at bubusalan na nila ang PUP. tatanggalin na ang the catalyst sa sirkulasyon. nakakalungkot lang na ang tanging diyaryong binabasa ko eh mawawala na. sino na ang magmumulat sa mga estudyante? sino na ang magbibigay ng inspirasyon sa mga nais maging manunulat? sino na ang matatakbuhan ng mga iskolar kung wala na si pylon?
meron lang talagang mga naiinggit na parties na nag-aasam ng kapangyarihan. babalik nanaman tayo sa pagiging leader. manghuhusga nanaman ako ng taong mga hindi ko kilala. siguro, third year students silang mga mapanghangad. siguro kailangan nila ang position para sa resume nila. para bumango.
tapos ang nakakainis pa eh ang admin ng page ng polytechnic university of the philippines eh mukhang pumapanig sa Kilos! kaya puro statements ng kilos ang nilalabas nila. mga gahaman sa pansin. gusto nilang marinig ang mga hinaing nila pero ayaw nilang makinig. ganyan tayo eh. kahit yung nanuod ako ng campaign nila sa may amphi theater. katabi ko ang mga samasa, kakilala ko isa roon, ang nagsasalita ay ang taga kilos. nakikinig kaming lahat. pero nung nagsasalita na ang isa sa mga tumatakbong taga-samasa, ayaw na nilang makinig. tsk.
natatandaan ko pa nung first year ako, ang ingay ng PUP. as in. pero hindi naman na ingay ng mga lata ang maririnig natin. pero ingay ng kanilang mga hinaing sa bayan. mga pagsasawalang bahala ng gobyerno sa PUP at sa mga mahihirap. mga hindi pantay na trato. sa korapsyon. sa pagtaas ng presyo ng bigas, ng gas, ng ice tea.
second sem. may sumulpot na mga naka dilaw. kilos party. gusto nilang iboto sila ng mga estudyante. gusto nilang umupo sa pwesto ng student council. gusto nilang i represent ang mga kapwa iskolar ng bayan. tila mga dilawang prutas na susulpot kapag kabuwanan nila o kung anumang tawag doon. mga trapo, sa eleksyon lang gagawa para makilala ng mga estudyante.
kung taga PUP, nakapagtataka bang umupo ang samasa party ng mahigit 30 years? hindi diba? dahil sila ang tunay na naglilingkod sa mga estudyante. tanungin natin ang magkabilang panig ng tungkol sa student handbook na kahit ako hindi ko alam. ang makakasagot ay ang mga taga samasa. dahil sila, hindi lang sila pang academics, sinasama rin nila ang mga estudyante at mamamayan sa prayoridad nila.
minsan tinanong ko ang kaklase ko na pumapanig sa kilos noong second year kami. bakit ba bigla na lang sumusulpot yang mga kilos kapag elecksyon na? hindi kaya, wala lang sila rito kasi hindi nila ito balwarte. nagulat ako sa sagot niya. hindi ba’t sa PUP lang kami pareparehas. so marapat lang na buong PUP ang balwarte ng mga partido. hindi sa second floor, hindi sa third, hindi sa kahit saan. dapat sa lahat.
ngayon, nagkakagulo na ang PUP. hindi um-attend ang kilos party sa pag canvass ng balota. ngayon nagrereklamo sila kasi tinuloy ng comelec ng PUP ang pagbibilang. nagpakalbo sila kasi mahaba na buhok nila este bilang protesta pala sa karumihan umanong ginagawa ng mga samasa at sa pagiging bias ng comelec officials.
saan kaya pupunta to? naiinis lang talaga ako. sana ang the catalyst eh mag release na lang ng PDF file para pwede pa rin magbasa.
BOW.
Mag-post ng isang Komento