Lunes, Pebrero 13, 2012 sa ganap na 6:45 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


hindi mo dapat siya pinatulan dahil mas bata siya sa’yo. galangin mo ang nakatatanda sa’yo.
mahal kita, mahal mo siya at mahal nya ‘ko.
pansin mo ba na mas nakakagago ang unang pahayag kaysa sa pangalawa?
——
sa tuwing napapadaan ang paningin ko sa mukha ng batang si fiona ay salitang blotter kaagad ang aking naaalala. summer noon nang magpasya ang mga kalaro ko ba maglaro ng patintero sa rooftop ng aming tinitirhan (tenement). maalinsangan at tirik ang mainit na mata ng hari sa taas pero tiniis namin ‘yon sa ngalan ng kasiyahan masulit lang ang natitirang mga araw ng bakasyon. 
sakto na kami sa sampu kaya nagsimula nang magkampihan. hindi pa man nakakapagdesisyon kung sino ang taya ay may sumingit nang dose anyos na bata. si fiona. gusto umano niyang sumali sa laro kahit patotoot lang. 
hindi namin siya pinasali dahil una kumpleto na kami. pangalawa lugi ang magiging kakampi niya. sa iksi ng biyas niya at bagal niya tumakbo, paniguradong bagoong tigong kamatis at talong sabay iyak ang mga kasama. patotot pa ang napili niya gayong iyon ang pinakapuso ng mga tauhan sa laro. kaya sabi namin, siya na lamang ang magiging substitute kapag may napagod na kasama. 
hindi siya pumayag. hindi makapaghintay, ayaw maetsapwera sa laro. umaktong bata si fiona. nakikisali sa laro, nakikitakbo, nagbabato ng mga kalat, binubura ang mga linyang gawa ng chalk na tanging tanda ng mga manlalaro.
bilang pang-aasar kay fiona at makaganti man lang, nagpasya ang barkada na itigil ang laro at ituloy na lamang kapagka umalis na si fiona. gumana ang plano pero lalong nagwala si fiona, tila nag supersayan. ang kaninang walang pinatutunguhang bato ay sumesentro na sa amin. akma na siyang lalapit sa amin na may hawak na bato, unti unting iniaangat ang kamay, pupukpukin ang aking kaibigan! PPOOOK! humagulgol ang batang si fiona dahil sa suntok ni isaac. naunahan pala siya sa pag atake ng aking kaibigan. 
paging isaac, panawagan upang pumunta ka dito sa barangay hall.umalingawngaw sa buong kapitbahayan namin ang anunsyo dahilan upang lahat kami ay mag-panic baka malaman ng magulang namin ang kaninang nangyari. kailangan naming magmadali, kapag naunahan kami ng nanay namin ay baka iba pa ang makarating na balita. 
sa kasamaang palad, nakaabang na roon si fiona nakayakap sa kaniyang nanay. lukot ang mukha ng matanda, ito namang si fiona ay pula ang mukha. nakaturo siya kay isaac. maraming sinasabi ngunit wala namang maintindihan dahil mas malakas ang hikbi niya kaysa sa pagsasalita.
bumitiw ang nanay kay fiona. nanlaki na lamang ang aming mata nang makita naming namimilipit na si isaac sa sahig. napakabilis ng kilos ng nanay supersayan. sinuntok niya si isaac! 
“inaano ka ba ng anak ko? bakit mo sinuntok sa mukha?”
“babae yan eh, mas bata pa sayo! bakit mo pinatulan?” sabi ng secretary ng barangay.
tita, ang sakit po ng mata ko.” nakakaawang nakakaasar na sabi ni fiona sa secretary ng brgy.
ngayon, malalaki na kami. lumipat na ng bahay si isaac. nakikita ko pa rin si fiona. nagpalit na rin ng secretary ang brgy namin. hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang hindi kapantayan ng batas sa aming brgy. gusto ko sanang silipin ang blotter’s list, naroon pa rin kaya ang pangalan ng aking kaibigan? 
gusto kong malaman, ano bang mali? ang pumatol sa bata o pumatol sa mas nakatatanda? ano nga ba’ng ibig sabihin ng pagiging bata? sa edad? sa utak? 

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile