tinanong ako ng interviewer noong naga apply ako sa isang kompanya ng pinakamalaki ko umanong accomplishment sa buhay. hindi ako nakasagot kaagad. hindi dahil sa failure ako palagian. hindi dahil sa hindi ako marunong maka appreciate sa mga biyaya. hindi rin dahil sa hindi ako makapag english nang panahon na iyon.
ginalugad kong maigi ang mga karanasan ko sa college, mga nagpabago ng buhay at pag iisip ko, at mga kahangalang desisyong napagtagumpayan ko. i passed the feasibility study, tanging naisagot ko sa interviewer. i wasn’t a team player. i don’t want to always rely on my groupmates. if i can do it then i will do it on my own. but i am no superhero. paliwanag ko pa.
kaya tayo binigyan ng pangalan upang matawag tayo ng mga taong nangangailangan ng tulong mula sa atin. kaya tayo may pandinig at puso para maunawaan ang lahat ng nakasalansan sa harapan natin. at kaya tayo pinagbuklod ay upang mabigyan natin ang isa’t isa ng gabay dahil hindi natin alam ang lahat ng bagay. maraming naibigay sakin ng feasibility study kaya marahil iyon ang aking naisagot.
May 11, 2012. itinakdang araw ng aking pagtatapos sa pag aaral. nakamit ko na ang isa sa mga pinakapinapangarap ng lahat ng magulang sa mundo. kitang kita sa mga mata ng lahat ng naroroon ang kagalakan. walang paglagyan ang pinaghalong lungkot at kasiyahan ng mga estudyante at magulang.
binalikan ko muli ang tanong ng interviewer sa akin, biggest accomplishment. iniisip ko pa rin kung marami na ba akong dahilan para gawing biggest accomplishment ang pagtatapos ko sa pag aaral. sa kasamaang palad, hindi pa rin. sa tingin ko ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing karapatan ng isang Pilipino. hindi ito pribilehiyo na kailangan pang dumaan sa butas ng karayom upang makamit ito.
gayon pa man, sa gitna ng aking pakikipagtalo sa tao sa loob ko, hindi ko pala dapat angkinin ang tagumpay na ito. hindi sa akin ito. dapat ito tunay na ngtulak sa akin na magpursige. sa bawat pagsagot ko ng mga exeminations, mga recitations na dapat lagpasan, mga pasok hanggang gabi, ang lahat ay natawid ko para makita silang nakangiti.
ang matatanggap kong diploma ay hindi para sa akin. hindi ito katibayan ng aking kagalingan. ang totoo, dapat sa magulang ko manggagaling ang mga salitang biggest accomplishment yet. dahil sa kabila ng napakaraming mabatong daan sa buhay namin, hanggang sa huli hindi sila bumitiw sa kagustuhan nilang bigyan ako ng alas para sa magandang kinabukasan.
kaya para sa magulang ko, mama at papa, congratulations! you did great! mahal na mahal ko kayo!
happy parent’s day!
PS. ang bawat graduation day, feeling ko araw ng mga magulang. sila ang dapat parangalan!
Mag-post ng isang Komento