Ipinapakita ang mga post na may etiketa na telebisyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na telebisyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Huwebes, Mayo 24, 2012 sa ganap na 3:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Sana ang mga babae,
Hindi nagpapaganda para makaharbat ng lalake sa daan.
Hindi nagsusuot ng magagarang damit upang magmukang mayaman.
At makatagpo ng mga kagaya nilang sa kapal ng bulsa nakatangan.

Ginagamit ang salitang kagandahan para sa sarili,
Hindi winawasiwas ang balakang upang makadagit.
Hindi iniaalay ang katawan sa mga matang nakamasid,
Mga taong hanap lamang ay kiliti,

Sana ang mga babae,
Hindi kagaya ng napapanuod sa patalastas ng Ponds,
Natanggal lang ang dumi sa mukha eh,
Kung makahawi animo’y walang pakiramdam si lalake.

Nagawang magpaganda upang tumaas ang kumpyansa,
Nang makapaglakad nang hindi nahihiya,
Nakaharap, diretso sa gustong  paroonan,
Hindi sa idinikta ng kung sino man.

Sana ang mga babae
,Hindi inaaksaya ang lakas ng boses sa pangungutya,
Bumibigkas ng mula sa pusong mga salita,
Mahaba ang mitsa ng pagladlad ng dila.

Sana ang mga babae,
Hindi sumisigaw ng pagkapantay-pantay.
Hindi iniisip na nagkukulang ang lipunan.
Subalit kumikilos upang ito’y makamtan.

Pst! Babae!
Wag mong isusuko ang bataan!
Kung alam mong ang laban ay walang kasiguraduhan.
Nang hindi ka uuwing luhaan,
Sige ka, sasabak ka sa tunay na bahay-bahayan.

Huwebes, Mayo 17, 2012 sa ganap na 2:58 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Natatawa na talaga ako sa mga pinoy ngayon. Natatawa na tlga ako. Natatawa hindi dahil sa mga ginagawa nilang komedya ngunit dhil sa mga kilos na lubha nang hindi normal kumpara sa mga sinauna.

Masyado na siguro tayong lunod sa mga pinapanuod nating mga palabas na hindi man lang nagpapakita ng riyalidad ng buhay na sana ay tinatama natin at hindi pa kinatutuwaan at ina-idolize. Bagaman mayroong mga palabas ngayon sa telebisyon na tumpak sa realidad, pinapanuod ba?

Hindi ba’t mas pinipili pa nating abangan ang next series ng smallville kaysa sa mangyayari sa Maguindanao massacre? Hindi ba’t iniiyakan pa natin si nanay na nanunuod ng balita para makapanuod ng inaabangan nating palabas sa star movies?

Meron talagang mga pelikula na hindi natin namamalayan na lubha na tayong nailalayo sa dati nating mga nakasanayan. Minsan pa nga ay sa pangarap na natin. Kamusta ang pagtingin natin sa salamin para tignan kung may nagbago na sa hugis ng katawan dahil nga sa uso ito at nakita natin sa idol natin?

Hindi ba’t hindi lang puro idol ang nakikita sa tv? Eh ang pagsulyap natin sa salamin upang tignan kung kagaya tayo ng isa sa mga pinakakinaaayawan nating housemate? Malamang? Hindi, dahil mas gusto nating mag-search sa google ng mga pictures ng taong iyon. Na humihingi pa tayo ng pera pang rent sa shop para mag ‘become a fan’ at makiisa sa mga nagmamalinis na tao sa Pilipinas.

Hindi ba’t pinag-uukulan pa natin ng pansin ang pag-eedit ng pictures ng taong iyon at ipo-post kung saan saan at maghintay kung madami nang nag-like at nag comment na tuwang tuwa dahil ginawa natin yon? Palakpakan pa dahil sa nakita nilang kasiraan. At ang pinakamalupet, andami nating oras na ginugol para mag-search sa friendster o kung san man site ng mga bago at lumang pictures na magpapatunay na tama ang mga hinala natin sa kaniya. Pag nakita natin ang nais, tatawa ng malakas o kundi ay ngiti na parang aso, sabay nito ang pagkopya sa URL o ‘save picture as’ para ma-share sa mga kaisa sa paniniwala. At isang click lng? Makikita na nila ang pinagpaguran natin.

Ang daming nag view, nag like, nag comment. Wow. Accomplishment? Accomplishment dahil may napatunayan tayo sa mga taga hanga na credible ang mga impormasyong pinapahayag? Nakaluwag naman dahil sa nagawa? Napatunayan sa sarli na magaling tayong pumindot sa search button at maghintay ng result?

Na habang tuwang tuwa tayo sa mga resulta at likes at comments, hindi man lamang naisip na ganito tayo magsyesta at mamyesta sa mga‘research works’, may iba ding mga taong hindi man sila ang pinag-uukulan ay nasasaktan. May magulang din ito na hindi akalain na gagawin ng madlang tao na clown o sentro ng inggit man o galit ang kanilang anak, halos gawin ba naman itong thesis na lubhang daming pages ang nagawa, revises upang lalong sumakit ang mga salita, reviews para makita ang mga mali upang lalong maging mali na pumapasa naman sa mga mata ng mga tanga hanga.

Huwag kang tatawa, hindi kami nagpapatawa.

Martes, Mayo 15, 2012 sa ganap na 4:50 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Mas madaling magreklamo kaysa gumalaw. Mas madaling mangopya kaysa mabokya sa examination. Mas madaling ngumiti kaysa sumimangot. Mas masarap maging single kaysa maging in a relationship. (agree?) mas madaling mag commute kaysa maglakad papuntang quiapo.

Sa madaling salita , we prefer the easiest way kaysa sa mga bagay na mabibigat sa loob at sa isipan. Gaya ng mga telenobelas na mas pinapanuod natin kaysa sa mga documentary films o shows. Mas gusto nating kiligin kaysa dagdagan ang ating kaalaman. Mga palabas na nila kim chui kaysa sa mga report nil aces drilon at maria resa. Mga palabas na tatalakay sa kamalayan ng tao at katototahanan sa buhay.

Walang market ang mga ganitong palabas, (the bottom line, saksi, I witness, I survived, patrol ng Pilipino etc.) kaya nagreresulta ito ng pagkawala ng magi sponsor. Walang commercial. Kaya naman hindi na pinpilit pa ng mga istasyon ang palabasin ito sa mas maagang oras. Lagging pang gabi. Pangpuyatan talaga ang mga documentaries na palabas. Kaya kung walang tyagang maghintay ang mga may interes dito eh walang magagawa kundi matulog na lamang. Hintayin sa internet at i-download.

Ang palabas naman na pang romansa o pang mga kiligan ang tema ay mapapanuod sa mas maagang oras. Umaga hapon at gabi kayat halos singit lamang ang mga docus. Dadaan pa ang maraming mga palabas bago natin mapanuod ang mga palabas na gusto natin. Oras ang labanan dito. Pahirapan ang nais upang maihatid sa mga tao ang nais nilang ipabatid. Sa bagay kailangan nga naman natin munang maghirap para makamtan ang nais. Pero wag naman dito sa panunuod sa TV. Dito na nga lang ang pinakamadaling paghahatid ng impormasyon sa mga tao, pahirapan din?

Anong oras niyo pinapatay ang TV niyo?


Bago mag bandila….

Mas inaabangan pa natin ang SNN.

Kasalanan to ng commercialism. Kasalanan to ng mga mukang profit na mga TV networks. Maipaaabot sana ng mga bigating networks an gang tunay na kalagayan n gating bansa kung sinusuportahan sila ng mga sponsors. Mapapanuod sana ng mga Pilipino ang mga magagandang palabas kung hindi lang takot ang mga networks na mawalan ng profit.

Subukan lang ng kahit anong network na magpalabas ng mga bandang hapon, sigurado marami ang sasaludo sa kanilang gagawin. Lalo pa ngayon ang mga pinoy ay hayok na hayok sa pagbabago at kaunlaran. Papatok din yan!

Tiwala lang.


Lunes, Mayo 14, 2012 sa ganap na 4:48 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

isa sa unang unang pinangangalandakan ng mga Pinoy na katangiang natatangi (haha) ay ang pagiging hospitable. smile! kahit hindi kakilala, siguro ngingitian basta makitang namumukaan nila ang isa’t isa. kahit sa mga bahay, pwedeng makiinom o makitulog kung wala na talagang matutuluyan (very movie style). jan nabuo ang budol budol o salisi gang. well, hindi naman yan ang patutunguhan ko. welcome all! enjoy!

youporn, youjizz, xtube, bangbus, etc, alam mo din yan, magkunwari ka pa eh. minsan mo na din yang nabisita o natambayan. kung hindi man, wag mong subukan. hehe. itanggi man natin, ‘pag nakarinig tayo ng sex, halos mahiya tayong pag usapan ito. pero curious. ayaw nating madamay ang sarili natin sa usapang ganito dahil may tinatago din tayong kalibugan. baka kasi layuan tayo ng mga tao at pandirian.

napasali ka na din ba sa mag aliberated clans? bastusan ang labanan doon. yayaan ng SEB kung saan. secret agenda kung kaninong gustong kumabet. lalaki sa lalaki. babae sa babae. at sa magkaibang kasarian. wag ka ding sasabak sa ganyang text clans.

sobra na tayong kaiba kay maria clara at kay ibarra. (kung sila man ang pamantayan ng pagiging isa matinong Pinoy.) mahinhin pero matalino. makisig ngunit may pagtitimpi. bahid na bahid na sa atin ang kilos ng mga dayuhan. dulot marahil ito ng pagpsok ng mga palabas na hindi kailanman naging angkop sa mga kabataan o kahit sa kaugalian ng mga Pinoy. may mga babala pang bawal kapag hindi aprubado at walang gabay ng magulang ngunit ganun din naman. hehe wa masabi eh.


itong hayskul musical, market nito ang mga kabataan. alam nating hindi tayo allowed na makipagrelasyon kapag tayo ay hayskul pa lamang. (ang luma ko no) pero dahil masaya naman ang makipagrelasyon with matching kanta kanta pa sa panliligaw eh, pwede na as long as tayo ay masaya at ang puso ay napapakanta na din. (non sense)



itong juno din, (nang aaway nako nito haha) nagkabuntisan ang dalawang teens. Una’y nagkaproblema sila dahil hindi pa sila handa at hayskul pa lamang sila pero sa huli ay pinandigan din siyaa ng lalake. against all odds ang labanan nila dito kaya ang sweet ng dating para sa atin. ayon, pumatok dito sa Pinas. latest na bilang nila ng mga Pilipino ay higit sa 100 million na ata? ok lang ang magkabuntisan, basta papanagutin ng lalaki, sweet kaya.

itong glee ang pinakamalupit. hayskul theme ang kanilang front. walastik sa istorya. agawan ng boy friends at girlfriends. seducing each other, halikan at agawan ng atensyon, lahat halos upstager. doon sa palabas, pwede ang mga siraan sa faculty, away ng mga teachers at estudyante, landian ng faculty. pag addict ka dito gleek ka, muntik ka nang maging geek. sayang! patok na patok nga eh. pero i heard na mejo flop ang glee the movie nila. natutuwa tayo pag in tayo eh. lalo sa mga palabas sa ibang bansa. ang totyal kasi pakinggan at sa pakiramdam at higit sa lahat kapag napanuiod mo ang fresh from the us episodes (FUSE).


pati nga mga words at expressions nila ginagaya at mas malala ay sinasabuhay pa natin. dati ang salitang HOT eh para sa may mga lagnat lamang. ngayon pati sa tao pagde describe sa katangian at panlabas na anyo ay pwede na rin. “ang hot mo naman!” “thanks” sabay kindat at kagat sa labi. 

YUMMY ka! pagkain lang talga ang tinitikman hindi ba?  anyare? at doon nabuo ang salitang kainan. haha.

ngunit sa isang press conference na ginanap kung saan man, sinampal sa Pilipinas ang isang balitang sex lamang ang hanap ng mga dayuhan sa tuwing bumibisita sila dito sa atin. Hindi ko nakuha ung exact words pero ang pagkaintindi ko dito ay “bayang parausan?” o well masakit naman talaga sa mata kapag ang ingles ay trinanslate sa salitang Filiino. (gagamit nalamang tayo ng salitang hiram minsan no? pero dahil gusto kong mas harsh, tinagalog ko haha)

may pagkatotoo naman ng bahagya ang pahayag ni mang Thomas. sa pananaw kasi natin mas hot at yummy ang mga taga ibang bansa. (hindi ko sinasabing dapat sa kapwa pinoy tayo makipag sex dahil mali din ang gawin iyon sa hindi mo kakilala at asawa) imported ika nga nila. blue eyes, blonde hair, big boobs, and exaggerated na penis at maraming pang mga makikita sa mga porn movies.

gutom tayo sa ganitong idea ng sex partner. halimuyak at lasa ng katawan ng ibang bansa ang lagi nating gustong tikman. bakit nga pala tayo nging addict sa kanila? kay megan fox, kay brad pitt, kay angelina, kay nicole na pinay, kay kung sino man silang pantasya ng mga kung sino lang din. diba dahil un sa kanilang msyadong pag e exhibit ng kanilang mga katawan sa telebisyon at sasabihig ‘hey this is what you like right? you like it like it?’ tayo naman.. ‘yesssss’ 

si mang thomas, kunyari paparusahan ang kanyang mga kababayan kapag may nahuling sex lang ang habol dito sa Pinas. matanong ko lang, nasaan na nga ba si Daniel na nang rape at na convict matagal na ang nakalipas? halos wala na tayong balita sa kanya simula noong nailipat sya sa puder ng mga amerikano. baka nga nakabalik na yon sa kaniyang serbisyong military eh.

nakakahiya ang mga binitiwang pahayag ni mang thomas. nakakahiya naman sa kaniya na ang mga kapwa niya amerikano ang mga parokyano. sila itong mga tagapagpalabas ng libido sa ating katawan, hindi ba? sila itong nagbigay sa atin ng mga idea ng kung anong dapat standard sex partner hindi ba? ngunit anyare nanaman?

bulag na nga tayo. binulag nila tayo. banlag na tayo. diretso ang mukha ngunit iba ang tinitignan. alam na natin na tayo ang ginigisa sa mainit nilang pakulo sa mga palabas. bulok na yan. magbabago pa tayo. take control government. maaari namang ipagbawal ang mga porn sites hindi ba? ang MTRCB, ipag bawal ang mga palabas na lubos na hindi akma sa kulturang pinoy. 

sabi nga ni maria ressa “si Pnoy may magandang adhikain sa bansa, ngunit kulang sa lakas ng loob sa mga desisyong gagawin”

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile