wala akong ideya sa kung anumang proyektong pabahay ang nais mong gawin sa pilipinas. hindi ko rin alam kung sino ang nagbubuyo sayo sa lahat ng mga desisyon mo ngayong pangulo ka na ng Pilipinas. tangina niyo po at sumalangit nawa siya.
malamang hindi niyo ko kilala dahil malamang wala kang pakialam dahil malamang pagsapit ng alas singko ng hapon ay tapos na rin ang pagiging presidente mo. puso o masa? wag ka nang sumagot, alam kong mas mahalaga sayo ang patunayang may asim ka pa.
magpapakilala na ko. ako si daniel, tunay na pangalan. nakatira sa sta.ana tenement building, tunay ko ring tahanan. tenement? tenement? hindi ba kumakagat sa tainga mo kapag naririnig mo ang tenement? alam mo ba ang nangyayari doon sa lugar namin? doon sa mga tinuturing mong boss?
pinapaalis na pala kami ng national housing authority sa tenement. ewan ba. condemned na daw ang building. kesyo mahigit 40 taon na tong nakatayo. kesyo marami nang bitak. kesyo nalaman nila na pwede itong gawing pagkakitaan. papaalisin nila ang mga tao rito upang ikumpuni ang mga bitak, at papatirahan sa ibang mga tao na may malaking renta.
matagal nang isyu to eh. pero ngayon mukhang pursigido na ang NHA sa pagpapaalis sa mga kapitbahayan ko. biruin mo, paaalisin kami sa isang maayos na bahay at palilipatin sa isang malaprobinsyang dulo ng bulacan? kaming mga nakatira sa tenement ay mga tax payers, nagbabayad ng ilaw at tubig. tatay ko OFW at kuya ko manggagawa na rin.
nabubuhay kaming marangal. hindi kami parang mga salot lamang na pagtatabuyan sa isang maayos na lugar. responsibilidad ng estado na bigyan ang kaniyang mamamayan ng maayos na lipunang titirhan at gagalawin. pero mukhang baligtad ata ang nangyayari?
maraming mga nakatira sa kalsada, kariton, ilalim ng tulay, illegal settlers. bakit hindi sila ang pagbigyan niyo ng sariling bahay? kasi hindi nila kayang bayaran ang renta sa lugar na yon? hahayaan na lang silang naroroon? bakit hindi sila bigyan ng aral tungkol sa pagiging entrepreneur para makapagsarili silang mamuhay?
bakit kaming mga nananahimik at marangal na nabubuhay dito ang hinihila niyo patungo sa ewan na daan na sinasabi mo. tanung niyo sir kay Binay kung anung balak niyang gawin sa buong kamaynilaan. may hidwaan pa rin kayo? tsk. hindi na nakalimot mga aquino ah. balita kasi na gusto niya umanong mapuno ng condominium ang paligid tulad ng Makati. wala ng mga bahay bahay sa tabi tabi. building lahat. ganito kami sa Makati at buong Maynila.
balik tayo. kung saan saan tayo tumitingin at bumabaling. kung anu anong problema ang ginagawa natin upang magkaroon ng solusyon. hindi muna linisin ang mga tunay na problema ng bansa. nangangalingasaw pa rin ang karumihan ng korapsyon, mga TRAPO, mga epal na pulitiko.
sa abril na pala kami lilipat. hindi ako magmamakaawa sayo. kikilos ang mga namumuno namin. maliit lang ang sweldo nila halos wala pa pero ramdam namin ang paggalaw. hindi kami pwedeng umasa sa tuwid na daan mong iba ang tinatahak.
wala kang bayag. tulad ka nila na ang tanging ginawa ay magpasikat at magpaganda ng pangalan. nais lamang iangat ang pamilya aquino at cojuanco. tangina mo po at sumalangit nawa siya.
Mag-post ng isang Komento