Gusto kong batukan ang mga batang hindi marunong rumespeto ng mga nakatatanda. Gusto kong bulyawan ang mga nakatatandang hindi marunong makinig sa mga bata. Gusto kong alisin sa isipan ko ang isang pangyayaring ito:
Madilim ang paligid. Hindi halos magkakitaan ang mga naglalakarang mga tao. hindi tulad ng daanan ng mga sasakyan, ang sa atin ay walang diskretong lakaran para sa magkahiwalay na direksyon.
“ay sorry!” napatingin sa akin ang batang trese anyos na ngunit tila pitong taon pa lang sa liit.
“sinasadya?!” tanong niya sa akin na tila kaedaran lamang ang kausapan.
Marahil ay sobrang itim ko na at hindi ako nakita ng bata. Akala niya siguro kaedaran lamang niya ang sinigawan. Napatingin ako sa kaniya, gulat ngunit may ngiti sa labi. ang tapang ng batang ‘to ah. Sabi ko sa sarili ko. Nagtaka, wari ko’y may sinuntok akong tao at nanghingi din matapos sinadyang makasakit. Tumitig ako sa bata mga limang segundo. Natauhan na lang ako nang biglang magsalita ang kaibigan niya, “grabe ka, hindi mo ba kilala si kuya dan? Kung makapagsalita ka.”
“okay lang. sino ba ako? kapitbahay niyo lang ako. hiling ko lang kahit sino pa man ang makatisod o makabangga sa inyo, piliin natin ang mga salitang ating bibigkasin. May salita kasing hindi angkop para sa pag uusap ng hindi magkaedarang nilalang. Kung mas matanda sa atin, paggalang lang. kung mas nakababata naman ay paliwanagan natin ng tama at dapat na asal. Ako, hindi ko kailangan ng respeto. Bastusin ako, wala akong pakialam hanggat hindi ako ang gumawagawa ng kamalian. Ngunit papaano kung iba na ang nakatanggap ng ganyang pahayag sa kabila ng kanyang paghingi ng tawad? Edi nasuntok ka? Matuto tayong rumespeto, kahit sila hindi, ang mahalaga, ikaw marunong.”
Alam mo ang mali ko? Hindi ko to nasabi sa batang iyon. Nilayasan ko lamang siya. diretso sa bahay. Kinausap ang nakababatang kapatid, sinabi ang mga pahayag sa taas. Kilala niya kasi ang bata sa engkwentro. Kasama pa niya sa isang pambatang organisasyon dito sa lugar namin. Kainaman.
Mag-post ng isang Komento