ito ay pawang napapansin ko lamang sa mga tao ngayon. naaalala noong mga panahon pa noong history pa lang ang pinag-aaralan.
sabi sa taoism, natural lamang sa mga tao ang maging mabait. hindi ‘yon bago sa atin. correct me if im wrong, ok? pero yun ang naalala ko. kaya mga TAO huwag po tayong magtaka at mamangha kung ang isang tao o isang kaibigan natin ay mabait. o hindi kaya’y naging mabait sa isang pagkakataon.
siguro sa isang banda ay nasasabuhay na niya ang pagiging isang tunay na tao. ang katangian na sana ay nasa sa ating mga tao lamang, ang maging mabait. minsan na ba tayong nataguring wild people? oo nga’t nauuso ang taguring iyon ngunit diba nangyayari ito kung nasa party animals tayong lugar? hahaha
meron pa, minsan pa ba tayong nagsabing SORRY TAO LAMANG. sabi ng philosophy professor namin na sobrang hina magsalita, ang pagiging tao ay hindi dahilan ng iyong kamalian. sa halip ang pagiging tao ang gawing mong dahilan upang hindi ka magkamali.
kung nagbabasa ka ng mga naunang blogs ko, nabanggit doon ang salitang HUMAN POTENTIAL. kung hindi naman, siguro google mo na lamang. kaya naman sa susunod wag nating sisihin ang pagiging tao natin, ang pagiging mapaisip natin, ang pagiging CUTE NATIN haha, ang pagiging mapasalita natin dahil ang mga nabanggit ay pawang mga biyaya na dapat ipagpasalamat at hindi ipag sorry.
ok lang yun mga pare, mag sorry na lamang tayo next time sa hindi natin paggamit ng tama ng pawang mga biyaya. ang corny ko no? hayaan mo dito lang ako corny haha. joke.
Mag-post ng isang Komento