Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bata. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bata. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Setyembre 7, 2012 sa ganap na 1:25 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Sa lahat ng mga tuksong nagsisilabasan sa mundong ibabaw, pinakamahirap layuan sa mga ito ay ang pagtitipid. Lalo na noong nakaraang kapaskuhan, marapat lamang na hindi tayo lumabas ng bahay. Sa loob, hindi tayo makikita ng kung anumang makahihila sa atin na gumastos. O di kaya ay pikit matang lalabas. Sine, damit, pagkain at kung anu ano pang mga bagay na magiging dahilan ng pagdulas ng pera paalis ng bulsa.
Ngunit para sa isang anak ng mahirap, ng basurero, asahan natin na ang pagbili ng mga bagay na hindi mahalaga sa buhay niya ay ang pinakahuling desisyon na gagawin niya. Kasama ang kaniyang karanasang mawalan ng pera, makakain ng sabaw lang ang ulam at hindi pumasok dahil sa kawalan ng pambaon, inaaasahan natin ang pagtitipid sa kaniya.
Pasko nang pakiusapan ako ng ninang ko na magbantay muna sa kaniyang computer shop. Hindi na ako tumanggi, instant online na rin yon eh. Hindi pa nag iinit ang aking puwitan ng dumating si May, nagpunta sa sa harpaan ng server kasama nito ang kaibigang si Cathy na ang tatay ay isang OFW sa Saudi. Gagamit umano sila ng computer.
“tatlong oras po sa akin, sa kaniya dalawa.” Sabi ni May habang dumudukot ng perang pambayad sa wallet. Iniabot sakin ang 60php, dose lang kasi ang isang oras doon. Saktong presyo para sa mga gagawa lamang ng project, lubhang mura para sa mga nakikipagpustahan sa dota. Higit pa roon, ang dose pesos na ginugugol ng isang tao sa paglalaro ng tetris, dagdagan lamang ito ng kuwatro mayroon ng ulam na sardinas ang isang pamilya.
Nalungkot lang ako, bakit sa dinami rami pa ng batang kilala ko, siya pa ang walang pagtangging manlibre sa kaibigan niyang di hamak na mas may kayang magbayad ng dose pesos. Na kahit sobrang hirap na ng buhay kahapon, nakatanggap lang ng malaking pera ngayon, nakuha nang gumastos ng ganoon na lamang, hindi man lang iniisip ang kinabukasan.
PS. Ang mga kwento sa likod ng kaniyang pagpayag na manlibre ay hindi ko alam, tanging ginawa ko lang ay manghusga. hihi

Biyernes, Hunyo 1, 2012 sa ganap na 4:46 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Alas otso na ng gabi, kailangan ko nang bumalik sa bahay. Mananakawan nanaman ako ng gamit ng mga malilikot na batang miyembro ng salisi gang. Nagugutom na rin ako, malamang pagkain ang unang unang mawawala sa bahay. Buti na lang dala ko tong nag iisa kong pares ng kutsara’t tinidor kung hindi naku nasama na to sa napakilo nila. hihi.

Yupi yupi na nga ‘to, madami dami din kasi ang napangarolingan ko kanina. Natatawa nga ko eh, ang lalaki ng gate dito sa lugar namin, sa halip na WELCOME ang nakapaskil, pagkalaki laking PATAWAD ang nakabungad. Pero hindi ako sumuko, kahit mag isa lang ako, kahit ilang oras nang hindi nadampian ng tubig ‘tong lalamunan ko, kahit may patawad, hala sige bira lang ako.

Pero ayos lang, puro we wish you a Merry Christmas lang ang kinakanta ko sa mga may patawad na nakadikit. Hihi. gamit ko tong nag iisa kong instrumento, palo pa rin ako ng palo, kaso ganoon pa rin, tanging aso lang ang sumasagot. Sinabihan ko na din ang kubyertos ko na makakaranas sila ng matinding pagtatalik. Kinundisyon ko na sila sa torture na magaganap. Nangako naman din ako sa kanila eh. Sa loob ng siyam na araw, malalapatan sila ng tunay na pagkain.

Nung nakita ko ang naipon kong pera, mukha ngang nabigo ako, naka 42 pesos lang  ako. hihi. Buti na lang solo lang ako sa pangangaroling. Bali hahatiin ko to sa tatlong kainan sa maghapon. Ang sarap! Mukhang hindi ko muna magagamit ang lata ko ah. Kailangan sipagan ko pa bukas, mag aaral pa ‘ko ng mga kanta. May mga bago akong naririnig na kanta sa tv kaso baka matagal pa bago ko makabisa. Pero susubukan ko na din.

Pauwi na ‘ko ng bahay. Buti na lang at tumigil na ang ulan kaninang mga alas singko. Butas butas na kasi yung trapal sa may bahay. Tinutuluan ako lagi. May mga bituin na, ang sarap kayang pagmasdan ng mga nagkikislapang bagay sa langit habang unti unti akong napapapikit. Lagi akong naghihintay ng bulalakaw, hihiling lang sana,… ano nga pala yon? Basta gusto ko pasko lagi para may karoling. 

sa ganap na 4:43 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Gusto ko pong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Natutuwa ako sa tuwing hinahaplos niyo po ang ulo ko. Yung mga tawanan niyo ni papa, nakikitawa na din po ako noon. minsan po kapag naglilikot ako, sana po ‘wag kayong magalit. Nagpapapansin lang ako sa’yo. Ang busy niyo kasi ni papa. Alam ko pong mahirap ang buhay natin ngayon. Walang matinong trabaho si papa. Hindi pa po kasi kayo naka graduate ng hayskul. Naaalala ko pa po noong dinala niyo ako ni papa sa may eskwela niyo, pinakilala niyo pa ‘ko sa principal. Very proud kayo sakin. Maging sa ibang mga titsers niyo. Tapos nag iiyakan pa kayo ng mga kaklase niyo sa may room. Tears of joy daw tawag doon.

Ma, sobrang saya ko po talaga. Isang linggo ng umaga nga po nagpunta tayo sa quiapo, pinagdasal mo pa ko. Mahal mo talaga ako mama. Kaso hindi tayo buo noon, wala si papa. Nagmamadali ka kasi, ang alam ko paparating na si papa eh.

Mama, hindi ko lang po maintindihan kung bakit ka umiinom ng alak kasama mga kaibigan mong dalaga. Ang lakas mo pa pong mag yosi. Pinpigilan ka na nga ni lola pero ang tigas ng ulo mo. Ewan ko rin sa mga kaibigan mo kung bakit sila pa ang nagbibigay ng pera sayo para magawa ang bisyo mo. Ma, layuan mo sila, hindi sila tunay na kaibigan.

Mama, nasasaktan ako sa tuwing pinapalo mo ko. Lagi mo kong iniipit. Hindi na nga ko minsan gumagalaw para hind mo na ko hampasin pero ginagawa mo pa rin po. Kung sinu sino na din ang umaapak sa akin. Lagi niyo pa po akong pinapa check up sa kabilang bayan. Hinihilot ako ng matandang babae doon. Ayos lang po ba yon?

Ma, malapit na ko bumitaw dito. Mukhang hindi ko na kaya ang mga natatanggap ko. Ma, madilim po dito sa pwesto ko. Ilang buwan na lang lalabas na po ako. Wag ka pong magmadali na palabasin ako.

Ma, gusto kong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Saglit na lang po. Maglalaro na tayo tulad ng masayang pamilya.
nakikiusap po ako ma, wag niyo po akong ipalaglag.


sa ganap na 4:40 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Maraming parangal na ang naigawad sa iba’t ibang palabas ng mga istasyon. Tila kabuteng nagsulputan ang mga kagawad ng medya o kung anu pa man sila tulad ng anak tv seal, USTv, idol award, at napakarami pa at lalo pang dumarami. Asteg!

mga parangal na nagbibigay ng inspirasyon sa mga nasa likod ng telebisyon na gumawa pa ng mas dekalidad na mapapanuod. Minsan pa nga ay dapat na matatapos na ang airing nito ngunit dahil nakakuha ng medalya, hayon at napahaba pa ang mitsa. Ito rin ang nagiging pamulat ng mga manunuod upang maengganyong tangkilikin ang mga pinarangalan. Bukod sa napansin  na ang kanilang effort, dagdag ratings pa. bonus! Combo!

Sa tv patrol, buong pagmamalaki nilang inilatag ang mga pamosong palabas na ginawaran at kahanay nila sa kanilang istasyon. Ang dami! Halos hinakot na nila ang lahat. Kayo na! ang galing nga naman ng management ng abs cbn. Sana’y patuloy silang maghatid ng magagandang palabas. Alam mo ang hindi magaling? Yung nagparangal. Hehe.

Sa dinami dami ng ginawaran, hindi man lang nahagip ng aking mata at pandinig ang knowledge channel. Kaawa awang istasyon. Hindi pinapansin ng kahit sino. Marahil nasa channel 42 na ito at hindi na madaling mapanuoran ng mga chikiting? Karamihan kasi ngayon walang cable, pero may internet. Baka ganun nga.

Kung ako magiging magulang na, kung patuloy pa ang pagpapalabas ng naturang channel, kung hindi pa nagsasawa at napapagod ang may ari nito, hindi ko hahayaang lumipas ang isang araw nang hindi makakapanuod ang anak ko kahit isang episode man lang. sayang din kasi ang libreng aral dito. May math, science, araling panlipunan, mga tamang ugali, mga dapat na ugali, at sobrang dami pa.bukod pa dito, may pang elemntarya pa at pang hayskul. buong paaralan sa isang istasyon.

Nalulungkot lang ako dahil hindi na masyadong kilala ang knowledge channel. Dati rati may oras pang inilalaan sa mga eskwela para pagsaluhang panuorin ng mga mag aaral ang napiling episode ng kanilang guro. Kung magkataon man na hindi mapanuod sa silid aralan, gagawin itong takdang aralin.

Ngayon halos hindi ko na marinig ang mga batang nagdidiskusyon sa kanilang napanuod na episode ng hiraya manawari o siniskwela. Tanging chismisan na lang ang kanilang pinagkakaabalahan. Mga crush ditto, doon. Kung anu anong mga kiligan moments.

Hindi na pinapansin ang knowledge channel. Dinadaan daanan na lamang. Ano na kaya ang nangyari sa atin ngayon? Ay oo nga pala, matatalino na mga bata ngayon. Magagaling na tayong lahat eh.
Oo nga pala.

PS. Gusto ko lang sanang parangalan ang knowledge channel kahit hindi ako kilala. Sasaludo lang sana talaga ako. Kaso naiba ang tabas ng daliri ko. Pasyensya na.

sa ganap na 4:33 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Gusto kong batukan ang mga batang hindi marunong rumespeto ng mga nakatatanda. Gusto kong bulyawan ang mga nakatatandang hindi marunong makinig sa mga bata. Gusto kong alisin sa isipan ko ang isang pangyayaring ito:

Madilim ang paligid. Hindi halos magkakitaan ang mga naglalakarang mga tao. hindi tulad ng daanan ng mga sasakyan, ang sa atin ay walang diskretong lakaran para sa magkahiwalay na direksyon.

ay sorry!” napatingin sa akin ang batang trese anyos na ngunit tila pitong taon pa lang sa liit.
sinasadya?!” tanong niya sa akin na tila kaedaran lamang ang kausapan.

Marahil ay sobrang itim ko na at hindi ako nakita ng bata. Akala niya siguro kaedaran lamang niya ang sinigawan. Napatingin ako sa kaniya, gulat ngunit may ngiti sa labi. ang tapang ng batang ‘to ah. Sabi ko sa sarili ko. Nagtaka, wari ko’y may sinuntok akong tao at nanghingi din matapos sinadyang makasakit. Tumitig ako sa bata mga limang segundo. Natauhan na lang ako nang biglang magsalita ang kaibigan niya, “grabe ka, hindi mo ba kilala si kuya dan? Kung makapagsalita ka.”

“okay lang. sino ba ako? kapitbahay niyo lang ako. hiling ko lang kahit sino pa man ang makatisod o makabangga sa inyo, piliin natin ang mga salitang ating bibigkasin. May salita kasing hindi angkop para sa pag uusap ng hindi magkaedarang nilalang. Kung mas matanda sa atin, paggalang lang. kung mas nakababata naman ay paliwanagan natin ng tama at dapat na asal. Ako, hindi ko kailangan ng respeto. Bastusin ako, wala akong pakialam hanggat hindi ako ang gumawagawa ng kamalian. Ngunit papaano kung iba na ang nakatanggap ng ganyang pahayag sa kabila ng kanyang paghingi ng tawad? Edi nasuntok ka? Matuto tayong rumespeto, kahit sila hindi, ang mahalaga, ikaw marunong.”

Alam mo ang mali ko? Hindi ko to nasabi sa batang iyon. Nilayasan ko lamang siya. diretso sa bahay. Kinausap ang nakababatang kapatid, sinabi ang mga pahayag sa taas. Kilala niya kasi ang bata sa engkwentro. Kasama pa niya sa isang pambatang organisasyon dito sa lugar namin. Kainaman. 

Huwebes, Mayo 17, 2012 sa ganap na 2:58 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Natatawa na talaga ako sa mga pinoy ngayon. Natatawa na tlga ako. Natatawa hindi dahil sa mga ginagawa nilang komedya ngunit dhil sa mga kilos na lubha nang hindi normal kumpara sa mga sinauna.

Masyado na siguro tayong lunod sa mga pinapanuod nating mga palabas na hindi man lang nagpapakita ng riyalidad ng buhay na sana ay tinatama natin at hindi pa kinatutuwaan at ina-idolize. Bagaman mayroong mga palabas ngayon sa telebisyon na tumpak sa realidad, pinapanuod ba?

Hindi ba’t mas pinipili pa nating abangan ang next series ng smallville kaysa sa mangyayari sa Maguindanao massacre? Hindi ba’t iniiyakan pa natin si nanay na nanunuod ng balita para makapanuod ng inaabangan nating palabas sa star movies?

Meron talagang mga pelikula na hindi natin namamalayan na lubha na tayong nailalayo sa dati nating mga nakasanayan. Minsan pa nga ay sa pangarap na natin. Kamusta ang pagtingin natin sa salamin para tignan kung may nagbago na sa hugis ng katawan dahil nga sa uso ito at nakita natin sa idol natin?

Hindi ba’t hindi lang puro idol ang nakikita sa tv? Eh ang pagsulyap natin sa salamin upang tignan kung kagaya tayo ng isa sa mga pinakakinaaayawan nating housemate? Malamang? Hindi, dahil mas gusto nating mag-search sa google ng mga pictures ng taong iyon. Na humihingi pa tayo ng pera pang rent sa shop para mag ‘become a fan’ at makiisa sa mga nagmamalinis na tao sa Pilipinas.

Hindi ba’t pinag-uukulan pa natin ng pansin ang pag-eedit ng pictures ng taong iyon at ipo-post kung saan saan at maghintay kung madami nang nag-like at nag comment na tuwang tuwa dahil ginawa natin yon? Palakpakan pa dahil sa nakita nilang kasiraan. At ang pinakamalupet, andami nating oras na ginugol para mag-search sa friendster o kung san man site ng mga bago at lumang pictures na magpapatunay na tama ang mga hinala natin sa kaniya. Pag nakita natin ang nais, tatawa ng malakas o kundi ay ngiti na parang aso, sabay nito ang pagkopya sa URL o ‘save picture as’ para ma-share sa mga kaisa sa paniniwala. At isang click lng? Makikita na nila ang pinagpaguran natin.

Ang daming nag view, nag like, nag comment. Wow. Accomplishment? Accomplishment dahil may napatunayan tayo sa mga taga hanga na credible ang mga impormasyong pinapahayag? Nakaluwag naman dahil sa nagawa? Napatunayan sa sarli na magaling tayong pumindot sa search button at maghintay ng result?

Na habang tuwang tuwa tayo sa mga resulta at likes at comments, hindi man lamang naisip na ganito tayo magsyesta at mamyesta sa mga‘research works’, may iba ding mga taong hindi man sila ang pinag-uukulan ay nasasaktan. May magulang din ito na hindi akalain na gagawin ng madlang tao na clown o sentro ng inggit man o galit ang kanilang anak, halos gawin ba naman itong thesis na lubhang daming pages ang nagawa, revises upang lalong sumakit ang mga salita, reviews para makita ang mga mali upang lalong maging mali na pumapasa naman sa mga mata ng mga tanga hanga.

Huwag kang tatawa, hindi kami nagpapatawa.

Lunes, Mayo 14, 2012 sa ganap na 4:48 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

isa sa unang unang pinangangalandakan ng mga Pinoy na katangiang natatangi (haha) ay ang pagiging hospitable. smile! kahit hindi kakilala, siguro ngingitian basta makitang namumukaan nila ang isa’t isa. kahit sa mga bahay, pwedeng makiinom o makitulog kung wala na talagang matutuluyan (very movie style). jan nabuo ang budol budol o salisi gang. well, hindi naman yan ang patutunguhan ko. welcome all! enjoy!

youporn, youjizz, xtube, bangbus, etc, alam mo din yan, magkunwari ka pa eh. minsan mo na din yang nabisita o natambayan. kung hindi man, wag mong subukan. hehe. itanggi man natin, ‘pag nakarinig tayo ng sex, halos mahiya tayong pag usapan ito. pero curious. ayaw nating madamay ang sarili natin sa usapang ganito dahil may tinatago din tayong kalibugan. baka kasi layuan tayo ng mga tao at pandirian.

napasali ka na din ba sa mag aliberated clans? bastusan ang labanan doon. yayaan ng SEB kung saan. secret agenda kung kaninong gustong kumabet. lalaki sa lalaki. babae sa babae. at sa magkaibang kasarian. wag ka ding sasabak sa ganyang text clans.

sobra na tayong kaiba kay maria clara at kay ibarra. (kung sila man ang pamantayan ng pagiging isa matinong Pinoy.) mahinhin pero matalino. makisig ngunit may pagtitimpi. bahid na bahid na sa atin ang kilos ng mga dayuhan. dulot marahil ito ng pagpsok ng mga palabas na hindi kailanman naging angkop sa mga kabataan o kahit sa kaugalian ng mga Pinoy. may mga babala pang bawal kapag hindi aprubado at walang gabay ng magulang ngunit ganun din naman. hehe wa masabi eh.


itong hayskul musical, market nito ang mga kabataan. alam nating hindi tayo allowed na makipagrelasyon kapag tayo ay hayskul pa lamang. (ang luma ko no) pero dahil masaya naman ang makipagrelasyon with matching kanta kanta pa sa panliligaw eh, pwede na as long as tayo ay masaya at ang puso ay napapakanta na din. (non sense)



itong juno din, (nang aaway nako nito haha) nagkabuntisan ang dalawang teens. Una’y nagkaproblema sila dahil hindi pa sila handa at hayskul pa lamang sila pero sa huli ay pinandigan din siyaa ng lalake. against all odds ang labanan nila dito kaya ang sweet ng dating para sa atin. ayon, pumatok dito sa Pinas. latest na bilang nila ng mga Pilipino ay higit sa 100 million na ata? ok lang ang magkabuntisan, basta papanagutin ng lalaki, sweet kaya.

itong glee ang pinakamalupit. hayskul theme ang kanilang front. walastik sa istorya. agawan ng boy friends at girlfriends. seducing each other, halikan at agawan ng atensyon, lahat halos upstager. doon sa palabas, pwede ang mga siraan sa faculty, away ng mga teachers at estudyante, landian ng faculty. pag addict ka dito gleek ka, muntik ka nang maging geek. sayang! patok na patok nga eh. pero i heard na mejo flop ang glee the movie nila. natutuwa tayo pag in tayo eh. lalo sa mga palabas sa ibang bansa. ang totyal kasi pakinggan at sa pakiramdam at higit sa lahat kapag napanuiod mo ang fresh from the us episodes (FUSE).


pati nga mga words at expressions nila ginagaya at mas malala ay sinasabuhay pa natin. dati ang salitang HOT eh para sa may mga lagnat lamang. ngayon pati sa tao pagde describe sa katangian at panlabas na anyo ay pwede na rin. “ang hot mo naman!” “thanks” sabay kindat at kagat sa labi. 

YUMMY ka! pagkain lang talga ang tinitikman hindi ba?  anyare? at doon nabuo ang salitang kainan. haha.

ngunit sa isang press conference na ginanap kung saan man, sinampal sa Pilipinas ang isang balitang sex lamang ang hanap ng mga dayuhan sa tuwing bumibisita sila dito sa atin. Hindi ko nakuha ung exact words pero ang pagkaintindi ko dito ay “bayang parausan?” o well masakit naman talaga sa mata kapag ang ingles ay trinanslate sa salitang Filiino. (gagamit nalamang tayo ng salitang hiram minsan no? pero dahil gusto kong mas harsh, tinagalog ko haha)

may pagkatotoo naman ng bahagya ang pahayag ni mang Thomas. sa pananaw kasi natin mas hot at yummy ang mga taga ibang bansa. (hindi ko sinasabing dapat sa kapwa pinoy tayo makipag sex dahil mali din ang gawin iyon sa hindi mo kakilala at asawa) imported ika nga nila. blue eyes, blonde hair, big boobs, and exaggerated na penis at maraming pang mga makikita sa mga porn movies.

gutom tayo sa ganitong idea ng sex partner. halimuyak at lasa ng katawan ng ibang bansa ang lagi nating gustong tikman. bakit nga pala tayo nging addict sa kanila? kay megan fox, kay brad pitt, kay angelina, kay nicole na pinay, kay kung sino man silang pantasya ng mga kung sino lang din. diba dahil un sa kanilang msyadong pag e exhibit ng kanilang mga katawan sa telebisyon at sasabihig ‘hey this is what you like right? you like it like it?’ tayo naman.. ‘yesssss’ 

si mang thomas, kunyari paparusahan ang kanyang mga kababayan kapag may nahuling sex lang ang habol dito sa Pinas. matanong ko lang, nasaan na nga ba si Daniel na nang rape at na convict matagal na ang nakalipas? halos wala na tayong balita sa kanya simula noong nailipat sya sa puder ng mga amerikano. baka nga nakabalik na yon sa kaniyang serbisyong military eh.

nakakahiya ang mga binitiwang pahayag ni mang thomas. nakakahiya naman sa kaniya na ang mga kapwa niya amerikano ang mga parokyano. sila itong mga tagapagpalabas ng libido sa ating katawan, hindi ba? sila itong nagbigay sa atin ng mga idea ng kung anong dapat standard sex partner hindi ba? ngunit anyare nanaman?

bulag na nga tayo. binulag nila tayo. banlag na tayo. diretso ang mukha ngunit iba ang tinitignan. alam na natin na tayo ang ginigisa sa mainit nilang pakulo sa mga palabas. bulok na yan. magbabago pa tayo. take control government. maaari namang ipagbawal ang mga porn sites hindi ba? ang MTRCB, ipag bawal ang mga palabas na lubos na hindi akma sa kulturang pinoy. 

sabi nga ni maria ressa “si Pnoy may magandang adhikain sa bansa, ngunit kulang sa lakas ng loob sa mga desisyong gagawin”

Sabado, Mayo 5, 2012 sa ganap na 3:50 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

kapag hindi sa atin ang isang bagay, maging responsable tayo sa paggamit nito.

‘pag dinala natin ito sa ibang lugar ay siguraduhin naman natin na babalik ito nang buong buo at hindi iiwan sa mga dahilang walang katuturan.

hindi iyo tapos iiwan mo sa ibang bahay?

hindi iyo tapos dadalhin mo kung saan saan?

‘pag kinuha sa’yo sasabihin mong wala sa’yo at nandoon sa ibang tao? POOR EXCUSE!!

‘pag alam mong mali ka, ‘wag kang umepal at sumagot sagot para patunayan mo lang na ikaw ay hindi paaaapi.

‘pag hindi mo alam na mali ka at kung makasagot ka na feeling mo karapat dapat ang mga sagot mo, siguro hindi mo alam ang term na analysis of the situation?

mag-isip isip. hindi puro puso ang pairalin. wag gawing tanga ang sarili.

‘pag hindi matanggap ang pagkakamali, normal lang yan sa isang BATANG hindi pa alam ang tunay na salitang PAGKAPANALO AT PAGPAPAKUMBABA.

‘pag hindi na maganda ang sitwasyon, maaring wag na lang sumagot dahil baka magdulot pa ito ng isang napakagulong sitwasyon. na alam nating hindi makatutulong sa pagkakaayos at pagkakaintindihan o pagkakaintindi sa sitwasyon.

there is always a thin line between HAVING SOMETHING TO SAY and HAVE TO SAY SOMETHING.

touch moved. isang palatandaan ng pagiging tunay na tao ay ang kakanyahang makapag-isip muna bago gumawa ng aksyon HINDI ang paggawa ng aksyon at saka tayo mag-iisip.

karl marx’s HUMAN POTENTIALpinapaliwanag dito na ang tao, kaiba sa hayop, ay pinagkalooban bukod sa kapangyarihang makapagsalita ay may kakanyahang makapag-isip, makapagplano, makapag-analisa, makapag-konklud bago gawin ang isang aksyon.

ang sa akin lamang ay wag tayong maging padalos dalos sa ginagawa nating kilos.

ang sa akin lang ay pag nakagawa tayo ng mali mula sa kilos kahapon, wag na nating ulitin pa. walang enjoyment na nararamdaman, meron ba?

ang sa akin lang, ang word na sorry ay dalawang syllables lamang, kahit hindi mtanggap ay ATLEAST you tried.

ang sakin lang wala na po.

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile