hindi naman porke nakaligtas ka sa unang putok, pagpapatuloy mo pa. hindi dahilan ang kasarapan para gawin pa ulit.
hindi masamang magkaanak. ‘yung pagkapanganak nga sa’yo hindi nagalit ang mundo, eh. pero siguraduhin mo lang na paninindigan mo. hindi ko tinutukoy ang pag-ako mo sa magiging anak mo. kundi ‘yung pagiging tagapagtaguyod ng nilabas mong sperm.
mahirap kasi akala mo kapag kaya mo nang patayuin ang titi mo, lalakeng lalake ka na. na kapag natuli ka na, pwede nang magkalat ng lahi. mali. simula nung matanggal ‘yang talukap ng ari mo, hindi lang pakikipaglaro kay mariang mapalad ang nagbukas, pati ang napakalaking resonsibilidad bilang tagahubog ng bagong henerasyon.
hindi pinagyayabang ang circumcision. tuli ka nga, urong naman ang bayag mo. magaling ka nga sa kama, kabisado mo pa nga ang kamasutra, pero kapag naging tatlo na kayo sa higaan hindi mo na malaman ang posisyon mo para makausad sa buhay.
naaalala mo ba ‘yung tinuro ng guro natin sa GMRC? ‘yung ningas kugon? ‘yung magaling lang sa simula? huwag kang ganoon. matapos mong iputok sa loob, tatakbo ka na? alam mo ‘yung pagkuha ng responsibilidad? angkinin mo ‘yung mabubuo. huwag kang matakot.
sana hindi lahat ng negative na pag-uugali inuwi mo tapos iniwan mo sa test paper ‘yung mga dapat mong dalhin. GMRC ang pinakamadaling asignatura pero hindi madala sa labas ng eskwela. napakadaling ipasa pero parang ang hirap isabuhay. samantalang ang math, nabilang na lahat ng chiklet sa kisame, hindi pa rin makuha ang sagot. paglabas sa kalsada, simpleng pagsusukli lang ang madadatnan.
sasabihin ko sa’yo, hindi madali ang pagdagdag ng magiging responsibilidad mo. kailangan mong matutog bilangin ang remainder sa pinaghatihati mong naipon sa isang buwan para mabatid mo kung kasya na ba para maitawid ang susunod na araw. mararamdaman mo ang kakulangan ng perang pinagpaguran mo ng isang buwan. magbabawas ka ng bisyo para maipahiram sa nagkukulang na pondo. napakaraming formulas na uuntog sayo sa hindi napapanahong paglabas ng tamod mo.
kailangan mong maghanap ng trabaho. hindi na sagutin ng magulang mo ang bunga ng ungol mo. napatayo mo ang dalawang paa mo, kasama pa ang isang sensitibong ari, samahan na ring turuan ang anak mong tumayo. hindi katulad ng tayo mong baluktod. patindigin mo ang bata hindi katulad ng pagpapagalit mo kay manoy na manlalata kapag pagod na.
sabayan mo siyang hanapin ang lakas niya. kumuha ka sa kanya ng aral. huwag mong sabihin sa kanya na na-excite lang ang egg cell ng mama niya at sperm cell mo kaya siya aksidenteng nabuo. iparamdam mo sa kanya na hindi siya mali. iparamdam mo sa kanyang kayang itama ang dating akala mong mali. sabihin mo sa kanyang siya ang pinakamalaking batong naipukol sa’yo. sa sobrang laki ng bukol, natuto kang mabuhay hindi lang para sa sarili mo.
tsaka please lang, huwag kang tatakbo. kapag nahihirapan ka na, sabihin mo sa kanya para malaman niyang hindi binibiro ang buhay. ini-enjoy pero nag-iingat.
isa pa, wag kang magpakulong sa lipunan. napakaraming posibilidad ang hinahandog ng mundo. hanapin mo.
Tamang-tama ito para sa mga PBB Teens sa paligid-ligid LOL
kaya nga, sir. kala nila puro sarap lang. ayaw pang gumamit ng condom. ang tapang. hahaha
aray. haha. madami talagang hindi nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng buhay e.
hi. hehe. natawa ako sa description mo. OVERRATED UNIVERSITY IN LOS BANOS. NAKS! hahaha
Na-enjoy ko to hehe idol talaga kita! Saya nung mga term di ko yata kayang gawin yan haha
Chato, salamat sa pagbabasa. maging malaya tayo sa pagsusulat. hindi katapangan ang nakasulat diyan. katotohanan. haha ang seryoso ng sagot ko.