Biyernes, Hunyo 1, 2012 sa ganap na 4:42 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Muli kang kumatok sa aming tahanan. Alas otso ng gabi, kasulukuyan akong naglalakbay sa kabilang mundo ng mga oras na iyon. Ginising ako ng mama, naroroon ka umano sa labas, nais mo akong makausap.

May dalaw ako? sigaw ng isip kong namimighati dahil napurnada ang tulog. Sige na nga, minsan lang naman. Tumayo ako hindi na nagawang mag sipilyo, kasalanan mu yan. Tinanong kita sa pamamagitan ng mata.May problema ako. sagot mo sa akin. Tinungo muna natin ang lugar kung saan tayo dati rati magkasama, noong nasa elementarya pa lamang tayo. Doon tahimik, walang tao, malayang nakakapagkwentuhan, halakhakan. Ngunit ngayon, babalik tayo sa ating tagpuan, malaki na ang pinagbago hindi lamang pisikal na anyo, maging utak na rin. Muli tayong mag uusap, hindi sa ating kasiyahan, may problem ka.

bakit ganyan kaibigan mo? Nakipag break sa akin, hindi ko naman alam kung bakit. Sabi lang niya nagsasawa na siya, nasasakal. Ang labo niya! Hindi yun totoo eh!” namumuo na ang luha mo. “mahal ko lang siya kaya ko nagagawa ang mga inaakala niya ang mali.” hindi ako sumagot dahil hindi mo pa naman ako tinatanong muli. Baka kailangan mo lang ng tainga, hindi ang aking bibig. “anong dapat kong gawin.” Oras na para bumanat.

wala.” Napatingin ka sa akin. Nagulat ako. first time kong nakita kang umiyak. “kilala ko ang girl friend mo, bunso siya. halos lahat sa mga kapatid niya may kaniya kaniya nang pamilya. Hiwalay ang magulang niya. Bunso pa siya. at sila ay nasa iisang bahay lamang. So siya, pressured sa magulang niya. Hinihigpitan siya nito, ayaw nilang matulad si ann sa mga kuya at ate niya. Ikaw, dumating ka bilang boy friend niya hindi pangalawang magulang. Baka parang tatay ka na sa kaniya? Iparamdam mo sa kaniya ang kaligayahan na hinahanap niya sa labas ng kanilang bahay. Tas ikaw anong ginawa mo?” tahimik ka pa rin. Seryoso, una kitang nakitang ganyan. In love ka nga.

“ Alam mo ba ang isang ideal na relationship? Parang lumulutang sa ulap, walang pakialam kung mahulog man. payo ko sayo, hanggang ang kalingkingan mo ay nakakapit pa sa dulo ng ulap, wag kang susuko. Ayusin mo ang mali. Wag mong sabihing wala kang mali? Respetuhn mo rin desisyon niya. Wag mo rin siyang pilitin, kung magkaganoon man, para mo na ring inilapat muli ang kamay mo sa kaniyang leeg. Gusto mo pa bang magpatuloy ako?” tumango ka na parang bata. Nangungusap.

“pinakahuli, ang pag ibig na madaling makuha, madali ring mawawala”

Nagpasalamat ka sa akin. Tinapos ko na ang aking talumpati na iyong hiniling. Hindi ko na gusto pa itong pahabain dahil inaantok na ako. nais ko nang balikan ang naudlot na pagtatalik namin ni kumareng unan. Halos tatlong oras din pala tayong nagsalitaan. Salamat. Napili mo ‘kong iyakan kahit napakatagal na tayong hindi nagkita. napakarami na nating nakilalang tao, naging kaibigan, salamat muli. Hindi mo pa rin pala tinatalikuran ang ating pagkakaibigan. Gayon din ako, sana malapitan kita sa oras na susuko na ko at balak nang tapusin ang lahat.

sa ganap na 4:41 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Gusto kong magpapansin
Hindi sa mga banlag na iba ang tingin
Hindi sa taong may nakatabong pandinig
Lalo na sa mga kunwaring nakatindig
 .
Hindi mo ako napapansin,
Iba kasi ang ‘yong ginagalawan
Kalye mo’y maraming dumaraan
Diretso ka’t ayaw mo akong lingunin.
 .
Maraming ayaw pumansin
Itsura ko’y hindi gustuhin
Sino nga ba ang matitigilan
Tatambay kasama ang gusgusin?
 .
Pinili mo ang hindi pagpansin
Nais kasi ng mapusong babasahin
“wala namang kwenta iyong sulatin!”
Hindi na natin dapat pang pilitin
 .
Gusto kong mapansin
Hindi lang ngayon,
Maging kinabukasan,
Sa magpakailan man.
 .
Ngayon ko lang ito gagawin.
Pwede bang ako’y mapagbigyan?
Gusto ko ang ‘yong pagtingin!
‘yan ang sigaw ng  aking  damdamin.

sa ganap na 4:40 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


Maraming parangal na ang naigawad sa iba’t ibang palabas ng mga istasyon. Tila kabuteng nagsulputan ang mga kagawad ng medya o kung anu pa man sila tulad ng anak tv seal, USTv, idol award, at napakarami pa at lalo pang dumarami. Asteg!

mga parangal na nagbibigay ng inspirasyon sa mga nasa likod ng telebisyon na gumawa pa ng mas dekalidad na mapapanuod. Minsan pa nga ay dapat na matatapos na ang airing nito ngunit dahil nakakuha ng medalya, hayon at napahaba pa ang mitsa. Ito rin ang nagiging pamulat ng mga manunuod upang maengganyong tangkilikin ang mga pinarangalan. Bukod sa napansin  na ang kanilang effort, dagdag ratings pa. bonus! Combo!

Sa tv patrol, buong pagmamalaki nilang inilatag ang mga pamosong palabas na ginawaran at kahanay nila sa kanilang istasyon. Ang dami! Halos hinakot na nila ang lahat. Kayo na! ang galing nga naman ng management ng abs cbn. Sana’y patuloy silang maghatid ng magagandang palabas. Alam mo ang hindi magaling? Yung nagparangal. Hehe.

Sa dinami dami ng ginawaran, hindi man lang nahagip ng aking mata at pandinig ang knowledge channel. Kaawa awang istasyon. Hindi pinapansin ng kahit sino. Marahil nasa channel 42 na ito at hindi na madaling mapanuoran ng mga chikiting? Karamihan kasi ngayon walang cable, pero may internet. Baka ganun nga.

Kung ako magiging magulang na, kung patuloy pa ang pagpapalabas ng naturang channel, kung hindi pa nagsasawa at napapagod ang may ari nito, hindi ko hahayaang lumipas ang isang araw nang hindi makakapanuod ang anak ko kahit isang episode man lang. sayang din kasi ang libreng aral dito. May math, science, araling panlipunan, mga tamang ugali, mga dapat na ugali, at sobrang dami pa.bukod pa dito, may pang elemntarya pa at pang hayskul. buong paaralan sa isang istasyon.

Nalulungkot lang ako dahil hindi na masyadong kilala ang knowledge channel. Dati rati may oras pang inilalaan sa mga eskwela para pagsaluhang panuorin ng mga mag aaral ang napiling episode ng kanilang guro. Kung magkataon man na hindi mapanuod sa silid aralan, gagawin itong takdang aralin.

Ngayon halos hindi ko na marinig ang mga batang nagdidiskusyon sa kanilang napanuod na episode ng hiraya manawari o siniskwela. Tanging chismisan na lang ang kanilang pinagkakaabalahan. Mga crush ditto, doon. Kung anu anong mga kiligan moments.

Hindi na pinapansin ang knowledge channel. Dinadaan daanan na lamang. Ano na kaya ang nangyari sa atin ngayon? Ay oo nga pala, matatalino na mga bata ngayon. Magagaling na tayong lahat eh.
Oo nga pala.

PS. Gusto ko lang sanang parangalan ang knowledge channel kahit hindi ako kilala. Sasaludo lang sana talaga ako. Kaso naiba ang tabas ng daliri ko. Pasyensya na.

sa ganap na 4:38 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Ano pa kayang mukha ang inihaharap ng kalye sa tuwing inihahalintulad sa kanya ang mga taong balasubas? Hiyang hiya na siguro siya sa mga kaibigan niya sa bawat oras na kinakaladkaran ang kaniyang taguri. Natatalisod kaya siya sa tuwing may nag aaway at naaalala ang kaniyang hindi mapaliwanag na katangian?
Isa sa pinakaayaw kong paakiramdam ay yung madiskrimineyt, ang maihanay sa mga binabaliwang tao sa mundo. Masakit kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako karapat dapat na makatanggap ng ganung uri ng pakikitungo. Normal akong nakikisama sa mga tao. pantay na trato sa mga kaibigan, maging sa mga hindi kakilala. Hindi nangmamaliit.

Hangga’t maaari hindi ko hinahayaang may masaktan ako. O di kaya’y hindi na lamang ako nagsasalita. Sa tingin ko’y hindi din naman malulutas ang problema sa tinig ko. Marami na kong nalait na tao noong hayskul at natuto na ‘ko.

isa pa sa ayaw kong matanggap ng kapwa sa akin ay ang malait. Kahit sa hindi direktang paraan, hindi ko magawa. Natatakot ako. noong nakaraang araw may komprontasyong naganap sa loob ng klase namin.
Kapag tao kaming humarap, ineekspek namin na tao rin kaming pakikitunguhan. Kapag nakauniporme ka, aasahan ng mga nakakakita sa’yo na estudyante kang ganap.

Yan ang buod ng mga nangyari. Marahil nahinuha niyo na ang mga eksena. Nais ko sanang isingit ang katagang, kapag pumasok ka sa gate ng eskwelahan, iwanan mo na din sa labas ang ugaling kalye na mayroon ka. Kaso hinila ako ng hiya. Pinitik ako ng aking konsensya.

Kapag hinayaan kong dumulas sa aking dila ang pawang mga salita, maaaring masaktan ang mga taong sa kalye nakatira. Hindi natin kasi pwedeng ilahat ang mga tao roon. Marami sa kanila ay nadamay lamang sa negatibong ideyang isinalin lahi na natin. Lugi sila. 

sa ganap na 4:33 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Gusto kong batukan ang mga batang hindi marunong rumespeto ng mga nakatatanda. Gusto kong bulyawan ang mga nakatatandang hindi marunong makinig sa mga bata. Gusto kong alisin sa isipan ko ang isang pangyayaring ito:

Madilim ang paligid. Hindi halos magkakitaan ang mga naglalakarang mga tao. hindi tulad ng daanan ng mga sasakyan, ang sa atin ay walang diskretong lakaran para sa magkahiwalay na direksyon.

ay sorry!” napatingin sa akin ang batang trese anyos na ngunit tila pitong taon pa lang sa liit.
sinasadya?!” tanong niya sa akin na tila kaedaran lamang ang kausapan.

Marahil ay sobrang itim ko na at hindi ako nakita ng bata. Akala niya siguro kaedaran lamang niya ang sinigawan. Napatingin ako sa kaniya, gulat ngunit may ngiti sa labi. ang tapang ng batang ‘to ah. Sabi ko sa sarili ko. Nagtaka, wari ko’y may sinuntok akong tao at nanghingi din matapos sinadyang makasakit. Tumitig ako sa bata mga limang segundo. Natauhan na lang ako nang biglang magsalita ang kaibigan niya, “grabe ka, hindi mo ba kilala si kuya dan? Kung makapagsalita ka.”

“okay lang. sino ba ako? kapitbahay niyo lang ako. hiling ko lang kahit sino pa man ang makatisod o makabangga sa inyo, piliin natin ang mga salitang ating bibigkasin. May salita kasing hindi angkop para sa pag uusap ng hindi magkaedarang nilalang. Kung mas matanda sa atin, paggalang lang. kung mas nakababata naman ay paliwanagan natin ng tama at dapat na asal. Ako, hindi ko kailangan ng respeto. Bastusin ako, wala akong pakialam hanggat hindi ako ang gumawagawa ng kamalian. Ngunit papaano kung iba na ang nakatanggap ng ganyang pahayag sa kabila ng kanyang paghingi ng tawad? Edi nasuntok ka? Matuto tayong rumespeto, kahit sila hindi, ang mahalaga, ikaw marunong.”

Alam mo ang mali ko? Hindi ko to nasabi sa batang iyon. Nilayasan ko lamang siya. diretso sa bahay. Kinausap ang nakababatang kapatid, sinabi ang mga pahayag sa taas. Kilala niya kasi ang bata sa engkwentro. Kasama pa niya sa isang pambatang organisasyon dito sa lugar namin. Kainaman. 

sa ganap na 4:32 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


dumating muli ang malalamig na gabi ng disyembre. Simula ng araw ng siyam na umagang paggising ng mga pinoy ng alas tres. Bisyo na din kasi ito ng karamihan. Iba’t ibang pakay, pareparehas ng paraan.

Itong si angelo, pansin ang pagkabalisa. Hindi niya malaman kung sino ang makakasama sa unang sabak niya sa kaugaliang ito. madilim ang paligid, hindi maaari sa kaniyang edad. Limang taong gulang lamang siya kaya’t hindi siya pinipiling makasama ng mga ate at kuya sa pangangaroling. Magiging pabigat lamang siya. isa pa at baluktot pa rin ang dila ng bata.

Kahit ang magulang niya ay nauunawaan ang ang sentimyento ng mga bata. Hindi sila makakakilos dahil may inaalalang bata. Madalin ring mapagod, magpapakarga pa kung nagkataon. Isa pa ay kailangan pang turuan si angelo ng mga kantang pamasko. Tanging alam nito ay mag-ingay gamit ang kutsara’t tinidor. At napakarami pang dahilang sinasabi kaya itong si aling linda ay hindi na ipinilit ang pagsama ng anak.

halika at tuturuan kita. Papupuntahin kita sa ninang mo, doon ka mangaroling.” Hindi na muling nangulit pa si angelo. Nakikinig kay aling linda, pursigidong matuto.

Ganap na alas syete ng gabi. Hinahanap na si angelo ng kaniyang magulang. Hindi pa ito kumakain. Nagpaalam lamang ito na bibili ng tira tira sa kabilang bahay. Alalang alala na sila aling linda kay angelo, baka bumuntot na ito sa mga batang nangangaroling sa labas.

Pinagtanong na rin nila si angelo sa mga kapitbahay. Nagpatulong upang sa  mabilis  na pagkahanap, baka abutin ng alas diyes sa daan si angelo o di na makauwi. Ngunit walang nakakita o nakapansin man lang kung saan si angelo.

Tatlumpung minuto pa at nakita na rin ang hinahanap na daga. Hawak hawak ang kamay ni angelo ng isang matanda. Nakangiti, papalapit kina aling linda.

ay salamat na kay aling teciang ka lang pala. Paano ka napunta doon? Sayo po ba galing yang benteng hawak ni angelo? Salamat po ah?

“naku yang anak mo, nakakatuwa. Nangangaroling sa bahay mag isa. BAHAY KUBO ang kanta. ayan ang Aguinaldo, bente”

Umalis na si aling tecia matapos ang kwentuhan nila ni aling linda. itong mga dapat na kasama si angelo, nanlumo nang makarating sa kanila ang balitang mas malaki pa ang pera ni angelo sa kanila. 

sa ganap na 4:31 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

TALO AKO SA LABANG ITO.
Tama, kailangan natin matanggap ang riyalidad.

Sasabak ba tayo sa gyera nang walang inaasahang pagkatalo? Manunuyo ba tayo ng babae kung pawang sagot lamang ay oo? Bibigyan  ba tayo ng pagsusulit kung ang lahat naman makakapasa?

Upang maging ganap ang pagtanggap, kailangan nating isuksuk sa isipan natin ang pinakamasaklap na maaaring mangyari sa ating pinasukan. Oo masakit ngunit ito na ang pinakamadaling paraan, ang pangunguna sa pagkabigo.

Nang sa gayon, sa oras ng paghuhukom, kung sakaling hindi umayon sa  swerte ang panahon, o di kaya’y hindi pa sumapat ang naipakitang gilas, maganda na iyon at napaghandaan na natin ang pagkalugmok. Hindi na masyadong masakit ang hagupit ng balita.

Naaalala ko pa ang palagiang dayalogo ng guro ko sa journalism sa tuwing lalaban kami sa paligsahan ng pagsusulat, less expectations, less frustrations. Gayon na lamang sana tayo lagi para wala nang masaktan pa. huwag na tayong masyadong umasa pa. 

WAG MATAKOT KAY LIMITASYON

Hamunin siya. gaya ng pagpilit natin sa sarili tuwing tayo’y may pagsusulit. Alam nating hanggang alas nuebe lamang tayo at naghihilik na, ngunit heto tayo’t inumaga na sinisikap na maintindihan ang bawat inaaral.
Maraming nagsasabe na alamin natin ang limitasyon. Tama sila. Pero, hindi nila sinabe na ang limitasyong iyon ay bangin na kapag sinubok, maaaring ikamatay. Bakod lamang ang limitasyon na maaaring silipin, kung kakayanin, talunan at lagpasan pa.

Kung hapo na sa laban, ramdam na ang kakapusan ng hininga, magpahinga muna, magipon ng lakas, takbo ulit. Kinabukasan makikita natin ang sarili na nakangiti dahil natapos natin ang laban at hindi sumuko. Nariyan ang salitang bukas na nagpapahiwatig na ang kahapon ay tapos na. maaaring lingunin ngunit hindi na pupwede pang balikan. Kung baga, isang hakbang sa papalayo sa mahinang tayo. Kahit sobrang lakas na ng tingin ng iba sa atin, gawin natin goal ang kahapon na nais lagpasan.

Kilala rin ba natin si praktis? Hindi ito inimbento upang magkaroon ng perpekto sa lupa. Nabuo ito upang  maabot ang tunay na minamata ng puso. Ano nga ba ang gusto natin? Hindi ba’t ang maging magaling pa kaysa sa sarili natin kaysa kahapon?

Hamunin natin ang sarili natin gaya ng paglalagay ng kuwit sa ating buhay sa halip na tapusin ito ng tuldok, dahil alam nating mayroon pang itutulak.

sa ganap na 4:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Wala lang. masabi ko lang na may buhay pag ibig din ako. para asteg ako. uso kasi yan eh. Lalo pa’t  malamig ang simoy ng hangin. Pasko na talaga. Kaya yung mga samahang malalamig ang pasko (SMP), tila mga kabuteng magsusulputan nanaman. Magsusulputan, mag iingay. Kanya kanyang reklamo at mga sama ng loob ang mababasa muli natin kundi sa text, sa facebook, sa twitter, at kahit dito sa tumblr.



Sasabak din sa laban ang mga problemado sa pag ibig. Cool off kunwari, kailangan ng  oras para makilala ang isa’t isa, parang kanta lang. bubuoin ang siyam na gabi ng pagsisimba para makahiling ng lalaki sa buhay o babaeng nais nang pakasalan. Minsan pa’y ang simbahan ang magiging tagpuan ng dalawang gutom sa pag ibig. Maganda.

mga tao nga naman, tayo nga naman. Kapag walang pag ibig, punong puno ng pighati at kalungkutan. Ngunit kapag nakahanap na ng kasama, kanya kanya ring hanap ng butas upang makalusot sa kuyukot ng panaginip.

Nalulungkot lang ako. na sa halip na problemahin natin ang puso natin sa pagkauhaw nito, o kung anu anong mga hinaing ang binubulalas natin, sana magkaroon tayo ng oras para ayusin ang mali sa atin. Baka, kung papalarin, maging dahilan upang bumukas ang pinto. Na sa sobrang pagkasubsob natin, hindi natin naalala ang pagdiriwang ng pasko.

Ako din ay hindi pa wari ang diwa ng pasko. Sa tanda kong to. Pero sigurado ako, hindi ito tungkol sa pagrereklamo. Hinding hindi din ito hahagip sa usapang paghahanap ng makakasama. 

sa ganap na 4:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

“suportahan po natin ang original pinoy music.” Sigaw ng isang magandang singer sa harapan ng telebisyon. Lumabas nanaman kasi ang kaniyang pangalawang album. Sabi ng kanyang mga producers, yun una umano niyang album eh nakaabot ng 10,000 ang nabentang CD. Ang tibay!

Sinearch ko sa youtube ang pangalan niya. Check ko lang kung anu ano ba mga kanta niya. Acoustic pala ang genre niya. Gitarista pa si tisay. Ganda ng boses. Makakabenta nga siya ng maraming CD. Idol na sana kaso may kulang. Sa aking paghahanap ng kaniyang mga kanta, napansin kong wala siyang original na kanta. Revival queen kumbaga.

Teka lang naman. May tanong ako. Ano ang ibig sabihin ng isang singer? Yun ba ung mga taga kanta lang? yun ba ung mga taong malalamig ang boses? Mala regine velasquez? Sarah Geronimo? Jose mari chan? Erik snantos? Anong sukatan ng isang pagiging tunay na singer o artist?

Sa pagmamasid ko pa sa youtube, hindi naman kasi ako bumubili o bibilli ng album niya, curious lang ako sa mga kanta niya, ang mga kantang kasama sa revive niya ay puro international artists. Nariyan ang mga kanta ni lady gaga, rhiana, Bruno mars, Eminem na ginawang acoustic o rock version. Hindi bat mas maganda na kapag narinig ang kinakanta mo o kanta kasama sa album mo eh ikaw ang maaalala at hindi original singer nito?

“suportahan po natin ang original pinoy music.” Sigaw naman ng manong sa isang gathering kasama ang mga kapanalig niyang mga inugat na sa industrya ng pagkanta. Nabahala na din kasi ang marami sa biglang pagkatamlay ng OPM. Kung sinu sino kasing singer ang nagsulputan na tila umaasa lang sa bagong labas na kanta sa ibang bansa. Kapos na supply ng composer. O marami pa ring composers pero hindi na din sila kinakagat ng mga producers.

Magaling pa rin naman ang mga pinoy sa paggawa ng kanta, hindi ba? The best nga sabi ng iba pagdating sa love songs. Tagos sa puso. Ramdam na ramdam. Nasa producers lang kasi yan, hayok sila sa kita, hindi nila gusto ang mag experiment o magtiwala.

“suportahan po natin ang original pinoy music.” Sigaw ko lang. malamang siguro adik na tayo sa mga kantang sobrang ganda ng beat. Yung mapapasayaw tayo? Yung may tatak nila niki minaj? Ni hindi muna natin iniinda ang lyrics, saka na yun. Pero pag search natin sa google ng lyrics, ayyy bastos!

Kilala pa ba natin ang siakol? Datus tribe? Parokya ni edgar? Kamikazee? Si gloc 9? Si Dong Abay? And Plagpul? Siakol? Kilala nga natin ang iba ngunit halos bilang lang ang kantang alam natin. Papaano kapag kinanta natin ang kantang feelings ng datus tribe makakarinig tayo ng kutya. Kesyo kinanta natin ito, isa tayong jologs o aktibista. Excuse lang, mas maganda pa nga ang lyrics niyan kaysa sa elevator ni florida o sa paparazzi ni lady gaga.

Payo ko lang, bubulong ko nalang sa inyo, nakakahiya kasing umepal. Ayos lang ang makinig sa tagalog songs, pramis! wag kang mandiri kung mabahidan ng tagalog ang ipod mo. Huwag kang bibili ng album na puro revive lang. suportahan lang natin ang mga artistang may ORIHINAL NA MUSIKANG PINOY. 

Huwebes, Mayo 31, 2012 sa ganap na 2:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Narinig mo na ba ang unibersidad sa pilipinas na sobrang baba ng kanilang matrikula? Dito mo matatagpuan ang mga estudyanteng aktib sa mga isyung kinakaharap ng bansa pati na din ng mga estudyante. Madalas laman ng mendiola ang mga estudyante nito dahil sa pagmamahal nito sa kanilang nakakawawang kababayan. Kuha mo na?

sa loob ng kampus, may makikita kang anim na palapag na gusali. May north, east, west at south na parte ang kabuuan ng establishimento. Pag akyat ng ikalawang palapag, naroroon ang college of economics, finance and politics. Bigating mga kurso. Sa pagpapatuloy mo sa pag iikot sa buong palapag, madadaanan mo rin ang mga masisipag na estudyanteng kumukuha ng nasabing programa.

Maaari mo silang makita sa lobby, ito ang tambayan nila kapag wala pang kwartong pwedeng matambayan. O kaya’y kapag mainit na sa loob ng kwarto dahil sa isa lamang ang gumaganang bentilador. Sa dome, ang paikot na mga upuang dinisenyo upang tulugan. Madilim kasi dito, pero pwede ding kainan kapag ang lahat ng kwarto ay okupado na ng mga nagkaklaseng mga estudyante.

Finally, sa pag iikot mo, makikita mo ang classrooms, ang palipasan ng isa’t kalahating oras o tatlong oras ng mga estudyante kasama ang kanilang napakasipag na dalubhasang guro. Yan ang karaniwang madaratnan mo sa ikalawang palapag.

Ngunit nagkakamali ka sa pag aakala mo na natatapos na diyan ang iyong pagtuklas sa buong palapag. Sa dulong kwarto nito, naroroon ang mga grupo ng mga estudyanteng natatangi. Pinagpala sila dahil pinagsiksikan sa kanilang seksyon ang mga magagaling at matatalinong mga estudyante ng kanilang batch. Maging ang kanilang mga propesor ay humahanga sa pagiging konsitent at masipag nila sa klase.

Bilang pabuya, binigyan sila ng proyekto ng mga guro. Kailangan nilang magsagawa ng outreach program sa isang elementary school kung saan ay mabibigyang pagkakataon sila na makapagturo sa mga ito ng paraan kung paano makapag ipon. Magandang  oportunidad ito sa kanila na mapraktis at maibahagi ang kanilang kaalaman ukol dito. Pamaskong handog na din ito sa mga kabataan.

Eksayted na ang mga magagaling na mga estudyante. Ngunit unti unting nagsulputan ang mga problema. Wala silang pangtustos  sa mga gastusin. Kasama kasi sa proyekto nila ang pamamahagi ng mga alkansya sa mga bata. Mga pagkain din para sa mga bata, mga guro nila, sa kanilang mga sarili.

Nabanggit na ba na madiskarte rin sila? Nagpasya silang mag solicit sa mga taong mapepera, kakilala, o sa kahit sinumang makasalubong nilang nakasuot ng gold o 925 silver. Basta mukang mapagbigay. Lakasan din ng loob ang kailangan dito, pakapalan ng muka magkaroon lamang ng pandagdag pondo bukod sa kanilang mga pera sa bulsa. Kailangan nilang makaipon ng 300 o humigit pa sa kotang halaga sa kahit anong paraan basta bukal sa puso at walang nakatutok na kutsilyo.

Ilang araw ang dumaan at nariyan na ang oras ng pagre remit ng mga na akumuleyt. Magkakaalaman na din kung sino ang mga astig na nakapanghingi ng higit pa sa inaasahan. Natuwa ang lahat dahil halos ang bawat isa ay nakaipon ng pera. May mga tunay saktong 300 lamang ang binigay at iba ay sumobra pa. astig! Ibig sabihin lamang nito ay positibong maisasakatuparan nila ang kanilang adhikain.

Ngunit nanaman, may isang estudyanteng hindi nakapagtimpi na nagtaas ng kamay at nagbulalas ng kaniyang nararamdaman.

Teka, ang binigay  ko ay 620 tapos siya 300 lang? unfair naman yon! San mapupunta yung 320 ko?

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile