Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bayan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bayan. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Hunyo 1, 2012 sa ganap na 4:43 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Gusto ko pong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Natutuwa ako sa tuwing hinahaplos niyo po ang ulo ko. Yung mga tawanan niyo ni papa, nakikitawa na din po ako noon. minsan po kapag naglilikot ako, sana po ‘wag kayong magalit. Nagpapapansin lang ako sa’yo. Ang busy niyo kasi ni papa. Alam ko pong mahirap ang buhay natin ngayon. Walang matinong trabaho si papa. Hindi pa po kasi kayo naka graduate ng hayskul. Naaalala ko pa po noong dinala niyo ako ni papa sa may eskwela niyo, pinakilala niyo pa ‘ko sa principal. Very proud kayo sakin. Maging sa ibang mga titsers niyo. Tapos nag iiyakan pa kayo ng mga kaklase niyo sa may room. Tears of joy daw tawag doon.

Ma, sobrang saya ko po talaga. Isang linggo ng umaga nga po nagpunta tayo sa quiapo, pinagdasal mo pa ko. Mahal mo talaga ako mama. Kaso hindi tayo buo noon, wala si papa. Nagmamadali ka kasi, ang alam ko paparating na si papa eh.

Mama, hindi ko lang po maintindihan kung bakit ka umiinom ng alak kasama mga kaibigan mong dalaga. Ang lakas mo pa pong mag yosi. Pinpigilan ka na nga ni lola pero ang tigas ng ulo mo. Ewan ko rin sa mga kaibigan mo kung bakit sila pa ang nagbibigay ng pera sayo para magawa ang bisyo mo. Ma, layuan mo sila, hindi sila tunay na kaibigan.

Mama, nasasaktan ako sa tuwing pinapalo mo ko. Lagi mo kong iniipit. Hindi na nga ko minsan gumagalaw para hind mo na ko hampasin pero ginagawa mo pa rin po. Kung sinu sino na din ang umaapak sa akin. Lagi niyo pa po akong pinapa check up sa kabilang bayan. Hinihilot ako ng matandang babae doon. Ayos lang po ba yon?

Ma, malapit na ko bumitaw dito. Mukhang hindi ko na kaya ang mga natatanggap ko. Ma, madilim po dito sa pwesto ko. Ilang buwan na lang lalabas na po ako. Wag ka pong magmadali na palabasin ako.

Ma, gusto kong malaman niyo na mahal ko po kayo ni papa. Saglit na lang po. Maglalaro na tayo tulad ng masayang pamilya.
nakikiusap po ako ma, wag niyo po akong ipalaglag.


Huwebes, Mayo 31, 2012 sa ganap na 2:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Narinig mo na ba ang unibersidad sa pilipinas na sobrang baba ng kanilang matrikula? Dito mo matatagpuan ang mga estudyanteng aktib sa mga isyung kinakaharap ng bansa pati na din ng mga estudyante. Madalas laman ng mendiola ang mga estudyante nito dahil sa pagmamahal nito sa kanilang nakakawawang kababayan. Kuha mo na?

sa loob ng kampus, may makikita kang anim na palapag na gusali. May north, east, west at south na parte ang kabuuan ng establishimento. Pag akyat ng ikalawang palapag, naroroon ang college of economics, finance and politics. Bigating mga kurso. Sa pagpapatuloy mo sa pag iikot sa buong palapag, madadaanan mo rin ang mga masisipag na estudyanteng kumukuha ng nasabing programa.

Maaari mo silang makita sa lobby, ito ang tambayan nila kapag wala pang kwartong pwedeng matambayan. O kaya’y kapag mainit na sa loob ng kwarto dahil sa isa lamang ang gumaganang bentilador. Sa dome, ang paikot na mga upuang dinisenyo upang tulugan. Madilim kasi dito, pero pwede ding kainan kapag ang lahat ng kwarto ay okupado na ng mga nagkaklaseng mga estudyante.

Finally, sa pag iikot mo, makikita mo ang classrooms, ang palipasan ng isa’t kalahating oras o tatlong oras ng mga estudyante kasama ang kanilang napakasipag na dalubhasang guro. Yan ang karaniwang madaratnan mo sa ikalawang palapag.

Ngunit nagkakamali ka sa pag aakala mo na natatapos na diyan ang iyong pagtuklas sa buong palapag. Sa dulong kwarto nito, naroroon ang mga grupo ng mga estudyanteng natatangi. Pinagpala sila dahil pinagsiksikan sa kanilang seksyon ang mga magagaling at matatalinong mga estudyante ng kanilang batch. Maging ang kanilang mga propesor ay humahanga sa pagiging konsitent at masipag nila sa klase.

Bilang pabuya, binigyan sila ng proyekto ng mga guro. Kailangan nilang magsagawa ng outreach program sa isang elementary school kung saan ay mabibigyang pagkakataon sila na makapagturo sa mga ito ng paraan kung paano makapag ipon. Magandang  oportunidad ito sa kanila na mapraktis at maibahagi ang kanilang kaalaman ukol dito. Pamaskong handog na din ito sa mga kabataan.

Eksayted na ang mga magagaling na mga estudyante. Ngunit unti unting nagsulputan ang mga problema. Wala silang pangtustos  sa mga gastusin. Kasama kasi sa proyekto nila ang pamamahagi ng mga alkansya sa mga bata. Mga pagkain din para sa mga bata, mga guro nila, sa kanilang mga sarili.

Nabanggit na ba na madiskarte rin sila? Nagpasya silang mag solicit sa mga taong mapepera, kakilala, o sa kahit sinumang makasalubong nilang nakasuot ng gold o 925 silver. Basta mukang mapagbigay. Lakasan din ng loob ang kailangan dito, pakapalan ng muka magkaroon lamang ng pandagdag pondo bukod sa kanilang mga pera sa bulsa. Kailangan nilang makaipon ng 300 o humigit pa sa kotang halaga sa kahit anong paraan basta bukal sa puso at walang nakatutok na kutsilyo.

Ilang araw ang dumaan at nariyan na ang oras ng pagre remit ng mga na akumuleyt. Magkakaalaman na din kung sino ang mga astig na nakapanghingi ng higit pa sa inaasahan. Natuwa ang lahat dahil halos ang bawat isa ay nakaipon ng pera. May mga tunay saktong 300 lamang ang binigay at iba ay sumobra pa. astig! Ibig sabihin lamang nito ay positibong maisasakatuparan nila ang kanilang adhikain.

Ngunit nanaman, may isang estudyanteng hindi nakapagtimpi na nagtaas ng kamay at nagbulalas ng kaniyang nararamdaman.

Teka, ang binigay  ko ay 620 tapos siya 300 lang? unfair naman yon! San mapupunta yung 320 ko?

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile