Huwebes, Mayo 31, 2012 sa ganap na 2:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Narinig mo na ba ang unibersidad sa pilipinas na sobrang baba ng kanilang matrikula? Dito mo matatagpuan ang mga estudyanteng aktib sa mga isyung kinakaharap ng bansa pati na din ng mga estudyante. Madalas laman ng mendiola ang mga estudyante nito dahil sa pagmamahal nito sa kanilang nakakawawang kababayan. Kuha mo na?

sa loob ng kampus, may makikita kang anim na palapag na gusali. May north, east, west at south na parte ang kabuuan ng establishimento. Pag akyat ng ikalawang palapag, naroroon ang college of economics, finance and politics. Bigating mga kurso. Sa pagpapatuloy mo sa pag iikot sa buong palapag, madadaanan mo rin ang mga masisipag na estudyanteng kumukuha ng nasabing programa.

Maaari mo silang makita sa lobby, ito ang tambayan nila kapag wala pang kwartong pwedeng matambayan. O kaya’y kapag mainit na sa loob ng kwarto dahil sa isa lamang ang gumaganang bentilador. Sa dome, ang paikot na mga upuang dinisenyo upang tulugan. Madilim kasi dito, pero pwede ding kainan kapag ang lahat ng kwarto ay okupado na ng mga nagkaklaseng mga estudyante.

Finally, sa pag iikot mo, makikita mo ang classrooms, ang palipasan ng isa’t kalahating oras o tatlong oras ng mga estudyante kasama ang kanilang napakasipag na dalubhasang guro. Yan ang karaniwang madaratnan mo sa ikalawang palapag.

Ngunit nagkakamali ka sa pag aakala mo na natatapos na diyan ang iyong pagtuklas sa buong palapag. Sa dulong kwarto nito, naroroon ang mga grupo ng mga estudyanteng natatangi. Pinagpala sila dahil pinagsiksikan sa kanilang seksyon ang mga magagaling at matatalinong mga estudyante ng kanilang batch. Maging ang kanilang mga propesor ay humahanga sa pagiging konsitent at masipag nila sa klase.

Bilang pabuya, binigyan sila ng proyekto ng mga guro. Kailangan nilang magsagawa ng outreach program sa isang elementary school kung saan ay mabibigyang pagkakataon sila na makapagturo sa mga ito ng paraan kung paano makapag ipon. Magandang  oportunidad ito sa kanila na mapraktis at maibahagi ang kanilang kaalaman ukol dito. Pamaskong handog na din ito sa mga kabataan.

Eksayted na ang mga magagaling na mga estudyante. Ngunit unti unting nagsulputan ang mga problema. Wala silang pangtustos  sa mga gastusin. Kasama kasi sa proyekto nila ang pamamahagi ng mga alkansya sa mga bata. Mga pagkain din para sa mga bata, mga guro nila, sa kanilang mga sarili.

Nabanggit na ba na madiskarte rin sila? Nagpasya silang mag solicit sa mga taong mapepera, kakilala, o sa kahit sinumang makasalubong nilang nakasuot ng gold o 925 silver. Basta mukang mapagbigay. Lakasan din ng loob ang kailangan dito, pakapalan ng muka magkaroon lamang ng pandagdag pondo bukod sa kanilang mga pera sa bulsa. Kailangan nilang makaipon ng 300 o humigit pa sa kotang halaga sa kahit anong paraan basta bukal sa puso at walang nakatutok na kutsilyo.

Ilang araw ang dumaan at nariyan na ang oras ng pagre remit ng mga na akumuleyt. Magkakaalaman na din kung sino ang mga astig na nakapanghingi ng higit pa sa inaasahan. Natuwa ang lahat dahil halos ang bawat isa ay nakaipon ng pera. May mga tunay saktong 300 lamang ang binigay at iba ay sumobra pa. astig! Ibig sabihin lamang nito ay positibong maisasakatuparan nila ang kanilang adhikain.

Ngunit nanaman, may isang estudyanteng hindi nakapagtimpi na nagtaas ng kamay at nagbulalas ng kaniyang nararamdaman.

Teka, ang binigay  ko ay 620 tapos siya 300 lang? unfair naman yon! San mapupunta yung 320 ko?

Huwebes, Mayo 24, 2012 sa ganap na 3:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Sana ang mga babae,
Hindi nagpapaganda para makaharbat ng lalake sa daan.
Hindi nagsusuot ng magagarang damit upang magmukang mayaman.
At makatagpo ng mga kagaya nilang sa kapal ng bulsa nakatangan.

Ginagamit ang salitang kagandahan para sa sarili,
Hindi winawasiwas ang balakang upang makadagit.
Hindi iniaalay ang katawan sa mga matang nakamasid,
Mga taong hanap lamang ay kiliti,

Sana ang mga babae,
Hindi kagaya ng napapanuod sa patalastas ng Ponds,
Natanggal lang ang dumi sa mukha eh,
Kung makahawi animo’y walang pakiramdam si lalake.

Nagawang magpaganda upang tumaas ang kumpyansa,
Nang makapaglakad nang hindi nahihiya,
Nakaharap, diretso sa gustong  paroonan,
Hindi sa idinikta ng kung sino man.

Sana ang mga babae
,Hindi inaaksaya ang lakas ng boses sa pangungutya,
Bumibigkas ng mula sa pusong mga salita,
Mahaba ang mitsa ng pagladlad ng dila.

Sana ang mga babae,
Hindi sumisigaw ng pagkapantay-pantay.
Hindi iniisip na nagkukulang ang lipunan.
Subalit kumikilos upang ito’y makamtan.

Pst! Babae!
Wag mong isusuko ang bataan!
Kung alam mong ang laban ay walang kasiguraduhan.
Nang hindi ka uuwing luhaan,
Sige ka, sasabak ka sa tunay na bahay-bahayan.

Martes, Mayo 22, 2012 sa ganap na 9:39 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Sasahod ng dalawamput libong piso
Walong oras na trabaho
Kada buwan walang pagbabago
Gaya ng ordinaryong empleyado
Kung masipag may dagdag na benepisyo
Pero gwardyado
Pero nakatira sa palasyo
Pero libre biyahe sa eroplano
Basta para sa bayan ang patutungo
May libreng sasakyan
Kasama driver wala kang angkas
Pero kwalipikasyon ay mataas
Madiskarte at matalino, matino
Pagmamahal sa masa galing sa puso
Kakasa ka bang maging pangulo?
 .
Artista ang turing ng kabaryo
Nakasubaybay sa bawat desisyon
Pinagkatiwala buwis na naipon
Pagkat ang kapalaran isinandal sayo
Puputulin ang paa, wag magtangkang tumakbo
Mata’y tutusukin ng karayom, titigan ang totoo
Tenga’y isasahog sa pansit, kahit hikbi diringgin mo
Kapag naging pipi at sinungaling, ubos ang ngipin sa martilyo
Hindi maduduwag sa hamon kundi itlog ay ikakapo
Iwagayway ang pulang tela sumugod sa eleksyon
Kahit ang hustisya’y tulad ng sa mga barbaro?
Matapang! Tinanggap ang hamon.
 .
Tayo na’t mangarap magkaron ng pangulo.
Nakatindig. Kahit walang sindi ang sulo.
Tingin nito ay diretso
Kahit ano pa mang anggulo
Saan man ang tinutungo
Madami mang tinik na disenyo
Dahan dahang lalakarin kahit swelas’y pudpod
Tadtarin man ng bulong ni bungo
Hindi malilito.
Ikaw! Hinahanap ka na namin sa kubo.
Ang ‘yong sarili sa bansa’y isuko.
Taong bayan tanggap ka buong puso
Sasaludo kahit kaming mga tarantado.

Lunes, Mayo 21, 2012 sa ganap na 5:05 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Matagal ko na ding hawak ang cellphone kong  to. 2630. Simple lang kasi. Bagamat walang masyadong kagagandang features gaya ng mga bagong labas na brands ngayon, naroroon pa rin ang pinakahahanap ko sa isang cellphone. Makatanggap at makapagpasa ng mga text messages. May radio rin to, nakapakikinig pa ko ng morning rush. May camera rin to, kahit VGA lang ayos na, hindi din naman ako mahilig kumuha ng picture ng mukha ko eh. Nakakapag internet din ako ng libre. Google, for assignments. Nagbabasa ng blogs sa tumblr, wordpress and blogspot. Nakakapag status sa facebook. Masaya na ko sa cellphone ko pramis.

Kinukumbinsi natin ang sarili natin na ayos na tayo sa ganitong set up. Na sapat na. kahit may mga sabit na. pilit pa rin nagsusumiksik.

First year college ito nang mapasa akin. First cellphone ko rin to kaya mahirap pakawalan. Kahit sobrang napakarami nang alok ng tatay ko akin na mas maganda pa dito. Una sasabihin ko na gusto ko ang alok niya sa akin, pero maya maya ay babawiin ko din. Iniisip ko ang napakaraming mga events na pinagsamahan namin ng 2630 na to.

Ang past ay nandiyan bilang inspiration, lakas na pwedeng hugutan kung may dagok na kinakaharap. Wag matakot na iwan ito pero hindi dapat na ito’y kalimutan.

Corby, Samsung star, nokia x2, at may dalawa pang hindi ko na matandaan. Minsan sinabi na din ng tatay ko na ako na lang daw bumili dito sa Pinas ng gusto kong cp, bibigyan na lang niya ako ng pera. Canvass muna ako ng mga presyo sa sm sta. mesa. nakahelera ang mga sobrang gagandang mga cellphones doon na bagong labas. Tinignan kong muli ang hawak ko, papalitan na ba kita?

Kahit napakaraming magagandang nakalatag sa harap kung hindi interesado ay hindi mangyayari ang nais maganap.

Kung susumahin, four years na kaming nagsasama nito. Halos kasama ko ito sa journey ko sa buong college. Kung iisipin din sa pagkupkop ko dito, eh napag iwanan na ko ng teknolohiya. Naiwan ako sa radio, samantalang ang iba nag e enjoy na sa mga memory card at may radio din. Naiwan ako sa VGA at ang iba nasa mega pixels. Yung iba ginagamit itong 2630 para sa panglabas na gamit, pero may blackblerry bilang private usage. Kailangan ko na bang iwanan ito? o dapat pa rin akong kumapit sa mga alaala ng cellphone na ito? kahit ito na mismo ang umaayaw? Sumusuko?

Ang pagbitaw ay hindi nangangahulugan ng pag iwan. Ang pagtanggap ng bago sa buhay ay hindi pagsasawalang bahala sa nakaraan. Minsan ang pagyakap sa hinaharap ay pagbubukas sa bagong oportunidad sa pag unlad.

Hanggang nayon, tangan ko pa rin itong lumang cellphone. nag lilimang isip, kung meron man na ganoong tawag, na bumili ng bago.

Hindi na natuto.

Tulad kapag umiibig. 

Linggo, Mayo 20, 2012 sa ganap na 3:36 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

nakatext ko ‘yung kaibigan ko sa college. tinatanong niya kung ano na ang plano ko ngayong tapos na sa pag aaral. mag a apply. sabay singit ko na may hinihintay akong tawag mula sa pinagpasahan ko ng resume at letter of interest. 
bali dalawa ang inaasahan kong tawag na galing sa mga Non Government Organization. ‘yung isa namang private, nagre requirements na ako. isang linggo na lang kapag natapos ko na lahat ng kailangan ng company na ‘yon, tuloy na talaga ako.
isang linggo na lang din ang palugit ko sa dalawang NGO na tawagan ako for interview. siguro kapag isang araw sa linggong ito eh tumawag sila, bibitawan ko ‘tong sa private, kung papasa rin ako sa kanila. haha. 
ininterview ako ng president ng private company noong nakaraang monday, tanong niya sa akin kung saan ako magaling. 3 seconds bago ko naisagot ang MATH kahit hindi naman talaga ako magaling doon. kahit bano naman talaga ako. kung dumulas pa ng kaunti ang dila ko, malamang naisambulat ko ‘yung pag intindi sa mga tao at pakikipagkapwa tao. ewan ko rin kung magiging totoo ako sa sarili ko sa sagot na ‘yan. hindi naman ako magaling sa kahit anong bagay.
gusto ko lang talagang makapagtrabaho sa isang organization na totoong may tinutulungan. gusto ko lang magtrabaho kasama ang mga taong makatao. gusto ko lang maging parte ng lipunan. gusto ko masaya at fulfilling. 
alam ko sa sarili ko kung saan ako mas liligaya. kaya noong nabalitaan ko na requirements na ako sa private company, kaunti lang ang excitement na naramdaman ko. hindi katulad sa pakiramdam noong papunta kami sa Mandaluyong Elementary School para magturo at tumulong sa mga estudyante ng tungkol sa pagtitipid at pagse-save ng pera. kakaiba. 
siguro hindi pa talaga para sa’kin ang pagtatrabaho para sa bayan. ang drama! pero totoo, naghihintay pa rin. siguro kung hindi ngayon ang oras para sa NGO, bukas mas maganda na ang oportunidad na ibibigay sa akin. alam ko ‘yon.
lahat naman kasi may nakalaang panahon. huwag lang nating pilitin ang hindi pa talaga dapat mangyari. para lang akong nagsuot ng damit na hindi pa nabubuhol sa pagkakatahi, sa katagalan ay tastas agad. para ko na ring binalatan ang manggang bukas pa mahihinog, hindi maipinta sa kaasiman ang mukha kapag kinain. para akong bumili ng XL na damit sa pag aakalang tataba sa susunod na buwan. (pilit na paghahalintulad hahaha)
sa susunod na lunes, kapag natapos ko na ang requirements ko at hindi pa dumarating ang tawag ng dalawang NGO, kakainin ko na ang nakahain sa aking harapan. mainit pa, bagong luto.

Sabado, Mayo 19, 2012 sa ganap na 3:57 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

ang liit lang pala ng Robinsons Otis. wala masyadong tao hindi katulad ng kahit saang Robinsons sa Metro Manila. kakaunti lang din ang mga stores dito. hindi mabibilang sa kamay pero hindi naman nakakapagod kapag inikot. mata mo lang ang mananawa sa paulit ulit na tindahang nakabalandra. 

puro pagkaen pa ang tinda. hindi ko na matandaan kung anu anong mga pangalan. hehe. nasa isang daan lang halos mga bumibisita ngayong oras na nandito pa ako.

tumungo nga pala ako sa Robinsons Otis para kumuha ng NBI clearance. sa katangahang palad, sarado ang agency kapag weekends. hindi ko naitanong kay google, kausap ko pa naman siya kahapon.
dalawang baitang lang ang taas ng buong gusali. walang sinehan. balak ko pa namang tignan ang mga bagong indipendent film ngayon. sa Robinsons mall daw kasi madalas pinapalabas ang mga pelikulang ganoon.

pagkababa ko ay naalala ko ang nabasa ko sa Discover Magazine ng Robinsons, magkaibigan pala ang National Book Store at ang Robinsons. kaya dali dali kong hinanap ang pwesto ng NBS sa mall na ito. mapalad ako at bungad lang ito. 

pumasok ako. kaunti lang din ang mga libro, pero siksik. hinanap ko kaagad ang Filipino Section, wala. pero nakita ko naman ang it only hurts when i pee, macarthur , pati ang ligo na u, lapit na me. alam ko kasi na magkakasama lang ang mga librong natin sa isang shelf kaya tumambay na rin ako.

ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na mapadapo ako sa kahit saang book store, haharbatin ko na agad ang libro ni eros atalia. syempre babayaran ko naman. pero iba ang pinunta ko dito, sayang nga eh. bawal kasi gumastos ng hindi nakaplano ngayon. marami pa namang pagkakataon, hayaan na muna natin itong makalagpas. 

dahil ayaw ko pang umuwi, naghanap hanap muna ako ng mga librong pupuwedeng ipila sa pagkakagastusan. gapo, bata bata paano ka ginawa, young blood, at napakarami pang iba.
sa bandang ibaba ng shelf, nagpumiglas bigla ang wallet ko nang makita ko ang its a mens world! 180 lang ata? kikislot kislot na ang mga pera para lumabas ngunit napigilan ko pa naman. muli, hindi nararapat ang mga side trip ngayon. higpit muna ng bulsa. 

dahil bukas ang librong nakita ko, (patawarin ako ni bebang siy), binasa ko ang chapter 1. wala akong masabi sa sobrang ganda ng pagkakalahad ng kwento. nakakakilig, nakakatawa, at nakakatuwa. batang bata ang nakukwento. para akong nakikipag usap sa isang batang bago pa lang sa pagdadalaga. balak ko pa sanang i-extend ang pagbabasa hanggang susunod na chapter, kaso nakakahiya na talaga sa mga tao doon.
in conclusion, i will definitely buy that book. quesera sera. haha

nangangalay na ako dito sa pagkakaupo sa tapat ng citibank savings. nakikita ko pa ang reflection ko sa salamin. nababanas pa ako kasi ang gwapo ko sa salamin. wag ka nang kumontra! haha

uwi na nga ako. ingat ako!

Biyernes, Mayo 18, 2012 sa ganap na 2:59 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

uso na ngayon ang virtual relationship. Mapa facebook, twitter, tumblr, sims, panaginip, hanggang sai bang mundo man yan. Text text lang nagyon, mamaya o kinabukasan sila na. magpapalit na ng relationship status sa facebook. I group message na agad. Chat chat lang kanina, nasabihan lang ng i love you naihi na sa panty. Anniversary na agad ang pinaguusapan. Walang nangyayaring pagtatagpo. Palitan lang ng facebook, titignan ang na adobe na itsura, pag trip, sugod agad sa laban.

Kaya urong ako diyan eh. Hindi ko gusto ang konseptong mabilisang relasyon. Kapag mabilis kasing nakuha ang pag ibig mabilis ding mawawala ito. kapag minadali, mamadaliin din ang pagtapos nito. Takot ako. Hindi ako ganoong katapang na sumabak sa relasyon. Kapag may nagparamdam, urong  agad. Ayokong ma attach masyado sa mga textmates ko. Gaya nito…

 tara kape! Tinext ko yung paborito kong virtual friend. Hindi na ako nag expect ng reply galing sa kanya, madalas kasi ang pakiramdam ko kapag ka text ko siya ay pinagtyatyagaan lang ako nito. Hindi kasi ako bagay na maka text niya, lalo’t malayo ang itsura namin.

Timplahan mo ko. Naglambing. Potek.

Sige. Basta ikaw ang maghuhugas ng mga basong ginamit natin.

hala dugas!

Syempre ako na nga nagtimpla eh.

Nag usap kami na parang magkalapit lamang. Feeling ko nga inisahan lamang niya ako kasi alam siguro niyang may gusto ako sa kaniya. Pero hindi ko din naman balak na manligaw. Let it slide. Kung gusto niya ng laro. Edi ibigay. Tutal nag e enjoy din naman ako sa feeling ng ganito. Kinabukasa..

Kape ko? Una siyang nag text. Mukang umeepal na to ah. Sabi ko sa sarili ko.

Tapos na ko magkape eh. Kaw nalang muna.

Damot! Oh edi tumigil na ang kakulitan niya. Di nagtagal araw araw na kaming nagkakape sa text. Hinayaan ko na lang siyang mangulit. Sayang din naman kasi ung unlimited text ko.

May circle of friends din kami. Kaya GM lang minsan sapat na sa amin. Minsan nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa gateway. Try lang umano ang place, sabi kasi nila may magagandang place din doon. Ewan ko kung anong maganda sa mall. Pero sige.


Tong si milky, tawag ko sa kanya, biglang nagtext sakin, uy kuliglig(tawag niya sakin) punta ka sa gateway? Sama ka ah? Pumayag naman ako hindi pa rin kasi ako nakakapunta sa mall na un. Pero nitong araw na tinakda ng pagpunta sa gateway. Hindi ako sumipot. Wala lang. tinatamad ako. Kinabukasan, nag GM ako. Kamusta mga sumama sa gateway?

Hindi ka pumunta. Si milky.

Wala kasi akong pera e. nagsinungaling ako. Kamusta pala?

Ayon hindi masaya.

Bakit?

Hindi dumating yung date ko eh. Sayang.

tapos ang love story! haha

Huwebes, Mayo 17, 2012 sa ganap na 2:58 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Natatawa na talaga ako sa mga pinoy ngayon. Natatawa na tlga ako. Natatawa hindi dahil sa mga ginagawa nilang komedya ngunit dhil sa mga kilos na lubha nang hindi normal kumpara sa mga sinauna.

Masyado na siguro tayong lunod sa mga pinapanuod nating mga palabas na hindi man lang nagpapakita ng riyalidad ng buhay na sana ay tinatama natin at hindi pa kinatutuwaan at ina-idolize. Bagaman mayroong mga palabas ngayon sa telebisyon na tumpak sa realidad, pinapanuod ba?

Hindi ba’t mas pinipili pa nating abangan ang next series ng smallville kaysa sa mangyayari sa Maguindanao massacre? Hindi ba’t iniiyakan pa natin si nanay na nanunuod ng balita para makapanuod ng inaabangan nating palabas sa star movies?

Meron talagang mga pelikula na hindi natin namamalayan na lubha na tayong nailalayo sa dati nating mga nakasanayan. Minsan pa nga ay sa pangarap na natin. Kamusta ang pagtingin natin sa salamin para tignan kung may nagbago na sa hugis ng katawan dahil nga sa uso ito at nakita natin sa idol natin?

Hindi ba’t hindi lang puro idol ang nakikita sa tv? Eh ang pagsulyap natin sa salamin upang tignan kung kagaya tayo ng isa sa mga pinakakinaaayawan nating housemate? Malamang? Hindi, dahil mas gusto nating mag-search sa google ng mga pictures ng taong iyon. Na humihingi pa tayo ng pera pang rent sa shop para mag ‘become a fan’ at makiisa sa mga nagmamalinis na tao sa Pilipinas.

Hindi ba’t pinag-uukulan pa natin ng pansin ang pag-eedit ng pictures ng taong iyon at ipo-post kung saan saan at maghintay kung madami nang nag-like at nag comment na tuwang tuwa dahil ginawa natin yon? Palakpakan pa dahil sa nakita nilang kasiraan. At ang pinakamalupet, andami nating oras na ginugol para mag-search sa friendster o kung san man site ng mga bago at lumang pictures na magpapatunay na tama ang mga hinala natin sa kaniya. Pag nakita natin ang nais, tatawa ng malakas o kundi ay ngiti na parang aso, sabay nito ang pagkopya sa URL o ‘save picture as’ para ma-share sa mga kaisa sa paniniwala. At isang click lng? Makikita na nila ang pinagpaguran natin.

Ang daming nag view, nag like, nag comment. Wow. Accomplishment? Accomplishment dahil may napatunayan tayo sa mga taga hanga na credible ang mga impormasyong pinapahayag? Nakaluwag naman dahil sa nagawa? Napatunayan sa sarli na magaling tayong pumindot sa search button at maghintay ng result?

Na habang tuwang tuwa tayo sa mga resulta at likes at comments, hindi man lamang naisip na ganito tayo magsyesta at mamyesta sa mga‘research works’, may iba ding mga taong hindi man sila ang pinag-uukulan ay nasasaktan. May magulang din ito na hindi akalain na gagawin ng madlang tao na clown o sentro ng inggit man o galit ang kanilang anak, halos gawin ba naman itong thesis na lubhang daming pages ang nagawa, revises upang lalong sumakit ang mga salita, reviews para makita ang mga mali upang lalong maging mali na pumapasa naman sa mga mata ng mga tanga hanga.

Huwag kang tatawa, hindi kami nagpapatawa.

sa ganap na 1:32 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Hindi nasusukat ang pagiging lalake sa haba ng kanyang ari. Hindi din sa dahilang nakatikim na siya ng maraming babae o sa kung ilan na ang kanyang naging girlfiends. Hindi din lalo sa kung wala pa siyang nagiging kasintahan. hindi din naman masasabi na tunay na lalake ang lalake kung marami na siyang napaiyak na babae at lumuhod sa kanyang pagmamakaawa. Sa itsura, hindi porke’t gwapo o panget ang lalake, tunay na ito. sa basag ulo din, marahil ang iba ay ang mga punit sa mukha ang batayan nila ng kanila pagiging maton.

Huhusgahan kaagad ang isang lalake dahil mas marami ang kaibigan niyang babae kaysa sa lalake? Sa pananalita nito, ang kalambutan ng boses o sa kulot ng boses ng isang lalake ay hindi din sumusuma sa kanyang tunay na kasarian.

Ang tunay na lalake, naninindigan sa kanyang mga sinabi kahapon. Alam ang mga ginagawa ngayon. At tatanggapin ang resulta kinabukasan. Hindi ito gagawa ng mga bagay na magiging que sera sera ang sagot sa tanong na paano na bukas? Lagi itong may baon na conviction, yes or no lang at walang ewan.

Kumukilos kapag desidido na. pinagiisipan ang lahat ng mga bagay, inaalam ang mga pros ang cons ng kanyang aksyon, plinaplano at kapag nakapagnilay na ay agad nang isasagawa ng buong kalooban.
Hindi ginagamit ang bibig upang magpaibig ng babae. Sa halip ginagamit ang bibig bilang instrumento upang magpahayag kanyang tunay na nararamdaman. Hindi inaabuso ang kalayaan sa pagsasalita upang makasakit ng kapwa sa halip ay ginagamit ito para maging maaliwalas ang mundo at pagaanin ang pakiramdam ng mga kaibigan nito.

Higit doon ay ang pagiging matipid nito sa pagsasalita. Mas madaming kilos kaysa bulalas. Pinipili ang mga salitang pakakawalan. Binubuka nito ang kaniyang bibig dahil kailangan at alam niyang may laman ang kaniyang bibigkasin. Hindi siya pumuputak para may masabi lang kasi gipit na siya ng sitwasyon.

Hindi takot na mawalan ang kanyang minamahal dahil alam niyang ginawa niya ang kaniyang lahat maging makahulugan lamang ang kanilang pagsasama. Alam na hindi nagkulang kayat hindi kailangang magalala. Secured. Gayon pa man ay laging iniisip na ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang kanyang huli.
Ang I love you ay napakahalaga. Binibigkas lamang ang salitang ito sa harap ng tunay na taong pinagaalayan at pinagpaparamdaman ng puso at isipan. Isa lamang sinasabihan nito. Walang una, pangalawa ngunit nagiisa lamang.

Magalang hindi lamang sa babae ngunit sa kahit kanino. Marespeto sa mga desisyon ng lahat. Magalang at marespeto hindi lamang sa unang pagkikita ngunit sa palagiang pangyayari. Hindi nangaapak ng tao. hindi nanghuhusga ng itsura. Ginagamit ang mga upang mang appreciate at hindi mang dura.

Ayos lang na malibog ngunit hindi sabik sa sex dahil alam ang mga konsekwensya sa mga pagkakamaling maaaring mangyari. Kapag nadulas at nakabuo ng buhay. Hindi ito tatakbo sa ilalim ng saya ng kanyang magulang. Haharapin ito ng buong puso, diba sabi mo ginawa mo yon dahil mahal niyo isa’t isa? Anong dahilan ng iyong pagkalas? Lalake ka diba? Tang ina mo buong buo!

Minsan o parati na ang lalake ay kumakatawan sa buong katauhan. At least, kung hindi kayang magpakalalake ay maging tao man lang. hindi tayo hayop, tulad ng isang aso na kapag matapos mag mating sa isang kapwa aso nito ay iiwan na lamang ang magiging mga anak sa babaeng aso.

Sa ginawa mong pag iwan sa iyong magiging anak, bilang isang tao, nagmistulan kang aso. Mas mababa pa. tumakbo ka sa nanay mo, iyakin!

Martes, Mayo 15, 2012 sa ganap na 4:50 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Mas madaling magreklamo kaysa gumalaw. Mas madaling mangopya kaysa mabokya sa examination. Mas madaling ngumiti kaysa sumimangot. Mas masarap maging single kaysa maging in a relationship. (agree?) mas madaling mag commute kaysa maglakad papuntang quiapo.

Sa madaling salita , we prefer the easiest way kaysa sa mga bagay na mabibigat sa loob at sa isipan. Gaya ng mga telenobelas na mas pinapanuod natin kaysa sa mga documentary films o shows. Mas gusto nating kiligin kaysa dagdagan ang ating kaalaman. Mga palabas na nila kim chui kaysa sa mga report nil aces drilon at maria resa. Mga palabas na tatalakay sa kamalayan ng tao at katototahanan sa buhay.

Walang market ang mga ganitong palabas, (the bottom line, saksi, I witness, I survived, patrol ng Pilipino etc.) kaya nagreresulta ito ng pagkawala ng magi sponsor. Walang commercial. Kaya naman hindi na pinpilit pa ng mga istasyon ang palabasin ito sa mas maagang oras. Lagging pang gabi. Pangpuyatan talaga ang mga documentaries na palabas. Kaya kung walang tyagang maghintay ang mga may interes dito eh walang magagawa kundi matulog na lamang. Hintayin sa internet at i-download.

Ang palabas naman na pang romansa o pang mga kiligan ang tema ay mapapanuod sa mas maagang oras. Umaga hapon at gabi kayat halos singit lamang ang mga docus. Dadaan pa ang maraming mga palabas bago natin mapanuod ang mga palabas na gusto natin. Oras ang labanan dito. Pahirapan ang nais upang maihatid sa mga tao ang nais nilang ipabatid. Sa bagay kailangan nga naman natin munang maghirap para makamtan ang nais. Pero wag naman dito sa panunuod sa TV. Dito na nga lang ang pinakamadaling paghahatid ng impormasyon sa mga tao, pahirapan din?

Anong oras niyo pinapatay ang TV niyo?


Bago mag bandila….

Mas inaabangan pa natin ang SNN.

Kasalanan to ng commercialism. Kasalanan to ng mga mukang profit na mga TV networks. Maipaaabot sana ng mga bigating networks an gang tunay na kalagayan n gating bansa kung sinusuportahan sila ng mga sponsors. Mapapanuod sana ng mga Pilipino ang mga magagandang palabas kung hindi lang takot ang mga networks na mawalan ng profit.

Subukan lang ng kahit anong network na magpalabas ng mga bandang hapon, sigurado marami ang sasaludo sa kanilang gagawin. Lalo pa ngayon ang mga pinoy ay hayok na hayok sa pagbabago at kaunlaran. Papatok din yan!

Tiwala lang.


sa ganap na 1:14 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

……. hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa textong ito. hindi ko rin alam anong mararating ng sulatin. basta, ewan ko din. mauuwi na naman ito sa walang katapusang sermon ko sa mga kabataan. feeling matanda nanaman ako nito.

pinag aral ka ng magulang mo, so nararapat lamang na mag-aral ka. wag mong sabihing karapatan mo yan kaya dapat lamang na makamtan mo ito. tungkulin mo naman ang mag-aral.

hindi porket may janitor sa paaralan o establishment na pinupuntahn mo, pede ka nang magkalat. wag mong sabihing “anong gagawin ng mga janitor kung hindi ako magkakalat?” parang sinabi mo na din na tungkulin mong magkalat upang magkaroon sila ng trabaho? at utang na loob nila sayo ang sweldo nila?

hindi porket hindi binibilang ang isang bagay, sosobrahan na natin. merong tamang paggamit ng mga kinokonsumo natin. ung sakto lang pero ok na. be contented. balance kumbaga. be considerate sa ibang tao. tandaan natin na hindi lamang tayo ang nangangailangan ng isang bagay. malay natin na ang sobra o sanay hindi natin nakonsumo ay malaking tulong sa ibang tao.

hindi porket nkakapagsalita tyo eh aabusuhin mo na ang kakanyahang yan. napanuod mo na ang old boys ng korea? dahil sa chismiss yan ang kinahantungan ng dating magkaeskwela. muntik nang magkapatayan.


may limitasyon ang bawat bagay. hindi porket karapatan natin ito ay gagawa tayo ng mga bagay na hindi karapat dapat. tandaan natin na ang katapusan ng isang karapatan ay isa pang karapatan. 

Lunes, Mayo 14, 2012 sa ganap na 4:48 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

isa sa unang unang pinangangalandakan ng mga Pinoy na katangiang natatangi (haha) ay ang pagiging hospitable. smile! kahit hindi kakilala, siguro ngingitian basta makitang namumukaan nila ang isa’t isa. kahit sa mga bahay, pwedeng makiinom o makitulog kung wala na talagang matutuluyan (very movie style). jan nabuo ang budol budol o salisi gang. well, hindi naman yan ang patutunguhan ko. welcome all! enjoy!

youporn, youjizz, xtube, bangbus, etc, alam mo din yan, magkunwari ka pa eh. minsan mo na din yang nabisita o natambayan. kung hindi man, wag mong subukan. hehe. itanggi man natin, ‘pag nakarinig tayo ng sex, halos mahiya tayong pag usapan ito. pero curious. ayaw nating madamay ang sarili natin sa usapang ganito dahil may tinatago din tayong kalibugan. baka kasi layuan tayo ng mga tao at pandirian.

napasali ka na din ba sa mag aliberated clans? bastusan ang labanan doon. yayaan ng SEB kung saan. secret agenda kung kaninong gustong kumabet. lalaki sa lalaki. babae sa babae. at sa magkaibang kasarian. wag ka ding sasabak sa ganyang text clans.

sobra na tayong kaiba kay maria clara at kay ibarra. (kung sila man ang pamantayan ng pagiging isa matinong Pinoy.) mahinhin pero matalino. makisig ngunit may pagtitimpi. bahid na bahid na sa atin ang kilos ng mga dayuhan. dulot marahil ito ng pagpsok ng mga palabas na hindi kailanman naging angkop sa mga kabataan o kahit sa kaugalian ng mga Pinoy. may mga babala pang bawal kapag hindi aprubado at walang gabay ng magulang ngunit ganun din naman. hehe wa masabi eh.


itong hayskul musical, market nito ang mga kabataan. alam nating hindi tayo allowed na makipagrelasyon kapag tayo ay hayskul pa lamang. (ang luma ko no) pero dahil masaya naman ang makipagrelasyon with matching kanta kanta pa sa panliligaw eh, pwede na as long as tayo ay masaya at ang puso ay napapakanta na din. (non sense)



itong juno din, (nang aaway nako nito haha) nagkabuntisan ang dalawang teens. Una’y nagkaproblema sila dahil hindi pa sila handa at hayskul pa lamang sila pero sa huli ay pinandigan din siyaa ng lalake. against all odds ang labanan nila dito kaya ang sweet ng dating para sa atin. ayon, pumatok dito sa Pinas. latest na bilang nila ng mga Pilipino ay higit sa 100 million na ata? ok lang ang magkabuntisan, basta papanagutin ng lalaki, sweet kaya.

itong glee ang pinakamalupit. hayskul theme ang kanilang front. walastik sa istorya. agawan ng boy friends at girlfriends. seducing each other, halikan at agawan ng atensyon, lahat halos upstager. doon sa palabas, pwede ang mga siraan sa faculty, away ng mga teachers at estudyante, landian ng faculty. pag addict ka dito gleek ka, muntik ka nang maging geek. sayang! patok na patok nga eh. pero i heard na mejo flop ang glee the movie nila. natutuwa tayo pag in tayo eh. lalo sa mga palabas sa ibang bansa. ang totyal kasi pakinggan at sa pakiramdam at higit sa lahat kapag napanuiod mo ang fresh from the us episodes (FUSE).


pati nga mga words at expressions nila ginagaya at mas malala ay sinasabuhay pa natin. dati ang salitang HOT eh para sa may mga lagnat lamang. ngayon pati sa tao pagde describe sa katangian at panlabas na anyo ay pwede na rin. “ang hot mo naman!” “thanks” sabay kindat at kagat sa labi. 

YUMMY ka! pagkain lang talga ang tinitikman hindi ba?  anyare? at doon nabuo ang salitang kainan. haha.

ngunit sa isang press conference na ginanap kung saan man, sinampal sa Pilipinas ang isang balitang sex lamang ang hanap ng mga dayuhan sa tuwing bumibisita sila dito sa atin. Hindi ko nakuha ung exact words pero ang pagkaintindi ko dito ay “bayang parausan?” o well masakit naman talaga sa mata kapag ang ingles ay trinanslate sa salitang Filiino. (gagamit nalamang tayo ng salitang hiram minsan no? pero dahil gusto kong mas harsh, tinagalog ko haha)

may pagkatotoo naman ng bahagya ang pahayag ni mang Thomas. sa pananaw kasi natin mas hot at yummy ang mga taga ibang bansa. (hindi ko sinasabing dapat sa kapwa pinoy tayo makipag sex dahil mali din ang gawin iyon sa hindi mo kakilala at asawa) imported ika nga nila. blue eyes, blonde hair, big boobs, and exaggerated na penis at maraming pang mga makikita sa mga porn movies.

gutom tayo sa ganitong idea ng sex partner. halimuyak at lasa ng katawan ng ibang bansa ang lagi nating gustong tikman. bakit nga pala tayo nging addict sa kanila? kay megan fox, kay brad pitt, kay angelina, kay nicole na pinay, kay kung sino man silang pantasya ng mga kung sino lang din. diba dahil un sa kanilang msyadong pag e exhibit ng kanilang mga katawan sa telebisyon at sasabihig ‘hey this is what you like right? you like it like it?’ tayo naman.. ‘yesssss’ 

si mang thomas, kunyari paparusahan ang kanyang mga kababayan kapag may nahuling sex lang ang habol dito sa Pinas. matanong ko lang, nasaan na nga ba si Daniel na nang rape at na convict matagal na ang nakalipas? halos wala na tayong balita sa kanya simula noong nailipat sya sa puder ng mga amerikano. baka nga nakabalik na yon sa kaniyang serbisyong military eh.

nakakahiya ang mga binitiwang pahayag ni mang thomas. nakakahiya naman sa kaniya na ang mga kapwa niya amerikano ang mga parokyano. sila itong mga tagapagpalabas ng libido sa ating katawan, hindi ba? sila itong nagbigay sa atin ng mga idea ng kung anong dapat standard sex partner hindi ba? ngunit anyare nanaman?

bulag na nga tayo. binulag nila tayo. banlag na tayo. diretso ang mukha ngunit iba ang tinitignan. alam na natin na tayo ang ginigisa sa mainit nilang pakulo sa mga palabas. bulok na yan. magbabago pa tayo. take control government. maaari namang ipagbawal ang mga porn sites hindi ba? ang MTRCB, ipag bawal ang mga palabas na lubos na hindi akma sa kulturang pinoy. 

sabi nga ni maria ressa “si Pnoy may magandang adhikain sa bansa, ngunit kulang sa lakas ng loob sa mga desisyong gagawin”

Linggo, Mayo 13, 2012 sa ganap na 4:28 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

kawawa naman ang court ng lugar anmin, naging basurahan ng mga tao mula sa itaas. kawawa naman ang mga basurahan, nuong araw nakanganga wala man lang nagpapakain. 

ano kayang nangyayari sa mga tao ngayon? walang pakundangan sa pagtatapon ng basura kung saan saan. tila kayabangan ang pinaiiral na kapag nagtapon ng basura sa court ay may tapang sa sarili. kay liwanag pa ng araw ngunit hindi natatakot na magtapon. samantalang dati rati naman, magtapon lang ng candy sa lapag hindi na mapakali kung paano itatago ang mukha sa madla. ngayon hindi na, magtapon ka ng basura, gagayahin pa. maghagis ng kalat, taas noo pang ginagawa.

dito sa seventh floor kung saan kami nakatira, malawak ang abot ng aming paningin. kitang kita namin ang mga confetting bumabagsak mula sa kamay ng kupal na nagtapon. walang ginagawang programa, kahit ordinaryong araw, bukas na bukas ang court para tanggapin ang anumang uri ng palamuti, malaki man o maliit. 

dito rin sa seventh floor, may computer shop na punong puno ng kabataan. hindi mawawala sa kanila ang mga sitsiryang napakaraming vertsin at chemical. sa tapat ng shop naroroon ang isang itim na lalagyang tinatawag na basurahan. kung lalakad pa ng kaunti, makikita ang isang malaking espasyo na pinaglalaruan ng maraming bata, tawag dito ay court. 

hindi ko maintindihan sa mga bata at matatanda sa kahit saang parte ng lugar kung bakit mas pinipili nilang ilagay ang basura nila sa court. mahirap bang maunawaan na ang court ay palaruan at ang basurahan ay lagayan ng basura? kahit naman siguro hindi ituro sa eskwela ang pagkakaiba ng dalawa ay hindi ito masakit sa ulo intindihin. 

minsan gusto kong magsuhestiyon sa Brgy. Officials ng 901 na huwag ng pinturahan ang court sa halip lagyan na lang ng paalala katulad ng HINDI AKO BASURAHAN!  siguro pwede rin magpatupad na lang ng ordinansa na ang mahuling nagkakalat ay may karampatang penalty at ang makakahuli ay makatatanggap ng pabuya. kaso mahirap, matrabaho.

mas maganda sa pinakasimpleng paraan tayo magsimula. dapat maging parte ang bawat nakatira sa tenement sa kalinisan ng kapaligiran. tayo tayo rin naman ang araw araw na nakikisalamuha sa lugar na ito. hangga't kaya nating ibulsa muna ang kakarampot na kalat o basura, gawin natin. maghanap na lang tayo ng basurahan sa pinakamalapit na lugar, pwede rin namang maghugas ng kamay matapos maitapon ito.

nakakahiya bang magtapon ng basura sa tamang lalagyan? hindi ba't mas nakasusulasok ang mga taong marumi sa paligid? mahiya ka naman!

Sabado, Mayo 12, 2012 sa ganap na 8:42 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

tinanong ako ng interviewer noong naga apply ako sa isang kompanya ng pinakamalaki ko umanong accomplishment sa buhay. hindi ako nakasagot kaagad. hindi dahil sa failure ako palagian. hindi dahil sa hindi ako marunong maka appreciate sa mga biyaya. hindi rin dahil sa hindi ako makapag english nang panahon na iyon.
ginalugad kong maigi ang mga karanasan ko sa college, mga nagpabago ng buhay at pag iisip ko, at mga kahangalang desisyong napagtagumpayan ko. i passed the feasibility study, tanging naisagot ko sa interviewer. i wasn’t a team player. i don’t want to always rely on my groupmates. if i can do it then i will do it on my own. but i am no superhero. paliwanag ko pa.
kaya tayo binigyan ng pangalan upang matawag tayo ng mga taong nangangailangan ng tulong mula sa atin. kaya tayo may pandinig at puso para maunawaan ang lahat ng nakasalansan sa harapan natin. at kaya tayo pinagbuklod ay upang mabigyan natin ang isa’t isa ng gabay dahil hindi natin alam ang lahat ng bagay. maraming naibigay sakin ng feasibility study kaya marahil iyon ang aking naisagot.
May 11, 2012. itinakdang araw ng aking pagtatapos sa pag aaral. nakamit ko na ang isa sa mga pinakapinapangarap ng lahat ng magulang sa mundo. kitang kita sa mga mata ng lahat ng naroroon ang kagalakan. walang paglagyan ang pinaghalong lungkot at kasiyahan ng mga estudyante at magulang.
binalikan ko muli ang tanong ng interviewer sa akin, biggest accomplishment. iniisip ko pa rin kung marami na ba akong dahilan para gawing biggest accomplishment ang pagtatapos ko sa pag aaral. sa kasamaang palad, hindi pa rin. sa tingin ko ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing karapatan ng isang Pilipino. hindi ito pribilehiyo na kailangan pang dumaan sa butas ng karayom upang makamit ito.
gayon pa man, sa gitna ng aking pakikipagtalo sa tao sa loob ko, hindi ko pala dapat angkinin ang tagumpay na ito. hindi sa akin ito. dapat ito tunay na ngtulak sa akin na magpursige. sa bawat pagsagot ko ng mga exeminations, mga recitations na dapat lagpasan, mga pasok hanggang gabi, ang lahat ay natawid ko para makita silang nakangiti. 
ang matatanggap kong diploma ay hindi para sa akin. hindi ito katibayan ng aking kagalingan. ang totoo, dapat sa magulang ko manggagaling ang mga salitang biggest accomplishment yet. dahil sa kabila ng napakaraming mabatong daan sa buhay namin, hanggang sa huli hindi sila bumitiw sa kagustuhan nilang bigyan ako ng alas para sa magandang kinabukasan.
kaya para sa magulang ko, mama at papa, congratulations! you did great! mahal na mahal ko kayo! 
happy parent’s day! 
PS. ang bawat graduation day, feeling ko araw ng mga magulang. sila ang dapat parangalan!

sa ganap na 8:12 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

umuulan nanaman.. naalala ko nung mga panahong hindi pa ‘ko ganoong kalalim mag isip. di tulad ngayon medyo nakakapag isip na ‘ko ng mejo mababaw na malalim. hindi ko pa rin kasi maarok ang gusto kong level ng pag iisip eh. well hindi ko naman sinasabing may laman na isip ko. pero ewan ko din.

lagi akong natutulala sa oras ng Filipino namin. epal kasi prof namin laging kwento ng buhay niya na hindi naman totoo. ako na mapanghusga. pero kasi ang dami niyang karanasang sumusuma na kinukwento ng barbero haha. kumbaga lahat ng kuwento sa kayumanggi eh hala may karanasan ding ganoon. 

pero hindi ito tungkol sa kanya. ang ulan. bakit kapag umuulan galit na galit ang mga tao? eh sabi niya naman ito ay tumtukoy sa isang malakas na pagbuhos ng biyaya. praa sa mga nasa maiinit na lugar, sa mga malimit lamang maulanan. mangyari lamang ang kaunting pag ulan, magbubunyi na. 

ano nga pa lang napakasama ng pag ulan? if i know kaya lang naman tayo nalulungkot dahil ini imagine natin ang bawat pagpatak ng ulan ay ating luha. kasabay ng paghagupit ng hangin, animo ika’y binubugbog ng iyong mga alaala. ano ngang masama sa pagdidilig ng halaman. tuyot na tuyot na sila eh.

minsan ang ulan din ang nagpapahiwatig na oras na para diligan ang puso nating matagal nang walang pagdaloy ng kaligayahan. point ko? wala haha ang babaw ko nanaman.

naitanong ko tita ko tungkol sa lagay nila sa probinsya, sabi niya “eto wala pang ambon, wala pang pension eh”

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile