Martes, Pebrero 28, 2012 sa ganap na 2:55 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

at bubusalan na nila ang PUP. tatanggalin na ang the catalyst sa sirkulasyon. nakakalungkot lang na ang tanging diyaryong binabasa ko eh mawawala na. sino na ang magmumulat sa mga estudyante? sino na ang magbibigay ng inspirasyon sa mga nais maging manunulat? sino na ang matatakbuhan ng mga iskolar kung wala na si pylon? 
meron lang talagang mga naiinggit na parties na nag-aasam ng kapangyarihan. babalik nanaman tayo sa pagiging leader. manghuhusga nanaman ako ng taong mga hindi ko kilala. siguro, third year students silang mga mapanghangad. siguro kailangan nila ang position para sa resume nila. para bumango.
tapos ang nakakainis pa eh ang admin ng page ng polytechnic university of the philippines eh mukhang pumapanig sa Kilos! kaya puro statements ng kilos ang nilalabas nila. mga gahaman sa pansin. gusto nilang marinig ang mga hinaing nila pero ayaw nilang makinig. ganyan tayo eh. kahit yung nanuod ako ng campaign nila sa may amphi theater. katabi ko ang mga samasa, kakilala ko isa roon, ang nagsasalita ay ang taga kilos. nakikinig kaming lahat. pero nung nagsasalita na ang isa sa mga tumatakbong taga-samasa, ayaw na nilang makinig. tsk.
natatandaan ko pa nung first year ako, ang ingay ng PUP. as in. pero hindi naman na ingay ng mga lata ang maririnig natin. pero ingay ng kanilang mga hinaing sa bayan. mga pagsasawalang bahala ng gobyerno sa PUP at sa mga mahihirap. mga hindi pantay na trato. sa korapsyon. sa pagtaas ng presyo ng bigas, ng gas, ng ice tea. 
second sem. may sumulpot na mga naka dilaw. kilos party. gusto nilang iboto sila ng mga estudyante. gusto nilang umupo sa pwesto ng student council. gusto nilang i represent ang mga kapwa iskolar ng bayan. tila mga dilawang prutas na susulpot kapag kabuwanan nila o kung anumang tawag doon. mga trapo, sa eleksyon lang gagawa para makilala ng mga estudyante.
kung taga PUP, nakapagtataka bang umupo ang samasa party ng mahigit 30 years? hindi diba? dahil sila ang tunay na naglilingkod sa mga estudyante. tanungin natin ang magkabilang panig ng tungkol sa student handbook na kahit ako hindi ko alam. ang makakasagot ay ang mga taga samasa. dahil sila, hindi lang sila pang academics, sinasama rin nila ang mga estudyante at mamamayan sa prayoridad nila. 
minsan tinanong ko ang kaklase ko na pumapanig sa kilos noong second year kami. bakit ba bigla na lang sumusulpot yang mga kilos kapag elecksyon na? hindi kaya, wala lang sila rito kasi hindi nila ito balwarte. nagulat ako sa sagot niya. hindi ba’t sa PUP lang kami pareparehas. so marapat lang na buong PUP ang balwarte ng mga partido. hindi sa second floor, hindi sa third, hindi sa kahit saan. dapat sa lahat.
ngayon, nagkakagulo na ang PUP. hindi um-attend ang kilos party sa pag canvass ng balota. ngayon nagrereklamo sila kasi tinuloy ng comelec ng PUP ang pagbibilang. nagpakalbo sila kasi mahaba na buhok nila este bilang protesta pala sa karumihan umanong ginagawa ng mga samasa at sa pagiging bias ng comelec officials. 
saan kaya pupunta to? naiinis lang talaga ako. sana ang the catalyst eh mag release na lang ng PDF file para pwede pa rin magbasa. 
BOW.

Miyerkules, Pebrero 15, 2012 sa ganap na 2:45 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

“sa dinami rami ng mga taong gustong pumasok sa aking bahay, ikaw ang aking napili. malapit nang matapos ang laban ngayon ka pa nagiging pasaway! matigas ang ulo! sinasayang mo ang pagkakataong ibinigay sa’yo!” bulalas ng boses na nagtatago kung saan. hindi nagpapakita ang tao sa likod ng boses ngunit halos lahat ay nangingilabot sa tuwing siya’y nagsasalita.

pero iba si albert. marahil kaya pinapagalitan ng boses si albert ay dahil sa kaniyang prinsipyo. “hindi naman kasi porke’t nakahain na sa harapan ko ang mga task mo kuya eh, gagawin ko na lamang.” kalmadong paliwanag ng binatang hindi pa nakaka-graduate ng kolehiyo. sinabi pa nito na prinapraktis lamang niya umano ang kaniyang mga natutunan noong siya pa ay nasa kolehiyo’t nag-aaral.

dalawa na lamang silang naglalaban para sa pinakamataas na pwesto ngunit tila mapupurnada pa ang pagsungkit dito ni albert. hindi kasi magawang tanggapin ni albert ang hamon ng mapag-utos na boses na siraan ang kaniyang kalaban at kutyain sa harap ng mga manunuod upang mapunta sa kaniya ang mga boto nila. ito umano ang ‘biggest challenge’ sa loob ng bahay na dapat malagpasan upang siya’y tanghaling ‘big winner.’

hindi man pormal na hawak niya ang titulong nakapag-aral sa isa sa pinakatanyag na eskwela ng Pilipinas ay alam niya sa sarili na sa oras na makatapak at makaupo sa silid aralan ng unibersidad, makalabas man siya ay bitbit niya na ang pangalan ng  paaralan. na nasa kaniyang mukha ang logo nito, nakatali na sa kaluluwa niya ang pagiging palaban para sa tama at nakabubuti sa nakararami at higit sa lahat tila isang apelyido ito sa kaniya na nakadikit saan man siya mapunta.

ganyan ka ba sa paaralan mo?”

“hindi po, ganito ako maging sa labas ng paaralan ko.” ang ispiritu ng isang tunay na tao ay isa rin sa pinanghahawakan niyang alas sa ibang tao. gamit na gamit ni albert ang ‘human potential’ ni karl marx sa tuwing nahaharap siya sa ‘di makataong pagsubok. “hindi ako tulad ng hayop na ‘pag sinabing tumalon, ako’y tatalon. patawad ngunit nagkamali ka ng taong napili mong pumasok sa’yong bahay.”

bagama’t hindi naman talaga nakikita ang ekspresyon ng mukha nitong tao sa likod ng boses ay halata sa kaniya ang pagkabigla. ilang segundo pa nang si albert ay muling pasadahan ng litanya. “pumasok ka dito para suwayin ako?” 

muli, hindi po. pero pumasok ako dito hindi para maging robot mo.” 

isang matagal na sadali saka bumalik ang boses. nakapagdesisyon na itong si big brother na patalsikin si albert sa naturang bahay dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntunin. hindi naman sumalungat itong si albert. “mabuti na rin ito” sambit sa sarili. lalabas naman umano siyang dala dala ang kaniyang ulong nakataas, nakapatong ang korona ng prisipyo.

mayo na. ilang buwan na din ang nakalipas. ngayon ay muling makikita si albert sa kaniyang sintang paaralan. ipagpapatuloy ang naudlot na laban. araw-araw na naman niyang makakasalubong ang tatlong toreng napakatayog sa harapan ng gate. lagi niya itong tinitingala. “sa pagkakataong ito, papasanin ko na ang buong paaralan maging ang tatlong salitang sumisimbolo sa pylon.” bulong nito sa sarili.

——-
ito ay entry ko sa contest ng pagsulat ng sanaysay noong feb 3. biglang naging maikling kwento no? malamang para sa mga PUPian dito alam niyo na ang dahilan ng pagkatalo ko. 

Lunes, Pebrero 13, 2012 sa ganap na 6:46 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

minsan inanyayahan si angelo ng kaniyang kapitbahay na masugid na tagasunod ng simbahan na um-attend ng seminar o pagtuturo sa kabataaan sa gaganaping dulaan. ito umano ay alinsunod sa taon taong selebrasyon ng dambana. mula umano doon, kung makakapasa ang isang binatilyo, maaaring mapili siyang maging isa sa mga apostol ni hesus. 
maghuhugas ka ng paa ni father.” nakangiti nitong sabi na para bang isang pribilehiyo ang makapaglinis ng paa ng ibang tao. “nida! ipapaalam ko lang si angelo sa sabado ah? malay mo maging pari ang anak mo!” dagdag salita niya na papunta sa nanay ni angelo. 
ilang araw ding ginulo ang ulirat ni angelo ng mga salitang binikas nung manang. hindi niya mawari kung anong kinalaman ng paghuhugas ng mga paa ng pare sa pagiging pari. pribilehiyo ba ang makapag alis ng dumi ng isang nakaupo sa simbahan? hindi niya talaga maintindihan. 
malay mo maging pari si angelo. maging pari si angelo. pari. si angelo. magiging pari.
sabado ng umaga, araw ng seminar para sa gaganaping dula-dulaan. hindi na nagbihis si angelo ng maganda o pumorma pa. naligo na lang at gumayak ng pambahay na damit. masusunog kaya ako sa simbahan? bulong niya sa sarili, nakatayo sa harap ng gate ng simabahan. 
halos tatlong buwan na ring hindi nakadadalaw sa sagradong lugar si angelo. nawalan kasi siya ng gana sa pagsisimba dahil patuloy na pangingialam ng mga taong simbahan sa desisyong ginagawa ng gobyerno para sa bayan. pinangako siya sa sarili niya na hangga’t hindi naipapasa ang RH Bill na maging batas dahil sa patuloy na pag impluwensya ng kaparihan ay hindi muna siya magsisimba.
ginunita ni angelo ang sermon ng pari noong huli niyang simba. punung puno ng negatibong press realease tungkol sa naturang batas. kesyo abortion umano ito. kesyo dapat magpakarami at hindi pigilan ang paglabas ng bata. kesyo blessings ang bawat tao. pilit kinukumbinsi ang mga um-attend ng misa na sumama sa kanila upang pigilan ang pagsasabatas nito. muntik nang mag walk out si angelo sa kalagitnaan ng sermon ni faher noon. pero nagtimpi na lang siya. nakinig ng mga hinaing ng pari kahit wala namang kinalaman sa misa.
hay. akmang desididong nang pumasok si angelo sa loob ng simbahan kasabay ng pagdatingan ng ibang pang mga batang kalahok, hinarang agad siya ng isang babaeng naka full brown na damit. mother battler ata ang tawag sa kanila. anong ginagawa mo rito? sasali ka? magpalit ka ng damit. hindi pwedeng humarap sa altar ang ganyang itsura. natulala na lang si angelo sa sinigaw ng matanda sa kaniya. lumakad papalayo at hindi na muling nilingon pa ang simbahan. 
“masasaktan ba ako o matutuwa? una labag sa loob ko ang pagpunta ko rito. nahihiya lang talaga ako sa nag-anyaya sa akin. pangalawa, kailangan ba akong ipagtabuyan dahil sa suot ko? kapag papasok ba sa lugar niya dapat presentable ako samantalang ang tanging intensyon ko lang dito ay magdasal at hindi magpasikat sa mga kasama ko? o di kaya’y dapat bang ipamukha sa mga hindi kayang magsuot ng magagarang damit na hindi tanggap sa bahay ng diyos ang mga ganiyang itsura? sige, sabihin mo na yung nag eeffort mag bihis kapag party pero sa pagdarasal ayaw magmagandang ayos. pero party yon, sayawan. bakit kailangan ng dress code? wala namang requirements para mapakinggan ng nasa itaas diba? katahimikan lang.” pagalit na sabi ni angelo sa kaniyang sarili. tameme siya sa nangyaring pantataboy sa kaniya. 

sa ganap na 6:45 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


hindi mo dapat siya pinatulan dahil mas bata siya sa’yo. galangin mo ang nakatatanda sa’yo.
mahal kita, mahal mo siya at mahal nya ‘ko.
pansin mo ba na mas nakakagago ang unang pahayag kaysa sa pangalawa?
——
sa tuwing napapadaan ang paningin ko sa mukha ng batang si fiona ay salitang blotter kaagad ang aking naaalala. summer noon nang magpasya ang mga kalaro ko ba maglaro ng patintero sa rooftop ng aming tinitirhan (tenement). maalinsangan at tirik ang mainit na mata ng hari sa taas pero tiniis namin ‘yon sa ngalan ng kasiyahan masulit lang ang natitirang mga araw ng bakasyon. 
sakto na kami sa sampu kaya nagsimula nang magkampihan. hindi pa man nakakapagdesisyon kung sino ang taya ay may sumingit nang dose anyos na bata. si fiona. gusto umano niyang sumali sa laro kahit patotoot lang. 
hindi namin siya pinasali dahil una kumpleto na kami. pangalawa lugi ang magiging kakampi niya. sa iksi ng biyas niya at bagal niya tumakbo, paniguradong bagoong tigong kamatis at talong sabay iyak ang mga kasama. patotot pa ang napili niya gayong iyon ang pinakapuso ng mga tauhan sa laro. kaya sabi namin, siya na lamang ang magiging substitute kapag may napagod na kasama. 
hindi siya pumayag. hindi makapaghintay, ayaw maetsapwera sa laro. umaktong bata si fiona. nakikisali sa laro, nakikitakbo, nagbabato ng mga kalat, binubura ang mga linyang gawa ng chalk na tanging tanda ng mga manlalaro.
bilang pang-aasar kay fiona at makaganti man lang, nagpasya ang barkada na itigil ang laro at ituloy na lamang kapagka umalis na si fiona. gumana ang plano pero lalong nagwala si fiona, tila nag supersayan. ang kaninang walang pinatutunguhang bato ay sumesentro na sa amin. akma na siyang lalapit sa amin na may hawak na bato, unti unting iniaangat ang kamay, pupukpukin ang aking kaibigan! PPOOOK! humagulgol ang batang si fiona dahil sa suntok ni isaac. naunahan pala siya sa pag atake ng aking kaibigan. 
paging isaac, panawagan upang pumunta ka dito sa barangay hall.umalingawngaw sa buong kapitbahayan namin ang anunsyo dahilan upang lahat kami ay mag-panic baka malaman ng magulang namin ang kaninang nangyari. kailangan naming magmadali, kapag naunahan kami ng nanay namin ay baka iba pa ang makarating na balita. 
sa kasamaang palad, nakaabang na roon si fiona nakayakap sa kaniyang nanay. lukot ang mukha ng matanda, ito namang si fiona ay pula ang mukha. nakaturo siya kay isaac. maraming sinasabi ngunit wala namang maintindihan dahil mas malakas ang hikbi niya kaysa sa pagsasalita.
bumitiw ang nanay kay fiona. nanlaki na lamang ang aming mata nang makita naming namimilipit na si isaac sa sahig. napakabilis ng kilos ng nanay supersayan. sinuntok niya si isaac! 
“inaano ka ba ng anak ko? bakit mo sinuntok sa mukha?”
“babae yan eh, mas bata pa sayo! bakit mo pinatulan?” sabi ng secretary ng barangay.
tita, ang sakit po ng mata ko.” nakakaawang nakakaasar na sabi ni fiona sa secretary ng brgy.
ngayon, malalaki na kami. lumipat na ng bahay si isaac. nakikita ko pa rin si fiona. nagpalit na rin ng secretary ang brgy namin. hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang hindi kapantayan ng batas sa aming brgy. gusto ko sanang silipin ang blotter’s list, naroon pa rin kaya ang pangalan ng aking kaibigan? 
gusto kong malaman, ano bang mali? ang pumatol sa bata o pumatol sa mas nakatatanda? ano nga ba’ng ibig sabihin ng pagiging bata? sa edad? sa utak? 

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile