Miyerkules, Pebrero 15, 2012 sa ganap na 2:45 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

“sa dinami rami ng mga taong gustong pumasok sa aking bahay, ikaw ang aking napili. malapit nang matapos ang laban ngayon ka pa nagiging pasaway! matigas ang ulo! sinasayang mo ang pagkakataong ibinigay sa’yo!” bulalas ng boses na nagtatago kung saan. hindi nagpapakita ang tao sa likod ng boses ngunit halos lahat ay nangingilabot sa tuwing siya’y nagsasalita.

pero iba si albert. marahil kaya pinapagalitan ng boses si albert ay dahil sa kaniyang prinsipyo. “hindi naman kasi porke’t nakahain na sa harapan ko ang mga task mo kuya eh, gagawin ko na lamang.” kalmadong paliwanag ng binatang hindi pa nakaka-graduate ng kolehiyo. sinabi pa nito na prinapraktis lamang niya umano ang kaniyang mga natutunan noong siya pa ay nasa kolehiyo’t nag-aaral.

dalawa na lamang silang naglalaban para sa pinakamataas na pwesto ngunit tila mapupurnada pa ang pagsungkit dito ni albert. hindi kasi magawang tanggapin ni albert ang hamon ng mapag-utos na boses na siraan ang kaniyang kalaban at kutyain sa harap ng mga manunuod upang mapunta sa kaniya ang mga boto nila. ito umano ang ‘biggest challenge’ sa loob ng bahay na dapat malagpasan upang siya’y tanghaling ‘big winner.’

hindi man pormal na hawak niya ang titulong nakapag-aral sa isa sa pinakatanyag na eskwela ng Pilipinas ay alam niya sa sarili na sa oras na makatapak at makaupo sa silid aralan ng unibersidad, makalabas man siya ay bitbit niya na ang pangalan ng  paaralan. na nasa kaniyang mukha ang logo nito, nakatali na sa kaluluwa niya ang pagiging palaban para sa tama at nakabubuti sa nakararami at higit sa lahat tila isang apelyido ito sa kaniya na nakadikit saan man siya mapunta.

ganyan ka ba sa paaralan mo?”

“hindi po, ganito ako maging sa labas ng paaralan ko.” ang ispiritu ng isang tunay na tao ay isa rin sa pinanghahawakan niyang alas sa ibang tao. gamit na gamit ni albert ang ‘human potential’ ni karl marx sa tuwing nahaharap siya sa ‘di makataong pagsubok. “hindi ako tulad ng hayop na ‘pag sinabing tumalon, ako’y tatalon. patawad ngunit nagkamali ka ng taong napili mong pumasok sa’yong bahay.”

bagama’t hindi naman talaga nakikita ang ekspresyon ng mukha nitong tao sa likod ng boses ay halata sa kaniya ang pagkabigla. ilang segundo pa nang si albert ay muling pasadahan ng litanya. “pumasok ka dito para suwayin ako?” 

muli, hindi po. pero pumasok ako dito hindi para maging robot mo.” 

isang matagal na sadali saka bumalik ang boses. nakapagdesisyon na itong si big brother na patalsikin si albert sa naturang bahay dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntunin. hindi naman sumalungat itong si albert. “mabuti na rin ito” sambit sa sarili. lalabas naman umano siyang dala dala ang kaniyang ulong nakataas, nakapatong ang korona ng prisipyo.

mayo na. ilang buwan na din ang nakalipas. ngayon ay muling makikita si albert sa kaniyang sintang paaralan. ipagpapatuloy ang naudlot na laban. araw-araw na naman niyang makakasalubong ang tatlong toreng napakatayog sa harapan ng gate. lagi niya itong tinitingala. “sa pagkakataong ito, papasanin ko na ang buong paaralan maging ang tatlong salitang sumisimbolo sa pylon.” bulong nito sa sarili.

——-
ito ay entry ko sa contest ng pagsulat ng sanaysay noong feb 3. biglang naging maikling kwento no? malamang para sa mga PUPian dito alam niyo na ang dahilan ng pagkatalo ko. 

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile