“suportahan po natin ang original pinoy music.” Sigaw ng isang magandang singer sa harapan ng telebisyon. Lumabas nanaman kasi ang kaniyang pangalawang album. Sabi ng kanyang mga producers, yun una umano niyang album eh nakaabot ng 10,000 ang nabentang CD. Ang tibay!
Sinearch ko sa youtube ang pangalan niya. Check ko lang kung anu ano ba mga kanta niya. Acoustic pala ang genre niya. Gitarista pa si tisay. Ganda ng boses. Makakabenta nga siya ng maraming CD. Idol na sana kaso may kulang. Sa aking paghahanap ng kaniyang mga kanta, napansin kong wala siyang original na kanta. Revival queen kumbaga.
Teka lang naman. May tanong ako. Ano ang ibig sabihin ng isang singer? Yun ba ung mga taga kanta lang? yun ba ung mga taong malalamig ang boses? Mala regine velasquez? Sarah Geronimo? Jose mari chan? Erik snantos? Anong sukatan ng isang pagiging tunay na singer o artist?
Sa pagmamasid ko pa sa youtube, hindi naman kasi ako bumubili o bibilli ng album niya, curious lang ako sa mga kanta niya, ang mga kantang kasama sa revive niya ay puro international artists. Nariyan ang mga kanta ni lady gaga, rhiana, Bruno mars, Eminem na ginawang acoustic o rock version. Hindi bat mas maganda na kapag narinig ang kinakanta mo o kanta kasama sa album mo eh ikaw ang maaalala at hindi original singer nito?
“suportahan po natin ang original pinoy music.” Sigaw naman ng manong sa isang gathering kasama ang mga kapanalig niyang mga inugat na sa industrya ng pagkanta. Nabahala na din kasi ang marami sa biglang pagkatamlay ng OPM. Kung sinu sino kasing singer ang nagsulputan na tila umaasa lang sa bagong labas na kanta sa ibang bansa. Kapos na supply ng composer. O marami pa ring composers pero hindi na din sila kinakagat ng mga producers.
Magaling pa rin naman ang mga pinoy sa paggawa ng kanta, hindi ba? The best nga sabi ng iba pagdating sa love songs. Tagos sa puso. Ramdam na ramdam. Nasa producers lang kasi yan, hayok sila sa kita, hindi nila gusto ang mag experiment o magtiwala.
“suportahan po natin ang original pinoy music.” Sigaw ko lang. malamang siguro adik na tayo sa mga kantang sobrang ganda ng beat. Yung mapapasayaw tayo? Yung may tatak nila niki minaj? Ni hindi muna natin iniinda ang lyrics, saka na yun. Pero pag search natin sa google ng lyrics, ayyy bastos!
Kilala pa ba natin ang siakol? Datus tribe? Parokya ni edgar? Kamikazee? Si gloc 9? Si Dong Abay? And Plagpul? Siakol? Kilala nga natin ang iba ngunit halos bilang lang ang kantang alam natin. Papaano kapag kinanta natin ang kantang feelings ng datus tribe makakarinig tayo ng kutya. Kesyo kinanta natin ito, isa tayong jologs o aktibista. Excuse lang, mas maganda pa nga ang lyrics niyan kaysa sa elevator ni florida o sa paparazzi ni lady gaga.
Payo ko lang, bubulong ko nalang sa inyo, nakakahiya kasing umepal. Ayos lang ang makinig sa tagalog songs, pramis! wag kang mandiri kung mabahidan ng tagalog ang ipod mo. Huwag kang bibili ng album na puro revive lang. suportahan lang natin ang mga artistang may ORIHINAL NA MUSIKANG PINOY.
Mag-post ng isang Komento