kapag hindi sa atin ang isang bagay, maging responsable tayo sa paggamit nito.
‘pag dinala natin ito sa ibang lugar ay siguraduhin naman natin na babalik ito nang buong buo at hindi iiwan sa mga dahilang walang katuturan.
hindi iyo tapos iiwan mo sa ibang bahay?
hindi iyo tapos dadalhin mo kung saan saan?
‘pag kinuha sa’yo sasabihin mong wala sa’yo at nandoon sa ibang tao? POOR EXCUSE!!
‘pag alam mong mali ka, ‘wag kang umepal at sumagot sagot para patunayan mo lang na ikaw ay hindi paaaapi.
‘pag hindi mo alam na mali ka at kung makasagot ka na feeling mo karapat dapat ang mga sagot mo, siguro hindi mo alam ang term na analysis of the situation?
mag-isip isip. hindi puro puso ang pairalin. wag gawing tanga ang sarili.
‘pag hindi matanggap ang pagkakamali, normal lang yan sa isang BATANG hindi pa alam ang tunay na salitang PAGKAPANALO AT PAGPAPAKUMBABA.
‘pag hindi na maganda ang sitwasyon, maaring wag na lang sumagot dahil baka magdulot pa ito ng isang napakagulong sitwasyon. na alam nating hindi makatutulong sa pagkakaayos at pagkakaintindihan o pagkakaintindi sa sitwasyon.
there is always a thin line between HAVING SOMETHING TO SAY and HAVE TO SAY SOMETHING.
touch moved. isang palatandaan ng pagiging tunay na tao ay ang kakanyahang makapag-isip muna bago gumawa ng aksyon HINDI ang paggawa ng aksyon at saka tayo mag-iisip.
karl marx’s HUMAN POTENTIAL. pinapaliwanag dito na ang tao, kaiba sa hayop, ay pinagkalooban bukod sa kapangyarihang makapagsalita ay may kakanyahang makapag-isip, makapagplano, makapag-analisa, makapag-konklud bago gawin ang isang aksyon.
ang sa akin lamang ay wag tayong maging padalos dalos sa ginagawa nating kilos.
ang sa akin lang ay pag nakagawa tayo ng mali mula sa kilos kahapon, wag na nating ulitin pa. walang enjoyment na nararamdaman, meron ba?
ang sa akin lang, ang word na sorry ay dalawang syllables lamang, kahit hindi mtanggap ay ATLEAST you tried.
ang sakin lang wala na po.
Mag-post ng isang Komento