Hindi nasusukat ang pagiging lalake sa haba ng kanyang ari. Hindi din sa dahilang nakatikim na siya ng maraming babae o sa kung ilan na ang kanyang naging girlfiends. Hindi din lalo sa kung wala pa siyang nagiging kasintahan. hindi din naman masasabi na tunay na lalake ang lalake kung marami na siyang napaiyak na babae at lumuhod sa kanyang pagmamakaawa. Sa itsura, hindi porke’t gwapo o panget ang lalake, tunay na ito. sa basag ulo din, marahil ang iba ay ang mga punit sa mukha ang batayan nila ng kanila pagiging maton.
Huhusgahan kaagad ang isang lalake dahil mas marami ang kaibigan niyang babae kaysa sa lalake? Sa pananalita nito, ang kalambutan ng boses o sa kulot ng boses ng isang lalake ay hindi din sumusuma sa kanyang tunay na kasarian.
Ang tunay na lalake, naninindigan sa kanyang mga sinabi kahapon. Alam ang mga ginagawa ngayon. At tatanggapin ang resulta kinabukasan. Hindi ito gagawa ng mga bagay na magiging que sera sera ang sagot sa tanong na paano na bukas? Lagi itong may baon na conviction, yes or no lang at walang ewan.
Kumukilos kapag desidido na. pinagiisipan ang lahat ng mga bagay, inaalam ang mga pros ang cons ng kanyang aksyon, plinaplano at kapag nakapagnilay na ay agad nang isasagawa ng buong kalooban.
Hindi ginagamit ang bibig upang magpaibig ng babae. Sa halip ginagamit ang bibig bilang instrumento upang magpahayag kanyang tunay na nararamdaman. Hindi inaabuso ang kalayaan sa pagsasalita upang makasakit ng kapwa sa halip ay ginagamit ito para maging maaliwalas ang mundo at pagaanin ang pakiramdam ng mga kaibigan nito.
Higit doon ay ang pagiging matipid nito sa pagsasalita. Mas madaming kilos kaysa bulalas. Pinipili ang mga salitang pakakawalan. Binubuka nito ang kaniyang bibig dahil kailangan at alam niyang may laman ang kaniyang bibigkasin. Hindi siya pumuputak para may masabi lang kasi gipit na siya ng sitwasyon.
Hindi takot na mawalan ang kanyang minamahal dahil alam niyang ginawa niya ang kaniyang lahat maging makahulugan lamang ang kanilang pagsasama. Alam na hindi nagkulang kayat hindi kailangang magalala. Secured. Gayon pa man ay laging iniisip na ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang kanyang huli.
Ang I love you ay napakahalaga. Binibigkas lamang ang salitang ito sa harap ng tunay na taong pinagaalayan at pinagpaparamdaman ng puso at isipan. Isa lamang sinasabihan nito. Walang una, pangalawa ngunit nagiisa lamang.
Magalang hindi lamang sa babae ngunit sa kahit kanino. Marespeto sa mga desisyon ng lahat. Magalang at marespeto hindi lamang sa unang pagkikita ngunit sa palagiang pangyayari. Hindi nangaapak ng tao. hindi nanghuhusga ng itsura. Ginagamit ang mga upang mang appreciate at hindi mang dura.
Ayos lang na malibog ngunit hindi sabik sa sex dahil alam ang mga konsekwensya sa mga pagkakamaling maaaring mangyari. Kapag nadulas at nakabuo ng buhay. Hindi ito tatakbo sa ilalim ng saya ng kanyang magulang. Haharapin ito ng buong puso, diba sabi mo ginawa mo yon dahil mahal niyo isa’t isa? Anong dahilan ng iyong pagkalas? Lalake ka diba? Tang ina mo buong buo!
Minsan o parati na ang lalake ay kumakatawan sa buong katauhan. At least, kung hindi kayang magpakalalake ay maging tao man lang. hindi tayo hayop, tulad ng isang aso na kapag matapos mag mating sa isang kapwa aso nito ay iiwan na lamang ang magiging mga anak sa babaeng aso.
Sa ginawa mong pag iwan sa iyong magiging anak, bilang isang tao, nagmistulan kang aso. Mas mababa pa. tumakbo ka sa nanay mo, iyakin!
Mag-post ng isang Komento