sanay na sanay na kami sa mga ganyang eksena. dito ba naman sa lugar namin eh halos matatawag na second tondo ang mga happenings at mga tao.
itong ngang kapitbahay namin eh nag-aaway sa kung sinong titira sa bahay nila. namatay na kasi ang totoong may ari nito. ang eksena pa ay ang nagpupumilit tumira dito na ngayon ay tuluyan nang nakuha ang bahay, ay mga malayong kamag-anak na. at ang mga pinagtabuyan na parang mga asong wala nang pakinabang ang mga originals na anak.
araw araw silang nagtatalo ng karapatan, kumakain ng mga prinitong mura, nagbibigayan ng mga souvenir latay. gayon pa man. talo pa rin itong mga originals na mga anak.
nakakalungkot. dahil itong mga dayo sa bahay na iyon ang mistulang tama sa paningin ng maraming taong mga tenga lang tanging gamit sa buhay. ang bibig ang labasan ng naitatatagong kwento at ang malupit tuwing linggo ay nasa simbahan sila.
sa topic natin, silang nga ay naging palaboy na lamang na tanging nilalaman ng tiyan ay mga limos mula sa kanilang mga katropa.
pumayat na si kuya al na may sakit na hindi ko siguro kung tuberculosis.
na stroke pa itong si tikyo at pilit na naglalakbay upang makapahingi ng pagkain at pangyosi at pang inom. ang saklap niya na dahil iniwan na din siya ng kaniyang 4 na anak kasama ng asawa niya.
tapos na nag away nla. sumisigaw pa rin itong si al dahil sa sugat na natamo niya mula sa palo ni aling layda na hindi kasama sa originals.
bukas maghihinagpis muli silang mga originals sa bahay nilang pinagmulatan. bukas pag gising nila ay mamumulat kaya sila na nakahiga na nakasanayan nilang buhay?
ano nga kaya ang HOME sa kanila?
Mag-post ng isang Komento