang ang excitement na naramdaman ko. hindi katulad sa pakiramdam noong papunta kami sa Mandaluyong Elementary School para magturo at tumulong sa mga estudyante ng tungkol sa pagtitipid at pagse-save ng pera. kakaiba. 
siguro hindi pa talaga para sa’kin ang pagtatrabaho para sa bayan. ang drama! pero totoo, naghihintay pa rin. siguro kung hindi ngayon ang oras para sa NGO, bukas mas maganda na ang oportunidad na ibibigay sa akin. alam ko ‘yon.
lahat naman kasi may nakalaang panahon. huwag lang nating pilitin ang hindi pa talaga dapat mangyari. para lang akong nagsuot ng damit na hindi pa nabubuhol sa pagkakatahi, sa katagalan ay tastas agad. para ko na ring binalatan ang manggang bukas pa mahihinog, hindi maipinta sa kaasiman ang mukha kapag kinain. para akong bumili ng XL na damit sa pag aakalang tataba sa susunod na buwan. (pilit na paghahalintulad hahaha)
sa susunod na lunes, kapag natapos ko na ang requirements ko at hindi pa dumarating ang tawag ng dalawang NGO, kakainin ko na ang nakahain sa aking harapan. mainit pa, bagong luto.

Sabado, Mayo 19, 2012 sa ganap na 3:57 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

ang liit lang pala ng Robinsons Otis. wala masyadong tao hindi katulad ng kahit saang Robinsons sa Metro Manila. kakaunti lang din ang mga stores dito. hindi mabibilang sa kamay pero hindi naman nakakapagod kapag inikot. mata mo lang ang mananawa sa paulit ulit na tindahang nakabalandra. 

puro pagkaen pa ang tinda. hindi ko na matandaan kung anu anong mga pangalan. hehe. nasa isang daan lang halos mga bumibisita ngayong oras na nandito pa ako.

tumungo nga pala ako sa Robinsons Otis para kumuha ng NBI clearance. sa katangahang palad, sarado ang agency kapag weekends. hindi ko naitanong kay google, kausap ko pa naman siya kahapon.
dalawang baitang lang ang taas ng buong gusali. walang sinehan. balak ko pa namang tignan ang mga bagong indipendent film ngayon. sa Robinsons mall daw kasi madalas pinapalabas ang mga pelikulang ganoon.

pagkababa ko ay naalala ko ang nabasa ko sa Discover Magazine ng Robinsons, magkaibigan pala ang National Book Store at ang Robinsons. kaya dali dali kong hinanap ang pwesto ng NBS sa mall na ito. mapalad ako at bungad lang ito. 

pumasok ako. kaunti lang din ang mga libro, pero siksik. hinanap ko kaagad ang Filipino Section, wala. pero nakita ko naman ang it only hurts when i pee, macarthur , pati ang ligo na u, lapit na me. alam ko kasi na magkakasama lang ang mga librong natin sa isang shelf kaya tumambay na rin ako.

ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na mapadapo ako sa kahit saang book store, haharbatin ko na agad ang libro ni eros atalia. syempre babayaran ko naman. pero iba ang pinunta ko dito, sayang nga eh. bawal kasi gumastos ng hindi nakaplano ngayon. marami pa namang pagkakataon, hayaan na muna natin itong makalagpas. 

dahil ayaw ko pang umuwi, naghanap hanap muna ako ng mga librong pupuwedeng ipila sa pagkakagastusan. gapo, bata bata paano ka ginawa, young blood, at napakarami pang iba.
sa bandang ibaba ng shelf, nagpumiglas bigla ang wallet ko nang makita ko ang its a mens world! 180 lang ata? kikislot kislot na ang mga pera para lumabas ngunit napigilan ko pa naman. muli, hindi nararapat ang mga side trip ngayon. higpit muna ng bulsa. 

dahil bukas ang librong nakita ko, (patawarin ako ni bebang siy), binasa ko ang chapter 1. wala akong masabi sa sobrang ganda ng pagkakalahad ng kwento. nakakakilig, nakakatawa, at nakakatuwa. batang bata ang nakukwento. para akong nakikipag usap sa isang batang bago pa lang sa pagdadalaga. balak ko pa sanang i-extend ang pagbabasa hanggang susunod na chapter, kaso nakakahiya na talaga sa mga tao doon.
in conclusion, i will definitely buy that book. quesera sera. haha

nangangalay na ako dito sa pagkakaupo sa tapat ng citibank savings. nakikita ko pa ang reflection ko sa salamin. nababanas pa ako kasi ang gwapo ko sa salamin. wag ka nang kumontra! haha

uwi na nga ako. ingat ako!

Biyernes, Mayo 18, 2012 sa ganap na 2:59 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

uso na ngayon ang virtual relationship. Mapa facebook, twitter, tumblr, sims, panaginip, hanggang sai bang mundo man yan. Text text lang nagyon, mamaya o kinabukasan sila na. magpapalit na ng relationship status sa facebook. I group message na agad. Chat chat lang kanina, nasabihan lang ng i love you naihi na sa panty. Anniversary na agad ang pinaguusapan. Walang nangyayaring pagtatagpo. Palitan lang ng facebook, titignan ang na adobe na itsura, pag trip, sugod agad sa laban.

Kaya urong ako diyan eh. Hindi ko gusto ang konseptong mabilisang relasyon. Kapag mabilis kasing nakuha ang pag ibig mabilis ding mawawala ito. kapag minadali, mamadaliin din ang pagtapos nito. Takot ako. Hindi ako ganoong katapang na sumabak sa relasyon. Kapag may nagparamdam, urong  agad. Ayokong ma attach masyado sa mga textmates ko. Gaya nito…

 tara kape! Tinext ko yung paborito kong virtual friend. Hindi na ako nag expect ng reply galing sa kanya, madalas kasi ang pakiramdam ko kapag ka text ko siya ay pinagtyatyagaan lang ako nito. Hindi kasi ako bagay na maka text niya, lalo’t malayo ang itsura namin.

Timplahan mo ko. Naglambing. Potek.

Sige. Basta ikaw ang maghuhugas ng mga basong ginamit natin.

hala dugas!

Syempre ako na nga nagtimpla eh.

Nag usap kami na parang magkalapit lamang. Feeling ko nga inisahan lamang niya ako kasi alam siguro niyang may gusto ako sa kaniya. Pero hindi ko din naman balak na manligaw. Let it slide. Kung gusto niya ng laro. Edi ibigay. Tutal nag e enjoy din naman ako sa feeling ng ganito. Kinabukasa..

Kape ko? Una siyang nag text. Mukang umeepal na to ah. Sabi ko sa sarili ko.

Tapos na ko magkape eh. Kaw nalang muna.

Damot! Oh edi tumigil na ang kakulitan niya. Di nagtagal araw araw na kaming nagkakape sa text. Hinayaan ko na lang siyang mangulit. Sayang din naman kasi ung unlimited text ko.

May circle of friends din kami. Kaya GM lang minsan sapat na sa amin. Minsan nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa gateway. Try lang umano ang place, sabi kasi nila may magagandang place din doon. Ewan ko kung anong maganda sa mall. Pero sige.


Tong si milky, tawag ko sa kanya, biglang nagtext sakin, uy kuliglig(tawag niya sakin) punta ka sa gateway? Sama ka ah? Pumayag naman ako hindi pa rin kasi ako nakakapunta sa mall na un. Pero nitong araw na tinakda ng pagpunta sa gateway. Hindi ako sumipot. Wala lang. tinatamad ako. Kinabukasan, nag GM ako. Kamusta mga sumama sa gateway?

Hindi ka pumunta. Si milky.

Wala kasi akong pera e. nagsinungaling ako. Kamusta pala?

Ayon hindi masaya.

Bakit?

Hindi dumating yung date ko eh. Sayang.

tapos ang love story! haha

Sabado, Mayo 12, 2012 sa ganap na 8:42 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

tinanong ako ng interviewer noong naga apply ako sa isang kompanya ng pinakamalaki ko umanong accomplishment sa buhay. hindi ako nakasagot kaagad. hindi dahil sa failure ako palagian. hindi dahil sa hindi ako marunong maka appreciate sa mga biyaya. hindi rin dahil sa hindi ako makapag english nang panahon na iyon.
ginalugad kong maigi ang mga karanasan ko sa college, mga nagpabago ng buhay at pag iisip ko, at mga kahangalang desisyong napagtagumpayan ko. i passed the feasibility study, tanging naisagot ko sa interviewer. i wasn’t a team player. i don’t want to always rely on my groupmates. if i can do it then i will do it on my own. but i am no superhero. paliwanag ko pa.
kaya tayo binigyan ng pangalan upang matawag tayo ng mga taong nangangailangan ng tulong mula sa atin. kaya tayo may pandinig at puso para maunawaan ang lahat ng nakasalansan sa harapan natin. at kaya tayo pinagbuklod ay upang mabigyan natin ang isa’t isa ng gabay dahil hindi natin alam ang lahat ng bagay. maraming naibigay sakin ng feasibility study kaya marahil iyon ang aking naisagot.
May 11, 2012. itinakdang araw ng aking pagtatapos sa pag aaral. nakamit ko na ang isa sa mga pinakapinapangarap ng lahat ng magulang sa mundo. kitang kita sa mga mata ng lahat ng naroroon ang kagalakan. walang paglagyan ang pinaghalong lungkot at kasiyahan ng mga estudyante at magulang.
binalikan ko muli ang tanong ng interviewer sa akin, biggest accomplishment. iniisip ko pa rin kung marami na ba akong dahilan para gawing biggest accomplishment ang pagtatapos ko sa pag aaral. sa kasamaang palad, hindi pa rin. sa tingin ko ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing karapatan ng isang Pilipino. hindi ito pribilehiyo na kailangan pang dumaan sa butas ng karayom upang makamit ito.
gayon pa man, sa gitna ng aking pakikipagtalo sa tao sa loob ko, hindi ko pala dapat angkinin ang tagumpay na ito. hindi sa akin ito. dapat ito tunay na ngtulak sa akin na magpursige. sa bawat pagsagot ko ng mga exeminations, mga recitations na dapat lagpasan, mga pasok hanggang gabi, ang lahat ay natawid ko para makita silang nakangiti. 
ang matatanggap kong diploma ay hindi para sa akin. hindi ito katibayan ng aking kagalingan. ang totoo, dapat sa magulang ko manggagaling ang mga salitang biggest accomplishment yet. dahil sa kabila ng napakaraming mabatong daan sa buhay namin, hanggang sa huli hindi sila bumitiw sa kagustuhan nilang bigyan ako ng alas para sa magandang kinabukasan.
kaya para sa magulang ko, mama at papa, congratulations! you did great! mahal na mahal ko kayo! 
happy parent’s day! 
PS. ang bawat graduation day, feeling ko araw ng mga magulang. sila ang dapat parangalan!

Sabado, Mayo 5, 2012 sa ganap na 3:50 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

kapag hindi sa atin ang isang bagay, maging responsable tayo sa paggamit nito.

‘pag dinala natin ito sa ibang lugar ay siguraduhin naman natin na babalik ito nang buong buo at hindi iiwan sa mga dahilang walang katuturan.

hindi iyo tapos iiwan mo sa ibang bahay?

hindi iyo tapos dadalhin mo kung saan saan?

‘pag kinuha sa’yo sasabihin mong wala sa’yo at nandoon sa ibang tao? POOR EXCUSE!!

‘pag alam mong mali ka, ‘wag kang umepal at sumagot sagot para patunayan mo lang na ikaw ay hindi paaaapi.

‘pag hindi mo alam na mali ka at kung makasagot ka na feeling mo karapat dapat ang mga sagot mo, siguro hindi mo alam ang term na analysis of the situation?

mag-isip isip. hindi puro puso ang pairalin. wag gawing tanga ang sarili.

‘pag hindi matanggap ang pagkakamali, normal lang yan sa isang BATANG hindi pa alam ang tunay na salitang PAGKAPANALO AT PAGPAPAKUMBABA.

‘pag hindi na maganda ang sitwasyon, maaring wag na lang sumagot dahil baka magdulot pa ito ng isang napakagulong sitwasyon. na alam nating hindi makatutulong sa pagkakaayos at pagkakaintindihan o pagkakaintindi sa sitwasyon.

there is always a thin line between HAVING SOMETHING TO SAY and HAVE TO SAY SOMETHING.

touch moved. isang palatandaan ng pagiging tunay na tao ay ang kakanyahang makapag-isip muna bago gumawa ng aksyon HINDI ang paggawa ng aksyon at saka tayo mag-iisip.

karl marx’s HUMAN POTENTIALpinapaliwanag dito na ang tao, kaiba sa hayop, ay pinagkalooban bukod sa kapangyarihang makapagsalita ay may kakanyahang makapag-isip, makapagplano, makapag-analisa, makapag-konklud bago gawin ang isang aksyon.

ang sa akin lamang ay wag tayong maging padalos dalos sa ginagawa nating kilos.

ang sa akin lang ay pag nakagawa tayo ng mali mula sa kilos kahapon, wag na nating ulitin pa. walang enjoyment na nararamdaman, meron ba?

ang sa akin lang, ang word na sorry ay dalawang syllables lamang, kahit hindi mtanggap ay ATLEAST you tried.

ang sakin lang wala na po.

Miyerkules, Pebrero 15, 2012 sa ganap na 2:45 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

“sa dinami rami ng mga taong gustong pumasok sa aking bahay, ikaw ang aking napili. malapit nang matapos ang laban ngayon ka pa nagiging pasaway! matigas ang ulo! sinasayang mo ang pagkakataong ibinigay sa’yo!” bulalas ng boses na nagtatago kung saan. hindi nagpapakita ang tao sa likod ng boses ngunit halos lahat ay nangingilabot sa tuwing siya’y nagsasalita.

pero iba si albert. marahil kaya pinapagalitan ng boses si albert ay dahil sa kaniyang prinsipyo. “hindi naman kasi porke’t nakahain na sa harapan ko ang mga task mo kuya eh, gagawin ko na lamang.” kalmadong paliwanag ng binatang hindi pa nakaka-graduate ng kolehiyo. sinabi pa nito na prinapraktis lamang niya umano ang kaniyang mga natutunan noong siya pa ay nasa kolehiyo’t nag-aaral.

dalawa na lamang silang naglalaban para sa pinakamataas na pwesto ngunit tila mapupurnada pa ang pagsungkit dito ni albert. hindi kasi magawang tanggapin ni albert ang hamon ng mapag-utos na boses na siraan ang kaniyang kalaban at kutyain sa harap ng mga manunuod upang mapunta sa kaniya ang mga boto nila. ito umano ang ‘biggest challenge’ sa loob ng bahay na dapat malagpasan upang siya’y tanghaling ‘big winner.’

hindi man pormal na hawak niya ang titulong nakapag-aral sa isa sa pinakatanyag na eskwela ng Pilipinas ay alam niya sa sarili na sa oras na makatapak at makaupo sa silid aralan ng unibersidad, makalabas man siya ay bitbit niya na ang pangalan ng  paaralan. na nasa kaniyang mukha ang logo nito, nakatali na sa kaluluwa niya ang pagiging palaban para sa tama at nakabubuti sa nakararami at higit sa lahat tila isang apelyido ito sa kaniya na nakadikit saan man siya mapunta.

ganyan ka ba sa paaralan mo?”

“hindi po, ganito ako maging sa labas ng paaralan ko.” ang ispiritu ng isang tunay na tao ay isa rin sa pinanghahawakan niyang alas sa ibang tao. gamit na gamit ni albert ang ‘human potential’ ni karl marx sa tuwing nahaharap siya sa ‘di makataong pagsubok. “hindi ako tulad ng hayop na ‘pag sinabing tumalon, ako’y tatalon. patawad ngunit nagkamali ka ng taong napili mong pumasok sa’yong bahay.”

bagama’t hindi naman talaga nakikita ang ekspresyon ng mukha nitong tao sa likod ng boses ay halata sa kaniya ang pagkabigla. ilang segundo pa nang si albert ay muling pasadahan ng litanya. “pumasok ka dito para suwayin ako?” 

muli, hindi po. pero pumasok ako dito hindi para maging robot mo.” 

isang matagal na sadali saka bumalik ang boses. nakapagdesisyon na itong si big brother na patalsikin si albert sa naturang bahay dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntunin. hindi naman sumalungat itong si albert. “mabuti na rin ito” sambit sa sarili. lalabas naman umano siyang dala dala ang kaniyang ulong nakataas, nakapatong ang korona ng prisipyo.

mayo na. ilang buwan na din ang nakalipas. ngayon ay muling makikita si albert sa kaniyang sintang paaralan. ipagpapatuloy ang naudlot na laban. araw-araw na naman niyang makakasalubong ang tatlong toreng napakatayog sa harapan ng gate. lagi niya itong tinitingala. “sa pagkakataong ito, papasanin ko na ang buong paaralan maging ang tatlong salitang sumisimbolo sa pylon.” bulong nito sa sarili.

——-
ito ay entry ko sa contest ng pagsulat ng sanaysay noong feb 3. biglang naging maikling kwento no? malamang para sa mga PUPian dito alam niyo na ang dahilan ng pagkatalo ko. 

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile