Martes, Mayo 8, 2012 sa ganap na 2:18 AM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

ang dami nang nasabi.

ang dami nang pinakalat.

chismis lang ba o totoo?

sino nga ba ang dapat paniwalaan?

alam ba ng manghuhula mo na mababasa mo to?

papaniwalaan mo kaya na maganda ka? o pogi ka? kung ang nagsasalita ay bulag? (hindi to kasama sa topic)

sino nga ba ang nagsasabing magugunaw ka na? sino nga ba ang nangungulit ng isip na matatapos na ang lahat? sino nga ba ang may matalinong isip na nag imbento na kumain ng isip ng mga taong mahina naman ang kapit sa Itaas?

sa history laging kumukurot sa isip ko ang mga detalye na halos hindi din naman maipaliwanag kung kailan ang totoong pangyayari. bagamat may mga pahayag tungkol sa pangyayaring tinutukoy, para sa batang tulad ko ay hindi pwede lamang ang salitang after death and after birth.

kailan ang tunay? kailan ang exactong pangayyari? hindi ba’t sa story telling ay kailangan ang kwento ay my edad? at araw? at kung ano mang dapat na magpatunay na tama ang mga kwento mo.

kung hindi mo maikwento. pwes BARBERO KA. paano mo mapapaniwalaan ang isang bagay kung hindi naman maikwento ang wh questions? e paano kung may 2012? DECEMBER 12 2012 TO BE EXACT. oha, para talagang matakot tayo ay may date na ng kung anuman. ang cute.

siguro may nagbulong sa kanya ng date na yon tapos TH siya? siguro nga bagabag na bagabag siya sa kanyang sarili at dinamay niya pa ang buong mundo.

sa movies, hindi naman tayo gustong takutin ng mga nito. pinapakita satin na kailangan tayong maging handa sa trahedyang tayo rin ang gumawa.

sabi nga ni kuya kim atienza, panahon ngayon ng pagbabayad sa mga nagawa natin, wala na tayong magagawa para mapigilan ‘to. ang tanging pinakamagandang gawin ay magbawas ng kasalanan:

sa kalikasan

sa sarili

sa kapwa

sa pinaniniwalaan nating Diyos.

SMILES!

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile