Martes, Setyembre 25, 2012 sa ganap na 1:02 AM sinalpak ni tadong daniel 12 Comments

Ito ang mga panahong gustong gusto kong magsulat. Kasama ng maiingay na tao sa paligid, lilikha ako ng tauhang magsisilbing tagapagmasid sa lahat ng nangyayari. Umiikot ang mga mata. Humahanap ng mapapasukang isipan. Pipiliting mapahaba ang nakukuhang tunog ng tainga. Pansamtalang ititigil ang mundo. Saka ako babanat ng mga letrang binuo sa nahagilap na pinagsama-samang imahe.

O ‘di kaya ay habang pumapasada ang aking bus na sinasakyan, ikukuwento ko sa mga mambabasa ang mga tanawing nakapukaw ng aking pansin. Bagama’t ang biyaheng pa-Cubao ay pamilyar na sa mga tao, may mga bagay tayong napapansin na nakakaligtas sa mata ng iba.

Halimbawa: Tatlong tao ang nasa iisang lugar. Nangyari ang isang krimen ngunit isa lang ang nakapagsabi ng tunay na naganap. Isa lang ang nakasaksi.

Masarap ikwento ang isang hindi pa naririnig ng karamihan. Isangkutya ang maliliit ngunit malasang mga tagpo. Gawing malaman ang sabaw na dinulot ng pagkahapo mula sa hitsura ng trabahador. Bigyang kahulugan ang kasiyahan ng dalawang binatang magkakapit bisig. Tutulungang magdahilan ang babaeng nagalit sa pagtapak ng kapwa pasahero sa kanyang sapatos. Kakausapin ang luhang kanina pa umaagos sa mata ng babaeng tulala.  

Minsan pa ay pinipilit habulin ang binibigkas ng mga kuliglig sa paligid. Baka sakaling maintindihan ko ang pagngawa nila sa sulok. Baka mas may saysay pa ang dinadaldal nila kaysa sa mga taong nakaharap sa kamera’t pustura pa sa suot.

Pero hindi ko magawa ngayon. Mas nanaig ang kagustuhan kong ubusin ang laman ng utak ko sa’yo. Gustong gusto kitang kausapin. Pag-usapan natin ang mga gumugulo sa isipan mo. Punuan ang lumalapad na espasyo ng ating ugnayan. At kapag umayon sa atin ang hangin, gagaan ang biyaheng ito. Madadampian ng ngiti ang suot mong mukha.

Ngunit iba ang ikinikilos mo. Pinili mong pakinggan ang sinasabi ng mang-aawit sa cellphone mo. Hinarap kita pero kamay mo lang ang sumagot sa aking pakiusap.

Alam ko naman na ang paroroonan ng istorya natin, eh. Ako lang din ang nagpilit na ihatid ka papunta sa inyo. Baka kasi sa kalagitnaan ng paglalakbay natin, magbago ang ihip ng hangin. Baka mag-iba ang katapusan.

Dito na ang babaan.”

“Sa wakas nagsalita ka rin. Hindi mo alam kung gaano…

“Paalam”

“….ko hinangad na makausap ka.”

--------------------
Maikling kwento
ang teksto sa itaas ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon)

www.saranggolablogawards.com.



 


 


Martes, Setyembre 18, 2012 sa ganap na 3:11 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Something inside
pushed me to write,
this I want
from my heart
not my brain
that is dictating
inside me.
it is my heart.
that’s full of space
friends, I thought
my friends,
will fill this emptiness
I’m alone.
Worst,
I’m lonely.
I’m crying inside.
who are loved,
who are brave
shouting i love you
I envy you
I chose this
I’m afraid
the yesterday.
I can’t forget
Falling in love
again
this I want
from my heart
in time
I wish for love
not that I need it
but I want it.
I saw paper
blank, full of space
I found marker
Asleep on a case
filing this sheet
using the ink
smiling
I found love.

Sabado, Setyembre 15, 2012 sa ganap na 11:43 PM sinalpak ni tadong daniel 1 Comment


May isang maliit na kwadradong bahay, tila isang barong barong. Butas butas ang dingding. Pagkapasok bubungad ang kainan. Isang maliit na plato sa lapag na tila hindi pa nahuhugasan mahigit isang linggo na. Sa hindi kalayuan ay ang higaan na kapantay lamang ng kainan. Sa ilalim ng tahanan, bumabagsak ang mga duming hindi maaaring pigilin.

Makikita sa loob ang may ari ng bahay. Isang babae, si Winnie. Ulila sa magulang at mga kapatid. Bihira lang lumabas si Winnie. Pinagbabawalan siya ng kaniyang mga amo. Kailangan niyang magtiis sa masikip na lugar dahil namamasukan lamang siya sa hindi rin namang kayamanang pamilya. Lumaki siya sa mga ito. hanggang pagtanda ni Winnie kasa kasama na niya ang pamilya.

Buntis sa hindi kilalang lalaki si Winnie. Kapag lumalabas kasi sa kaniyang lungga ay kung kani kaninong lalaki ito napapadapo. Tila gutom sa pagtingin ng iba. Sanay na siya sa hirap. Alam niya ang reyalidad ng buhay. Ngunit hindi mawaglit sa pag iisip ni Winnie ang posibilidad na maaaring kunin lamang ng kaniyang mga amo ang kaniyang magiging anak. Hindi niya kayang magpalaki ng anak sa ganyang kalagayan sabi nila.

Isang gabi, dalawang buwan na ang nakalipas, nanakit ang tiyan ni Winnie, namimilipit. Kinakalampag na niya ang bahay ngunit hindi ito pansin ng kaniyang mga amo. Kahit anong gawin nito ay hindi man lang siya nilingon ng mga ito. Wala siyang napili kundi masarili na lamang. Mahirap. Mabuti na lang at nairaos ito ni Winnie nang mag isa.

Umaga na nang makita ng kaniyang amo si Winnie kasama ang apat na anak. Alam ni Winnie ang balak ng kaniyang mga amo. Kukunin ito at ipamimigay sa ibang nangangailangan ng alipin. Hindi ito pinayagan ni Winnie. Tinignan niya ng masama ang amo. Nilabas ang pangil. Nagngangalit na ingay ang ginawa ni Winnie.

“Rawr! Rawr! Hmm grrr! Rawr!”  sambit ni Winnie sa kaniyang among nagpupumilit na kunin ang kaniyang mga anak. 

Biyernes, Setyembre 7, 2012 sa ganap na 1:25 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Sa lahat ng mga tuksong nagsisilabasan sa mundong ibabaw, pinakamahirap layuan sa mga ito ay ang pagtitipid. Lalo na noong nakaraang kapaskuhan, marapat lamang na hindi tayo lumabas ng bahay. Sa loob, hindi tayo makikita ng kung anumang makahihila sa atin na gumastos. O di kaya ay pikit matang lalabas. Sine, damit, pagkain at kung anu ano pang mga bagay na magiging dahilan ng pagdulas ng pera paalis ng bulsa.
Ngunit para sa isang anak ng mahirap, ng basurero, asahan natin na ang pagbili ng mga bagay na hindi mahalaga sa buhay niya ay ang pinakahuling desisyon na gagawin niya. Kasama ang kaniyang karanasang mawalan ng pera, makakain ng sabaw lang ang ulam at hindi pumasok dahil sa kawalan ng pambaon, inaaasahan natin ang pagtitipid sa kaniya.
Pasko nang pakiusapan ako ng ninang ko na magbantay muna sa kaniyang computer shop. Hindi na ako tumanggi, instant online na rin yon eh. Hindi pa nag iinit ang aking puwitan ng dumating si May, nagpunta sa sa harpaan ng server kasama nito ang kaibigang si Cathy na ang tatay ay isang OFW sa Saudi. Gagamit umano sila ng computer.
“tatlong oras po sa akin, sa kaniya dalawa.” Sabi ni May habang dumudukot ng perang pambayad sa wallet. Iniabot sakin ang 60php, dose lang kasi ang isang oras doon. Saktong presyo para sa mga gagawa lamang ng project, lubhang mura para sa mga nakikipagpustahan sa dota. Higit pa roon, ang dose pesos na ginugugol ng isang tao sa paglalaro ng tetris, dagdagan lamang ito ng kuwatro mayroon ng ulam na sardinas ang isang pamilya.
Nalungkot lang ako, bakit sa dinami rami pa ng batang kilala ko, siya pa ang walang pagtangging manlibre sa kaibigan niyang di hamak na mas may kayang magbayad ng dose pesos. Na kahit sobrang hirap na ng buhay kahapon, nakatanggap lang ng malaking pera ngayon, nakuha nang gumastos ng ganoon na lamang, hindi man lang iniisip ang kinabukasan.
PS. Ang mga kwento sa likod ng kaniyang pagpayag na manlibre ay hindi ko alam, tanging ginawa ko lang ay manghusga. hihi

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile