isang dangkal na lang ang araw bago palitan ng buwan. sa kabilang dako naman ang buwan ay hindi ko alam kung susulpot kaagad o maghihintay ng mga kasamahang bituin upang maghatid ng pagtatanghal sa kadiliman ng langit.
wala akong ideya kung mayroong moon watching, paglubog man o pag angat. kumpara sa aktibidad ng haring araw na ang pagsikat ay hindi tinutulugan at ang pamamahinga ay sinasabayan.
ngayong araw, isang tulog bago ang aming pagtatapos, hindi ako pinagbigyan makipagtalik kay araw. binigo niya kaming mga nasa tapat ng Manila Bay na makasama siya hanggang sa huling silip ng liwanag. tanging kahel lang ang naaaninagan.
hinanap ko ang buwan. gusto ko sanang makita ang entrada ng palabas niya. kumbaga sa araw, sumisilip muna sa likod ng bundok, papaangat, hanggang sa maabot ng liwanag nito ang buong kapaligiran. sa buwan naman, mapapansin lamang natin ito kapag napakaganda ng porma nito sa langit. kapag kakaiba ang liwanag na dulot nito sa gabing ‘yon. kapag may nagsabi sa atin na sulyapin ang hangin. kapag malungkot tayo at naghahanap ng makakasama.
wala akong makitang buwan. wala akong makitang araw. hindi ko na rin masukat ang araw dahil tuluyan na itong nagtago. mga ulap na lang ang nagsasabing nasa tapat pa siya ng kaunting bahagi ng Pilipinas.
at hindi maglalaon, kapag nagmatigas ang China, hindi na rin natin malalaman kung hanggang saan ba talaga ang tunay na sa atin. patuloy ba tayong sasandal na lamang sa higanteng USA? o magkakaroon tayo bigla ng bayag? matikas kayang maninindigan ang mga Pilipino kahit buwan na lang ang tanglaw ng pag asa?
sa oras na tumiklop ang mga kano sa mga intsik, tiyak na manlalaki ang mga mata nila sa nakabulatlat na oportunidad. hindi magandang mangyari muli ang napakakulay na kasaysayan ng ating bansa. hindi na rin kasi katulad dati ang pananakop ng mga malalakas na bansa. napakarami nang mga makabagong armas, at aminin natin na kulang tayo nito.
sana hindi tayo matulad sa araw at buwan. salitang magsasakupan ng lupain. lulubog at lilitaw depende sa itinakda ng panahon at ng oras. maging malakas nawa tayong hilain ang araw kung kailangan ng matinding init ng nasyonalismo. hindi napag aaralan iyon. wala sa edad. nasa puso ‘yan at pag unawa sa bayang kinagisnan.
tag tag
agaw agimat
,
araw
,
araw at buwan
,
buwan
,
kwento
,
maikling kwento
,
nasyonalismo
,
pilipinas
,
pilipino
,
pinoy
,
sabi nila
,
sulat
ang dami nang nasabi.
ang dami nang pinakalat.
chismis lang ba o totoo?
sino nga ba ang dapat paniwalaan?
alam ba ng manghuhula mo na mababasa mo to?
papaniwalaan mo kaya na maganda ka? o pogi ka? kung ang nagsasalita ay bulag? (hindi to kasama sa topic)
sino nga ba ang nagsasabing magugunaw ka na? sino nga ba ang nangungulit ng isip na matatapos na ang lahat? sino nga ba ang may matalinong isip na nag imbento na kumain ng isip ng mga taong mahina naman ang kapit sa Itaas?
sa history laging kumukurot sa isip ko ang mga detalye na halos hindi din naman maipaliwanag kung kailan ang totoong pangyayari. bagamat may mga pahayag tungkol sa pangyayaring tinutukoy, para sa batang tulad ko ay hindi pwede lamang ang salitang after death and after birth.
kailan ang tunay? kailan ang exactong pangayyari? hindi ba’t sa story telling ay kailangan ang kwento ay my edad? at araw? at kung ano mang dapat na magpatunay na tama ang mga kwento mo.
kung hindi mo maikwento. pwes BARBERO KA. paano mo mapapaniwalaan ang isang bagay kung hindi naman maikwento ang wh questions? e paano kung may 2012? DECEMBER 12 2012 TO BE EXACT. oha, para talagang matakot tayo ay may date na ng kung anuman. ang cute.
siguro may nagbulong sa kanya ng date na yon tapos TH siya? siguro nga bagabag na bagabag siya sa kanyang sarili at dinamay niya pa ang buong mundo.
sa movies, hindi naman tayo gustong takutin ng mga nito. pinapakita satin na kailangan tayong maging handa sa trahedyang tayo rin ang gumawa.
sabi nga ni kuya kim atienza, panahon ngayon ng pagbabayad sa mga nagawa natin, wala na tayong magagawa para mapigilan ‘to. ang tanging pinakamagandang gawin ay magbawas ng kasalanan:
sa kalikasan
sa sarili
sa kapwa
sa pinaniniwalaan nating Diyos.
SMILES!
dahil nauso ang unlimited text sa kahit saang network, madalas na nating maramdaman ang pangangati ng ating mga daliri kapag hindi nakakapagtext. “kamusta ? hi! kumaen ka na?” puro gnayan lang pero kapag wala na tyong maitext at sawa na sa walang hanggang kamustahan at update-an, tatakbo agad tayo sa saved items o archives. ang baul ng pinagkatago tagong quotes.
message sent. Happy? nabusog na natin ang daliri natin sa pagkalugmok sa kabagutan. minsan hindi pa tayo kuntento sa isang pasahan, syempre may pang umaga, tanghali, gabi minsan panghimagas. sayang unli eh.
baligtarin natin. sila naman ang magpapasa ng kowts sayo. paikot ikot lang ang kowts no? dadaan sayo, ipapasa mo. hala. ang cute lang kasi kahit saang network pa tayo naka subscribe eh pare parehas lang ng kowts sa sirkulasyon, un nga lang iba iba ang sender.
kanina nakatanggap ka ng text. basa. bura. mamaya o kinabukasan may nagtext (tono ni vice ganda haha) ibang tao pero parehas ng content. basa. bura. nakakairita lang dahil sa oras na yon ay may hinihintay kang message. ayiiieee.
pero dahil sa bonggang teknolohiya at high tech ang phone mo, kilala mo na ang sender bago mo pa man mabuksan ang message kapag naka yes button ang show notification mo. maligaya. exciting. excited. hindi ka na manghuhula kung sino ang nagtext o magwi wish ng pangalang gusto mong magtext sayo. sana sana….
bumubulatlat na agad ang pangalan sayo. ano kaya tinext niya? my ngiti sa labi lalo’t ang pangalang lumitaw eh ang taong nagpapatakbo sayo sa tindahan para magload ulit at mag unli. yes! naaalala ka nya.
after how many years, nag text din. ang laman ng text?
“past is past, don’t walk together with it…..”
sows. lumang babasahin. ilang beses nang dumaan sa inbox ko yan eh. pero bakit iba sa pakiramdam? ang sakit! diba nabasa ko na to? anyare? napagtanto ko na din na iba pala ang tama ng kowts kapag ka galing sa isang tao no? iba ang pakakahulugan ng bawat salita sa isang text depende sa taong nagpasa nito.
ang chaket!
Habang pinagmamasdan ko ang mga litrato sa itaas, hindi mapigilang gumuhit sa aking labi ang ngiting dulot ng aming karanasan sa pag akyat sa bundok. Nanunumbalik sa aking alaala ang lahat ng masasayang pangyayari sa loob lamang ng walong oras na pakikipagbuno sa likas na kagandahan ng mundo.
Sinubukan kong kuhanan ng video ang aking paglalakad paakyat, kasama ng aking mga kaibigan at ang buong kapaligiran, ngunit hindi naging sapat itong gamit kong cellphone upang maging ebidensya ng pagiging masining ng may gawa nito. Sa halip, babaunin ng aking tainga ang musikang dulot ng mga humuhuning ibon, ang ingay ng mga naglalarong hangin, maging ang pagtatalik ng tubig at mga bato sa talon.
Hindi ko man maidetalye ang mga nasasaisip bawat hakbang paakyat, pababa at minsang padulas. Hindi ko man maisalita ang mga alay na romansang pakiramdam ng bundok romelo. Wala man sa hitsura ang kasabikan sa pagkukwento. Kulang na kulang man ang mga larawan upang tumbasan ang galak sa aking puso. Heto ako, nagpupumilit magpahayag ng aking karanasan.
Saksi ang bughaw na langit sa bawat likidong inilabas ng aming uhaw na katawan. Dinadala ng ihip ng hangin papalayo ang mga hinagpis sa aming buhay. Pansamantalang idinuyan ng kanlungan ang aming mga katawang lupa. Tanging iniwanan na lang sa aming sarili ay ang pakiramdam muli ng pagkabata.
Bago sa paningin ang lahat ng dinaraanan. Hindi nakasasawa at kahit buong magdamag akong makipagtitigan ay marahil walang magbabago sa aking nararamdaman. Nakamamangha ang natural na kagandahan ng paligid.
Huwag lang sana itong makita ng mga mamumuhunan o negosyante para pagkakitaan. Sana sa pagdaan ng panahon, taon at henerasyon, mapanatili ng mga tao, bakasyonista at naninirahan doon ang pagiging malayo nito sa komersyalismo. Sana and pag unlad ng komunidad ay hindi magbunsod ng pagkasira ng ating yaman.
Sana sa susunod na pagdalaw ko sa magagandang tanawin ng ating bansa, kasama na kitang maghahabi ng mga alaalang ating pagsasaluhan magpakailanman.
see more photos here.
ito ay pawang napapansin ko lamang sa mga tao ngayon. naaalala noong mga panahon pa noong history pa lang ang pinag-aaralan.
sabi sa taoism, natural lamang sa mga tao ang maging mabait. hindi ‘yon bago sa atin. correct me if im wrong, ok? pero yun ang naalala ko. kaya mga TAO huwag po tayong magtaka at mamangha kung ang isang tao o isang kaibigan natin ay mabait. o hindi kaya’y naging mabait sa isang pagkakataon.
siguro sa isang banda ay nasasabuhay na niya ang pagiging isang tunay na tao. ang katangian na sana ay nasa sa ating mga tao lamang, ang maging mabait. minsan na ba tayong nataguring wild people? oo nga’t nauuso ang taguring iyon ngunit diba nangyayari ito kung nasa party animals tayong lugar? hahaha
meron pa, minsan pa ba tayong nagsabing SORRY TAO LAMANG. sabi ng philosophy professor namin na sobrang hina magsalita, ang pagiging tao ay hindi dahilan ng iyong kamalian. sa halip ang pagiging tao ang gawing mong dahilan upang hindi ka magkamali.
kung nagbabasa ka ng mga naunang blogs ko, nabanggit doon ang salitang HUMAN POTENTIAL. kung hindi naman, siguro google mo na lamang. kaya naman sa susunod wag nating sisihin ang pagiging tao natin, ang pagiging mapaisip natin, ang pagiging CUTE NATIN haha, ang pagiging mapasalita natin dahil ang mga nabanggit ay pawang mga biyaya na dapat ipagpasalamat at hindi ipag sorry.
ok lang yun mga pare, mag sorry na lamang tayo next time sa hindi natin paggamit ng tama ng pawang mga biyaya. ang corny ko no? hayaan mo dito lang ako corny haha. joke.
kapag hindi sa atin ang isang bagay, maging responsable tayo sa paggamit nito.
‘pag dinala natin ito sa ibang lugar ay siguraduhin naman natin na babalik ito nang buong buo at hindi iiwan sa mga dahilang walang katuturan.
hindi iyo tapos iiwan mo sa ibang bahay?
hindi iyo tapos dadalhin mo kung saan saan?
‘pag kinuha sa’yo sasabihin mong wala sa’yo at nandoon sa ibang tao? POOR EXCUSE!!
‘pag alam mong mali ka, ‘wag kang umepal at sumagot sagot para patunayan mo lang na ikaw ay hindi paaaapi.
‘pag hindi mo alam na mali ka at kung makasagot ka na feeling mo karapat dapat ang mga sagot mo, siguro hindi mo alam ang term na analysis of the situation?
mag-isip isip. hindi puro puso ang pairalin. wag gawing tanga ang sarili.
‘pag hindi matanggap ang pagkakamali, normal lang yan sa isang BATANG hindi pa alam ang tunay na salitang PAGKAPANALO AT PAGPAPAKUMBABA.
‘pag hindi na maganda ang sitwasyon, maaring wag na lang sumagot dahil baka magdulot pa ito ng isang napakagulong sitwasyon. na alam nating hindi makatutulong sa pagkakaayos at pagkakaintindihan o pagkakaintindi sa sitwasyon.
there is always a thin line between HAVING SOMETHING TO SAY and HAVE TO SAY SOMETHING.
touch moved. isang palatandaan ng pagiging tunay na tao ay ang kakanyahang makapag-isip muna bago gumawa ng aksyon HINDI ang paggawa ng aksyon at saka tayo mag-iisip.
karl marx’s HUMAN POTENTIAL. pinapaliwanag dito na ang tao, kaiba sa hayop, ay pinagkalooban bukod sa kapangyarihang makapagsalita ay may kakanyahang makapag-isip, makapagplano, makapag-analisa, makapag-konklud bago gawin ang isang aksyon.
ang sa akin lamang ay wag tayong maging padalos dalos sa ginagawa nating kilos.
ang sa akin lang ay pag nakagawa tayo ng mali mula sa kilos kahapon, wag na nating ulitin pa. walang enjoyment na nararamdaman, meron ba?
ang sa akin lang, ang word na sorry ay dalawang syllables lamang, kahit hindi mtanggap ay ATLEAST you tried.
ang sakin lang wala na po.
sanay na sanay na kami sa mga ganyang eksena. dito ba naman sa lugar namin eh halos matatawag na second tondo ang mga happenings at mga tao.
itong ngang kapitbahay namin eh nag-aaway sa kung sinong titira sa bahay nila. namatay na kasi ang totoong may ari nito. ang eksena pa ay ang nagpupumilit tumira dito na ngayon ay tuluyan nang nakuha ang bahay, ay mga malayong kamag-anak na. at ang mga pinagtabuyan na parang mga asong wala nang pakinabang ang mga originals na anak.
araw araw silang nagtatalo ng karapatan, kumakain ng mga prinitong mura, nagbibigayan ng mga souvenir latay. gayon pa man. talo pa rin itong mga originals na mga anak.
nakakalungkot. dahil itong mga dayo sa bahay na iyon ang mistulang tama sa paningin ng maraming taong mga tenga lang tanging gamit sa buhay. ang bibig ang labasan ng naitatatagong kwento at ang malupit tuwing linggo ay nasa simbahan sila.
sa topic natin, silang nga ay naging palaboy na lamang na tanging nilalaman ng tiyan ay mga limos mula sa kanilang mga katropa.
pumayat na si kuya al na may sakit na hindi ko siguro kung tuberculosis.
na stroke pa itong si tikyo at pilit na naglalakbay upang makapahingi ng pagkain at pangyosi at pang inom. ang saklap niya na dahil iniwan na din siya ng kaniyang 4 na anak kasama ng asawa niya.
tapos na nag away nla. sumisigaw pa rin itong si al dahil sa sugat na natamo niya mula sa palo ni aling layda na hindi kasama sa originals.
bukas maghihinagpis muli silang mga originals sa bahay nilang pinagmulatan. bukas pag gising nila ay mamumulat kaya sila na nakahiga na nakasanayan nilang buhay?
ano nga kaya ang HOME sa kanila?
Nakakatuwa. Sa huling pagkakataon ng pagiging estudyante ko ay makatatanggap ako ng pera mula sa kongresista namin. Naaalala ko pa noong isang linggo, nagpapa photocopy pa lang ako ng registration card ko, ngayon nakapila na ako para kumuha ng pera. Scholarship program nga pala ang tawag dito, baka sabihin niyo nagpapabayad ako para sa boto ko sa next year election ah.
Akala ko simpleng kuhaan lang ng pera ang magaganap. Pagdating ko pa lang sa venue nagulat ako sa napakaraming nakakahel. May malaking amplifier pa at may nagsasalita ng kung anu ano. Sinuri ko ng maigi at pilit na inintindi ang aking pinasok. Napagtanto ko ng mga limang minuto, tama, scholarship program nga pala ito, PROGRAM. Natural nga pala sa mga programa ang mga ganitong pangyayari.
Mapapansin din sa lugar ang napakaraming bata, malamang sila ang mga bibigyan ng pera ng aming minamahal na kongresista, kasama ako. hayup! Sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao para makaharbat ng panlaman ng tiyan, ay mali!, para pala makatanggap ng tulong pang edukasyon ay may tumayong lalake sa harapan. Nagpakilala siyang political adviser ng tagapagbigay ng pera.
Adviser, isang taong maalam sa sitwasyon kaya nagkaroon ng kakayahan na magbigay ng karampatang solusyon o sagot sa pangyayari. (weh?)
Political, marinig ko pa lang ang salitang iyan iba na ang tumatakbo sa utak ko. Pakiramdam ko napakamautak ng taong ito upang tumagal sa ganoong posisyon. Napakarumi kasi ng trabahon ‘yon. Tila isa itong laro na kapag nagmalinis ka sa laban ay tiyak ang ‘yong pagkatalo. (sana mabago ang pananaw ko sa mga susunod na oras, araw, buwan o taon.)
Pakiramdam ko ang mga taong nais pumasok sa politika ay hindi lubusang kagustuhan ang tumulong sa kapwa. Kung idadahilan nila ang pagnanais na mapaunlad ang pamumuhay ng kanilang kababayan, hindi sago tang pagtakbo nila sa posisyon. Napaka narcissist naman nila. Ano ‘yon, sila ang sagot sa kahirapan? Ang mag aangat sa buhay natin?
Samantalang pwede namang makatulong sa bayan kahit wala sa posisyon. Naglipana ang mga Non Government Organizations, mga maliliit na grupong kahit walang suporta ay tuloy pa rin ang pag-ambag sa kabutihan ng mamamayan. Kahit walang sahod, ang totoo hindi ko alam ang sahod doon sa NGOs, ngunit ang fulfillment naman na maaaring ibigay nito sa atin ay walang kapantay na salapi. Ang maging parte ng ngiti ng mga taong hindi natin kilala, malaman lang natin na ang nagawa natin ang dahilan ng pagkakaroon nila ng tubig, makakaen, damit o anupang mga tulong ay sobra na sa pampataba ng puso.
Naisip ko tuloy kung tunay nga ba itong pagtulong sa mga estudyante o isang uri lamang ng pamumulitika. Isa kaya ito sa mga ipinayo ng nagsalita kanina? Taktika dahil napakalapit na ng eleksyon? Nabalitaan ko pa lang 1,500 na lang ang makukuha ko rito sa halip na 2,500. Bagama’t maliit kumpara sa grant ng ibang mga lugar, sa tingin ko ay sapat na ito bilang wala na rin namang pasok. Pagdarasal ko na lang na nasa ang ibang mga budget n gaming bayan ay mapunta sa nararapat na kalagyan.
issue no. 1
bakla! narinig mo na ang balita? si ma’am calanzing may pinatawag na bubae sa office kasi raw may bubwit na nagtimbre sa nangyari doon sa Philippine Stock Exchange tour!
knowing mo ba yung eksena? kaloka kasi yung intern na nagre report samin ng mga kaeklatan ng PSE eh. biruin mong magalit matapos tanungin nung bubae kung ano meaning ng NASDAQ? hala naghuramentado ever ang feeling mataas na nilalang.
eto na ang revelation na hindi ko kineri! dapat PUP vs. UST ang sabunutan eh, kaso may isang PUPian na nag stand out and proud at kumembot. si character sa banal na kasulatan pero malaking tao ang tinutukoy ko ate!
wititit! hindi siya kampi sa kapwa niya PUPian! tarush! ginamit pa niya ang pagiging behave para daw madala ang sintang paaralan! magsama sila ng churvang taga UST na yon! haler? kahit dinudusta ka na ng ibang lahi tahimik pa rin?
hindi pa natapos ang pag eksena ni kuyang mataba ang utak! siya ang nag chismax kay ma’am calanzing na may warlalung naganap! hindi pa man napapagod sa pagpapasikat si haring araw, nag ring a ling na ang cellphone ni bubae! pinapatawag daw siya ng mga kinauukulan! hala!
kaloka lang itong si calanzing kasi hindi niya daw gustong marinig ang paliwanag ni bubae! wiz lang! misa ang peg niya teh! siya daw ang mesiah at ang tama sa lahat ng may tama! say pa niya na hindi na daw tatanggap ng iba pang side ng story ang malawak niyang utak kasi alam na niya ang buong kwento?!
kanino naman galing ang mga gawa gawang kaepalan na yan? edi sa chu chu niyang section na walang ginawa kundi magmagaling at magmalinis! gustong gustong grumadweyt kaya ang straw humahaba! tambay lang sa dome! keri lang. takot sila kay calanzing. nginig tuhod takbo sa ilalim ng palda agad ang mga ateng kapag sumigaw na si madam. ang saya! nakakaimbyerna!
nag sorry pa raw si bubae kay calanzing ayon sa source ko. pero sabi ng madam, huwag kang mag sorry dahil alam kong hindi mo gusto ang mag sorry. bonggels! muntik nang magkrayola si bubae buti na lang strong siya.
ay teh! kung sa PUP ka nag aaral at sa colehiyo ng mga echuserang focus ay pera ka napatapat, naku ingat ingat! hindi mo makekeri ang mga pangyayari at mangyayari.
mawiwindang ka na lang ang kalaban mo ay yung mga kafederasyon mo! tao vs. tao ang drama, PUPian vs. PUPian! talo talo yan huwag lang maapakan ang napakataas nilang mga ego! kailangan sila lang ang tama at tayo ang mali. wiz kang magagawa, hawak ka sa leeg! hindi ka gagraduate kung babanggain mo siya.
wala akong ideya sa kung anumang proyektong pabahay ang nais mong gawin sa pilipinas. hindi ko rin alam kung sino ang nagbubuyo sayo sa lahat ng mga desisyon mo ngayong pangulo ka na ng Pilipinas. tangina niyo po at sumalangit nawa siya.
malamang hindi niyo ko kilala dahil malamang wala kang pakialam dahil malamang pagsapit ng alas singko ng hapon ay tapos na rin ang pagiging presidente mo. puso o masa? wag ka nang sumagot, alam kong mas mahalaga sayo ang patunayang may asim ka pa.
magpapakilala na ko. ako si daniel, tunay na pangalan. nakatira sa sta.ana tenement building, tunay ko ring tahanan. tenement? tenement? hindi ba kumakagat sa tainga mo kapag naririnig mo ang tenement? alam mo ba ang nangyayari doon sa lugar namin? doon sa mga tinuturing mong boss?
pinapaalis na pala kami ng national housing authority sa tenement. ewan ba. condemned na daw ang building. kesyo mahigit 40 taon na tong nakatayo. kesyo marami nang bitak. kesyo nalaman nila na pwede itong gawing pagkakitaan. papaalisin nila ang mga tao rito upang ikumpuni ang mga bitak, at papatirahan sa ibang mga tao na may malaking renta.
matagal nang isyu to eh. pero ngayon mukhang pursigido na ang NHA sa pagpapaalis sa mga kapitbahayan ko. biruin mo, paaalisin kami sa isang maayos na bahay at palilipatin sa isang malaprobinsyang dulo ng bulacan? kaming mga nakatira sa tenement ay mga tax payers, nagbabayad ng ilaw at tubig. tatay ko OFW at kuya ko manggagawa na rin.
nabubuhay kaming marangal. hindi kami parang mga salot lamang na pagtatabuyan sa isang maayos na lugar. responsibilidad ng estado na bigyan ang kaniyang mamamayan ng maayos na lipunang titirhan at gagalawin. pero mukhang baligtad ata ang nangyayari?
maraming mga nakatira sa kalsada, kariton, ilalim ng tulay, illegal settlers. bakit hindi sila ang pagbigyan niyo ng sariling bahay? kasi hindi nila kayang bayaran ang renta sa lugar na yon? hahayaan na lang silang naroroon? bakit hindi sila bigyan ng aral tungkol sa pagiging entrepreneur para makapagsarili silang mamuhay?
bakit kaming mga nananahimik at marangal na nabubuhay dito ang hinihila niyo patungo sa ewan na daan na sinasabi mo. tanung niyo sir kay Binay kung anung balak niyang gawin sa buong kamaynilaan. may hidwaan pa rin kayo? tsk. hindi na nakalimot mga aquino ah. balita kasi na gusto niya umanong mapuno ng condominium ang paligid tulad ng Makati. wala ng mga bahay bahay sa tabi tabi. building lahat. ganito kami sa Makati at buong Maynila.
balik tayo. kung saan saan tayo tumitingin at bumabaling. kung anu anong problema ang ginagawa natin upang magkaroon ng solusyon. hindi muna linisin ang mga tunay na problema ng bansa. nangangalingasaw pa rin ang karumihan ng korapsyon, mga TRAPO, mga epal na pulitiko.
sa abril na pala kami lilipat. hindi ako magmamakaawa sayo. kikilos ang mga namumuno namin. maliit lang ang sweldo nila halos wala pa pero ramdam namin ang paggalaw. hindi kami pwedeng umasa sa tuwid na daan mong iba ang tinatahak.
wala kang bayag. tulad ka nila na ang tanging ginawa ay magpasikat at magpaganda ng pangalan. nais lamang iangat ang pamilya aquino at cojuanco. tangina mo po at sumalangit nawa siya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)










