Biyernes, Hulyo 20, 2012 sa ganap na 7:49 PM sinalpak ni tadong daniel 2 Comments

Muli tayong nagapi ng mga zombies sa nakaraan nilang atake. Hindi nanaman natin napaghandaan ang pagdating ni Dr. Zomboss. Pangalawa na ito. sana ay hindi na maulit pa ang ganitong mga pangyayari.

Aking biinalikan ang paglalaro ng Plants vs. Zombies. Inunawa ang larong mabuti, matagal tagal na rin itong natengga sa computer naming, nagkasawaan na lamang. Paulit ulit na lang kasi ang mga nangyayari sa tuwing nilalaro ko ang PVZ, magtatanim, magiiipon ng suns, magtatanim, magtatanim.

Habang tumatagal, napansin ko na hindi na ko basta na lang nakakainan ng utak ng mga halimaw di tulad ng dati. Iba’t ibang tekniks na kasi ang naimbento ko makalagpas lang mga sunod sunod na waves. Nakakadami na rin ako ng flags sa survival endless, siguro mga naka beinte kwatro. Ang iba naman marahil mas adik pa sa akin dito.

Ilang buwang naging pampalipas oras din ito ng mga pinoy. Kadalasan pa nga ay ito ang naging dahilan ng pagkalimot natin sa mga mas mahahalaga pang bagay. Lubos tayong nahumaling. Na master na nga ata natin ang pagtatanim, pagtatanim sa loob ng kompyuter. Magtanim ay di biro, maghapong nakaupo. Sa harap ng kompyuter, ilang oras ang binuno. Sa totoong buhay wala man lang naitanim ni monggo.

Ang Pilipinas, mga Pilipino, parati na lang tayong kumikilos kapag huli na, kapag may buhay nang nakuha, kapag huli na ang lahat. Ang tigas ng ulo natin.Mali kasi ang strategy natin eh. Mas marami pa ang pagbungkal natin ng mga lupain kaysa pagtatanim. Sa tunay na buhay pa naman, hindi natin malalaman ang pagdating ni Dr. Zomboss. Halos 28 na waves ang darating sa bansa natin taon taon. December na, kung kailan last wave na, doon pa tayo natalo.

Hindi ayos yan. Sa susunod na taon, back to level one tayo. Galingan na natin ang laban. Kakasa ka ba sa survival endless?

PS. Biniyaan tayo ng napakaraming bundok, ngunit atin itong kinalbo. Para lang tayong nagdala ng pananggang papel, madaling anurin, madaling magapi.

-----

sobrang luma na 'to. repost lang from tumblr account. hehe. salamat!

2 Responses so far.

  1. Tinigil ko ang paglalaro nito kasi naii-stress ako ng sobra. Stressed ako sa work tapos pag nilalaro ko ito naaburido pa ako.

    Kung walang naitulong ang PVZ sa agriculture, mas lalo sigurong mapapaisip ang mga naglalaro ng Farmville LOL

  2. pati ako. nasisira ko lang ang mouse namin. tapos nalaman kong may cheat, bakit pa magpapakapagod? haha.
    tanginang facebook games yan!

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile