dumating muli ang malalamig na gabi ng disyembre. Simula ng araw ng siyam na umagang paggising ng mga pinoy ng alas tres. Bisyo na din kasi ito ng karamihan. Iba’t ibang pakay, pareparehas ng paraan.
Itong si angelo, pansin ang pagkabalisa. Hindi niya malaman kung sino ang makakasama sa unang sabak niya sa kaugaliang ito. madilim ang paligid, hindi maaari sa kaniyang edad. Limang taong gulang lamang siya kaya’t hindi siya pinipiling makasama ng mga ate at kuya sa pangangaroling. Magiging pabigat lamang siya. isa pa at baluktot pa rin ang dila ng bata.
Kahit ang magulang niya ay nauunawaan ang ang sentimyento ng mga bata. Hindi sila makakakilos dahil may inaalalang bata. Madalin ring mapagod, magpapakarga pa kung nagkataon. Isa pa ay kailangan pang turuan si angelo ng mga kantang pamasko. Tanging alam nito ay mag-ingay gamit ang kutsara’t tinidor. At napakarami pang dahilang sinasabi kaya itong si aling linda ay hindi na ipinilit ang pagsama ng anak.
”halika at tuturuan kita. Papupuntahin kita sa ninang mo, doon ka mangaroling.” Hindi na muling nangulit pa si angelo. Nakikinig kay aling linda, pursigidong matuto.
Ganap na alas syete ng gabi. Hinahanap na si angelo ng kaniyang magulang. Hindi pa ito kumakain. Nagpaalam lamang ito na bibili ng tira tira sa kabilang bahay. Alalang alala na sila aling linda kay angelo, baka bumuntot na ito sa mga batang nangangaroling sa labas.
Pinagtanong na rin nila si angelo sa mga kapitbahay. Nagpatulong upang sa mabilis na pagkahanap, baka abutin ng alas diyes sa daan si angelo o di na makauwi. Ngunit walang nakakita o nakapansin man lang kung saan si angelo.
Tatlumpung minuto pa at nakita na rin ang hinahanap na daga. Hawak hawak ang kamay ni angelo ng isang matanda. Nakangiti, papalapit kina aling linda.
“ay salamat na kay aling teciang ka lang pala. Paano ka napunta doon? Sayo po ba galing yang benteng hawak ni angelo? Salamat po ah?
“naku yang anak mo, nakakatuwa. Nangangaroling sa bahay mag isa. BAHAY KUBO ang kanta. ayan ang Aguinaldo, bente”
Umalis na si aling tecia matapos ang kwentuhan nila ni aling linda. itong mga dapat na kasama si angelo, nanlumo nang makarating sa kanila ang balitang mas malaki pa ang pera ni angelo sa kanila.
Mag-post ng isang Komento