Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pilipino. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pilipino. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Nobyembre 27, 2020 sa ganap na 8:52 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Lagi kong nakikita ang sariling nagsasalita sa harap ng madaming estudyante. Nagkukwento ng mga karanasan sa buhay. Mga bagay na pwedeng maging inspirasyon sa pagtanda. 


Naiisip na isang araw tatapikin ng dating guro para magbigay ng mensahe sa mga magtatapos. Tatayo sa harapan, lahat makikinig. Hihinto ang oras ng mga bata at tututok lang sa mga salitang lalabas sa bibig. 


Kaso malabo. Hindi naman ako huwarang estudyante. Lalong hindi matagumpay ang buhay ngayon. Lagi lang akong nasa gitna. Hindi magaling. Wala sa itaas. Hindi hinahangaan ng mga kaklase. Hindi unang pinipili. 


Kaya malabo pa sa putik ang pagkakataong maging panauhing pandangal. Mamumuti na ang mata mo kahihintay. Dito kasi sa Pilipinas, kailangan maging mataas na tao ka muna bago ka kilalaning marangal. Kailangan ng titulo para makita nila ang iyong halaga. 


Kaya para sa isang tulad ko, hindi na aasa para hindi masaktan. Malayo ang agwat ko sa mga naimbitahan. Kumbaga, 100mbps ang gamit nila, ako mag-inquire pa lang para makabitan ng 50mbps na wifi. 


Hindi ko rin maintindihan kung bakit laging ang nagsasalita sa harapan ay mga matataas na tao na. Mga matatalino. Mga magagaling sa simula pa lang ng pag-aaral. Mga pinagpala ng kadalian ng buhay. O di kaya’s sinwerte sa pagkakataon. Mga matatapang na sumugal. 


Ngunit lahat nang iyon ay inspirasyon para lang sa mga nasa harapang upuan. Palayo nang palayo sa entablado, palabo nang palabo dahil hindi na tatagos sa puso ng mga nakikinig. Animo’y ang kinakausap na lang ay mga katulad niyang magagaling, masisipag, mga nasa priority lane ng eskwelahan. 


Kaya sinong haharap para sa mga hindi gaanong kagalingan? Sinong tatayo at tagapagsalita ng mga estudyanteng nasa row 3 at 4? Mga estudyanteng tinatabi sa mga matatalino kapag may exam para mahatak ang score ng eskwela? 


Wala. Dahil mahina ang ningning sa kanila. Bago pa man mapili, mahaba pa ang listahan sa harapan. At kung malapit na ang iyong oras, hahakbang na sa harapan ng umaasang mga estudyante, mayroong muling taong mas magaling sayo ang pipiliin. 


Kasi sa Pilipinas, kailangan munang maging matagumpay, kailangang may narating na, kailangang may napatunayan, bago tayo mapakinggan. 


Ako si Dan. Wala pa akong nararating. Wala pang maipagmamalaki. Nasa harapan para sa mga taong nasa likod ng pila. Taas-kamao para sa mga hindi magagaling at laging kulelat. Daratimg din ang oras na kakampi sa atin ang tadhana. Huwag sukuan ang sarili. Tayo-tayo na lang ang magkakakampi. 

Sabado, Pebrero 22, 2014 sa ganap na 5:32 PM sinalpak ni tadong daniel 2 Comments


    Panahon ng pagpaparamdam ng bagsik ni haring araw, pahinga ng mga estudyante sa eskwela, sa lugar na malayo sa usok at matataas na gusali, matatagpuan ang dalawang paslit na walang alam sa plano ng tadhana. Malaya nilang dinadama ang pagkabata. Mabagal ang takbo ng oras. Walang pakialam sa mga lupang nagsusumiksik sa kuko sa paa. Mapuno man ng gasgas ang tuhod, tuloy pa rin sa pagtakbo manalo lang sa laban. Paos na paos na pero upang manalo’y ipagtatanggol ang kanilang tama.
Sa La Union namunga ang binhing si Albert walong taon na ang nakararaan. Ipinunla ng mag-asawang magsasaka. Wala silang lupain ngunit may mayamang taga-Maynila na pinagkatiwala ang malawak na sakahan upang pagtamnan. Trabahador. Nagpapakakuba upang matustusan ang pag-aaral ni Albert. Pinapasan ang bigat ng sako-sakong ani mapagaan lang ang kinabukasan ng kanilang anak. 
“Anyamot ni Albert! Haang ka na tumulong! Aramidim mun ti assignment mo!”
Simple lang ang buhay nila sa probinsya. Nakangiti silang bumabaluktot sa araw na maigsi ang kanilang kumot. Batid nilang sandali lang ang tagtuyot. Maaambunan din ang kanilang hapag kahit pa-unti-unti. Makararaos din. Sa paligid nila’y puno naman ng gulay. Maaaring kantahin ang bahay kubo isama pa ang talbos ng kamote sa rami ng pagpipilian. Hindi kailanman mababagot ang mga langaw sa pagdapo sa kanilang mga plato.
Si Albert, bukod sa kanyang pagkabibo, maaasahan ng magulang na magiging tagapagtaguyod ng pamilya. Gusto ni Albert magkaroon ang pamilya ng sariling lupang pagtatamnan. Sabado at Linggo lang niya pinapayagan ang sariling makipaglaro sa mga kababata. Wantusawa. Umaga hanggang alas sais ng gabi. Pagkain at pag-inom lang ang pahinga.
"Walang pagkakapantay-pantay sa mundo. Malabo. Paano kung lahat mayaman? Sino na ang magtyatyagang magsaka ng ating makakaing bigas?" Sabi ng guro. Sa bandang gitna ng nakasalansang upuan, nakaupo kasama ang mahigit beinteng kababaihan si Janice. Nakikinig sa nagtatalakay na guro ng Values Education. Oo nga naman. Hindi kailanman magkakaparehas ang estado ng lahat ng nilalang.
Sa edad ni Janice, tanging pag-aaral at paglalaro pa lamang ang nagpapaikot ng kanyang mundo. Agad na tinatapos ang takdang aralin upang maitayo ang Doll house niyang hanggang baywang ang taas. Siya ang pinuno. Damang dama ang pagpapagalaw ng mga maliliit na tao. Iwinawasiwas ng mga daliri ang naisin. Ikinukumpas ang ikot ng buhay sa munting palasyo.
Ngunit nag-iisa lamang si Janice. Walang kasama sa paghalakhak. Iisa ang emosyong ibinibigay ng kanyang mga laruan. “Ma,” tawag niya sa babeng dinaig pa ng pagpapalit ng laruan ang presensya sa kanilang bahay. Kapatid ang tanging hiling. Kalaro. Katabi sa pagtulog. Kasama sa paggising, pagkain, paglalakad at paglaki. Sabik siyang maranasan ang kwento ng kanyang mga kaklase. “pwedeng pumunta sa labas?” Paanong makabubuo kung almusal lamang ang mainit na napagsasaluhan ng kanyang magulang?
"Uuwi tayo kina Nanay Teresa."
Kakarampot lamang ang umaaligid na bulak sa himpapawid. Nangagsayaw ang mga ibon sa paligid sa saliw ng sarili nilang musika. Tanging ang kadalasan ng pagpihit ni Albert sa kanyang mumunting radyo ang maririnig sa bahay ng pamilya Matuya. Walang magawa. Tulog ang kanyang mga kaibigan. Naniniwalang ang kataasan ay makakaapekto sa kanilang kaligayahan.
Kaunti na lang. Papaangat na si Albert tungo sa lugar na walang problema nang may biglang tumigil na makina sa tapat. Nambulabog sa katahimikan ng mundo. Nagitla ang mga ibon. Sumimangot ang mga aso’t pusang nakatungo. Naki-usyuso ang mga manok sa mga bagong salta.
"Mabuti’t napadalaw kayo?"
Karga ng katulong si Janice. Bahagyang gising.
Napabalikwas si Albert. Pumutok ang bulang sinasakyan.
Ngunit hindi sila nagkita. Walang pagpapakilalang nangyari. Hindi interesado. Binuksan ang mata. Ipinikit. Mas masarap matulog. Hanggang sa muling umandar ang makina papalayo. Doon sa lugar na ang potensyal ng pagkakaroon ng bagong kaibigan ay malaki datapwa’t panandalian. Doon sa lugar kung saan itinadhanang hindi magkita ang dalawang batang pupwedeng magkapalagayan ng loob.
Magandang hindi na ipilit pa ang pagtatagpo. Minabuti ng panahon upang wala nang masaktan. Hindi sila bagay. Gusto lamang ng isa ng kalaro. Mapaglilibangan. Samantalang gusto naman ng isa ay ang magiging kabalikat sa hirap at saya.
Ngunit bata pa sila. Huwag pangunahan ang tadhana.

Lunes, Agosto 12, 2013 sa ganap na 5:52 PM sinalpak ni tadong daniel 6 Comments

Alam mo ba ang pangyayari sa ating buhay na mahirap hulaan? Sigurado itong magaganap sa kahit kanino ngunit wala namang nakaaalam kung kailan sasapit. Marami ang nag-aantay. Marami rin ang umiiwas. Ang ilan pa nga ay naghahanda pero wala ni isa ang nakapagpaalam ng sapat. 
Lumabas tayo ng bahay, sa paligid naglilipana ang napakaraming disgrasya. Iniwasan ang papasalubong na bisikleta, nakaligtaan namang sa kalsada’y punung puno ng nagmamadaling motorsiklo. Huling pag-uusap ng mahal sa buhay umaga sa hapagkainan. Aalis na ako, ang huling sabi. 
Kahit sa loob mismo ng tahanan, kung mapagpasyahang magkulong maghapon upang takasa ang kinatatakutang huling hantungan. Sa balita naman ilang buwan na ang nakalilipas ay bumulagta na lang ang isang batang babae dahil sa ligaw na bala. Dumaplis sa utak ng inosenteng bata kaya hindi na nakayanang lumaban. Walang kaway ng pagpapaalam. Walang halik sa mga minamahal.
Maging ang katawan natin ay hindi na mapagkakatiwalaan. May isang binatang naligo hapon pagkauwi ng bahay upang maibsan ang nararamdamang init at pagkahapo. Maya maya ay nakita na lang siyang humandusay sa sahig. Balita ay may pumutok na ugat sa kanyang utak. 
Iba’t iba ng dahilan. Pare-parehas ng kahihinatnan.
Mahirap tantyahin kung kailan ang oras. Hindi kailanman mapaghahandaan ang pagkawala. Kahit ang maiiwang mga mahal sa buhay ay hindi magiging buo ang loob sa pagpapaalam. Mahirap ipaliwanag ang kamatayan. Walang itong sinasantong edad. Binabalot ito ng mahika. Hindi mailabas ang lungkot. Hindi kayang suklian ng salita ang napakaraming emosyon na napapaloob sa isang taong nawalan. 
Siyang wala nang malay ay mananatiling nakahiga. Wala nang pakiramdam. Wala nang problema. Hindi na makita ang bakas ng kahapon at napagdaanang hirap. Walang pagsisisi sa guhit ng mukha. Iniwan na niya ang mundo. 
Silang mga nakasilip sa ataul ay hindi matiyak saan pa huhugutin ang lakas upang magpatuloy. May pighati. May kirot. Maraming hindi nasabi noong may kakayahan pa ang mahal na makarinig at makaramdam.
Sa dalawang panig ng nagmamahalan, sino sa kanila ang may panghihinayang? Napakahaba ng isang oras upang sabihin sa mahal natin ang ating tunay na nararamdaman. Ngunit napakaikli ng maraming taong pamamalagi niya sa ating mundo upang hindi natin masabi iyon. 

Miyerkules, Abril 10, 2013 sa ganap na 1:14 AM sinalpak ni tadong daniel 5 Comments


Gaya ng kaganapang pagtabing ng buwan sa araw, nagkita ang magkaibigang pinagsama ng pelikulang Himala. Nakahiga sa sariling burol, tinititigan ang kagandahan ng pag-aagawan ng pwesto ng dalawang naghaharing liwanag. Magkaibang oras ng kasikatan, ngayo’y nag-isa ngunit kabaligtaran ang kinalabasan. 

Ang galing ni Nora,

Binuhay ng teknolohiya ang pelikulang Himala. Dekada na itong ibinaon ng kahapon at tanging alaala na lang ng kagandahan nito ang nababanggit ng mga manunuri. Inagiw na sa baul ang kopya. Maging ang ilang dalubhasa sa larangan, kwento, tatak at parangal na lang ang kayang ibalik. Ngunit ngayon, higit pa sa orihinal nang ipinalabas itong muli sa sinehan. Pinatingkad ang kulay. Tinanggal ang mga tinig na hindi kailangan. 

Nag-alab muli ang mga umasang masasagip sila ng Himala, ni Elsa. 

Salamat kay Ricky Lee dahil hindi siya sumuko. Hindi magiging kakaiba ang bawat eclipse natin kung walang Elsang napulot habang nagdidilim sa umaga.
 
Sakto pa ngayon ang tema, 

Pero pwede ring lalong lumayo ang puso ng mga tao sa relihiyon. May dalawang maaaring interpretasyon sa nilalaman ng pelikula. Una ay ang pagtitiwala sa iisang diyos, at wala nang iba pa. Huwag kilalanin ang mga sugo umano na maghahatid daw ng himala. Pangalawa, ang mensahe nitong hindi natin kailangan ng diyos. Kaya nating gumalaw nang hindi nanghihingi ng tulong. Sa bandang huli ng pelikula, iniwan sa atin ang desisyon. 
Tumihaya, nangiti nang makitang lumilihis na ang buwan. Liliwanag na sa dapit-hapon. Kaunti na lang, maghaharing muli ang nakagisnang araw. Nilingon ang kaibigan upang humingi ng sagot sa hindi naman patanong na pangungusap. Tila gusto niyang malaman kung saan sa dalawa nabibilang si Ailen. Kaiba kasi sa kanya, hindi lamang sa pelikula napaibig si Ailen, binulag siya ng kagalingan ni Nora Aunor. Binabaliwala  niya ang mga nababasang negatibong balita ukol kay Nora. Para kanya, si Elsa ay si Nora at si Nora ay si Elsa. Kinulong niya sa loob ng pelikula ang tunay na Nora kasabay ng pagpapagalaw niya sa Elsa sa katauhan ni Nora. Inamin man ng Super Star na isa lamang si Elsa sa mga karakter na kanyang napagtagumpayan, nasa harapan pa rin si Ailen ng pila habang sinisigaw ang, 
Hindi ka ba natutuwa? Bumalik na siya! 
Oo, tayo naman ang mga bulag na tagasunod. Patuloy na niloloko.
Tapos…

Linggo, Enero 13, 2013 sa ganap na 3:26 AM sinalpak ni tadong daniel 6 Comments


Alam kong hindi magandang diktahan ang mga Pilipino kung sino ang dapat na iboto sa darating na eleksyon. Kung magbibigay pa ako ng listahan, magiging para akong nagmamarunong at nagmamatalino. 
Beinte uno anyos pa lang ako. Kulang na kulang pa ang kaaalaman ko sa kalakaran ng pulitika ng ating bansa, alam ko. Sa katunayan, magiging ikalawang pagsabak ko pa lang sa pagboto sa pambansang eleksyon sa Mayo. Hindi maganda ang nangyari noong una. Mahirap pala. Dahil bagito ako, madali akong natukso sa mga bumubulong sa akin kung sino ang isusulat sa balota. Nariyan ang tita ko na nagsabing isingit sa mga iboboto si Jingoy Estrada dahil idolo niya ang ama nitong si Erap; tinuro ng magulang dahil maganda ang dala nitong diplomal; mga kandidatong mabulaklak ang tabas ng dila na mayroong magaling na empleyadong gumagawa ng talumpati para sa kanila. 
Tulad mo, may mga ibinoto akong hindi ko nagustuhan ang trabaho. Para nilang binasura ang tiwala ko sa kanila, ang tiwala mo. Na ang sana’y tumutulong maiangat ang ating bansa, sila pang nagiging pabigat, pasakit sa ulo, palamunin at paswelduhan. Sila ang umuubos ng ating pinaghirapan. 
Tulad mo, pinagsisihan kong nailuklok ko ang isang hindi karapatdapat maglingkod sa  atin.
Kahit isa lang ang boto ko, hindi pa rin dahilan iyon para hindi ako masaktan sa ginagawa ng isang nasa posisyon. Isa kasi ako sa nagpahintulot sa buwayang iyon upang ipagpatuloy ang pagkamal sa ating yaman. 
Naisip ko na ang karapatan nating bumoto ay hindi natatapos sa paglalagay ng blue ink sa daliri. Dahil sa oras na manalo ang isa sa mga inilagay kong pangalan, responsibilidad kong bantayan ang kanyang ginagawa sa ating bayan. Hindi dapat tayo maging kumpyansa. 
Ikaw na nagbabasa nito, ituring mong sugal ang darating na eleksyon. Kung piso na lang ang natitira mong pera, tataya ka ba sa walang kasiguraduhang manok? sa hindi marunong manindigan? Sa anak, asawa o pinsan ng isa pang nabubulok na sa gobyerno? Sa parang kabuteng bigla na lang magpapakilalang maraming nagawa dahil kailangan niyang manalo? Sa mga kapit posisyon? Sa mga hitsura lang ang panlaban? Ituring nating huling laban ng Pilipinas ang eleksyon para sa kaunlaran. Tumaya tayo sa may pag-asa. 
Palubog ng palubog ang Pilipinas. At ang masakit na katotohanan, mga anak pa nito ang siyang dahilan ng kanyang patuloy na pagbagsak.
May 286 na kongresista, 24 na senador at mga lokal na opisya. Kaunti lang sila kumpara sa milyong botanteng Pilipino. Ngunit ang mangilan-ngilang tao sa gobyerno ang tinuturong humihila sa atin paibaba. 
Pero sino ba ang nagluklok sa kanilang pwesto? Sino ang nagbigay ng susi sa ating kaban? Tama. Parte tayo ng problema ng Pilipinas. 
Nag-uumpisa na campaign period, nagsisilabasan na ang napakaraming naghahangad ng isa nating boto. Susuyuin na tayo ng sangketerbang pangako. Iingay na ang kalsada sa pasikatan ng jingle. Dudumi nang muli ang paligid ng mga mukhang nakapaskil kahit ipinagbabawal.
Matatanda na tayo. Ang karapatan sa pagboto ay ibinigay sa mga mamamayang may kakayanang mag-isip ng tama at nararapat. Ipinutong at ipinagkakatiwala sa atin ang kinabukasan ng bansa. Magampanan kaya natin ang bigat ng tungkuling ibinigay sa atin. 
Sa panahon ngayon, hindi na mahirap maghanap ng impormasyon tungkol sa isang kandidato. Kung kaya nating magtagal sa harap ng computer ng mahigit tatlong oras, bakit hindi natin isingit at silipin ang mga nakaraang trabaho ng napupusuan? Hayaan natin ang sariling mabusog sa impormasyon at kaalaman. Kumbinsihin natin ang sarili na tama ang ating iboboto. Huwag tayong tumigil bigyang edukasyon ang sarili hanggang sa masigurado natin na ang kanilang pamamalagi sa gobyerno ay hindi magiging punung puno ng pagsisisi. 
Sawang sawa na ang mga Pinoy sa mga bumabastos sa ating bansa; sa mga ginagawang business ang dapat sana ay paglilingkod sa bayan. 
Kumilos tayo! Para sa bayan. Para sa susunod na henerasyon. Para sa tunay na matagumpay na eleksyon. At para sa sarili natin.
Bukas, paggising natin, nakangiti tayong manunuod ng balita ng pag-angat ng ating lupang hinirang.
Bangon!

Sabado, Oktubre 6, 2012 sa ganap na 11:40 PM sinalpak ni tadong daniel 9 Comments


tawa ka ng tawa, mamaya iiyak ka diyan. huwag kang gagala kapag malapit ka nang magtapos sa pag-aaral, lapitin ka ng disgrasya. huwag kang mag iipon, para mo na ring pinaghandaan ang pang ospital mo. huwag kang magpupula kapag umuulan, tatamaan ka ng kidlat. ang dami mo nang absent, lagot ka kay ma’am. hindi ka man lang tumulong sa mga gawain natin, huwag kang umasa na mataas ang grado mo. bawal tumawid, tangina ka!

dito sa pilipinas, bawat kibot natin laging may kaakibat na pananakot. karaniwan sa mga ito ay pumipigil na gawin natin kung anong nagbibigay o magbibigay ng kaligayahan sa atin. marami sa atin marahil ay nalaman ang mga ganitong pamahiin mula sa ating mga lola o di kaya ay sa magulang. 

higit pa sa mga nasa itaas, may isang paniniwala ang mga pinoy na lubhang mahalaga ngunit sinasantabi natin. isinasawalang bahala dahil wala naman sinabi si lola na maaari tayong mabulag, maputulan ng kamay, katihin, magutom, tamaan ng kidlat, o mamatay kapag ginawa natin ito. ni si nanay, walang pakialam. sa katunayan, sila pa mismo ang nagturo sa atin na suwayin ito. 

naaalala mo pa ba noong kabataan mo? habang abala ka sa paglalaro ng teks, tinawag ka ng tatay mo para bumili ng redhorse sa kabilang kanto. dahil sa takot na mapagalitan, iniwanan mo ang mga kalaro mo, tumakbo sa suking tindahan at bumili. sinuklian ka ng tindera. doon din sa tindahan, nakakita ka ng isang plastic ng teks, limang piso kada balot. sakto sa sukling hawak mo. alam mong lasing na si tatay, naisip mong hindi niya mapapansin na kinuha mo ang sukli. binili mo ang teks. tama ka, hindi niya alam na may sukli dahil sa kalasingan. 

isang gabing madilim, bilog na bilog ang buwan, pinalaki ka ng magulang mong may takot sa multo. sinasama ka ng nanay mo na pumunta sa nayon upang makipyesta sa mga kamag anak doon. pilit kang tumatanggi, nagpupumiglas, naglulumpasay, sinasapian ata. sige na anak, pag sumama ka bibilan kita ng maraming laruan at may bente pa. tumahan ka sa pagwawala na parang tinurukan ng pampakalma.

minsan pa nga kapag tinatamad kang gumawa ng assignment diba to the rescue kaagad si nanay para sa pampagana? pag natapos mo yang pinapagawa sayo ng titser mo, bibili tayo ng ice cream, yung magnum? naku anak, waley ang you and me sitting on a tree doon. pang mayaman! abot tainga ang ngiti, naglalaway mo pang tinatapos ang takdang aralin mo. 

sumama ka sa nanay mo mamalengke para sa pagkain niyo kinagabihan. sa pag iikot, nagutom kayo sa pamimili ng mauulam. ginamit niyo yung natirang pera pang meryenda. sinabihan ka ng nanay mo na huwag sabihin sa tatay mo na may sukli pa dahil baka hingin pa ito at walang maibigay. 

nakakita ka ng cake sa refrigirator. tinikman mo saka ka nagpaalam, sinabi ng mama mo na bawal kasi para yun sa mga kaklase ng kuya mo. pero dahil nakakuha ka na, abswelto ka. 

apat kayong magkakapatid pero walang gustong magwalis at maglampaso ng sahig. may kunwaring tulog, may kunwaring nahihirapan sa assignment, may kunwaring masakit ang paa, at may kunwaring nagre review para sa exam bukas. nakita mo ang tatay mong iba ang tingin sayo. nakangisi ng kaunti may kasama pang kindat. alam mo na ibig sabihin non. kapag sumunod ka sa utos, may premyo kang matatanggap. biglang gumaling ang sakit ng tuhod mo at kumilos ayon sa iniutos. 

ngayong malaki ka na, nagtatrabaho ka na sa gobyerno. malaki ang ginagampanan mo ngayon sa pag unlad ng bayan. isa ka sa mga inaasahan ng mamamayan na mag aangat ng ekonomiya ng bayan. pinagmamalaki ka ng magulang mo, maging ng buong bayan kung saan ka hinubog ng panahon. naialis mo ang pamilya mo sa kahirapan. may kotse, condo, bahay at lupa. masipag ka kaya tinatamasa mo ngayon ang ganyang karangyaan. 

dumating ang mga balita isang araw. punong puno ka umano ng ilegal na aktibidades. nagulat, natulala, tumanggi at umiwas. anak bakit? hindi ka ngayon makasagot dahil alam mo ay wala kang inaargabyadong tao.

nasanay ka kasing sa tuwing kumikilos ka ay may pampadulas para mas mapabilis ang proseso. hindi alintana sayo ang sobrang presyo ng mga pinamiling materyales tutal naman ay pinangkakain niyo ang mga natirang pera. alam na alam mo ang mga ibig sabihin ng kindat at senyas para manalo sa bidding, may komisyon ka kasi. higit pa roon alam mong hindi ka makukulong sa ginagawa mo dahil kaibigan mo ang batas.
ngayon, babalikan ka ng nanay at tatay mo. tatanungin kung bakit ka nagkaganyan samantalang pinalaki ka nila ng maayos at matino. 

ngayon, maraming magulang ang nagpapayo sa kanilang mga anak na huwag tularan ang babaeng may nunal na kinasusuklaman ng lahat. 

ngayon, sasabihin nilang wag kang kukurap. e ano ngayon? wala namang masama sa pag kurap. hindi ba nay, tay? 

Biyernes, Oktubre 5, 2012 sa ganap na 3:02 AM sinalpak ni tadong daniel 4 Comments


Magpapasko na pala. Magiging masaya muli ang buong bansa. Bukod sa pagbaha ng ngiti at pabati sa isa’t isa, panahon na ng pagbibigayan ng regalo.
Kalakip din ng ispiritu ng kapaskuhan ay ang katahimikan sa ating mga sarili. Dahil gusto nating magdiwang na maligaya, hahanapin natin ang mga nakasamaan natin ng loob upang makipag-ayos. Kakalimutan natin ang pait ng kahapon para tikman ang tamis ng pagbabalik-ugnayan.
Kahit napahirap ng Pilipinas, kaya pa rin nating ipagdiwang ang tradisyonal na kapaskuhan. Ang sana’y isang espesyal na araw lang ay nagawa nating humigit kumulang apat na buwan.
Sa pagsapit ng kalendaryo sa Setyembre, mag-uumpisa nang sumulpot ang mga palamuti sa daanan, tindahan at mga gusali. Dadaan ang ika-25 ng Disyembre ngunit hindi pa magtatapos ang kakaibang simoy ng paligid. Darating pa kasi ang tatlong hari ayon sa matatandang kwento.
Kaya paborito ng mga negosyante ang Paskong Pinas, eh. gustong gusto nila ang napakaraming paniniwala ng mga Pinoy. Naririnig na nila ang kalansing ng pera mula sa pagtangkilik natin sa kanilang mga produkto.
Nakasanayan na kasi natin ang pagbili ng bagong damit. Hindi kasi kumpleto ang pasko kapag nawala sa listahan ng mga bago ang sapatos, damit o pantaloon. Mahirap kayang mapag-iwanan, makita ang ibang mga batang taas noong naglalakad suot ang kani-kanilang mga ‘pamas’ na damit (pamasko). Hindi pa natatapos dahil magtatanungan pa tayo kung anong pangalan ng tindahan ang napagbilhan, magkano at kung orihinal.
Malulungkot naman ang bahay natin kung kahit parol lang hindi pa natin maisabit. Panahon din kasi ngayon ng pataasan ng Christmas tree at pagandahan ng disenyo ng mga palamuti. Sikat sa kapit-bahayan natin kung mayroon tayong halos magsing-abot na kisame at puno. Dagdagan pa ng napakaraming bola sa paligid, bituin sa tuktok at ng mga naglalakihang kahon ng regalo sa ibaba. Hindi ba naman tayo dumugin ng comments sa facebook. Idagdag pa natin sa ‘merry christmas’ na album ang mga pagkain sa noche buena. Mas masikip na lamesa, mas masayang pagsalubong sa ‘kapanganakan ni Hesus.’
Magsusulputan ang mga mababait na tao sa paligid. Dahil ang pasko ay panahon ng pagbibigayan, kaliwa’t kanan din ang sumusubok na katukin ang natutulog na kabusilakang puso ng mga Pinoy. Sino ba naman ang makakatanggi kung langit na ang tinapat sa’yo? Ang pangakong walang hanggang buhay ang iyong sandalan.
Normal ba ako kung sasabihin kong hindi na ako naniniwala sa pasko? Hindi ako sumapi sa Iglesia. Lalong hindi rin ako nagdadahilan lang para makatakas sa mga inaanak ko.
Wala na kasi akong kinikilalang diyos. Hindi na ako naniniwala. Isang araw nagising na lang akong hindi na nagdarasal. Umaasa na lang sa aking potensyal, lakas at talino para magawa ang bagay na gusto ko. kumikilos hindi para pasiyahin ang ‘nasa itaas’ na dati kong laging pakay. Bagkus, gumagalaw ako dahil gusto ko. masarap sa pakiramdam.
Sa paglaho ng kaisipan ng langit, nagbigay ito sa akin ng tunay na kalayaan. Hindi ko na iniisip ang konsekwensya ng mga kinikilos ko. may nagmamasid man o wala. May nagbibilang man ng kabutihan o wala. May tumitimbang man sa bigat ng naitulong ko o wala. May langit man o wala. Mas tunay kasi ang pagtulong, para sa akin, kung gagawin mo ‘yun para sa tinutulungan mo at hindi para matuwa ang kung sinumang sinasamba natin.
Walang relihiyon. Walang kaitaastaasan. Walang batas at utos na sinusunod galing sa hindi mabatid na persona.
Simula nung lumihis ako sa landas na tinatahak ng nakararami, natagpuan ko ang sarili kong mas masaya. Mas malayang nakapagdedesisyon dahil walang lubid na nagpupumilit igapos ang kamalayan kesyo labag sa batas. Masasaktan umano ang tagapagligtas.
Ngayong darating na pasko, sigurado akong magiging iba.
Hindi na ako magpipilit gumising para makapagmisa ng madaling araw o gagawa ng napakaraming seremonyas manatili lang gising sa panggabing simba. Hindi ko kasi nakikita ang sakripisyong tinatawag nila sa pagbuo ng siyam na araw. Kung tutuusin, ginagawa iyon ng mga mananampalataya para matupad ang kanilang hiling. Ang sakripisyo, para sa akin, ay ang paggawa ng bagay na walang hinihingi at hinihintay na kapalit. Bukal sa loob.
Uso sa simbahan namin, noong nagsisimba pa ako ang pagpapaikot muli ng parokya ng kanilang basket para sa pangalawang donasyon. Ito umano ay mapupunta sa mga kapos, hindi ‘nabibiyayaan’ at sa mga ‘nakalimutan nang magdasal.’ Idagdag ko pa sa bubuhos na ambon sa kanilang buhay ang kinolektang iba’t ibang goods mula sa araw araw na ‘assignment’ para sa mga nagsisimba.
Hindi ko tinutuligsa ang ginagawang pagtulong ng simbahan. Lalo pa at nakikita ko na masaya ang mga tao na naglalakad papunta sa donation box. Pero bakit tuwing pasko lang natin naiisip tumulong? Tuwing pasko lang nakakaalala ang simbahan na mayroon palang mahihirap na kailangang lingunin?
Kasi kailangan nating patunayan bago sumapit ang bagong taon na mayroon tayong nagawang maganda, nakatulong tayo sa ating kapwa. Para may ebidensya tayo. Kasabay ng ‘pagsasakripisyo’ natin ng siyam na araw, mayroon tayong dala dalang pampadulas na regalo para mapabilis ang ating pakay.
Maganda sana ang pagbibigayan kung hindi tayo obligado. Tunay na masarap sa pakiramdam ang pagtulong kung hindi tayo umaasa ng kapalit.
Naalala ko tuloy ang isang eksena noong nasa kolehiyo pa ako. Binigyan kami ng kapangyarihan ng propesor namin na bigyan ng puntos ang hawak naming test paper. Nilagyan ko ng perfect 10 ang aking kaklase. Sa pagtanggap ko ng aking test paper, nakita ko na 7 lang ang ibinigay sa akin.
“Ten pa naman ang binigay ko sa tsinekan ko,” sabi ko sa bestfriend ko habang nakatangan sa papel sa harapan.
“Kasalanan mo ‘yan, naging mabait ka eh.”

Sabado, Setyembre 15, 2012 sa ganap na 11:43 PM sinalpak ni tadong daniel 1 Comment


May isang maliit na kwadradong bahay, tila isang barong barong. Butas butas ang dingding. Pagkapasok bubungad ang kainan. Isang maliit na plato sa lapag na tila hindi pa nahuhugasan mahigit isang linggo na. Sa hindi kalayuan ay ang higaan na kapantay lamang ng kainan. Sa ilalim ng tahanan, bumabagsak ang mga duming hindi maaaring pigilin.

Makikita sa loob ang may ari ng bahay. Isang babae, si Winnie. Ulila sa magulang at mga kapatid. Bihira lang lumabas si Winnie. Pinagbabawalan siya ng kaniyang mga amo. Kailangan niyang magtiis sa masikip na lugar dahil namamasukan lamang siya sa hindi rin namang kayamanang pamilya. Lumaki siya sa mga ito. hanggang pagtanda ni Winnie kasa kasama na niya ang pamilya.

Buntis sa hindi kilalang lalaki si Winnie. Kapag lumalabas kasi sa kaniyang lungga ay kung kani kaninong lalaki ito napapadapo. Tila gutom sa pagtingin ng iba. Sanay na siya sa hirap. Alam niya ang reyalidad ng buhay. Ngunit hindi mawaglit sa pag iisip ni Winnie ang posibilidad na maaaring kunin lamang ng kaniyang mga amo ang kaniyang magiging anak. Hindi niya kayang magpalaki ng anak sa ganyang kalagayan sabi nila.

Isang gabi, dalawang buwan na ang nakalipas, nanakit ang tiyan ni Winnie, namimilipit. Kinakalampag na niya ang bahay ngunit hindi ito pansin ng kaniyang mga amo. Kahit anong gawin nito ay hindi man lang siya nilingon ng mga ito. Wala siyang napili kundi masarili na lamang. Mahirap. Mabuti na lang at nairaos ito ni Winnie nang mag isa.

Umaga na nang makita ng kaniyang amo si Winnie kasama ang apat na anak. Alam ni Winnie ang balak ng kaniyang mga amo. Kukunin ito at ipamimigay sa ibang nangangailangan ng alipin. Hindi ito pinayagan ni Winnie. Tinignan niya ng masama ang amo. Nilabas ang pangil. Nagngangalit na ingay ang ginawa ni Winnie.

“Rawr! Rawr! Hmm grrr! Rawr!”  sambit ni Winnie sa kaniyang among nagpupumilit na kunin ang kaniyang mga anak. 

Martes, Agosto 7, 2012 sa ganap na 7:33 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

martes pa lang. nabalitaan ko na sa huwebes pa huhupa ang ulan. biruin mo, wala pang bagyo pero natataranta na ang buong kamaynilaan sa baha. walang tigil ang buhos ng ulan. wala tayong mamura ngayon. hindi kasi natin pwedeng sisihin ang habagat. hindi rin natin pwedeng sisihin ang paparating pa lang na bagyong si hayku. 

habang nanunuod ako ng balita, parang binalik ako sa taong 2009. parang replay ng mga pangyayari. sabado noon, naalala ko maghapon din ang pag-ulan. bumaha. gumuho ang lupa sa iba't ibang parte ng Metro Manila. maraming nanakawan ng buhay. maraming nangailangan ng tulong. kitang kita ang bayan nating naghihingalo. nalugmok tayo. ang bansang hindi pa man nakararamdam ng ginhawa ay lalong ibinaon sa hirap. 

tatlong taon ang nakalipas, ang pangalang Ondoy ay nakaraan na lamang. bumangon tayo kinabukasan. iniwan natin at tinuring na madilim na panaginip. kinalimutan. nababanggit natin nang walang kirot sa puso.
para tayong  sinugatan ngunit nung naghilom na ay kahit ang peklat hindi na natin ininda. mabuti sana kung ang bakas ay nangangati, nagpapapansin upang magpaalala sa sakit noong sariwa pa ang sugat. kaiba sa inaasahan, tangi nating natandaan ay ang naging pinsala at hindi ang dahilan ng nadanas nating delubyo.

sa ganitong lagay, parang hindi nababagay ang pagsisisihan at pagtututuro ng mga taong hindi rin naman aamin na kasalanan nila ang malawakang pagbaha at pagkamatay ng marami nating  kababayan. aakuin mo ba ang bundok bundok ng basurang ibinalik ng Manila Bay palupa? o hahabapin mo ang balat ng candy, sitsirya, plastik at bote ng inumin, yosi na pasimple mong itinapon? tapos sasabihin mong "teka, heto lang ang akin diya. bakit ako ang sinisisi niyo?"

mahirap sa ating mga Pinoy, tila nakasanayan natin ang magreak sa mga problemang bumabalandra sa harapan natin sa panahon ng sakuna. matapos nating mabigyang solusyon, uusad na tayo at pipiliting kalimutan. palagi lang tayong nakatuon sa pagsagot ng 'anong gagawin natin?, anong plano ng gobyerno ngayon?' at napakarami pang tanong na tila nagrereklamo. minsan ba nadaplisan ng 'bakit nangyayari ang pagbabahang nararanasan natin tuwing tag-ulan?, bakit mabilis nang lumambot ang mga lupa sa gilid ng bundok?, bakit wala akong ginagawa ngayon?' ang isip natin?

sa loob ng isang taon, humigit kumulang na dalawampu't walo ang bagyong dadaan sa Pilipinas. ilang Ondoy, Sendong at simpleng habagat lang ang magtatatak at magbibigay sa atin ng aral na magpapabago sa pamumuhay natin? tatanggapin na lang ba natin na ang climate change ang magdidikta ng buhay natin? aasa na lang ba tayo sa paghupa ng tubig dahil bukas parang normal na uli ang buhay? 

panahon na para baguhin antin ang nakagawian. hindi na tinatanggap ng lipunan ang pakunti kunti nating pagkakalat. kung nakapagsasalita lang ang basurahan, sinigawan na tayo nito dahil sa hindi natin pagpapakain sa kanya ng nararapat na kalat. kung nakakatanggi lang ang Manila Bay sa mga binibigay nating tira tira at walang laman na mga balat ng pinagkainan. kung nakakapaghiganti lang ang kalikasan, malamang dati pa ay dumadaing na tayo sa pang-aabuso natin sa kabaitan nila. 

ang nararanasan natin ngayon, hindi yan ganti ng ating kapaligiran. bunga yan ng ating kapabayaan, kadumihan, kawalan ng disiplina at kabastusan natin sa sarili nating tirahan. 

kung tayo ang sumira ng ating paligid, kaya rin nating ibalik ito sa dating anyo. sa isa isa nating pagkilos, maaabot natin ang kahit anong mithiin. pakiusap lang, magtulungan tayo.

Biyernes, Agosto 3, 2012 sa ganap na 10:06 PM sinalpak ni tadong daniel 2 Comments


wag mo silang pakinggan, anak. Ikaw ang mas may kilala sa sarili mo. Nakabibingi ang kanilang mga tinig, nakapanliliit ang kanilang mga tingin, ngunit nasa sa iyo kung papapasukin mo ang kanilang mga himig sa iyong puso.”

Malalim ang mga binitiwang salita ni aling tetang sa kaniyang anak na papaalis ng bahay upang mag apply ng trabaho. Malugod itong tinanggap ni Alfaro, alam na alam niya ang ibig ipahiwatig ng kanyang ina.

ang gara lang ng kaniyang suot noong araw na iyon, bumagay sa kaniyang tikas. 25 anyos  na si Alfaro, kumbaga sa prutas, hinog na at maaari nang isabak sa paglalako. Sa totoo nga lang eh nasobrahan na sa pagpe preserve sa kanya. Matagal tagal din kasi siyang napahinga sa trabaho. 21 anyos siya noong huli niyang pagbabatak sa isang kumpanya sa Ortigas.

“ma, gagalingan ko po sa interview.” dala ang ngiti sa labi, binagtas ni Alfaro ang daan patungo sa Makati. Ngunit hindi mawala sa isip niya ang mga tinuran ng kaniyang ina. Hindi niya maitatanggi na ang mga tao ay puno ng puna sa kanilang kapwa. Mga mata nila ay mas matulis pa sa kanilang dila kung nakakapagsalita lang ang mga ito.

“hayyy..” nasa harap na si Alfaro ng gate ng kaniyang future company. Dala dala niya ang mga credentials at kung ano pa mang kailangan ng kumpanya. Diretso siya sa sinabing kwarto ng kausap niya sa cellphone. tinakpan na lang ni Alfaro ng ngiti ang kaniyang takot at lungkot na gumugulo kanina pa sa kanyang isipan. Kumatok. Pumasok siya sa opisina, pinaupo. Umpisa na ng laban.

good morning ma’am, I’m Alfaro Paustino, from Manila. Graduate of business administration at university of the east. blah blah”

“I can see here that you are unemployed for 4 or 5 years.”

“I think, ma’am my reason is too personal. But since you asked, then I’ll let you know.” 

Gaya ng dati niyang mga gawi, lubhang matapang si Alfaro na sambitin ang katotohanan sa kahit sinong kausap nito. Hindi niya kinahihiya ang kaniyang pinagdaanan. Ganoon pa rin naman ang mangyayari, bandang huli matutuklasan ito ng taong kausap niya ngayon. Para saan pa ang pagtatago. “I was imprisoned for years”
Halatang hindi inaasahan ng interviewer ang paglalantad na sinabi ni Alfaro. Nauutal  utal na siya sa kaniyang mga sumunod na pagtatanong. Gamonggo na rin ang pawis nito, mukhang kinakabahan kaya pilit na tinapos na lang ang pakikipag usap.

“so mr. Alfaro, our company will phone you in a week, just wait. Thank you.” Alam na ni Alfaro ang pawang mga sinabi ng kausap sa kaniya. Tanggap na niya ito bago pa man lumabas ng kulungan. Kinundisyon na niya ang sarili niya na pang construction worker lang ang nababagay sa mga katulad niyang ex convict. Sanay na rin siya sa ganitong diskriminasyon. Kahit sa kulungan, kaiba ang trato sa mahihirap at sa mayayaman. Nilisan niya ang gusali na may positibong pananaw, inisip na lang niya na kawalan siya ng kumpanyang iyon. Madami pang mas magaganda at mas makataong mga kumpanya sa tabi tabi.

1, 2, 3 pudpod na ang swelas ng kaniyang sapatos hindi pa rin niya nahahanap ang matamis na oo ng bawat inaaplayan. Parang paghahanap lang ng girlfriend, dahil sa background niya, walang tumatangap ng kaniyang alok. Si aling tetang na lang ang tanging yumayakap sa kaniya sa bawat pag uwi niyang luhaan. Nanay na lang nya ang nakakaintindi sa kaniya, ang tumatanggap sa kaniya ng buong buo. Maraming tao sa paligid ang nakamasid sa mga kilos ni Alfaro. kahit mga dati niyang mga kaibigan, hindi na niya makasama pang mag inuman o kahit makakwentuhan man lang.

Nakalaya nga siya sa rehas ng kulungan. Hindi naman magawa ni Alfaro’ng makalayas sa pangungutya ng mga tao. isang taon na ang nakalipas matapos pawalang sala si Alfaro. Hindi napatunayan na pinatay niya ang kaniyang kasintahan. limang taong pinagbayaran ang pagkakasalang hindi naman niya ginawa. Mabagal ang hustisya, ngunit hindi niya ito ininda, mahalaga ay ang pag alis sa bangungot na lugar na iyon.

Sa labas ng kulungan ay kulungan din. Mas malupit ang kulungan sa labas, at yan ang hindi inaasahan ni Alfaro. Kailanman hindi na magiging malinis ang tingin ng mga tao sa kaniyang imahe. Tila isa siyang papel na kinulumos kahapon, kahit anong plantsa dito, hindi na maaari pang maging tila bago muli.an man lang.

Nakalaya nga siya sa rehas ng kulungan. Hindi naman magawa ni Alfaro’ng makalayas sa pangungutya ng mga tao. isang taon na ang nakalipas matapos pawalang sala si Alfaro. Hindi napatunayan na pinatay niya ang kaniyang kasintahan. limang taong pinagbayaran ang pagkakasalang hindi naman niya ginawa. Mabagal ang hustisya, ngunit hindi niya ito ininda, mahalaga ay ang pag alis sa bangungot na lugar na iyon.

Sa labas ng kulungan ay kulungan din. Mas malupit ang kulungan sa labas, at yan ang hindi inaasahan ni Alfaro. Kailanman hindi na magiging malinis ang tingin ng mga tao sa kaniyang imahe. Tila isa siyang papel na kinulumos kahapon, kahit anong plantsa dito, hindi na maaari pang maging tila bago muli.

Linggo, Hulyo 15, 2012 sa ganap na 2:16 PM sinalpak ni tadong daniel 6 Comments

hindi naman porke nakaligtas ka sa unang putok, pagpapatuloy mo pa. hindi dahilan ang kasarapan para gawin pa ulit.
hindi masamang magkaanak. ‘yung pagkapanganak nga sa’yo hindi nagalit ang mundo, eh. pero siguraduhin mo lang na paninindigan mo. hindi ko tinutukoy ang pag-ako mo sa magiging anak mo. kundi ‘yung pagiging tagapagtaguyod ng nilabas mong sperm.
mahirap kasi akala mo kapag kaya mo nang patayuin ang titi mo, lalakeng lalake ka na. na kapag natuli ka na, pwede nang magkalat ng lahi. mali. simula nung matanggal ‘yang talukap ng ari mo, hindi lang pakikipaglaro kay mariang mapalad ang nagbukas, pati ang napakalaking resonsibilidad bilang tagahubog ng bagong henerasyon.
hindi pinagyayabang ang circumcision. tuli ka nga, urong naman ang bayag mo. magaling ka nga sa kama, kabisado mo pa nga ang kamasutra, pero kapag naging tatlo na kayo sa higaan hindi mo na malaman ang posisyon mo para makausad sa buhay. 
naaalala mo ba ‘yung tinuro ng guro natin sa GMRC? ‘yung ningas kugon? ‘yung magaling lang sa simula? huwag kang ganoon. matapos mong iputok sa loob, tatakbo ka na? alam mo ‘yung pagkuha ng responsibilidad? angkinin mo ‘yung mabubuo. huwag kang matakot. 
sana hindi lahat ng negative na pag-uugali inuwi mo tapos iniwan mo sa test paper ‘yung mga dapat mong dalhin. GMRC ang pinakamadaling asignatura pero hindi madala sa labas ng eskwela. napakadaling ipasa pero parang ang hirap isabuhay. samantalang ang math, nabilang na lahat ng chiklet sa kisame, hindi pa rin makuha ang sagot. paglabas sa kalsada, simpleng pagsusukli lang ang madadatnan. 
sasabihin ko sa’yo, hindi madali ang pagdagdag ng magiging responsibilidad mo. kailangan mong matutog bilangin ang remainder sa pinaghatihati mong naipon sa isang buwan para mabatid mo kung kasya na ba para maitawid ang susunod na araw. mararamdaman mo ang kakulangan ng perang pinagpaguran mo ng isang buwan. magbabawas ka ng bisyo para maipahiram sa nagkukulang na pondo. napakaraming formulas na uuntog sayo sa hindi napapanahong paglabas ng tamod mo. 
kailangan mong maghanap ng trabaho. hindi na sagutin ng magulang mo ang bunga ng ungol mo. napatayo mo ang dalawang paa mo, kasama pa ang isang sensitibong ari, samahan na ring turuan ang anak mong tumayo. hindi katulad ng tayo mong baluktod. patindigin mo ang bata hindi katulad ng pagpapagalit mo kay manoy na manlalata kapag pagod na.
sabayan mo siyang hanapin ang lakas niya. kumuha ka sa kanya ng aral. huwag mong sabihin sa kanya na na-excite lang ang egg cell ng mama niya at sperm cell mo kaya siya aksidenteng nabuo. iparamdam mo sa kanya na hindi siya mali. iparamdam mo sa kanyang kayang itama ang dating akala mong mali. sabihin mo sa kanyang siya ang pinakamalaking batong naipukol sa’yo. sa sobrang laki ng bukol, natuto kang mabuhay hindi lang para sa sarili mo. 
tsaka please lang, huwag kang tatakbo. kapag nahihirapan ka na, sabihin mo sa kanya para malaman niyang hindi binibiro ang buhay. ini-enjoy pero nag-iingat.
isa pa, wag kang magpakulong sa lipunan. napakaraming posibilidad ang hinahandog ng mundo. hanapin mo. 

Linggo, Hulyo 8, 2012 sa ganap na 2:20 AM sinalpak ni tadong daniel 3 Comments

Nangiti ka na agad? ‘wag ka nang magkaila. Kilala ko ‘yang itsurang yan. Pareparehas kayo. Mapanghusga! Ni hindi mo man lang inalam ang tunay na istorya. Binubuka niyo agad bunganga niyo. Hep! Papaliwanag ka pa? sus, nasaktan mo na ‘ko eh. Ngiti pa lang nakakainsulto na. mas malaki pa bibig mo kaysa utak mo. Oh hindi ba masakit ang mahusgahan? Kwits na tayo.

Naging titser mo ba si ma’am amber sa Aguinaldo elem school? Pakyu siya! Last titser ko siya noong nag aaral pa ‘ko. Hindi ko yun makakalimutan. Noong minsang magkabulutong ako, siyempre absent ako isang linggo. Ang alam ko pumunta doon si mama para magpaalam sa lahat ng kaguruan, sinangguni ang kalagayan ko. Matapos akong gumaling, pagkapasok ko, ang loko lokong titser, bungad agad sa akin,uy welcome niyo bago niyong kaklase.

Hindi ko malaman kung nag iba ba mukha ko noon o sadyang wala lang siyang masabing matino. Simula noon tinamad na ‘kong pumasok, pakiramdam ko out casted ako sa klase. Pati mga kaklase ko inaasar akong damulag. Porke’t ba 5’3’’ ako sa edad na 12 anyos? Tas puro peklat pa tong mukha ko. Hindi ko alam gagawin ko kaya umabsent na lang ako. Noong una tuwing Friday lang. sumunod tuwing Monday na din. Hindi ko na rin kasi makuhang magsipag dahil paulit ulit ang dialog tong si ma’am amber. Uy welcome niyo bago niyong kaklase. ako na lang lagi ang nakikita nila.

Tapos sinabi ko na lang sa mama ko na sa susunod na taon na lang ako mag aaral uli. Sawa na ko sa mukha nila. Kaso ganoon din ang mga nangyari, mas tumangkad pa ko. Edi lalo ako naging tampulan ng tukso. Doon ko napagdesiyunang hindi na talaga mag aral pa. napilit ko rin mama ko  na mag home study na lang. kala ko mas madali dahil solo lang ako sa pag aaral. Pero itong bugok kong guro, kala sobrang talino, ang bilis magturo. Pineperahan lang mama ko.

Hindi na rin ako nakikipagkaibigan kahit kanino. Naging layuin din kasi ako sa mga tao. sa bagay, sinong magtyatyaga sa mukha kong to? Ganyan naman lahat, noong wala pang dungis tong mukha ko lapit sila ng lapit sakin. Mayaman kasi kami saka maganda din ako. Ngayon? Natatawa na lang ako, para silang nandidiri sa tuwing lalapit ako.
Pati mga tambay dito sa kanto namin. Pinupulutan nila ang pagiging out of school youth ko. Sa tuwing dumadaan ako sa harapan nila habang nag iinuman sila, ang lakas makasipol, nakakairita lang. halatang pang asar! Sama na natin yung mga santa santita dito. Mga dala dala ay rosaryo, pero iba ang mga binubulong. Mas inuuna pa ang pagdaldal kaysa sa pagsisipilyo pati ang paghahanda ng almusal. Bigla namang tatahimik kapag dadaan ako. kala nila hindi ko alam na ako ang ninonobina nila. Masyado na raw akong naliligaw ng landas.

Mga banal nga naman, feeling nila sila lang ang tama. Speaking of, binalak ko na ring tumakbo sa kura paroko ng simbahan. Tutal siya na din ang huli kong masasandalan, kaibigan din siya ng mama ko kaya medyo kilala niya ako. pumunta kami ng confession room, hindi uso doon ang tipikal na nakatakip ang muka ng butas butas na kahoy. Magkatabi lang kami ni father, sinasabe ko sa kaniya mga hinanakit ko sa kapaligiran at sa buong mundo. Hagulgol na ang iyak ko noon. mula sa pinakamaliit na kirot hanggang sa nagpapasakit ng puso ko, nasiwalat ko na kay father.

Gumaan na pakiramdam ko. Hinintay lang ako ni father maglabas ng galit. Hinawakan niya kamay ko. Sabi niya magiging maayos din ang lahat. Nangiti ako ng bahagya. Niyakap ko siya bilang pasasalamat. Tama ang nilapitan ko.

Humigpit ang yakap sa akin ni father. Hinalikan niya ang leeg ko! Hinimas niya likuran ko! Hindi ako makawala kay father! Hinalay niya ko! Sa inaakala kong pinakabanal na kapitbahay, siya rin pala ang pinakamapagbalatkayong taong nakilala ko. Ang dami niyang sermon sa simbahan. Natatawa ako kapag ang mga tao sa simbahan eh patuloy pang nagsisimba.

Ako ngayon ay out of school youth at out of the simbahan. Balak ko na ding maging out of the house. Nangingiti ka nanaman. Kala mo imbento ‘to? Ganyan tayo eh, mapanghusga. 

Sabado, Hunyo 30, 2012 sa ganap na 3:23 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Pangalawang magulang ang turing natin sa mga guro natin sa eskwela. Sila ang kasama natin sa mga oras na nawawala tayo sa dapat na landas na tahakin. Ginabayan nila tayo sa tuwing nalilito. Mga guro natin ang naging sulo upang bigyang liwanag ang daang nadiliman ng ating pagkatao. Hawak nila ang ating kamay habang hinahanap natin ang sarili. Minahal natin sila tulad ng pagmamahal natin sa ating mga magulang.

College na ’ko. Halos magtatapos na, ang bilis talaga ng panahon. Kahapon lamang pinapangarap ko ang makapag aral sa PUP, ngayon papaalis na ‘ko. Hindi tulad ng panahon, mas mabilis kumilos teknolohiya. Takbo ito ng takbo, kahit si Lydia de Vega pa ang humabol dito ay paniduradong lalawit ang dila.

Nitong mga nakaraang taon lamang nauso ang N6300, MP3 at MP4, isang iglap lamang narito na ang Blackberry, iphone, ipad. May laptop na ring pwede nang gawing notebook, kung saan may sensor ang iyong pinagsusulatan na direktang nakakonekta sa laptop. Matapos magsulat, makikita sa laptop ang notes na awtomatikong naka MS Word na. hindi na natin kailangan ng papel, puro memory card na lang. nakakahiya na rin gumamit ng diskette, may flash drive na kasi.

Hindi na naglalaro sa labas ng tahanan ang mga bata. Abala sila sa tetris, dota, Farmville, plants vs zombies, angry birds at marami pang iba. Hindi nila naranasan ang mapawisan sa likod na halos maaari nang mapigaan ang damit sa pagkabasa. Patintero, tumbang preso, block 123, ilan lang yan sa mga larong hindi na nakikita ngayon. Daliri na lang ang tanging pinapagalaw sa panahong ito.   

Nakaraan may nakita ako sa telebisyon, bagong imbensyon ng isang mayamang bansa. Isang robot na nakapagsasalita. Naka data base ang mga sinasabi nito sa harap ng maraming tao. nilalahad lamang nito ang pawang mga nakatakdang sabihin sa kaniyang tagapakinig. Akto nito ay tila isang guro. Nangamba ako bigla sa aking nasaksihan. Kapag ito’y nagpatuloy, may mga guro pa kayang madatnan ang mga susunod na henerasyon?

Tinanong ko ang guro ko sa hayskul sa Physics ukol dito. Tutal naman ay kaugnay ang kanyang tinuturo sa teknolohiya, pabor kaya siya sa mga nangyayari?

alam mo maganda sa mga guro? Yung magkaroon ng attachment sa mga taong nakakasalamuha nito. Ikaw, ako, hindi ba’t kapag nagkakasalubong tayo nagngingitian tayo? May pakiramdam tayo sa isa’t isa. Maganda rin naman yang robot teacher, pero limitado lang ang alam nila, nakadepende din sila sa mga tao.”

Nagulat na lang ako sa tinuran ni ma’am Lofamia. Bakit nga pala natin kailangan pagkagastusan ang mga robot teacher kung kaya rin ito o mas higit pa ang kayang maibahagi ng ating mga kasalukuyang guro? Malamang ay milyon ang nakalaan para makagawa ng ganyang imbensyon, ngunit silang mga minamahal nating guro ay nakapagtitiis sa kakarampot na sahod na natatanggap.

Napakabilis lumakad ng panahon, tumatakbo naman ang teknolohiya. hindi maglalaon, magkakaroon na tayo ng mga kasambahay, aso, pusa, girlfriend/boyfriend, anak na robot. Pawang mga walang pakiramdam. Pakiramdam na pinakamahalagang biyaya ng may likha. 

Biyernes, Hunyo 22, 2012 sa ganap na 6:44 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Hindi ko alam paano ‘to sisimula. Kakapanuod ko pa lang kasi ng Gawad Urian, natatakot akong maging katulad ‘to ng mga speech ng nagsipagwagi.
Headphone plug in. radio station 98.7. ulan. 
Noong hayskul ako, hindi ko matanggap sa sarili ko na mahirap lang tayo. Hindi ko gusto ang mang-imbita ng mga kaklase sa bahay dahil masisilip nila ang kundisyon ng buhay natin. Minsan may nagpupumilit na pumunta sa atin, pinagtulakan ko sila. Sobrang dami kong dahilan, sinabi ko pa na kasalukuyang pinapaayos ang bahay para hindi sila matuloy.
Hindi ko gusto ang pangunahing pinagkukunan natin ng pangkaen araw araw, ang pagtitinda ng almusal at pananghalian. Hindi ko gusto kapag sa simula ng klase, magpapakilala isa isa, sasabihin ang trabaho ng magulang. Nahihiya ako.
Marami akong hinihiling sa inyo na hindi akma sa estado ng buhay natin. Christmas party namin, 2nd year high school. Lubos ang pagtanggi ko noon sa mga kaklase ko na mapasaakin ang isa sa mga putaheng panghanda kaya natoka sa akin ang spoon and fork. Kahit ‘yon, sapilitan pa ang pagbibigay niyo ng pera. Madarama ko pang nasabi na, 7th honor po kasi ako kaya may toka sa akin, sabay hagulgol at pagpayag niyo. Ang higpit natin sa pera.
Bawat paskong dumadaan, bawat batang sobrang gagara ng kasuotan, bawat mga pagkaing nakahain sa noche buena at medya noche, inggit na inggit ako dahil laging halos wala tayo.
bakit ba hindi natin makuha ang ganoong buhay? Bakit ba kasi hindi ka makahanap ng trabaho? ‘Yung stable na buwan buwang may natatanggap tayo?
4th year hayskul ko, kasama ko si Ann sa jeep pauwi, magpapasko nanaman. Nagkukuwento siya ng mga nabili na niyang mga damit pamasko. Samantalang ako, iniisip ko pa kung kalian tayo bibili at kung bibili nga ba. Noong nakaraang taon nga wala akong pamasko eh. Hindi na lang ako nagsalita. Lahat ng lakad, mapakamag-anak o kaibigan, hindi ako dumadalo dahil alam kong punung puno ang mga ‘yon ng pasikatan ng mga bagong damit.
Dati pa man, gabi gabi akong humihiling na sana makaalis ka na paibambansa para makahinga na tayo sa araw araw na alalahanin. Ito muna ang ulam ngayon o mamaya dahil wala tayong pera. May natirang paninda kanina, initin na lang natin. Huwag muna ngayon, bukas na lang ‘yan, ubusin muna natin ito.
Hindi ko pinapakialam ang lahat ng bigat ng pamilya natin, ang mahalaga lang sa akin, nabubuhay niyo kami. Kahit saan pa kayo maghagilap ng mauutangan, pambaon ko, pangtustos sa amin, bahala kayo.
Pero iba na ngayon, pa. graduate na ako. Matalino na ako. Nahihiya ako sa tuwing ginugunita ko lahat ng mga pinaggagawa ko noong bata pa ako. Kulang pa nga yang mga nasa itaas. Lahat ‘yon nagturo sa akin ng napakaraming leksyon. Dinala ako kung saan man ako ngayon.
Pa, may trabaho na ako. Hindi muna ako maghahanap ng asawa. Tutulong muna ako sa panggastos hanggang kaya na natin. Para hindi ka na rin magtrabaho sa malayong lugar.
Pa, sorry sa lahat.
Nagpapakabuti akong tao para maging proud kayo sa akin. Gusto kong dalhin apelyido mo sa taas, nirerespeto at hinahangaan. Habang buhay mo po akong anak kahit mamatay at mabuhay may ako sa ibang katauhan.
At kapag nagkaanak na ako, ipararanas ko rin sa kanila ang pagiging tatay mo sa amin.
Happy father’s day po!

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile