Sa lahat ng mga tuksong nagsisilabasan sa mundong ibabaw, pinakamahirap layuan sa mga ito ay ang pagtitipid. Lalo na noong nakaraang kapaskuhan, marapat lamang na hindi tayo lumabas ng bahay. Sa loob, hindi tayo makikita ng kung anumang makahihila sa atin na gumastos. O di kaya ay pikit matang lalabas. Sine, damit, pagkain at kung anu ano pang mga bagay na magiging dahilan ng pagdulas ng pera paalis ng bulsa.
Ngunit para sa isang anak ng mahirap, ng basurero, asahan natin na ang pagbili ng mga bagay na hindi mahalaga sa buhay niya ay ang pinakahuling desisyon na gagawin niya. Kasama ang kaniyang karanasang mawalan ng pera, makakain ng sabaw lang ang ulam at hindi pumasok dahil sa kawalan ng pambaon, inaaasahan natin ang pagtitipid sa kaniya.
Pasko nang pakiusapan ako ng ninang ko na magbantay muna sa kaniyang computer shop. Hindi na ako tumanggi, instant online na rin yon eh. Hindi pa nag iinit ang aking puwitan ng dumating si May, nagpunta sa sa harpaan ng server kasama nito ang kaibigang si Cathy na ang tatay ay isang OFW sa Saudi. Gagamit umano sila ng computer.
“tatlong oras po sa akin, sa kaniya dalawa.” Sabi ni May habang dumudukot ng perang pambayad sa wallet. Iniabot sakin ang 60php, dose lang kasi ang isang oras doon. Saktong presyo para sa mga gagawa lamang ng project, lubhang mura para sa mga nakikipagpustahan sa dota. Higit pa roon, ang dose pesos na ginugugol ng isang tao sa paglalaro ng tetris, dagdagan lamang ito ng kuwatro mayroon ng ulam na sardinas ang isang pamilya.
Nalungkot lang ako, bakit sa dinami rami pa ng batang kilala ko, siya pa ang walang pagtangging manlibre sa kaibigan niyang di hamak na mas may kayang magbayad ng dose pesos. Na kahit sobrang hirap na ng buhay kahapon, nakatanggap lang ng malaking pera ngayon, nakuha nang gumastos ng ganoon na lamang, hindi man lang iniisip ang kinabukasan.
PS. Ang mga kwento sa likod ng kaniyang pagpayag na manlibre ay hindi ko alam, tanging ginawa ko lang ay manghusga. hihi
Mag-post ng isang Komento