Biyernes, Hulyo 27, 2012 sa ganap na 6:46 PM sinalpak ni tadong daniel 2 Comments

Ipitik mo yang namumuong abo sa stick ng yosi mo. Huwag ka nang mahiya, kahit naman sa harap ng maraming tao mo iwan ang upos, wala na silang magagawa. Alangan naming damputin mo pa? tsaka mas madaling igalaw ang daliri kaysa ihakbang ang paa para maghanap ng basurahan. Tawanan mo na lang ang mga magtataas ng kilay dahil sa pagkakalat mo. Lagi mo ring tandaan na meron namang taga-walis ng lugar. Trabaho nila ‘yon. At ikaw, hindi mo kasalanan ang kawalan ng basurahan sa paligid.

Ibuga mo ang usok kahit saan. Total wala ka rin namang mapagpipilian. Kapag sa kanan mo ilalabas, sasama ang mukha ng ale. Itatakip ang panyo sa bibig. Sasabihan ka niyang ikaw ay bastos. Pero okay lang ‘yon! Hindi ka naman nasasaktan sa mga salita. Sensitive ka ba? Ibuga mo sa kaliwa. Malayo naman si manong. At mukha rin siyang nagyoyosi. Hindi siya magagalit. Baka nga makipagpagalingan pa siya sa’yo sa mabubuong imahe sa usok, eh. sa harap mo na lang. titigan mo kung saan dadalhin ng hangin. Maya maya’y mawawala na sa paningin mo ang usok. Mapupunta ‘yon kundi sa katabi mo, dahil nalanghap na niya o sa itaas, daragdag sa air pollution. Tandaan mo, first hand smoke is less dangerous as suppose to second. Air pollution? Hindi ka naman nag-iisa sa taga-sira ng mundo, eh. kaya chillax ka lang.

Naku! Paparating na ang sasakyang hinihintay mo! Paano ‘yan? Hindi m pa nauubos ang isang stick? Isang mahabang hithit muna, bago mo tuluyang pakawalan at itapon sa kanal ang natira. Lilinisin din naman ‘yon mamaya o bukas ng umaga. Wala ka rin namang pakialam kahit ang hindi nabubulok ang puting dulo ng sigarilyo diba?

Tapos ibuga mo na lang ang usok kapag nasa loob ka na ng jeep o sasakyan. Sa labas ng bintana habang umaandar para may effect. Huwag mo ring isipin ‘yung mga nasa likod dahil may panyo naman sila para pantakip. Kasalanan na nila  kapag hindi sila maagap.

Magkano nga pala ang isang stick ng yosi? Eh nakakailan ka sa isang magdamag? Huwag mo nang kwentahin. Kaya ka nga nagyoyosi para matanggal ang tension mo, diba? Bakit mo bibilangin ang gastos samantalang binibigyan ka nito ng hindi maipaliwanag na kasiyahan?

Kahit patigilin ka pa ng magulang mo sa bisyo na ‘yan. Kahit maubos na ang ipon mo. Kahit humpak na ang pisngi mo. ‘wag kang titigil. Ang astig kaya kapag may umuusok sa gitna ng mga daliti.

Wala silang pakialam! Sarili mo ‘yan!

Biyernes, Hulyo 20, 2012 sa ganap na 7:49 PM sinalpak ni tadong daniel 2 Comments

Muli tayong nagapi ng mga zombies sa nakaraan nilang atake. Hindi nanaman natin napaghandaan ang pagdating ni Dr. Zomboss. Pangalawa na ito. sana ay hindi na maulit pa ang ganitong mga pangyayari.

Aking biinalikan ang paglalaro ng Plants vs. Zombies. Inunawa ang larong mabuti, matagal tagal na rin itong natengga sa computer naming, nagkasawaan na lamang. Paulit ulit na lang kasi ang mga nangyayari sa tuwing nilalaro ko ang PVZ, magtatanim, magiiipon ng suns, magtatanim, magtatanim.

Habang tumatagal, napansin ko na hindi na ko basta na lang nakakainan ng utak ng mga halimaw di tulad ng dati. Iba’t ibang tekniks na kasi ang naimbento ko makalagpas lang mga sunod sunod na waves. Nakakadami na rin ako ng flags sa survival endless, siguro mga naka beinte kwatro. Ang iba naman marahil mas adik pa sa akin dito.

Ilang buwang naging pampalipas oras din ito ng mga pinoy. Kadalasan pa nga ay ito ang naging dahilan ng pagkalimot natin sa mga mas mahahalaga pang bagay. Lubos tayong nahumaling. Na master na nga ata natin ang pagtatanim, pagtatanim sa loob ng kompyuter. Magtanim ay di biro, maghapong nakaupo. Sa harap ng kompyuter, ilang oras ang binuno. Sa totoong buhay wala man lang naitanim ni monggo.

Ang Pilipinas, mga Pilipino, parati na lang tayong kumikilos kapag huli na, kapag may buhay nang nakuha, kapag huli na ang lahat. Ang tigas ng ulo natin.Mali kasi ang strategy natin eh. Mas marami pa ang pagbungkal natin ng mga lupain kaysa pagtatanim. Sa tunay na buhay pa naman, hindi natin malalaman ang pagdating ni Dr. Zomboss. Halos 28 na waves ang darating sa bansa natin taon taon. December na, kung kailan last wave na, doon pa tayo natalo.

Hindi ayos yan. Sa susunod na taon, back to level one tayo. Galingan na natin ang laban. Kakasa ka ba sa survival endless?

PS. Biniyaan tayo ng napakaraming bundok, ngunit atin itong kinalbo. Para lang tayong nagdala ng pananggang papel, madaling anurin, madaling magapi.

-----

sobrang luma na 'to. repost lang from tumblr account. hehe. salamat!

Linggo, Hulyo 15, 2012 sa ganap na 2:16 PM sinalpak ni tadong daniel 6 Comments

hindi naman porke nakaligtas ka sa unang putok, pagpapatuloy mo pa. hindi dahilan ang kasarapan para gawin pa ulit.
hindi masamang magkaanak. ‘yung pagkapanganak nga sa’yo hindi nagalit ang mundo, eh. pero siguraduhin mo lang na paninindigan mo. hindi ko tinutukoy ang pag-ako mo sa magiging anak mo. kundi ‘yung pagiging tagapagtaguyod ng nilabas mong sperm.
mahirap kasi akala mo kapag kaya mo nang patayuin ang titi mo, lalakeng lalake ka na. na kapag natuli ka na, pwede nang magkalat ng lahi. mali. simula nung matanggal ‘yang talukap ng ari mo, hindi lang pakikipaglaro kay mariang mapalad ang nagbukas, pati ang napakalaking resonsibilidad bilang tagahubog ng bagong henerasyon.
hindi pinagyayabang ang circumcision. tuli ka nga, urong naman ang bayag mo. magaling ka nga sa kama, kabisado mo pa nga ang kamasutra, pero kapag naging tatlo na kayo sa higaan hindi mo na malaman ang posisyon mo para makausad sa buhay. 
naaalala mo ba ‘yung tinuro ng guro natin sa GMRC? ‘yung ningas kugon? ‘yung magaling lang sa simula? huwag kang ganoon. matapos mong iputok sa loob, tatakbo ka na? alam mo ‘yung pagkuha ng responsibilidad? angkinin mo ‘yung mabubuo. huwag kang matakot. 
sana hindi lahat ng negative na pag-uugali inuwi mo tapos iniwan mo sa test paper ‘yung mga dapat mong dalhin. GMRC ang pinakamadaling asignatura pero hindi madala sa labas ng eskwela. napakadaling ipasa pero parang ang hirap isabuhay. samantalang ang math, nabilang na lahat ng chiklet sa kisame, hindi pa rin makuha ang sagot. paglabas sa kalsada, simpleng pagsusukli lang ang madadatnan. 
sasabihin ko sa’yo, hindi madali ang pagdagdag ng magiging responsibilidad mo. kailangan mong matutog bilangin ang remainder sa pinaghatihati mong naipon sa isang buwan para mabatid mo kung kasya na ba para maitawid ang susunod na araw. mararamdaman mo ang kakulangan ng perang pinagpaguran mo ng isang buwan. magbabawas ka ng bisyo para maipahiram sa nagkukulang na pondo. napakaraming formulas na uuntog sayo sa hindi napapanahong paglabas ng tamod mo. 
kailangan mong maghanap ng trabaho. hindi na sagutin ng magulang mo ang bunga ng ungol mo. napatayo mo ang dalawang paa mo, kasama pa ang isang sensitibong ari, samahan na ring turuan ang anak mong tumayo. hindi katulad ng tayo mong baluktod. patindigin mo ang bata hindi katulad ng pagpapagalit mo kay manoy na manlalata kapag pagod na.
sabayan mo siyang hanapin ang lakas niya. kumuha ka sa kanya ng aral. huwag mong sabihin sa kanya na na-excite lang ang egg cell ng mama niya at sperm cell mo kaya siya aksidenteng nabuo. iparamdam mo sa kanya na hindi siya mali. iparamdam mo sa kanyang kayang itama ang dating akala mong mali. sabihin mo sa kanyang siya ang pinakamalaking batong naipukol sa’yo. sa sobrang laki ng bukol, natuto kang mabuhay hindi lang para sa sarili mo. 
tsaka please lang, huwag kang tatakbo. kapag nahihirapan ka na, sabihin mo sa kanya para malaman niyang hindi binibiro ang buhay. ini-enjoy pero nag-iingat.
isa pa, wag kang magpakulong sa lipunan. napakaraming posibilidad ang hinahandog ng mundo. hanapin mo. 

Linggo, Hulyo 8, 2012 sa ganap na 2:20 AM sinalpak ni tadong daniel 3 Comments

Nangiti ka na agad? ‘wag ka nang magkaila. Kilala ko ‘yang itsurang yan. Pareparehas kayo. Mapanghusga! Ni hindi mo man lang inalam ang tunay na istorya. Binubuka niyo agad bunganga niyo. Hep! Papaliwanag ka pa? sus, nasaktan mo na ‘ko eh. Ngiti pa lang nakakainsulto na. mas malaki pa bibig mo kaysa utak mo. Oh hindi ba masakit ang mahusgahan? Kwits na tayo.

Naging titser mo ba si ma’am amber sa Aguinaldo elem school? Pakyu siya! Last titser ko siya noong nag aaral pa ‘ko. Hindi ko yun makakalimutan. Noong minsang magkabulutong ako, siyempre absent ako isang linggo. Ang alam ko pumunta doon si mama para magpaalam sa lahat ng kaguruan, sinangguni ang kalagayan ko. Matapos akong gumaling, pagkapasok ko, ang loko lokong titser, bungad agad sa akin,uy welcome niyo bago niyong kaklase.

Hindi ko malaman kung nag iba ba mukha ko noon o sadyang wala lang siyang masabing matino. Simula noon tinamad na ‘kong pumasok, pakiramdam ko out casted ako sa klase. Pati mga kaklase ko inaasar akong damulag. Porke’t ba 5’3’’ ako sa edad na 12 anyos? Tas puro peklat pa tong mukha ko. Hindi ko alam gagawin ko kaya umabsent na lang ako. Noong una tuwing Friday lang. sumunod tuwing Monday na din. Hindi ko na rin kasi makuhang magsipag dahil paulit ulit ang dialog tong si ma’am amber. Uy welcome niyo bago niyong kaklase. ako na lang lagi ang nakikita nila.

Tapos sinabi ko na lang sa mama ko na sa susunod na taon na lang ako mag aaral uli. Sawa na ko sa mukha nila. Kaso ganoon din ang mga nangyari, mas tumangkad pa ko. Edi lalo ako naging tampulan ng tukso. Doon ko napagdesiyunang hindi na talaga mag aral pa. napilit ko rin mama ko  na mag home study na lang. kala ko mas madali dahil solo lang ako sa pag aaral. Pero itong bugok kong guro, kala sobrang talino, ang bilis magturo. Pineperahan lang mama ko.

Hindi na rin ako nakikipagkaibigan kahit kanino. Naging layuin din kasi ako sa mga tao. sa bagay, sinong magtyatyaga sa mukha kong to? Ganyan naman lahat, noong wala pang dungis tong mukha ko lapit sila ng lapit sakin. Mayaman kasi kami saka maganda din ako. Ngayon? Natatawa na lang ako, para silang nandidiri sa tuwing lalapit ako.
Pati mga tambay dito sa kanto namin. Pinupulutan nila ang pagiging out of school youth ko. Sa tuwing dumadaan ako sa harapan nila habang nag iinuman sila, ang lakas makasipol, nakakairita lang. halatang pang asar! Sama na natin yung mga santa santita dito. Mga dala dala ay rosaryo, pero iba ang mga binubulong. Mas inuuna pa ang pagdaldal kaysa sa pagsisipilyo pati ang paghahanda ng almusal. Bigla namang tatahimik kapag dadaan ako. kala nila hindi ko alam na ako ang ninonobina nila. Masyado na raw akong naliligaw ng landas.

Mga banal nga naman, feeling nila sila lang ang tama. Speaking of, binalak ko na ring tumakbo sa kura paroko ng simbahan. Tutal siya na din ang huli kong masasandalan, kaibigan din siya ng mama ko kaya medyo kilala niya ako. pumunta kami ng confession room, hindi uso doon ang tipikal na nakatakip ang muka ng butas butas na kahoy. Magkatabi lang kami ni father, sinasabe ko sa kaniya mga hinanakit ko sa kapaligiran at sa buong mundo. Hagulgol na ang iyak ko noon. mula sa pinakamaliit na kirot hanggang sa nagpapasakit ng puso ko, nasiwalat ko na kay father.

Gumaan na pakiramdam ko. Hinintay lang ako ni father maglabas ng galit. Hinawakan niya kamay ko. Sabi niya magiging maayos din ang lahat. Nangiti ako ng bahagya. Niyakap ko siya bilang pasasalamat. Tama ang nilapitan ko.

Humigpit ang yakap sa akin ni father. Hinalikan niya ang leeg ko! Hinimas niya likuran ko! Hindi ako makawala kay father! Hinalay niya ko! Sa inaakala kong pinakabanal na kapitbahay, siya rin pala ang pinakamapagbalatkayong taong nakilala ko. Ang dami niyang sermon sa simbahan. Natatawa ako kapag ang mga tao sa simbahan eh patuloy pang nagsisimba.

Ako ngayon ay out of school youth at out of the simbahan. Balak ko na ding maging out of the house. Nangingiti ka nanaman. Kala mo imbento ‘to? Ganyan tayo eh, mapanghusga. 

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile