Natatawa na talaga ako sa mga pinoy ngayon. Natatawa na tlga ako. Natatawa hindi dahil sa mga ginagawa nilang komedya ngunit dhil sa mga kilos na lubha nang hindi normal kumpara sa mga sinauna.
Masyado na siguro tayong lunod sa mga pinapanuod nating mga palabas na hindi man lang nagpapakita ng riyalidad ng buhay na sana ay tinatama natin at hindi pa kinatutuwaan at ina-idolize. Bagaman mayroong mga palabas ngayon sa telebisyon na tumpak sa realidad, pinapanuod ba?
Hindi ba’t mas pinipili pa nating abangan ang next series ng smallville kaysa sa mangyayari sa Maguindanao massacre? Hindi ba’t iniiyakan pa natin si nanay na nanunuod ng balita para makapanuod ng inaabangan nating palabas sa star movies?
Meron talagang mga pelikula na hindi natin namamalayan na lubha na tayong nailalayo sa dati nating mga nakasanayan. Minsan pa nga ay sa pangarap na natin. Kamusta ang pagtingin natin sa salamin para tignan kung may nagbago na sa hugis ng katawan dahil nga sa uso ito at nakita natin sa idol natin?
Hindi ba’t hindi lang puro idol ang nakikita sa tv? Eh ang pagsulyap natin sa salamin upang tignan kung kagaya tayo ng isa sa mga pinakakinaaayawan nating housemate? Malamang? Hindi, dahil mas gusto nating mag-search sa google ng mga pictures ng taong iyon. Na humihingi pa tayo ng pera pang rent sa shop para mag ‘become a fan’ at makiisa sa mga nagmamalinis na tao sa Pilipinas.
Hindi ba’t pinag-uukulan pa natin ng pansin ang pag-eedit ng pictures ng taong iyon at ipo-post kung saan saan at maghintay kung madami nang nag-like at nag comment na tuwang tuwa dahil ginawa natin yon? Palakpakan pa dahil sa nakita nilang kasiraan. At ang pinakamalupet, andami nating oras na ginugol para mag-search sa friendster o kung san man site ng mga bago at lumang pictures na magpapatunay na tama ang mga hinala natin sa kaniya. Pag nakita natin ang nais, tatawa ng malakas o kundi ay ngiti na parang aso, sabay nito ang pagkopya sa URL o ‘save picture as’ para ma-share sa mga kaisa sa paniniwala. At isang click lng? Makikita na nila ang pinagpaguran natin.
Ang daming nag view, nag like, nag comment. Wow. Accomplishment? Accomplishment dahil may napatunayan tayo sa mga taga hanga na credible ang mga impormasyong pinapahayag? Nakaluwag naman dahil sa nagawa? Napatunayan sa sarli na magaling tayong pumindot sa search button at maghintay ng result?
Na habang tuwang tuwa tayo sa mga resulta at likes at comments, hindi man lamang naisip na ganito tayo magsyesta at mamyesta sa mga‘research works’, may iba ding mga taong hindi man sila ang pinag-uukulan ay nasasaktan. May magulang din ito na hindi akalain na gagawin ng madlang tao na clown o sentro ng inggit man o galit ang kanilang anak, halos gawin ba naman itong thesis na lubhang daming pages ang nagawa, revises upang lalong sumakit ang mga salita, reviews para makita ang mga mali upang lalong maging mali na pumapasa naman sa mga mata ng mga tanga hanga.
Huwag kang tatawa, hindi kami nagpapatawa.
Mag-post ng isang Komento