Wala lang. masabi ko lang na may buhay pag ibig din ako. para asteg ako. uso kasi yan eh. Lalo pa’t malamig ang simoy ng hangin. Pasko na talaga. Kaya yung mga samahang malalamig ang pasko (SMP), tila mga kabuteng magsusulputan nanaman. Magsusulputan, mag iingay. Kanya kanyang reklamo at mga sama ng loob ang mababasa muli natin kundi sa text, sa facebook, sa twitter, at kahit dito sa tumblr.
Sasabak din sa laban ang mga problemado sa pag ibig. Cool off kunwari, kailangan ng oras para makilala ang isa’t isa, parang kanta lang. bubuoin ang siyam na gabi ng pagsisimba para makahiling ng lalaki sa buhay o babaeng nais nang pakasalan. Minsan pa’y ang simbahan ang magiging tagpuan ng dalawang gutom sa pag ibig. Maganda.
mga tao nga naman, tayo nga naman. Kapag walang pag ibig, punong puno ng pighati at kalungkutan. Ngunit kapag nakahanap na ng kasama, kanya kanya ring hanap ng butas upang makalusot sa kuyukot ng panaginip.
Nalulungkot lang ako. na sa halip na problemahin natin ang puso natin sa pagkauhaw nito, o kung anu anong mga hinaing ang binubulalas natin, sana magkaroon tayo ng oras para ayusin ang mali sa atin. Baka, kung papalarin, maging dahilan upang bumukas ang pinto. Na sa sobrang pagkasubsob natin, hindi natin naalala ang pagdiriwang ng pasko.
Ako din ay hindi pa wari ang diwa ng pasko. Sa tanda kong to. Pero sigurado ako, hindi ito tungkol sa pagrereklamo. Hinding hindi din ito hahagip sa usapang paghahanap ng makakasama.
Mag-post ng isang Komento