dahil nauso ang unlimited text sa kahit saang network, madalas na nating maramdaman ang pangangati ng ating mga daliri kapag hindi nakakapagtext. “kamusta ? hi! kumaen ka na?” puro gnayan lang pero kapag wala na tyong maitext at sawa na sa walang hanggang kamustahan at update-an, tatakbo agad tayo sa saved items o archives. ang baul ng pinagkatago tagong quotes.
message sent. Happy? nabusog na natin ang daliri natin sa pagkalugmok sa kabagutan. minsan hindi pa tayo kuntento sa isang pasahan, syempre may pang umaga, tanghali, gabi minsan panghimagas. sayang unli eh.
baligtarin natin. sila naman ang magpapasa ng kowts sayo. paikot ikot lang ang kowts no? dadaan sayo, ipapasa mo. hala. ang cute lang kasi kahit saang network pa tayo naka subscribe eh pare parehas lang ng kowts sa sirkulasyon, un nga lang iba iba ang sender.
kanina nakatanggap ka ng text. basa. bura. mamaya o kinabukasan may nagtext (tono ni vice ganda haha) ibang tao pero parehas ng content. basa. bura. nakakairita lang dahil sa oras na yon ay may hinihintay kang message. ayiiieee.
pero dahil sa bonggang teknolohiya at high tech ang phone mo, kilala mo na ang sender bago mo pa man mabuksan ang message kapag naka yes button ang show notification mo. maligaya. exciting. excited. hindi ka na manghuhula kung sino ang nagtext o magwi wish ng pangalang gusto mong magtext sayo. sana sana….
bumubulatlat na agad ang pangalan sayo. ano kaya tinext niya? my ngiti sa labi lalo’t ang pangalang lumitaw eh ang taong nagpapatakbo sayo sa tindahan para magload ulit at mag unli. yes! naaalala ka nya.
after how many years, nag text din. ang laman ng text?
“past is past, don’t walk together with it…..”
sows. lumang babasahin. ilang beses nang dumaan sa inbox ko yan eh. pero bakit iba sa pakiramdam? ang sakit! diba nabasa ko na to? anyare? napagtanto ko na din na iba pala ang tama ng kowts kapag ka galing sa isang tao no? iba ang pakakahulugan ng bawat salita sa isang text depende sa taong nagpasa nito.
ang chaket!
Mag-post ng isang Komento