Matagal ko na ding hawak ang cellphone kong to. 2630. Simple lang kasi. Bagamat walang masyadong kagagandang features gaya ng mga bagong labas na brands ngayon, naroroon pa rin ang pinakahahanap ko sa isang cellphone. Makatanggap at makapagpasa ng mga text messages. May radio rin to, nakapakikinig pa ko ng morning rush. May camera rin to, kahit VGA lang ayos na, hindi din naman ako mahilig kumuha ng picture ng mukha ko eh. Nakakapag internet din ako ng libre. Google, for assignments. Nagbabasa ng blogs sa tumblr, wordpress and blogspot. Nakakapag status sa facebook. Masaya na ko sa cellphone ko pramis.
Kinukumbinsi natin ang sarili natin na ayos na tayo sa ganitong set up. Na sapat na. kahit may mga sabit na. pilit pa rin nagsusumiksik.
First year college ito nang mapasa akin. First cellphone ko rin to kaya mahirap pakawalan. Kahit sobrang napakarami nang alok ng tatay ko akin na mas maganda pa dito. Una sasabihin ko na gusto ko ang alok niya sa akin, pero maya maya ay babawiin ko din. Iniisip ko ang napakaraming mga events na pinagsamahan namin ng 2630 na to.
Ang past ay nandiyan bilang inspiration, lakas na pwedeng hugutan kung may dagok na kinakaharap. Wag matakot na iwan ito pero hindi dapat na ito’y kalimutan.
Corby, Samsung star, nokia x2, at may dalawa pang hindi ko na matandaan. Minsan sinabi na din ng tatay ko na ako na lang daw bumili dito sa Pinas ng gusto kong cp, bibigyan na lang niya ako ng pera. Canvass muna ako ng mga presyo sa sm sta. mesa. nakahelera ang mga sobrang gagandang mga cellphones doon na bagong labas. Tinignan kong muli ang hawak ko, papalitan na ba kita?
Kahit napakaraming magagandang nakalatag sa harap kung hindi interesado ay hindi mangyayari ang nais maganap.
Kung susumahin, four years na kaming nagsasama nito. Halos kasama ko ito sa journey ko sa buong college. Kung iisipin din sa pagkupkop ko dito, eh napag iwanan na ko ng teknolohiya. Naiwan ako sa radio, samantalang ang iba nag e enjoy na sa mga memory card at may radio din. Naiwan ako sa VGA at ang iba nasa mega pixels. Yung iba ginagamit itong 2630 para sa panglabas na gamit, pero may blackblerry bilang private usage. Kailangan ko na bang iwanan ito? o dapat pa rin akong kumapit sa mga alaala ng cellphone na ito? kahit ito na mismo ang umaayaw? Sumusuko?
Ang pagbitaw ay hindi nangangahulugan ng pag iwan. Ang pagtanggap ng bago sa buhay ay hindi pagsasawalang bahala sa nakaraan. Minsan ang pagyakap sa hinaharap ay pagbubukas sa bagong oportunidad sa pag unlad.
Hanggang nayon, tangan ko pa rin itong lumang cellphone. nag lilimang isip, kung meron man na ganoong tawag, na bumili ng bago.
Hindi na natuto.
Tulad kapag umiibig.
Mag-post ng isang Komento