uso na ngayon ang virtual relationship. Mapa facebook, twitter, tumblr, sims, panaginip, hanggang sai bang mundo man yan. Text text lang nagyon, mamaya o kinabukasan sila na. magpapalit na ng relationship status sa facebook. I group message na agad. Chat chat lang kanina, nasabihan lang ng i love you naihi na sa panty. Anniversary na agad ang pinaguusapan. Walang nangyayaring pagtatagpo. Palitan lang ng facebook, titignan ang na adobe na itsura, pag trip, sugod agad sa laban.
Kaya urong ako diyan eh. Hindi ko gusto ang konseptong mabilisang relasyon. Kapag mabilis kasing nakuha ang pag ibig mabilis ding mawawala ito. kapag minadali, mamadaliin din ang pagtapos nito. Takot ako. Hindi ako ganoong katapang na sumabak sa relasyon. Kapag may nagparamdam, urong agad. Ayokong ma attach masyado sa mga textmates ko. Gaya nito…
tara kape! Tinext ko yung paborito kong virtual friend. Hindi na ako nag expect ng reply galing sa kanya, madalas kasi ang pakiramdam ko kapag ka text ko siya ay pinagtyatyagaan lang ako nito. Hindi kasi ako bagay na maka text niya, lalo’t malayo ang itsura namin.
Timplahan mo ko. Naglambing. Potek.
Sige. Basta ikaw ang maghuhugas ng mga basong ginamit natin.
hala dugas!
Syempre ako na nga nagtimpla eh.
Nag usap kami na parang magkalapit lamang. Feeling ko nga inisahan lamang niya ako kasi alam siguro niyang may gusto ako sa kaniya. Pero hindi ko din naman balak na manligaw. Let it slide. Kung gusto niya ng laro. Edi ibigay. Tutal nag e enjoy din naman ako sa feeling ng ganito. Kinabukasa..
Kape ko? Una siyang nag text. Mukang umeepal na to ah. Sabi ko sa sarili ko.
Tapos na ko magkape eh. Kaw nalang muna.
Damot! Oh edi tumigil na ang kakulitan niya. Di nagtagal araw araw na kaming nagkakape sa text. Hinayaan ko na lang siyang mangulit. Sayang din naman kasi ung unlimited text ko.
May circle of friends din kami. Kaya GM lang minsan sapat na sa amin. Minsan nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa gateway. Try lang umano ang place, sabi kasi nila may magagandang place din doon. Ewan ko kung anong maganda sa mall. Pero sige.
Tong si milky, tawag ko sa kanya, biglang nagtext sakin, uy kuliglig(tawag niya sakin) punta ka sa gateway? Sama ka ah? Pumayag naman ako hindi pa rin kasi ako nakakapunta sa mall na un. Pero nitong araw na tinakda ng pagpunta sa gateway. Hindi ako sumipot. Wala lang. tinatamad ako. Kinabukasan, nag GM ako. Kamusta mga sumama sa gateway?
Hindi ka pumunta. Si milky.
Wala kasi akong pera e. nagsinungaling ako. Kamusta pala?
Ayon hindi masaya.
Bakit?
Hindi dumating yung date ko eh. Sayang.
tapos ang love story! haha
Mag-post ng isang Komento