Narinig mo na ba ang unibersidad sa pilipinas na sobrang baba ng kanilang matrikula? Dito mo matatagpuan ang mga estudyanteng aktib sa mga isyung kinakaharap ng bansa pati na din ng mga estudyante. Madalas laman ng mendiola ang mga estudyante nito dahil sa pagmamahal nito sa kanilang nakakawawang kababayan. Kuha mo na?
sa loob ng kampus, may makikita kang anim na palapag na gusali. May north, east, west at south na parte ang kabuuan ng establishimento. Pag akyat ng ikalawang palapag, naroroon ang college of economics, finance and politics. Bigating mga kurso. Sa pagpapatuloy mo sa pag iikot sa buong palapag, madadaanan mo rin ang mga masisipag na estudyanteng kumukuha ng nasabing programa.
Maaari mo silang makita sa lobby, ito ang tambayan nila kapag wala pang kwartong pwedeng matambayan. O kaya’y kapag mainit na sa loob ng kwarto dahil sa isa lamang ang gumaganang bentilador. Sa dome, ang paikot na mga upuang dinisenyo upang tulugan. Madilim kasi dito, pero pwede ding kainan kapag ang lahat ng kwarto ay okupado na ng mga nagkaklaseng mga estudyante.
Finally, sa pag iikot mo, makikita mo ang classrooms, ang palipasan ng isa’t kalahating oras o tatlong oras ng mga estudyante kasama ang kanilang napakasipag na dalubhasang guro. Yan ang karaniwang madaratnan mo sa ikalawang palapag.
Ngunit nagkakamali ka sa pag aakala mo na natatapos na diyan ang iyong pagtuklas sa buong palapag. Sa dulong kwarto nito, naroroon ang mga grupo ng mga estudyanteng natatangi. Pinagpala sila dahil pinagsiksikan sa kanilang seksyon ang mga magagaling at matatalinong mga estudyante ng kanilang batch. Maging ang kanilang mga propesor ay humahanga sa pagiging konsitent at masipag nila sa klase.
Bilang pabuya, binigyan sila ng proyekto ng mga guro. Kailangan nilang magsagawa ng outreach program sa isang elementary school kung saan ay mabibigyang pagkakataon sila na makapagturo sa mga ito ng paraan kung paano makapag ipon. Magandang oportunidad ito sa kanila na mapraktis at maibahagi ang kanilang kaalaman ukol dito. Pamaskong handog na din ito sa mga kabataan.
Eksayted na ang mga magagaling na mga estudyante. Ngunit unti unting nagsulputan ang mga problema. Wala silang pangtustos sa mga gastusin. Kasama kasi sa proyekto nila ang pamamahagi ng mga alkansya sa mga bata. Mga pagkain din para sa mga bata, mga guro nila, sa kanilang mga sarili.
Nabanggit na ba na madiskarte rin sila? Nagpasya silang mag solicit sa mga taong mapepera, kakilala, o sa kahit sinumang makasalubong nilang nakasuot ng gold o 925 silver. Basta mukang mapagbigay. Lakasan din ng loob ang kailangan dito, pakapalan ng muka magkaroon lamang ng pandagdag pondo bukod sa kanilang mga pera sa bulsa. Kailangan nilang makaipon ng 300 o humigit pa sa kotang halaga sa kahit anong paraan basta bukal sa puso at walang nakatutok na kutsilyo.
Ilang araw ang dumaan at nariyan na ang oras ng pagre remit ng mga na akumuleyt. Magkakaalaman na din kung sino ang mga astig na nakapanghingi ng higit pa sa inaasahan. Natuwa ang lahat dahil halos ang bawat isa ay nakaipon ng pera. May mga tunay saktong 300 lamang ang binigay at iba ay sumobra pa. astig! Ibig sabihin lamang nito ay positibong maisasakatuparan nila ang kanilang adhikain.
Ngunit nanaman, may isang estudyanteng hindi nakapagtimpi na nagtaas ng kamay at nagbulalas ng kaniyang nararamdaman.
Teka, ang binigay ko ay 620 tapos siya 300 lang? unfair naman yon! San mapupunta yung 320 ko?
Mag-post ng isang Komento