Ito ang mga panahong gustong gusto kong magsulat. Kasama ng maiingay na tao sa paligid, lilikha ako ng tauhang magsisilbing tagapagmasid sa lahat ng nangyayari. Umiikot ang mga mata. Humahanap ng mapapasukang isipan. Pipiliting mapahaba ang nakukuhang tunog ng tainga. Pansamtalang ititigil ang mundo. Saka ako babanat ng mga letrang binuo sa nahagilap na pinagsama-samang imahe.
O ‘di kaya ay habang pumapasada ang aking bus na sinasakyan, ikukuwento ko sa mga mambabasa ang mga tanawing nakapukaw ng aking pansin. Bagama’t ang biyaheng pa-Cubao ay pamilyar na sa mga tao, may mga bagay tayong napapansin na nakakaligtas sa mata ng iba.
Halimbawa: Tatlong tao ang nasa iisang lugar. Nangyari ang isang krimen ngunit isa lang ang nakapagsabi ng tunay na naganap. Isa lang ang nakasaksi.
Masarap ikwento ang isang hindi pa naririnig ng karamihan. Isangkutya ang maliliit ngunit malasang mga tagpo. Gawing malaman ang sabaw na dinulot ng pagkahapo mula sa hitsura ng trabahador. Bigyang kahulugan ang kasiyahan ng dalawang binatang magkakapit bisig. Tutulungang magdahilan ang babaeng nagalit sa pagtapak ng kapwa pasahero sa kanyang sapatos. Kakausapin ang luhang kanina pa umaagos sa mata ng babaeng tulala.
Minsan pa ay pinipilit habulin ang binibigkas ng mga kuliglig sa paligid. Baka sakaling maintindihan ko ang pagngawa nila sa sulok. Baka mas may saysay pa ang dinadaldal nila kaysa sa mga taong nakaharap sa kamera’t pustura pa sa suot.
Pero hindi ko magawa ngayon. Mas nanaig ang kagustuhan kong ubusin ang laman ng utak ko sa’yo. Gustong gusto kitang kausapin. Pag-usapan natin ang mga gumugulo sa isipan mo. Punuan ang lumalapad na espasyo ng ating ugnayan. At kapag umayon sa atin ang hangin, gagaan ang biyaheng ito. Madadampian ng ngiti ang suot mong mukha.
Ngunit iba ang ikinikilos mo. Pinili mong pakinggan ang sinasabi ng mang-aawit sa cellphone mo. Hinarap kita pero kamay mo lang ang sumagot sa aking pakiusap.
Alam ko naman na ang paroroonan ng istorya natin, eh. Ako lang din ang nagpilit na ihatid ka papunta sa inyo. Baka kasi sa kalagitnaan ng paglalakbay natin, magbago ang ihip ng hangin. Baka mag-iba ang katapusan.
“Dito na ang babaan.”
“Sa wakas nagsalita ka rin. Hindi mo alam kung gaano…
“Paalam”
“….ko hinangad na makausap ka.”
--------------------
Maikling kwento
ang teksto sa itaas ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon)
ang galing! hope you win! :)
kinilig ako... hahaha. ammm. sumali ka rin ba? pwede pabasa ng sa iyo? salamat!
kaganda naman nito sir. hanga talaga ko sa inyong panulat. :)
ang saklap ng dialogue sa dulo ah...
waaaah. TAMBAY at glentot, salamat sa pagbabasa! hehehe
anlupet..:)
eto ang banat... naks.
Nice meeting u pla sir sa seminar :)
Goodluck sa SBA.
Malikhain. Marunong mangiliti ang mga salita. :)
boss @jkul! idol kita eh.
sir bagotilyo! ms. cheenee! salamat sa pagdalaw! sa uulitin! pupunta rin ako sa inyo! pengeng pagkain! hahaha.
good luck! :D
hindi ko napigilang magkomento. ang ganda nito sir! pang-laban parang talisain na singtalas ng isip mo ang tari, ayos.
Ma'am jessica, salamat!
Sir Limarx, nabigla ako't napadalaw ka. Salamat sa pag appreciate. Kala ko naligaw lang komento mo, eh. Haha.