May isang maliit na kwadradong bahay, tila isang barong barong. Butas butas ang dingding. Pagkapasok bubungad ang kainan. Isang maliit na plato sa lapag na tila hindi pa nahuhugasan mahigit isang linggo na. Sa hindi kalayuan ay ang higaan na kapantay lamang ng kainan. Sa ilalim ng tahanan, bumabagsak ang mga duming hindi maaaring pigilin.
Makikita sa loob ang may ari ng bahay. Isang babae, si Winnie. Ulila sa magulang at mga kapatid. Bihira lang lumabas si Winnie. Pinagbabawalan siya ng kaniyang mga amo. Kailangan niyang magtiis sa masikip na lugar dahil namamasukan lamang siya sa hindi rin namang kayamanang pamilya. Lumaki siya sa mga ito. hanggang pagtanda ni Winnie kasa kasama na niya ang pamilya.
Buntis sa hindi kilalang lalaki si Winnie. Kapag lumalabas kasi sa kaniyang lungga ay kung kani kaninong lalaki ito napapadapo. Tila gutom sa pagtingin ng iba. Sanay na siya sa hirap. Alam niya ang reyalidad ng buhay. Ngunit hindi mawaglit sa pag iisip ni Winnie ang posibilidad na maaaring kunin lamang ng kaniyang mga amo ang kaniyang magiging anak. Hindi niya kayang magpalaki ng anak sa ganyang kalagayan sabi nila.
Isang gabi, dalawang buwan na ang nakalipas, nanakit ang tiyan ni Winnie, namimilipit. Kinakalampag na niya ang bahay ngunit hindi ito pansin ng kaniyang mga amo. Kahit anong gawin nito ay hindi man lang siya nilingon ng mga ito. Wala siyang napili kundi masarili na lamang. Mahirap. Mabuti na lang at nairaos ito ni Winnie nang mag isa.
Umaga na nang makita ng kaniyang amo si Winnie kasama ang apat na anak. Alam ni Winnie ang balak ng kaniyang mga amo. Kukunin ito at ipamimigay sa ibang nangangailangan ng alipin. Hindi ito pinayagan ni Winnie. Tinignan niya ng masama ang amo. Nilabas ang pangil. Nagngangalit na ingay ang ginawa ni Winnie.
“Rawr! Rawr! Hmm grrr! Rawr!” sambit ni Winnie sa kaniyang among nagpupumilit na kunin ang kaniyang mga anak.
Wawa naman si Winnie, sana pinalaki man lang ng konti yung mga tuta bago kinuha. Affected ako much LOL.