Nangiti ka na agad? ‘wag ka nang magkaila. Kilala ko ‘yang itsurang yan. Pareparehas kayo. Mapanghusga! Ni hindi mo man lang inalam ang tunay na istorya. Binubuka niyo agad bunganga niyo. Hep! Papaliwanag ka pa? sus, nasaktan mo na ‘ko eh. Ngiti pa lang nakakainsulto na. mas malaki pa bibig mo kaysa utak mo. Oh hindi ba masakit ang mahusgahan? Kwits na tayo.
Naging titser mo ba si ma’am amber sa Aguinaldo elem school? Pakyu siya! Last titser ko siya noong nag aaral pa ‘ko. Hindi ko yun makakalimutan. Noong minsang magkabulutong ako, siyempre absent ako isang linggo. Ang alam ko pumunta doon si mama para magpaalam sa lahat ng kaguruan, sinangguni ang kalagayan ko. Matapos akong gumaling, pagkapasok ko, ang loko lokong titser, bungad agad sa akin,uy welcome niyo bago niyong kaklase.
Hindi ko malaman kung nag iba ba mukha ko noon o sadyang wala lang siyang masabing matino. Simula noon tinamad na ‘kong pumasok, pakiramdam ko out casted ako sa klase. Pati mga kaklase ko inaasar akong damulag. Porke’t ba 5’3’’ ako sa edad na 12 anyos? Tas puro peklat pa tong mukha ko. Hindi ko alam gagawin ko kaya umabsent na lang ako. Noong una tuwing Friday lang. sumunod tuwing Monday na din. Hindi ko na rin kasi makuhang magsipag dahil paulit ulit ang dialog tong si ma’am amber. Uy welcome niyo bago niyong kaklase. ako na lang lagi ang nakikita nila.
Tapos sinabi ko na lang sa mama ko na sa susunod na taon na lang ako mag aaral uli. Sawa na ko sa mukha nila. Kaso ganoon din ang mga nangyari, mas tumangkad pa ko. Edi lalo ako naging tampulan ng tukso. Doon ko napagdesiyunang hindi na talaga mag aral pa. napilit ko rin mama ko na mag home study na lang. kala ko mas madali dahil solo lang ako sa pag aaral. Pero itong bugok kong guro, kala sobrang talino, ang bilis magturo. Pineperahan lang mama ko.
Hindi na rin ako nakikipagkaibigan kahit kanino. Naging layuin din kasi ako sa mga tao. sa bagay, sinong magtyatyaga sa mukha kong to? Ganyan naman lahat, noong wala pang dungis tong mukha ko lapit sila ng lapit sakin. Mayaman kasi kami saka maganda din ako. Ngayon? Natatawa na lang ako, para silang nandidiri sa tuwing lalapit ako.
Pati mga tambay dito sa kanto namin. Pinupulutan nila ang pagiging out of school youth ko. Sa tuwing dumadaan ako sa harapan nila habang nag iinuman sila, ang lakas makasipol, nakakairita lang. halatang pang asar! Sama na natin yung mga santa santita dito. Mga dala dala ay rosaryo, pero iba ang mga binubulong. Mas inuuna pa ang pagdaldal kaysa sa pagsisipilyo pati ang paghahanda ng almusal. Bigla namang tatahimik kapag dadaan ako. kala nila hindi ko alam na ako ang ninonobina nila. Masyado na raw akong naliligaw ng landas.
Mga banal nga naman, feeling nila sila lang ang tama. Speaking of, binalak ko na ring tumakbo sa kura paroko ng simbahan. Tutal siya na din ang huli kong masasandalan, kaibigan din siya ng mama ko kaya medyo kilala niya ako. pumunta kami ng confession room, hindi uso doon ang tipikal na nakatakip ang muka ng butas butas na kahoy. Magkatabi lang kami ni father, sinasabe ko sa kaniya mga hinanakit ko sa kapaligiran at sa buong mundo. Hagulgol na ang iyak ko noon. mula sa pinakamaliit na kirot hanggang sa nagpapasakit ng puso ko, nasiwalat ko na kay father.
Gumaan na pakiramdam ko. Hinintay lang ako ni father maglabas ng galit. Hinawakan niya kamay ko. Sabi niya magiging maayos din ang lahat. Nangiti ako ng bahagya. Niyakap ko siya bilang pasasalamat. Tama ang nilapitan ko.
Humigpit ang yakap sa akin ni father. Hinalikan niya ang leeg ko! Hinimas niya likuran ko! Hindi ako makawala kay father! Hinalay niya ko! Sa inaakala kong pinakabanal na kapitbahay, siya rin pala ang pinakamapagbalatkayong taong nakilala ko. Ang dami niyang sermon sa simbahan. Natatawa ako kapag ang mga tao sa simbahan eh patuloy pang nagsisimba.
Ako ngayon ay out of school youth at out of the simbahan. Balak ko na ding maging out of the house. Nangingiti ka nanaman. Kala mo imbento ‘to? Ganyan tayo eh, mapanghusga.
magandang gabi! pinapaalam ko lang na ikaw ay naitag sa isang award. :)
http://1man1world.blogspot.com/2012/07/versatile-blogger-award-part-2-awards.html
Sakmalan ng kamalayan 'to. Sakmalan ng reyalidad. Totoong daloy ng buhay.
:)
sir, salamat sa pagbabasa. sakmalan ng sakit sa ulo ang malaman na ganyan ang halimbawa ng mga tao sa paligid ngayon. tila normal na lang. at ang mga abnormal ang mga taong.. hmmm. ano nga ba? hehe.