minsan inanyayahan si angelo ng kaniyang kapitbahay na masugid na tagasunod ng simbahan na um-attend ng seminar o pagtuturo sa kabataaan sa gaganaping dulaan. ito umano ay alinsunod sa taon taong selebrasyon ng dambana. mula umano doon, kung makakapasa ang isang binatilyo, maaaring mapili siyang maging isa sa mga apostol ni hesus.
“maghuhugas ka ng paa ni father.” nakangiti nitong sabi na para bang isang pribilehiyo ang makapaglinis ng paa ng ibang tao. “nida! ipapaalam ko lang si angelo sa sabado ah? malay mo maging pari ang anak mo!” dagdag salita niya na papunta sa nanay ni angelo.
ilang araw ding ginulo ang ulirat ni angelo ng mga salitang binikas nung manang. hindi niya mawari kung anong kinalaman ng paghuhugas ng mga paa ng pare sa pagiging pari. pribilehiyo ba ang makapag alis ng dumi ng isang nakaupo sa simbahan? hindi niya talaga maintindihan.
malay mo maging pari si angelo. maging pari si angelo. pari. si angelo. magiging pari.
sabado ng umaga, araw ng seminar para sa gaganaping dula-dulaan. hindi na nagbihis si angelo ng maganda o pumorma pa. naligo na lang at gumayak ng pambahay na damit. masusunog kaya ako sa simbahan? bulong niya sa sarili, nakatayo sa harap ng gate ng simabahan.
halos tatlong buwan na ring hindi nakadadalaw sa sagradong lugar si angelo. nawalan kasi siya ng gana sa pagsisimba dahil patuloy na pangingialam ng mga taong simbahan sa desisyong ginagawa ng gobyerno para sa bayan. pinangako siya sa sarili niya na hangga’t hindi naipapasa ang RH Bill na maging batas dahil sa patuloy na pag impluwensya ng kaparihan ay hindi muna siya magsisimba.
ginunita ni angelo ang sermon ng pari noong huli niyang simba. punung puno ng negatibong press realease tungkol sa naturang batas. kesyo abortion umano ito. kesyo dapat magpakarami at hindi pigilan ang paglabas ng bata. kesyo blessings ang bawat tao. pilit kinukumbinsi ang mga um-attend ng misa na sumama sa kanila upang pigilan ang pagsasabatas nito. muntik nang mag walk out si angelo sa kalagitnaan ng sermon ni faher noon. pero nagtimpi na lang siya. nakinig ng mga hinaing ng pari kahit wala namang kinalaman sa misa.
hay. akmang desididong nang pumasok si angelo sa loob ng simbahan kasabay ng pagdatingan ng ibang pang mga batang kalahok, hinarang agad siya ng isang babaeng naka full brown na damit. mother battler ata ang tawag sa kanila. anong ginagawa mo rito? sasali ka? magpalit ka ng damit. hindi pwedeng humarap sa altar ang ganyang itsura. natulala na lang si angelo sa sinigaw ng matanda sa kaniya. lumakad papalayo at hindi na muling nilingon pa ang simbahan.
“masasaktan ba ako o matutuwa? una labag sa loob ko ang pagpunta ko rito. nahihiya lang talaga ako sa nag-anyaya sa akin. pangalawa, kailangan ba akong ipagtabuyan dahil sa suot ko? kapag papasok ba sa lugar niya dapat presentable ako samantalang ang tanging intensyon ko lang dito ay magdasal at hindi magpasikat sa mga kasama ko? o di kaya’y dapat bang ipamukha sa mga hindi kayang magsuot ng magagarang damit na hindi tanggap sa bahay ng diyos ang mga ganiyang itsura? sige, sabihin mo na yung nag eeffort mag bihis kapag party pero sa pagdarasal ayaw magmagandang ayos. pero party yon, sayawan. bakit kailangan ng dress code? wala namang requirements para mapakinggan ng nasa itaas diba? katahimikan lang.” pagalit na sabi ni angelo sa kaniyang sarili. tameme siya sa nangyaring pantataboy sa kaniya.
Mag-post ng isang Komento